webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

C-103: MY LIFE, MY TREASURE

Magkahalong galit at pagkadismaya ang nararamdaman niya ng muli siyang tumayo mula sa pagkakalugmok sa sahig.

Hindi siya maaaring magpatalo, iyon ang nasa isip niya ng mga oras na iyon.

Muli siyang tumayo upang sumugod at gumanti...

Ngunit pagtayo niya dalawang kalibre kwarenta'y singko ang sumalubong at nakatutok na ngayon sa kanyang mukha.

Dalawang tauhan nito ang bigla na lang humarang sa kanya at tinutukan siya ng baril.

Ang isa ay hawak ni Anton, habang ang isa naman ay kay Lester.

Bagama't napahinto siya ng mga ito ngunit hindi pa rin kakikitaan ng takot si Joaquin.

Pagak itong tumawa at deretso pa rin tumingin kay Dust.

"Magpasalamat ka na lang. Dahil alam kong masasaktan si Amanda sa oras na may gawin akong masama sa'yo!

'Dahil kung ako lang kanina ko pa sana binali 'yang mga buto mo."

"Ah' talaga?!" Painsulto pa niyang tugon.

"Buwisit, tara na nga wala na tayong pag-asa sa isang iyan!"

Tumalikod na ito at nagtungo sa sasakyan na katapat ng kanya.

"Sayang ka Bro! Gusto ka pa naman sana ni Boss noong una, sinayang mo lang... Tsk, tsk, tsk!" Bulong pa ni Anton kay Joaquin.

Bago ito tumalikod at sumunod sa dalawa na nauna nang sumakay sa sasakyan at saka ito pinatakbo ng mabilis.

"Shit, buwisit!"

Naiwan si Joaquin na nagngingitngit pa rin sa inis. Tila hindi naman tumagos sa isip niya ang sinabi ni Anton.

Wala na rin siyang balak na bumalik pa ng Reception lalo na sa itsura at ayos niya ngayon.

Mabuti na lang at abala pa rin ang lahat sa loob, wala isa man ang nakapansin sa kanila mula pa kanina.

Kaya habang abala pa ang lahat dapat na rin siyang makaalis.

Masakit man ang katawan ngunit pinilit pa rin niya ang sarili na makauwi ng maayos. Alam rin niyang magtataka sa kanya si VJ.

Dahil sa ayos niya ngayon siguradong magtatanong ito.

Siguro hihintayin na lang niya na makatulog ito bago pumasok ng bahay. Bukas na lang rin siya magpapaliwanag.

Dahil pagud na siya at ang gusto na lang niya ngayon ay ang makapagpahinga.

Pagdating niya sa kanilang bahay nanatili lang muna siya sa labas ng gate. Sinadya niyang ihimpil lang muna ang sasakyan sa gilid ng gate.

Dahil sa pagtataka lumapit sa kanya ang isa nilang guard at nagtanong.

"Sir! Bakit po kayo tumigil, hindi po ba kayo papasok sa loob?"

Binaba niya ang windshield at kinausap ang guard.

"Ah' dito na lang muna ako, mamaya na lang ako papasok. H'wag n'yo na lang munang buksan ang gate."

"O-okay lang po ba kayo Sir may nangyari po ba?"

Kahit madilim sa loob ng kotse alam niyang nakita pa rin nito ang mga pasa niya sa mukha. Dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng mga poste.

"Wala, okay lang ako h'wag mo na lang akong pansinin. Gising pa ba si VJ?" Tanong niya.

"Kalalabas lang po niya Sir, mukhang hinihintay na po kayong dumating."

"Ah' ganu'n ba? H'wag mo na lang munang sabihin na nandito na ako ha'. Bukas ko na lang siya kakausapin. Sige na baka may makakita pa sa'yo dito sa labas?"

"Sigurado po ba kayo Sir na d'yan lang kayo. Kung gusto n'yo po ako na lang ang magpapasok ng kotse n'yo mamaya? Dumeretso na po kayo sa kwarto n'yo. Para hindi na po nila kayo makita."

"Ah' mamaya na lang dito na lang muna ako maya maya na lang ako papasok."

"Sige Sir, tawagin n'yo na lang po ako kapag may kailangan kayo."

"Okay sige salamat..."

Pumasok na ulit ito at bumalik sa dati nitong pwesto.

Naiwan siya uling mag-isa at muling nauwi sa malalim na pag-iisip.

