SAGLIT na natigilan si Josh dahil sa pagkagulat ngunit ng mahimasmasan ay hinawakan niya ang mga balikat ni Sasha bago marahang inihiwalay ito sa kanya. Agad na lumipad ang tingin niya sa mga tao. Mabilis na hinanap ng mga mata si Fabielle. Nakita naman niya ito ngunit nakatalikod na ito at naglalakad nang palabas ng lugar.
Napamura siya saka akmang susundan ito nang may pumigil sa braso niya.
"Josh, let's talk please." Tinig iyon ni Sasha.
Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang pagsusumamo sa mga mata nito. Napabuntong-hininga siya. Hinila niya itong papasok sa opisina niya.
"Look, I don't really have time for this. May kailangan akong---" simula niya.
"Please take me back." Agaw nito sa sinasabi niya.
"What?"
"I just lost my Father. Ayokong mawala ka rin sa akin." Sabi nito at nangingilid na ang mga luha sa mga mata.
"I'm sorry about your Father. Alam mo 'yan dahil malapit din ako kay Tito. Pero 'yong sa atin, matagal nang tapos iyon at alam mo 'yon." Mahinahong sabi niya.
"I know. Pero alam kong maaayos pa natin iyon. I know you still love me. And---"
"No, Sasha. Wala nang maaayos dahil wala na akong nararamdaman pa para sa'yo. I can be your friend, but that's the most I could offer. I found someone---"
"Sino? 'Yong babaeng kamukha ko?" bigla ay sabi nito
"How did you----?" kunot ang noong tanong niya.
"I have my sources. At sino ang niloko mo? Kaya ka lang naman lumapit sa kanya dahil nakikita mo ako sa kanya. Come on, Josh. Kahit kailan hindi siya magiging ako!"
"You're right. Kahit kailan hindi siya magiging ikaw. Kaya nga nagawa ko siyang mahalin nang higit pa sa pagmamahal ko sa'yo noon." Sa mababang boses ay sabi niya. Natigilan naman ito. "So if you'll excuse me, kailangan ko pang ayusin ang gulo sa amin ng taong mahal ko." Sabi niya at naglakad nang papunta sa pinto ng opisina.
"What, Josh---"
"And I'm letting you off easily this time bilang respeto na rin kay Tito. Pero siguraduhin mong ito na ang una't huling beses na gagawa ka ng ganitong gulo dahil sa susunod na mangyari ito at masaktan ang taong mahal ko nang dahil sa'yo, hindi ko na alam ang magagawa ko."