webnovel

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? -Writer: 4the_blg3, chasing_dreams a.k.a chace_gonzales

Chace_Gonzales · วัยรุ่น
Not enough ratings
17 Chs

4

Kwarto

"Ikaw yung nakita ko sa lugawan!" sabi ni Latrelle.

Kumunot ang noo ko. Siya pala iyon? Grabe naman ang memorya nito napakatalas.

"Mahilig siya sa lugaw" sabi ni Jez.

Bumaling ang atensyon ko sa lalaking galing sa pangalawang palapag ng bahay.

Naka headphones siya at may dala-dalang libro — Harry Potter ang title ng makita ko.

Kumpara sa kanila masasabi kong siya ang pinakagwapo kung hindi lang ito mukhang suplado.

"T.H, si Kaoree bago nating kasambahay" aniya Latrelle.

Tinignan ako ng malamig niyang mga mata. May kung ano akong naramdaman sa aking tiyan. Maganda ang ilong niya dahil sa balingusan nitong depinado, mapula ang labi niya at ang kabuuan ng kanyang mukha ay makinis. Parang niliha iyon.

"Ah. Sige" sabi nito.

"Yaan mo na lang siya. Ganyan talaga ang isang iyan. Nga pala si Wyn na ang bahala sayo" aniya Jez kaya kuminang ang mga mata ko.

Malandi mode on ng magtagpo ang mga mata namin. Ang amo ng mukha niya! Parang gugustuhin mong pumanaw kung siya ang makikita mong anghel sa langit. Pero joke lang po! Gusto ko pa ng mahabang buhay. Mahabang buhay. Mahabang landi.

"Halika. Pupunta tayo sa kwarto" aniya Wyn na kinuha ang dala kong gamit na binili ni Jez.

Halos malaglag ang panga ko saka ilang beses kumurap.

"May ganyang side ka pala, Wyn?" hagikhik ni Marcus na nasa tabi ni Latrelle.

"Sana all malakas ang loob magyaya" humalakhak ang dalawa sa sarili nilang biro.

Samantalang ito si Jez ay parang gusot na papel ang mukha.

"Tigilan niyo na nga 'yang kalokohan niyo. Ikaw Marcus hindi mo raw sinasagot ang tawag ng Papa mo"

May biglaang pumasok sa isip ko. Ano kayang ginagawa nila sa bahay na ito? Bakit naman kaya sila nagsama-sama rito? May isyu rin kaya sila katulad ng kay Jez?

"Wag mo na lang pansinin ang mga yan. Tara" aniya Wyn ng hinila ako. Nagpatianod ako sa kanya. Iniwan silang nag uusap sa may sala.

Tila uminit ang mukha ko dahil sa pagproseso ng utak ko sa nangyari. Bumitiw ang malambot niyang kamay saka kumamot sa batok. Para bang napahiya siya sa kanyang ginawa.

"Ito pala yung kwarto mo. Pasensya ka na. Maliit"

Pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Binuksan ko ang bintana at tinali ang kulay pink na kurtina. Kitang-kita ang kalmadong Laguna De Bae. Ang simoy ng hangin ay lasap ang kalamigan na hinaplos ang aking balat. Ang sinag ng araw mula sa kwartong ito ay hindi gaanong masakit tignan.

Kumpara sa aking kwarto sa dati kong tirahan ay mas malaki ito. Kahit ang kama ng sandali kong inupuan ay malambot. Ang lagayan ng mga damit ay malaki. May sarili din akong comfort room. Ayos naman pala rito.

Kulang na lang ay kusina at telebisyon para lang maging isang bahay.

Pinatong niya ang mga gamit ko sa kama.

"Mukhang nagustuhan mo yata", sabi niya ng sinarado ang isa sa mga bintana dahil sa pag lakas ng hangin.

"Maganda talaga rito. Kaya nga ayoko ng umalis sa bahay na ito", ang lambing ng boses niya habang nag kwe-kwento parang hinehele ako nito.

"Tara. Dun na tayo sa kabilang kwarto"

Hindi naman gaanong magkalayo ang mga kwarto pero dalawa ang hagdanan. Tig isa sa kaliwa at kanan.

Nang binuksan niya ito ay bumungad sa ang mga Harry Potter posters sa pader. Ang customes din at paintings.

Hahawakan ko sana iyon para mas lalo kong maappreciate pero pinigilan niya ko.

"Wag. Ayaw ni T.H na ginagalaw ang mga gamit niya. Iyon nga pala ang lagayan niya ng maruruming damit. Ang gagawin mo lang dito ay magwalis at magpunas ng sahig saka kuhanin ang labada. Sa pagpapalit ng kubre kama at ng unan ay magsabi ka muna sa kanya"

Asul ang kulay ng kabuuang kwarto niya. May desktop sa tabi ng higaan. May mini library rin siya. Hindi makalat ang kwarto parang babae ang may ari nito. Organisado ang gamit ultimo ang mga sapatos. Nakalagay iyon sa shoe rack base sa kulay nito.