Ah' ano na ang gagawin niya ngayon? Hiyang hiya siya sa sarili.

Dahil wala na nga siyang magandang balita, umuwi pa siya ng maraming pasa.

Nakakainis!

Pasensya na Anak kung hindi ko pa maiuuwi ang Mama mo.

Pero pangako ko sa'yo Anak mababawi ko rin siya sa mga susunod na pagkakataon. 

_

Patuloy lang siyang naghintay sa labas, hangga't hindi pa niya nararamdaman na matutulog na ang kanyang anak.

Nakita pa niyang itong lumabas, marahil hinihintay talaga nito ang pagdating niya.

Pabalik balik itong tumatanaw sa labas at panay ang tingin sa may gate. Araw araw naman talaga nitong hinihintay ang pagdating niya.

Pagdating niya galing opisina, lagi na niya itong inaabutan sa labas ng kanilang bahay.

Minsan nga magtatago pa ito sa isang poste sa gilid ng kanilang bahay at bigla na lang siya nitong gugulatin.

Kung minsan naman magugulat na lang siya na bigla na lang may yayakap sa kanya mula sa kanyang likuran.

Kaya kahit paano mula ng lumipat sila ng bahay. Palagi pa rin siyang napapasaya nito sa kahit pinaka maliit na bagay.

Kahit pa silang dalawa na lang ang magkasama.

Kaya paano niya haharapin ito ng ganito ang itsura niya?

Siguradong magtataka ito at magtatanong. Kung p'wede nga lang sana siyang magtago ng ilang araw.

Hanggang sa gumaling na ang mga sugat niya, iyon ang gagawin niya.

Huwag lang siyang makita ni VJ sa ganitong sitwasyon.

Pero hindi...

Pero atleast, kahit ngayon lang makaiwas siya sa paningin ng kanyang Anak. Dahil kasi hindi niya gustong mag-alala pa ito sa kanya.

Patuloy pa rin siyang naghintay, kahit pa halos magdadalawang oras na siya sa loob ng kanyang sasakyan.

Paminsan-minsan binubukas na lang niya ang windshield para hindi naman siya masuffocates sa loob.

Dahil iba pa rin ang hangin na nagmumula sa labas. Kahit pa aircon naman ang kanyang sasakyan. 

Lumipas pa ang ilang saglit nang magpasya na siyang pumasok sa loob ng bahay.

Maingat niyang ipinasok ang kanyang sasakyan at tuloy tuloy lang siyang pumanhik sa itaas ng bahay.

Sigurado siyang nasa kwarto na rin si VJ kasama ang yaya nito.

Gusto man niya itong tingnan bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto. Tulad ng lagi niyang ginagawa. Ngunit hindi niya magawa ngayon.

Nagkasya na lang siyang saglit munang tumayo sa labas ng pintuan ng kwarto nito at saglit na makiramdam sa loob.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya sa kanyang dibdib.

Bago siya tumalikod at tinungo na ang kanyang kwarto.

Pipihitin na sana niya ang door knob ng maramdaman niya na parang may kakaiba.

Pakiramdam kasi niya para bang may tao sa kanyang likuran.

Kaya bigla siyang napabaling sa kanyang likuran.

Nabitin ang kanyang paghinga at tila nabagsakan ng mabigat na bagay ang kanyang dibdib. Ilang segundo ang lumipas bago pa siya nakaimik.

"Huh' VJ anong ginagawa mo d'yan Anak, bakit hindi ka pa natutulog gabi na ah'?"

Pilit niyang pinagtakpan ang pagkaasiwa. Ngunit hindi niya napigilan ang pagbigat ng dibdib.

Lalo na nang hindi ito agad magsalita at halata sa mukha nito ang pagkagulat. Nang makita na siya nito sa tama ng liwanag.

Alam niyang hindi na niya maiiwasan pa ang sitwasyon at nakita na siya nito sa hindi kaaya-aya niyang kalagayan.

Ngunit kunwaring hindi niya ito pansin, muli niya itong tinanong.

"Sabi ko bakit hindi ka pa natutulog nasaan si Didang."

"Hinihintay po kasi kita Papa tulog na po si Yaya Didang."

"Kung ganu'n, matulog ka na rin sige na!" Dinedma lang niya ang naging reaksyon nito. 

"Matutulog rin po ako Papa pero pagkatapos kitang tulungan na gamutin ang sugat mo. Halika na po!" Hinila na siya nito papasok sa loob ng kanyang kwarto.

