webnovel

Accidentally, Met You

Matipuno,goodlooking at simpatiko. Iyan ang katangiang taglay ni Josh Lopez,nag-iisang tagapagmana ng JL furniture. Tinagurian din siyang heartbreaker dahil sa mga babaeng napaiyak niya. Hindi naman siya playboy,ngunit bawat babaeng makarelasyon niya ay nagiging possessive. Kaya naman hinihiwalayan niya ang mga ito. Ngunit paano kung isang ang isang katulad niya ay magpanggap na isang beki  para lang takasan ang isang panggyayaring ni sa panaginip ay hindi niya gugustuhin? Balak siyang ipakasal ng kaniyang Ama sa kababata niyang si Laura. Nangako kasi ang pamilya nito na tutulungan silang maisalba ang nalugi nilang negosyo. Mariin niya itong tinutulan dahil wala siyang pagmamahal para sa kababata, dahil sa masama nitong pag-uugali. Nagpasya siyang lumayo para takasan ang problemang kinakaharap niya,ngunit alam niyang hindi siya titigilan ng babae. Maimpluwensiya kasi ang pamilya  ng dalaga.  At doon nga nagkrus ang landas nila ni Azumi,ang babaeng nakabundol sa kaniya. Nag-alok naman agad ng tulong ang dalaga at nakiusap na huwag na siyang idemanda pa ng lalaki. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para samantalahin ang ito. Nagdemand siya na doon na muna siya makituloy sa dalaga dahil kailangan niya ng matutuluyan para makapagtago sa kababata. Kaya naman isang desperadong desisyon ang kailangan niyang gawin para mapapayag ito. Ang magpanggap na isang beki!  Kayanin niya kaya ang ganoong uri ng pagpapanggap?  Hanggang kailan  niya kaya kayang  panindigan ang pagiging beki gayong sa pagsasama nila ay unti-unti namang nahulog ang loob niya para sa dalaga?

Samleigh_G · สมจริง
เรตติ้งไม่พอ
13 Chs

11

KINAGABIHAN hindi mapakali si Josh sa higaan,hindi siya makatulog. Iniisip niya ang sitwasyon ni Azumi sa pagkawala nito ng trabaho,tiyak na magiging malaking pabigat siya rito kahit hindi nito sabihin. Napabangon siya ng higa,kung bakit naman kasi lutang siya nang umalis siya ng kanilang mansion,bukod sa sarili ay tanging mga damit lang ang kaniyang nabitbit. Nakalimutan niya'ng dalhin ang kaniyang ATM na kahit paano ay may maliit na halaga na makakatulong para sa kanilang gastusin.

Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan si Mang Nestor,na sana ay gising pa ng ganoong oras. Ilang ring din ang narinig niya bago tuluyang may sumagot sa kabilang linya.

" Josh,ikaw ba iyan?"

Narinig niya'ng tanong sa kabilang linya.

" Ako nga 'to. Kumusta na po kayo diyan? Ang Daddy ho?"

" Hindi pa rin okay,patuloy pa rin ang panggigipit sa kaniya ni Laura. Nung isang araw nga bigla na lang sumulpot dito,hindi raw siya titigil hangga't hindi ka nahahanap."

Napapikit siya ng mariin ng marinig 'yun. Hindi agad siya nakaimik.

" Kumusta ka na ba diyan,Josh? Palagi kang tinatanong sa akin ng Daddy mo,iniisip niya'ng may alam ako kung nasaan ka. Alalang-alala siya sa'yo," matamlay na wika ng matanda.

" Huwag niyo na lang po sabihin kung nasaan ako,mahirap na baka matunton pa ako ni Laura."

" Saan ka ba kasi tumutuloy? Pati ako sobra ng nag-aalala sa'yo."

" Sa kaibigan ko po. Kaya nga po pala ako napatawag,kailangan ko kasi ng perang panggastos,naiwanan ko 'yung ATM sa kuwarto ko."

" Pambihira kang bata ka,umalis ka pala dito na walang pera? O sige hahanapin ko,tawagan kita ulit,ha?"

" Ah,Mang Nestor,ang Daddy palagi niyo siya'ng bantayan,ha? Kayo na ho muna ang bahala sa kaniya. Pakisabi na rin na, 'wag na siyang mag-alala at okay lang ako."

Mabigat sa dibdib na pinatay niya ang cellphone. Ang totoo ay galit pa rin talaga siya sa Daddy niya kaya hindi niya pa ito kayang kausapin,ngunit bilang anak ay labis pa rin siyang nag-aala rito lalo't hindi ito tinitigilan ng kababata.

" What more do you want,Laura? Bakit ayaw mo pa'ng tumigil? You really a monster!"

Naiinis siya'ng isipin na kahit wala na siya roon ay hindi pa rin nito tinitigilan ang pamilya niya. Hindi niya kayang pakasalan ang baliw na si Laura,kahit ang makita pa ito ay hindi na niya nanaisin pa.

