webnovel

A princess Heart

Your life is your story and the adventure ahead of you is the journey to fulfill your own purpose and potential, Sometimes you will never know the value of a moment until it becomes a memory . So pay attention to the things you are naturally drawn to they are often connected to your path, passion, and purpose in life, Have the courage to follow them.

Emily_Lelis · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
32 Chs

Chapter Thirteen

May biglang umiring boses sa buong campus from radio room.

"Hello Sidney where are you , are you in your class room?, please be out for a while , "

Biglang napatakbo si Rey palabas ng canteen at hinabol ito ni Bimbo.

"Rey saan ka pupunta,?"

"Papasok na ako sa classroom late na ako,"

Pero hindi siya sa classroom pumasok sa ground siya dumiretso. May napakalaking banner sa Lawn Tennis area ang nakasulat.

"Will You  Marry Me  Miss Aubrey Crisologo ," in bold letters.

Alam niya si Eli ang may kagagawan niyon , pero napaluha siya pagkabasa ng nakasulat na iyon, alam niya sincere talaga sa kanya si Eli.

Dali dali na siyang pumasok sa classroom nila pero pag pasok niya ay hindi pa nagsisimula ang lecture ng teacher ang lahat ay nakatanaw sa bintana may isang truck kasi palibot libot sa ground may napaka laki ring banner na ang nakasulat ay pareho ng nakalagay na banner sa may Lawn Tennis area.

"Anong kaguluhan ito Aubrey?"

Tanong sa kanya ng teacher nila.

"Wala po akong alam diyan mam, kadarating ko nga lang po,"

Hindi pa siya nakakaupo ay nag pa excuse naman si Bimbo sa classroom nila sinundan pala siya nito.

"Excuse me po mam puwede pong maka usap sandali si Aubrey?'

"Hay naku ang babata pa ninyo pag aasawa agad ang naiisip ninyo, Ikaw ba Bimbo ang may kagagawan nun,"

"Wala po akong alam diyan mam." Sagot ni Bimbo,

Si Roxy ang sumagot "Mam ang may ari yata ng school ang may kagagawan nun mam,"

"Sinong may ari?"

"Si Elija Ponce po mam, sagot naman ng isa pang ka klase nila,"

"Anong kailangan mo Bimbo may klase kami huwag kang istorbo , umalis ka na pumasok ka na rin sa klase ninyo ," taboy ni Rey sa binata ,

Labasan na si Rey ay nasa radio room hinihintay niya si Angel kasi naiwan nito ang mga gamit nito sa radio room maya maya lang ay dumating si Eli.

"Rey halika na bakit hindi ka pa nagsasara ayan o papagabi na 5:30 na kaya!"

"Hinihintay ko pa si Angel babalik pa kasi yun naiwan kasi niya ang mga gamit pa niya dito , bakit ba kasi nagmamadali ka?,"

"Gusto ko kasing marinig ang sagot mo tungkol sa kasal ano payag ka bang magpakasal na tayo?,"

"Eli ang bababata pa natin saka na muna yan ,"

"Pero payag kang magpakasal tayo?,"

"Oo, bakit?,"

"Kasi ibig sabihin engage na tayo, kaya fiancé mo na ako at fiancée na din kita wala ng bawian Rey,"

May inilabas ito sa bulsa ng kayang itim na pantalon, isa iyong maliit na kahon ibinigay nito iyon sa kanya, pagbukas niya ay dalawa iyong sing sing.

"Heto Rey bigkis na nating dalawa yan, kaya hindi ka na puwedeng magpa ligaw pa sa iba dahil engage ka na," fiancée na kita,"

"Eli kasi kinukulit ako ni Bimbo yung anak ni senador Agustin anong gagawin ko nakakahiya siyang tangihan ang daddy kasi niya ang nagpapa aral sa akin,"

"Rey gusto mo ba na ako ang magsabi sa kanya O kung hindi ay ikaw na lang ,

"Baka kasi mauwi sa away dahil pareho kayo lalaki , ako na lang kaya?

"Sige Rey huwag kang mag alala kung hintuan ka ng sustento ng ama niya ako na ang magpapa aral sayo,"

"Saka na natin problemahin yan tutal bayad pa ako ngayong first semester bahala na baka kayanin na ni nanay kasi madali ng maging chief si nanay, pag naging chief siya tataas na rin ang sahod niya,"

Dumating na si Angel kaya umalis na sila sabay na sila pababa.