Hindi niya naiwasang mapangiwi sa biglang paghila nito sa kanya. Pero hindi siya nagpahalata.

"Hindi na kailangan sige na Anak matulog ka na, ako na ang bahala sa sarili ko. Okay lang ako!"

"Sa tingin ko po Hindi ka okay. H'wag ka na po kasing matigas ang ulo Papa.

'Kaya ka po napapahamak kasi matigas po ang ulo n'yo Papa."

"Ano, anong sinabi mo?" Nagkunwari pa siyang galit.

Ngunit kahit pa yata takpan niya ng galit ang nangyari sa kanya.

Para bang binabalewala lang nito ang lahat at tuloy lang ito sa ginagawa.

"Basta humiga ka na lang po dito Papa ako na po ang bahala."

"Hindi mo ba ako narinig sabi ko matulog ka na at ako na lang ang bahala sa sarili ko, kaya ko na ito sige na."

"Hindi n'yo po kayang gamutin ang sarili n'yo na mag-isa at sigurado rin ako na hindi n'yo nais magpunta sa Doctor."

"Kaya ko na ang sarili ko!" Ngunit hindi pa rin siya pinansin nito.

"At sa tingin ko po, kailangan mo rin ito Dad!" Sabay abot nito sa kanya ng ice pack na parang dala na nito kanina pa. Dahil hindi pa naman ito umaalis sa tabi niya ah'?

Kaya pala nasa likod nito ang kamay nito kanina pa, pero teka paanong?

"Teka sandali bakit parang alam mo nang.....?"

Naisip niya nakausap kaya nito ang guard kanina?

"Sinabi ba sa'yo ng guard ang nangyari sa akin? Sinabi ko nang huwag sabihin!"

Tila naman parang natigilan ito at nag-isip pa bago sumagot.

"Hindi po Dad, nakita po kitang pumasok akala ko po lasing ka kaya kumuha ako ng ice pack."

Nakumbinsi naman siya nito.

"D'yan ka lang po Papa kukuha lang ako ng gamot."

"Huwag na matulog ka na okay na itong ice pack mo!"

"Hay! Huwag na ngang matigas ang ulo mo sige ka, papaluin ko na ang p'wet mo."

"Anong sabi mo? Buwisit ka talagang bata ka!Hahahaha."

Ngunit imbes na makaramdam siya ng inis natawa na lang siya sa sinabi nito.

Sinamantala naman nito ang sandaling iyon upang saglit na iwan siya at mabilis na kumuha ng gamot.

Pagbalik nito dala na nito ang lahat ng kailangan.

I don't believe this, kung paano nagagawa ng kanyang Anak ang mga ganitong bagay?

Daig pa nito ang isang Nurse ng mga oras na iyon. Kumpleto ang dala nitong gamot.

Kasama na ang isang bimpo at maligamgam na tubig sa isang maliit na palanggana.

Sapat naman para makaya nitong buhatin iyon ng may pag-iingat.

Sinimulan na rin siya nitong punasan. Nang mga oras na iyon nararamdaman na rin niya ang pagkirot ng sugat at sakit ng katawan.

Ngunit tila unti-unti rin itong napapawi nang dahil sa ginagawa ng kaniyang Anak.

Naalala tuloy niya noong unang gamutin siya nito.

Noon ang ginagawa lang nito hinihipan at hinahalikan ang sugat niya.

Ngayon mukhang nag-improved na ito. Dahil matapos siya nitong punasan isa isa nitong nilagyan ng gamot ang mga galos at pasa niya sa buong katawan.

Ito na rin ang tumulong sa kanya para mahubad niya ang kanyang damit at sapatos.

Dahil talagang masakit na ang kanyang katawan. Ngunit pinilit pa rin siya nitong tulungan kahit batid niya na hirap na hirap din ito dahil sa laki niya.

Sa pagkakataong iyon parang gusto niyang umiyak. Napaka swerte talaga niya sa kanyang Anak.

Dahil sa kabila ng lahat ng hindi mabuting bagay na nangyayari sa kanya mula noon hanggang ngayon.

May isang napakagandang bagay na ibinigay sa kanya ang Diyos na muntik na niyang tanggihan noon.

The most valuable treasure in his life and that is.....

My son!

Ang pinaka mahalagang niyang kayamanan.

"Anak hindi mo ba ako tatanungin o pagtatawanan?"

"Bakit po Papa sasabihin mo ba?"

"Hindi!"