Ilang segundo ay lumabas na kami. Ang sumunod na kwarto ay nagsusumigaw ang kulay pink parang kakambal ng kwarto ko. Si Tyra Bangs agad ang bumungad sa akin. Alam ko na kung kanino ito. Ako ang nagbigay sa kanya ng frame na iyan nung nag debut siya. Debut pang babae yun ang ibig kong sabihin.

"Hindi naman maselan sa gamit si Jez. Alam kong alam mo naman hindi ba, Miss ganda?"

Slow motion pa ang pagtingin ko sa kanya. "Ha?"

"Ikaw. Miss ganda. Sino pa ba?" natatawa niyang sinabi.

Nagagandahan siya sa akin?! Totoo?

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Pilit tinatago ang hiya sa aking mukha. Enebe, Wyn! Weg ke nemen pa-fell!

Sa sumunod na kwarto naman ay...

"Ano ito smokey room? Choss! Smokey mountain?"

Paano ba naman puro papel na ginasumot ang nasa sahig. Nagkalat ang mga sapatos pati ang damit. Nanlaki ang mga mata ko ng may boxers na malapit ng pumailalim sa kama.

Sa tabi naman nito ay desktop pati shelves ng album. Tinignan ko iyon. Puro kay Justin Bieber.

"Dito ka talaga medyo mahihirapan maglinis"

Napakamot siya sa ulo ng bahagyang tinago ang boxers ng kaibigan niya sa ilalim. As if naman na hindi ko nakita iyon.

"Medyo palang ito?" natatawa kong sinabi habang napakamot sa ulo.

Ngumiwi ako ng may foot prints papasok ng banyo.

"Kanino ba ito?"

"Kay Latrelle. Ganon talaga ang isang iyon"

Huminga siya ng malalim tila problemado sa sarili niyang kaibigan.

Ang sumunod na kwarto ay napahanga ako. Ang ganda! Parang isang collector ang may ari nito.

Puro frames na may iba't-ibang klase ng butterfly. May lumang cassette rin sa tabi ng kanyang kama. Ang classic at ang lakas ng nature keme sa kwartong ito. Vintage kumbaga.

Pinagmasdan ko ang mga frames ng maigi ng makalapit ako.

"Ang ganda ba?" tanong nito ng tumabi sa akin.

"Mahilig mangolekta ng ganyang bagay si Marcus. Mana siya sa tatay niya. Mahilig din siyang mag hike"

Kinuha niya ang isang photoalbum sa maliit na drawer.

"Ito yung huli naming hiking. Senior high pa lang yata ako niyan"

Ang cute nila tignan lalo na siya. Hindi ko nga lang gaano makilala dahil iba ang mukha nila. Nandito rin si Jez na may hawak ng kahoy parang si Latrelle ang katabi nito na nakaupo sa malaking bato at maganda ang ngiti. Lima sila sa picture at may kasamang matandang lalaki.

"Sino ito?" tinuro ko ang matanda.

"Iyan tatay ni Marcus. Gusto ko sanang maulit iyan pero malabo na"

Tinabi niya na iyon ng matapos naming pagmasdan.

Syempre ang huling kwarto ay kanya. Ito ang pinaka malinis sa lahat. Pinasadahan ng aking mga daliri ang side table nito. Wala manlang katiting na dumi.

May mini library rin siya pero koleksyon niya ay bible at motivational books. Puting-puti ang kanyang kwarto hindi lang dahil sa itsura nito kundi sa mga gamit niya.

Mula sa unan hanggang sa kurtina lahat ay puti. Hindi kaya ako mahirapan maglaba kapag nadumihan ang mga ito?

"Mahilig ka bang magbasa? Pwede kitang pahiramin ng libro", aniya habang kumukuha ng ilang libro.

"Hindi masyado pero magandang basahin yan kasi motivational saka tungkol sa Diyos" aniya ko.

"Ay sus!" halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Jez na nakatayo sa may pintuan.

"Anong kaharutan yan ha?" tanong nito. Ano ba yan! Bigla ba naman sumingit sa usapan.

Lumapit ako sa kanya at hinigit siya palayo. "Ang epal mo. Moment naman ito!"

"Hay. Nako! Sinasabi ko sayo. Di ka papatulan non, girl!", inikot niya ang kanyang mga mata.

Sa hindi kalayuan. Nadaanan ng tingin ko ang nakakunot noo na si T.H. Sa akin ba siya nakatingin? Bakit naman parang inis? Ano kayang problema ng isang iyon?