"Dalian mo na Rey , kanina pa tayo hinihintay nina Junas ayaw namang mauna hihintayin daw nila tayo dahil pinangakuan ko sila na ililibre ko sila pag pumayag kang magpakasal na tayo , kaya kakain tayong lahat sa labas tawagan mo na rin si nanay Lagring na huwag na siyang magluto dahil ipagbabalot na lang natin siya ng pagkain ngayong dinner ,"

Naging masaya na ang samahan nilang dalawa lagi na silang magkasama sa loob o sa labas man ng campus wala na silang itinatago lagi silang magkahawak kamay, minsan pa nga ay akbay akbay siya ni Eli habang papasok sa kanyang classroom ang mga kaklase niya ay sanay na sa mga nakikitang pagmamahalan nila .

Ngunit dumating ang isang araw na sadyang magbabago ang takbo ng lahat, kahahatid lang ni Eli kay Rey at kapapasok pa lang nito sa kanilang gate ng bigla siyang kinalakad ng dalawang lalaking mukhang mga goons , patungo sa isang kotse na naka park sa gilid ng kalsada ,buti na lang ay nakita ni Bimbo ang pagkidnap kay Rey lagi kasi niya itong sinusundan mula ng magtapat siya ng pag ibig dito umaalis lang siya sa tapat ng bahay nina Rey kung papagabi na. Naki pag break na din siya kay Alyna, ayos na sa kanya ang makita lang si Rey na papasok ng kanilang bahay, kaya ng hapon na iyon ay nakita niya ang pag kidnap kay Rey, umuwi kaagad siya ng bahay at hinanap ang kanyang daddy, mabuti na lang ay nasa bahay na ito.

"Dad si Rey na kidnap,"

"Bimbo paano mo nalaman?"

"Galing po ako sa kanila kanina ng papasok na siya sa bahay ay bigla na lang siyang kinaladkad ng dalawang lalaki at ipinasok sa get away car nila ,"

"Saan siya dinala ng mga kidnappers?,"

"Hindi ko po alam ,"

"Bakit hindi mo alam , dapat sinundan mo ang mga kidnaper para nalaman na sana natin kung saan natin sila hahanapin, nasa iyo na ang pagkakataon Bimbo, bakit pinalagpas mo pa?, naku ikaw na bata ka,"

"Hindi ko na po naisip yun, kasi nag mamadali po ako na ipaalam sa inyo ang nangyari, sorry po dad,"

"Okey lang anak naiintindihan kita , sinasabi niya iyon sa anak at tinapik tapik niya ito sa balikat,"

Sa gesture na iyon ng ama ay medyo na relieve si Bimbo,

"Aaliis muna ako pupunta ako sa himpilan ng pulis ipapaalam ko ang pagkidnap kay Rey, Bimbo huwag ka munang matutulog mag abang ka sa telepono ng mga updates na manggagaling sa headquarters ng pulis at ang cellphone mo dapat laging bukas yan tatawag ako ng mga development tungkol kidnapping

Tatawagan ko na rin ang nanay niya sa San Diego para maka pag desisyon siya ng mas maaga may mga kaibigan pa yan na nandito sa Pilipinas para mahingan niya ng tulong,"

Pagkatawag ng senador sa nanay ni Rey ay nag desisyon si Major Crisologo na umuwi nag alala siyang masyado sa anak,

Dinala si Rey sa isang abandonadong building malayo sa bayan, nakatulog si Rey dahil sa ipina amoy sa kanya ng mga kidnaper,(Amonia), ng magising siya ay naka tali na ang kamay at paa niya, walong malalaking lalaki ang kumidnap sa kanya, mabuti na lang at listo mag isip si Rey naka kita siya ng isang flower vase katabi ng upuan na kinalulugaran niya at binasag niya iyon ng mahina para hindi marinig ng mga kidnaper, matagumpay niyang nabasag ang vase na hindi namamalayan ng mga kidnaper, at unti unti niyang pinadadaanan ng talim nito ang lubid na ipinang gapos sa kanya, kahit sugat sugat na ang kamay niya ay hindi siya tumigil hangang sa nakalas na ang lubid na naka gapos sa kamay niya, yung gapos naman sa paa niya ang sinimulan niyang kalasin at madali lang niya itong nakalas, pero nanatili siyang naka upo para hindi siya mahalata na nakalas na ang pagkaka gapos niya,