"Pero may gusto po akong itanong."

"Ano naman 'yun?"

"Sigurado ka po bang sa kasalan kayo nagpunta kanina o baka naman sa boxing tournament?"

"Siraulo ka talaga! Hindi ka pa ba inaantok? Matulog ka na nga."

"Sandali lang po ilalabas ko lang po ito. Huwag ka muna pong matutulog ha' Papa?"

"Opo!" Natatawa niyang sagot

Saglit itong lumabas pagbalik nito may dala na itong sandwich at gatas.

Hindi niya maintindihan sa sarili pero bigla siyang nakaramdam nang pagkalam ng sikmura.

Hindi pa nga pala siya nakakain ng hapunan. 

"Papa kain ka muna tapos inumin n'yo po itong gamot ha'. Pasensya ka na Papa naubos na kasi 'yun banana bread na ginawa mo kanina. Si Yaya kasi ang lakas kumain!hihihi" Humahagikgik pang salita nito.

"Sandali gamot, ano 'yan?"

"Makakatulong daw po ito para mabawasan ang sakit ng katawan mo Papa." Tugon nito.

"At sino naman ang nagsabi sa'yo n'yan?"

"Eh' di si Mama... Ah' si Mamà po pala ng classmate ko."

"Nagtanong ka sa Mama ng classmate mo kelan, paanong?"

"Basta alam ko na po 'yun Papa matagal na, inumin n'yo na lang po ito kapag tapos ka na pong kumain."

"Sige na nga!" Kahit nagtataka sinunod pa rin naman niya ang Anak.

Ininom pa rin niya ang gamot na ibinigay nito matapos niyang maubos ang sandwich at gatas na ibinigay nito. Nagutom yata siya talaga kaya niya naubos.

Nakita naman niya na ang gamot ay isang klase ng pain reliever. Kaya maaaring para talaga ito sa kirot.

"Okay Papa p'wede na tayong matulog, tulog ka na po Papa."

"Teka sandali nga, hindi ba dapat ikaw ang dapat matulog na?"

"Ikaw din po, Papa!"

"Hmmm!"

"Papa, p'wede po bang dito na lang ako matulog sa tabi mo?"

"Ayun! Hindi p'wede!"

"Sige na po, Papa..."

"Hindi p'wedeng hindi ka mag-toothbrush bago tayo matulog.

'Halika na tulungan mo ako sabay na tayong magtoothbrush Anak."

"Yehey! Lika na Papa..."

Pilit siya nitong tinulungan makatayo hanggang sa makarating sila sa banyo at sabay na nag-toothbrush bago ulit sila nahiga.

___

"Papa..."

"Hmmm?"

"Mahal mo talaga si Mama no?"

Napakunot noo na lang siya sa tanong nito.

Kausap niya ito habang nakaunan ito sa dibdib niya, na tila ba pinakikinggan nito pati ang pagtibok ng puso niya.

"Bakit mo naman naisip itanong 'yan?"

"Wala lang kasi ang bilis ng tibok ng puso mo. Siguro iniisip mo si Mama no?"

"Matulog ka na nga, ikaw ang kung ano ano ang iniisip sige na matulog ka na!"

Ang totoo hindi naman talaga nawala sa isip niya ang babae.

Hindi maintindihan sa sarili pero naiisip niya ito.

Dahil sa ginagawang pag-aalaga sa kanya ng Anak mula pa kanina. Parang nararamdaman niya ang presensya nito.

"Papa, matulog ka na! Huwag mo na siyang isipin kasi mahal ka naman niya.

'Fighting lang Papa!"

"Hmmm, matulog ka na nga!"

"Papa!"

"Ano na naman?"

"P'wede po bang sa susunod na tutuntong ka sa boxing ring iuwi mo na po 'yun prize?"

"Oo na sige na, tulog na! Double prizes pa 'yun iuuwi ko. Gusto mo na ba ng kapatid?"

"Talaga po Daddy?"

"Uhum! Kaya matulog ka na."

"Sige po, Daddy good night na!"

"Okay good night!"

"Daddy...."

"Hmmmm?"

"I love you po!"

"I love you too, Anak. Mahal na mahal kita."

Dahil ikaw ang buhay at ang kayamanan ko.

_____

Mahilo-hilo pa siya pagbaba nila ng sasakyan at pagpasok nila sa bakuran.

Ngunit wala pa ring tigil ang kanyang bibig sa pagbusa. Hindi talaga niya titigilan si Gavin hangga't hindi siya nakakakuha ng magandang sagot mula dito.

