webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
15 Chs

Chapter 8

Nang malaman sa eskuwelahan na sila na ni Victor maraming nagtaas ng kilay pero wala siyang pakialam. She's too happy to care. And she couldn't be more at ease sa pagmamahal ng kasintahan.

"Senyorita Candice hinahanap po kayo ni Senyor Teodoro." salubong kaagad sa kanya ng katulong pagkadating niya sa mansion. Nagtaka siya dahil ang alam niya ay mamaya pa ang uwi nito.

Pagkatapos niyang ayusin ang gamit at magbihis ay dumiretso na siya sa mini library ng kanyang Lolo. May kausap ito sa telepono kaya naghintay muna siya sandali.

Nang matapos ito sa ginagawa ay nagtanong agad ito. "Saan ka galing?"

"Sa klase po." hindi naman siya nasisinungaling. Nagkita sila kaninang umaga ni Victor pero nasa eskuwelahan talaga siya maghapon.

"Ang balita ko nag-enroll ka pa rin sa Gregorio. Kahit sinabi ko na sayo na ibabalik na kita sa dati mong eskuwelahan."

"For this summer lang naman po. Marami pa kasi akong back subject. Gusto ko pong humabol."

"Pag-aaral ba talaga ang inaatupag mo?" matigas na tanong nito.

"Sineseryoso ko na ang pag-aaral ko Lolo."

"Then what the hell is this?" galit na tanong nito. Tinapon nito sa harapan niya ang mga larawan. Mga larawan niya yon na kasama si Victor sa eskuwelahan. Pati sa Luneta kung saan madalas silang namamasyal ay may mga kuha na rin ito.

"You're spying on me?" nag-aakusang tanong niya dito. Alam niyang minomonitor ng lolo niya ang grado niya pero di niya inakalang pati ang mga kilos niya ay binabantayan nito.

"Siguro naman alam mo that there is no way I'm going to approved of that boy. Kaya mabuti pa tapusin mo na kung ano mang relasyon meron kayo."

"Hindi ko magagawa ang gusto mo lolo."

"Susuwayin mo ako dahil lang sa lalaki na yan?" may pagbabanta sa boses nito.

"Mahal ko siya." pag-amin niya dito.

"What the hell do you know about love? You just turned eighteen. Ni hindi mo pa nga alam ang salitang responsibilidad. Huwag ka nang makikipagkita kung sino man yang Poncio Pilatong lalaki na yan. O ako mismo ang gagawa ng paraan para magkalayo kayo. I'm warning you Candice. I don't give out empty threats. Now go to your room." utos nito

Hindi na niya ito sinagot pa at sinunod na lamang ito. Mahigit isang oras din siyang nagkulong sa kuwarto. Iniisip kung ano ang dapat gawin. Nang hindi na siya makatiis ay lumabas na siya ng kanyang silid.

"Senyorita gusto nyo bang ipaghain na namin kayo ng hapunan?" tanong sa kanya ng katulong.

"Nasaan si Lolo?"

"Umalis po pero nagbilin na huwag kayong palalabasin ng bahay." sagot nito.

Kinabahan siya dun. Kahit kailan kasi ay hindi sya pinigilan ng lolo niya na umalis ng bahay. His usual punishment eh ipasuspinde lang ang mga credit cards niya.

Gusto niyang makausap si Victor para balaan ito pero wala naman itong cellphone. Kaya napagpasyahan niyang lumabas ng mansion. Dumoble ang alerto ng dalawang guwardyang nakabantay nang makita siya ng mga ito.

"Aalis muna ako sandali." paalam niya sa mga ito kahit alam naman niyang hindi siya papayagan.

"Nagbilin po kasi ang lolo ninyo na hindi kayo puwedeng palabasin."

"Wala naman si Lolo. I'll be back before you even know it."

"Hindi po talaga puwede." matigas na sagot ng mga ito.

"Okay fine. Samahan nyo na lang ako." Suhestyon niya sa mga ito.

"Saan po ba kayo pupunta?"

"Gusto kung magjogging nabobored ako. Siguro naman papayagan nyo na ako tutal naman kasama ko ang isa sa inyo."

"Sige po ako na lang ang sasama." Volunteer ng isa na malamang ay nakulitan na sa kanya.

Napangiti siya sa pagpayag ng mga ito. Dahil hindi naman siya puwedeng magdala ng gamit ay wallet at cellphone lang ang kanyang bitbit.

Mabagal lang ang ginawa niyang pagtakbo. Nang malapit na sila sa main gate ng subdivision ay huminto siya, kunyari ay nagpapahinga. Timing naman na tumunog ang cellphone ng guwardya. Lumayo ito ng konti sa kanya at sinagot ang tawag. Doon na siya nakakita ng pagkakataon. Mabilis siyang tumakbo para makatakas. Narinig niya ang pagsigaw nito pero hindi siya huminto.

Ng makakita sya ng taxi ay pinara niya agad yon. At tuluyan na nga syang nakatakas.

Patapos na ang shift ni Victor sa pinagtatrabahuhan nitong burger stand nang dumating siya kaya nakapag-out agad ito nakangiting nilapitan siya.

"Bakit napadalaw ang prinsesa ko? Medyo late na ah." tanong nito.

"Tumakas lang ako sa amin para sabihin sayo. Victor alam na ni Lolo ang lahat." Wala nang paligoy-ligoy niyang sabi dito.

"Hindi ka dapat tumakas. Paano kung magalit ang lolo mo sayo?"

"Sinabi niya sa akin na bawal na kong makipagkita sayo." kuwento niya dito.