Nang tumawag ulit si Mang Nestor ay ipinaalam sa kaniya na hindi nito makita ang hinahanap. Muli niyang naisip na baka naiwanan niya ito sa kaniyang opisina. Kasalukuyan pa kasi siyang sinasanay ng Ama kung paano i-manage ang kanilang kumpanya bilang siya naman ang magiging tagapagmana. Nasanay kasi siya na iniiwan ang mahahalagang bagay sa kaniyang opisina. Inalok naman siya ni Mang Nestor na bibigyan ng pera,nahihiya man ay tinanggap niya 'yun.

Kinabukasan nga ay maaga siya'ng nagising upang kunin sa money remittance ang ipapadalang pera ni Mang Nestor. At dahil linggo ay alam niya'ng walang pasok ang dalaga at tulog pa ito ng ganoong oras.

Nang lumabas siya ng kuwarto papunta sana ng cr ay nasalubong niya si Azumi,nakatapis lang ito ng tuwalya at mukhang kakatapos lang nito maligo kaya naman natigilan siya.

" Oh,Joshua ang aga mo yata nagising?" tanong nito na hindi man lang makikitaan ng pagkailang,marahil ay iniisip nitong bakla naman siya kaya hindi na ito nahiya pa

" Ah,ano kasi- eh,ikaw bakit ang aga mo nagising?" balik tanong niya rito. Pasimple niya'ng hinagod ng tingin ang magandang katawan ng dalaga.

" May pasok ako ngayon," sagot nito habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok kaya naman amoy na amoy niya ang mabango nitong buhok na nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kunwa ay umiwas siya ng tingin at hindi ito pinansin.

Muli nitong pinulupot ng tuwalya ang buhok at pumunta sa lababo para mag tootbrush. Pagtalikod nito ay pasimple niya na namang sinundan ng tingin ang dalaga. Kahit payat ito ay maganda naman ang hubog ng katawan nito na bumakat sa tuwalya. Hindi niya akalain na sa likod ng maluluwag nitong kasuotan ay nagtatago ang maganda nitong alindog. Biniyayaan din ito ng matambok na pwet at mayamang dibdib. Si Azumi ang tipo ng babae na kahit simple ay tiyak niya'ng head turner ito. Hind nakakasawang titigan ang maamo nitong mukha. Natawa siya sa sarili ng maisip na nagmumuka na siya'ng manyak sa kakatitig sa katawan ng dalaga. Marami na siya'ng naging girlfriend at hindi na bago sa kaniya ang ganoong alindog ngunit tila bakit naging iba ang dating sa kaniya ni Azumi.

Nilingon siya ng dalaga habang puno ng bula ang bibig nito. Nahuli siya nitong nakatitig pa rin katawan ngunit parang hindi iyon alintana ng dalaga.

" Oh,bakit ka nakatanga diyan,ayos ka lang ba?" tanong nito habang muling tinuloy ang ginagawa.

" Ah, 'di-di ba linggo ngayon,m-may pasok ka pa rin?" nauutal niya'ng tanong.

" Oo,eh,kailangang mag doble kayod ako lalo't wala na iyong isa kong trabaho," sagot nito ng matapos sa ginagawa.

Muli nitong tinanggal ang tuwalya na nakapulupot sa buhok kaya muli niya'ng nasamyo ang mabango nitong buhok. Napatitig rin siya sa cleavage nito.

" Bakit ang aga mo'ng nagising?"

Muli ay tanong nito sa kaniya hindi pa rin pansin ang pasimple niya'ng paghagod ng tingin sa katawan nito.

" Mag c-cr kasi ako," tanging nasagot niya.

Agad siya'ng pumasok sa cr at ini-lock ang pinto. Napasandal siya sa pader at napailing-iling na lang.

" Shit! She's hot," aniya pa sa sarili.

Nanlaki pa ang mata niya ng makita niya'ng nakasabit pa ang underwear ng dalaga na mukhang naiwanan nito. Natutop niya ang bibig upang pigilan ang tawa. Sa totoo lang ay hindi naman na bago sa kaniya ang makakita ng underwear ng isang babae. Sa katunayan nga ay siya pa mismo ang nagtatanggal nito. Natawa na siya ng tuluyan sa naisip. Nang matapos sa ginagawa ay nagpasya na siyang lumabas. Paglabas niya ay tumambad sa kaniya ang mukha ni Azumi na halatang hinihintay siya'ng matapos. Bakas sa mukha nito ang pagkahiya.

" Sorry, 'yung mga underwear ko pala naiwan ko, nakakahiya naman!" namumula ang mukha nitong sambit.

Naramdaman din niya ang pagpula ng pisngi niya tanda ng pagkahiya. Bakit nga ba siya mahihiya? Eh,ang alam naman nito ay isa siya'ng beki.

" Sus! Nahiya ka pa,eh,may ganyan din naman ako!" natatawa niya'ng turan.

" Seryoso nagsusuot ka ng undies?" namimilog ang mga matang tanong nito.

Isang malutong na tawa lang ang tanging naisagot niya sa dalaga dahil hindi niya na kakayaning sagutin pa ito.