"May tinatago ba kayo sa'kin, Ano ba talaga ang itinatago n'yo?"

Tanong rin niya imbes na sagutin ang tanong nito.

"Pambihira, si Dust na nga lang ang tanungin mo pagdating niya. Ang sakit na nang tenga ko sa'yo!

'Binilisan ko na nga ang takbo natin para makauwi na tayo agad. Pero sumakit pa rin ang tenga ko sa bunganga mo!"

"Hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko ah'! Bakit ba kayo naglilihim sa'kin?"

"May mga bagay lang talaga na hindi mo na dapat pang alamin at malaman. Dahil baka masira lang ang buhay mo. Kaya h'wag ka nang marami pang tanong."

"So, may inililihim nga kayo sa'kin?"

"Haysst! Bakit ba ang kulit mo?!"

"Saka sandali nga, naaalala ko hindi ba tauhan ka ni Anselmo? Bakit narito ka, bakit magkasama kayo ni Dust?

'Sandali, ano 'to ha' magkasabwat ba kayo?

'Mga tauhan ba kayo ni Anselmo, ano kailan n'yo ako balak patayin sumagot ka?!"

Tuloy tuloy niyang tanong kahit alam niya na nawawala na rin siya sa katwiran.

"Tang***! Hindi mo ba naisip kung gusto kitang patayin. Pinilipit ko na sana 'yang leeg mo noong nasa Iloilo pa lang tayo."

Bulyaw na nito dahil na rin sa inis nito sa kanya. Kaya bahagya siyang natigilan at napaisip.

"Hey anong nangyari bakit kayo nagsisigawan may problema ba?" Sabay pa silang napalingon sa nagsalita.

"Lyn, kailan ka pa dumating?"

"Buti naman lumabas ka, asikasuhin mo nga ang babaing ito at malapit na akong mairita."

Lumipad ang tingin niya kay Gavin at tiningnan ito ng matalim.

"Sige na, ako na ang bahala sa kanya."

"Ikaw ang buwisit wala kang kwenta, ang sama ng ugali mo! Hindi pa ako tapos sa'yo may kasalanan ka pa sa'kin."

"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob doon kayo mag-usap. Halika na!" Inakay na siya ni Lyn papasok ng bahay.

"Maghanda ka ng cold compress o hot compress bahala ka na! Gamutin mo 'yung mga pasa niya sa braso.

'Siguradong magkakapasa 'yan sa braso, ang tigas kasi ng ulo. Baka makita pa ni Dust bugbugin ako nu'n!

'Sige na pahinga muna ako at saka baka p'wede pakitahi na rin ng bunganga para hindi na makasalita." Saka ito tumalikod at tuloy tuloy na itong pumanhik sa itaas.

"Buwisit!" Pahabol na sigaw pa niya sa lalaki na tinawanan lang naman nito.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo ha'? Sabi ni Gellie um-attend daw kayo ng Wedding." Tanong ni Lyn

"Oo pero Disaster lang ang nangyari. Dahil nakakabwisit lang ang dalawang 'yan!"

"Gan'yan lang talaga sila pero mahal ka nang dalawang 'yan ah'.

'Iyon bang parang isa ka sa itinuturing nilang pinaka mahalaga nilang kayamanan."

"Nagsinungaling sila sa'kin Lyn at alam ko kasabwat ka rin nila!"

"Amanda..."

"Mamaya na lang tayo mag-usap may tatawagan lang muna ako sandali."

Pero bigla niyang naalala...

"Patay!"

"Bakit may problema ba?"

"Yung pouch at cellphone ko, naiwan ko sa kotse ni Joaquin!"

"You mean nagkita na kayong dalawa? Ah' kaya naman pala!"

Tila ba parang nahuhulaan na rin nito ang nangyari...

*****

By: LadyGem25

(04-30-21)

Hello Guys,

Isang mainit na araw sa inyong lahat sing init ng ating istorya... char!

Dahil gusto ko namang makabawi kahit paminsan-minsan lang!hahaha.

Heto na po uli ang ating update, basa-basa na! Sana magustuhan n'yo ulit ito.

Salamat sa matiyagang pagsubaybay.

Hanggang susunod na kabanata...

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS PLEASE...

KEEP SAFE EVERYONE AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.

SALAMUCH ❤️

MG'25 (04-30-21)

LadyGem25creators' thoughts