"Hindi ka naman siguro makikipaghiwalay sa akin diba?" may takot sa boses na tanong nito.

"Wala akong balak na hiwalayan ka. Kaya lang ngayong alam na ni Lolo ang tungkol sa relasyon natin siguradong ipapadala niya ako sa abroad. Dapat kasi mas nag-ingat ako." sisi niya sa sarili.

"Wala kang kasalanan. Malalaman din naman ng lolo mo ang lahat. Ang mabuti siguro kausapin ko siya. Sasabihin ko na mabuti ang intensyon ko sayo. Mauunawaan naman siguro niya tayo di ba?"

"I wish I could tell you that. Pero hindi ka niya magagawangg tanggapin." Pag-amin niya dito.

"Dahil hindi ako mayaman?" malungkot na tanong nito. "Pero kaya ko namang magsikap. Alam mo yon."

"I'm sorry Victor." Naisip niya noon na kung makakapagtapos ito at makakahanap ng magandang trabaho ay baka her lolo would reconsider. Pero kanina she realized na hindi mangyayari yon. Kapag nakapagdesisyon na ito sa isang bagay o tao hindi na magbabago ang isip nito. Kahit ano pang pakiusap ang gawin niya hindi ito matitinag.

Sandaling nanahimik si Victor. Nakatingin lamang dito si Candice naghihintay ng sasabihin nito. "May dala ka bang gamit?" sa wakas ay tanong nito.

"Cellphone at wallet lang."

"Saka na lang tayo bumili ng pamalit. Tayo na." aya nito.

"Sandali saan tayo pupunta?"

"Hindi pa ako sigurado pero kailangan muna nating makalayo dito."

Hindi alam ni Victor kung saan siya dapat mas mangamba sa katotohanang maaaring alam na ng lolo ni Candice ang ginawa nitong pagtakas kaya pinapahanap na sila nito o ang napipinto nilang pagtatanan. Nakapagdesisyon na siya. Tama man o mali Kahit anong mangyari hindi sila maghihiwalay ni Candice. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito habang nag-iisip ng susunod niyang hakbang.

"Nababaliw na ba kayong dalawa? Alam nyo ba ang pinapasok niyo?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Luke.

Ito agad ang unang naisip na tawagan ni Victor dahil alam niyang tutulungan siya nito.

"Pare huwag mo na kaming sermunan. Hindi na magbabago isip namin." tahimik lang si Candice habang nag-uusap silang dalawa.

"Ewan ko sa inyo. Kapag nalaman ito ng Tita Ellen at TIto Feliciano mo siguradong ako pa ang mapapagalitan ng mga yun."

"Kaya nga kita tinawagan. Hindi kami puwedeng umuwi baka mahanap kami ng Lolo ni Candice.. Ikaw na lang ang magsabi kina Tito at Tita para di sila masyadong mag-alala. At tsaka baka may alam kang lugar kung saan puwede kaming tumira pansamantala." pakiusap niya dito.

Sandali itong nanahimik at nag-isip. "Okay sige kung di na magbabago desisyon nyo meron akong alam na lugar. Sasamahan ko kayo."

"Salamat Luke alam ko we're such a bother pero wala na talaga kaming mahihingan pa ng tulong." hingi ng pasensya ni Candice dito.

"Okay lang ako. Kayo tong inaalala ko. Di biro tong pinasok nyo. Basta siguraduhin nyo lang alagaan nyo ang isat isa." paalala nito. "Tayo na at baka may makakita pa satin dito." aya na nito sa kanila.

Isang maliit na kuwarto ang lugar na tinutukoy ni Luke. Napakasimple ng buong silid pero kahit may kaliitan ay may banyo, tubig at kuryente naman iyon. May higaan na rin at maliit na tokador. Mababa lang din ang upa at napakiusapan pa nila ang may-ari na huwag na silang pagbayarin ng deposito. Sinusuwerte pa rin sila.

Nang makaalis na si Luke at silang dalawa na lamang ni Candice ang naiwan sa maliit na silid ay tsaka doon tila napagtanto ni Victor ang bigat ng ginawa nilang desisyon. Hindi talaga siya nag-isip kanina nang basta na lamang niyang itinanan si Candice.

Pero sa kabila ng kumplikadong sitwasyong sinuong niya hindi talaga siya nakakaramdam ng anumang pagsisisi.

Pinagmasdan niya si Candice na kunyari ay abalang inaayos ang matigas na papag.

"Medyo may katigasan itong higaan. But i can manage. I remember when my friends and I went on a camping trip. Medyo nahirapan din ako dun. Atleast dito may banyo." kuwento nito habang nillalatag ang bedsheet.

Hindi ito nakatingin sa kanya. Ramdam niya na kinakabahan ito at di mapakali. Kaya nilapitan niya ito at walang anu-ano ay niyakap mula sa likuran. Dama niya ang tahip ng dibdib nito. Halos sabay ang tibok ng puso nila. Tumigil ito sa ginagawa.

"Hindi magiging madali ang lahat Candice." halos pabulong niyang sabi dito. "Simula ngayon magbabago na ang buhay mo, ang buhay natin."

Humarap ito sa kanya. "Alam ko. And I'm willing to face a life with you Victor. Mahal na mahal kita." deklara nito.

Ang malamyos nitong boses at ngiting puno ng pagmamahal ay tila mayuming hangin na tuluyang nag-alis ng pangamba sa kanyang puso. Mahal nila ang isa't-isa at yun ay sapat na. Kakayanin niya ang lahat basta't kasama niya ito.