webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · สมัยใหม่
Not enough ratings
34 Chs

20

"SO, Girlfriend...."

"Don't!" agad na awat niya rito. Naitaas naman nito ang mga kamay na punong puno ng pinamili na tila ba sumusuko sa kanya.

"Okay, chill. I was just joking." Natatawang sabi nito.

Inirapan niya ito na lalong ikinatawa nito.

"G-ginawa 'ko lang naman iyon dahil mukhang kailangan mo na ng saklolo. Mukhang balak ka na kasing iuwi ng mga 'yon." Palusot niya bagaman alam niya sa sarili niyang ginawa niya iyon para sa sarili niya. Dahil naiirita siyang makitang napapalibutan ito ng kung sinu-sinong babae.

"Okay, thank you." Sabi nito bagaman dinig pa rin niya sa boses nito ang bahagyang pagtawa. Nang lingunin niya ito ay hindi nga siya nagkamali. He was still smiling.

"You're mocking me!" akusa niya rito.

"No, I'm not." Nakangiti pa ring tanggi nito. Tila nagsasayaw pa rin ang mga mata nito kaya nakumpirma niyang natatawa pa rin ito.

Dala ng hiyang nararamdaman ay nauwi siya sa pagpapanggap na lamang na naiinis siya at tinalikran niya ito saka binilisan ang lakad papunta sa inn.

"Hey, where are you going?" narinig niyang tanong nito.

"Kung saang panig ng Sagada na wala ka!" sigaw niya rito at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Galit ka ba?" tanong nito at ramdam niyang nakasunod na ito sa kanya.

"Ay hindi. Ang saya ko nga eh." Narinig niya ang mga plastic na animo ay ibinababa sa sahig. Gayunpaman ay hindi niya iyon pinansin. Kailangan niyang makalayo rito bago nito makita ang pamumula ng mga pisngi niya sa kahihiyan.

"Fabielle." Wala na ang pagtawa sa tinig nito ngunit di niya ito nilingon.

"What---" nagulat pa siya nang basta na lang siyang hawakan sa braso at higitin itong paharap rito. Ngunit sa halip na matitigan ang mukha nito ay dumiretso ang mukha niya sa malapad na dibdib nito. Bago pa man siya makalayo ay pumulupot na ang mga braso nito sa kanya. "J-josh..."

"You know I like what you did back there..." sabi nito.

"W-what?" ni hindi ma-digest ang sinasabi nito nang maayos. Paano naman kasi ang tanging kinikilala na lamang yata ng utak niya ay ang init ng mga bisig nitong nakapalibot sa kanya.

"Ang sabi ko mas gusto ko ang ginawa mo kanina kaysa noong hindi mo na lang ako pinansin bigla. So don't get mad at me. Masaya lang ako sa ginawa mo." Sagot muli nito.

"O-okay." Ang tanging nasabi niya. Hindi niya sigurado kung tama pa ba ang intindi niya ngunit kahit ano pa siguro ang sabihin nito ay sasang-ayon na lang siya. Paano pa siya tatanggi ganitong nag-eenjoy siya sa posisyon niya nang mga oras na iyon.

"Good." Sabi nito saka siya bahagyang inilayo sa katawan nito. Magrereklamo pa sana siya nang makita niya ang intensidad sa mga mata nito kahit nakangiti pa rin. "Then, may I be allowed to do this?" tanong nito na mukhang hindi naman talaga paghingi ng permiso dahil hindi na inintay nitong makasagot, basta na lamang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. Hindi na siya nagreklamo pa at tinugon na lamang ang halik nito. And besides, bakit pa siya magrereklamo, eh aaminin naman niya sa sariling gusto rin niya iyon.

"Nagdududa na 'ko. Nagiging hobby mo na yata ito. " pabirong akusa niya nang pakawalan nito ang mga labi niya.

"What, kissing you? Hmmm Maybe?" pabiro ding sagot nito saka idinikit ang noo nito sa noo niya habang nakatingin sa mga mata niya.

"Anong maybe? Pangatlong beses na ito simula nang magkakilala tayo."

"Pang-apat." He corrected her.

"I'm pretty sure marunong pa naman akong magbilang." Kunot ang noong sabi niya.

Isang malakas na tawa ang isinagot nito doon bago nito hinawakan ang likod ng ulo niya at ang isang halik ang lumapat sa noo niya. Yup, definitely his hobby.

"Kukunin ko lang ang mga inilapag kong binili natin." Nakangiting sabi nito saka siya tinalikuran.