webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
15 Chs

Chapter 10

Nang malapit na siya sa sakayan ng jeep ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Ilang araw nang ganito ang pakiramdam niya. Nung una inisip niya na low blood lang pero nakakaramdam na rin sya ng pangangasim ng sikmura lalo na sa umaga.

Pilit lang niyang tinatago kay Victor ang nararamdaman para di ito mag-alala. Pero kahit siya ay nagdududa na sa kalagayan niya. Kaya nang medyo umayos na ang kanyang pakiramdam ay bumili ng pregnancy kit.

Pagkauwi niya ay binuksan niya agad yon at sinundan ang instruction na nakalagay. Habang hinihintay niya ang result ay tinuloy na muna niya ang paglalaba. Pasado alas kuwatro na nang matapos siya sa pagsasampay ng mga nilabhan. Dahil hindi pa rin talaga sya sanay sa trabaho ay medyo sumama uli ang pakiramdam niya.

Dun niya naalala ang pregnancy kit na iniwan niya sa banyo. Kinuha niya yon at tiningnan. Nakita niya ang dalawang linya indikasyon na positibo ang resulta. Tama ang hinala niya, buntis siya. Medyo kinabahan siya sa nalaman pero mas nangibabaw pa rin ang saya.

Siguradong matutuwa si Victor kapag sinabi niya dito ang magandang balita. Nahiga muna siya sandali para magpahinga. Dahil sa pagod ay mabilis siyang nakatulog.

Nagising si Candice sa sunod-sunod na katok. Tumingin siya sa wall clock. Pasado alas otso na pala. Napahaba ang tulog niya.

"Sandali lang." Sagot niya nang wala pa ring humpay sa pagkatok ang nasa labas na tila ba nagmamadali. Nang sumilip siya sa may pinto ay si Luke ang nakita niya. Tuluyan na niya itong pinagbuksan. "Napadalaw ka. Hindi pa umuuwi si Victor. Tuloy ka muna." Pero hindi ito pumasok.

"Candice" tila may gusto itong sabihin pero nag-aalangan at tensyonado ito.

Dun na siya kinabahan. "Anong nangyari?" Tanong niya dito.

"Si Victor naaksidente. Nasa ospital siya ngayon."

Tila isang bombang sumabog ang sinabi nito. Namanhid ang buong katawan niya. "Candice" narinig niyang may tumawag sa kanya pero hindi niya magawang sumagot.

Para bang hindi pa rin tanggap ng isip niya ang mga nangyayari. Hanggang sa isang malakas na tapik ang tila gumising sa kanya. Hawak na pala siya ni Luke dahil muntik na siyang matumba.

"Okay ka lang ba?" tanong nito.

"Si V-victor" naiiyak niyang sagot dito.

"Sasamahan kita papunta ng ospital. Tatagan mo ang loob mo Candice." Pakiusap nito.

She tried to collect herself at pagkatapos ay nagmamadali niyang kinuha ang kanyang jacket at sumama kay Luke.

Nang dumating sila sa ospital ay may naabutan silang may edad nang babae, histerikal ito. May kasama itong lalaki na umaalo dito. "Nasaan na ang pamangkin ko?" tanong nito sa mga nurse.

"Sina Tita Ellen, nandito na rin pala sila." inform sa kanya ni Luke. Lumapit ito sa dalawa at siya naman ay bantulot na sumunod dito.

"Tita Ellen nasa operating room pa po si Victor. Huwag kayo mag-alala siguradong magiging maayos ang lagay niya. Oo nga po pala si Candice kasintahan ni Victor." Pagpapakilala nito sa kanya.

Lalapitan sana niya si Tita Ellen para magmano pero tinabig nito ang kamay niya.

"Lumayo ka sa akin. Kasalanan mo tong lahat. Ikaw ang malas sa buhay namin." sigaw nito. Nagitla siya sa sinabi nito.

"Ellen tama na. Walang may gusto sa nangyari. " pakiusap dito ng lalaki na marahil ay si Tito Feliciano.

"At bakit mo ako pipigilan? Totoo naman ang sinasabi ko. Dahil sa kanya kaya ginipit tayo ng lolo niya. Inalisan niya ng scholarship ang pamangkin natin. At hindi pa siya nasiyahan ginamit pa niya ang kanyang impluwensya para matanggal ka sa trabaho.

Kaya nga napilitan si Victor na magtrabaho bilang jeepney driver para buhayin siya. Kaya ang babaeng yan ang may kasalanan kung bakit nasa bingit ngayon ng kamatayan ang pamangkin ko. Naiintindihan mo, ikaw ang salot." duro nito sa kanya.

Kaya pala sobra sa pagtatrabaho si Victor dahil inalisan ito ng scholarship. Malamang ay nag-iipon ito para hindi matigil sa pag-aaral next sem. Lumabas siya sandali ng hospital para magpahangin at makapag-isip na rin.

Sinundan siya ni Tito Feliciano.

"Candice pagpasensyahan mo na si Ellen." hinging paumanhin nito.

"Totoo naman po lahat ang mga sinabi niya. Ako ang nagdala ng malaking problema sa buhay nyo. Pasensya na po."

"Hindi mo kasalanan ang mga nangyari. At tsaka malalagpasan naman natin itong lahat. Oo nga pala ilalabas na si Victor ng operating room at dadalhin sa ICU. Ang mabuti pa pumunta na tayo dun at maghintay."

"Paano po si Tita Ellen?"

"Iniuwi na muna siya ni Luke. Baka lalo lang siyang magkaroon ng nervous breakdown kapag nakita niya ang kalagayan ni Victor. Babalik na lang siya dito kapag mas maayos na ang lagay niya."

"Pasensya na po talaga. Hindi ko po alam na magkakaganito ang lahat. Kung hindi dahil sa akin hindi ito mangyayari."

"Huwag na muna nating pag-usapan yan. Sa ngayon ang mahalaga buhay ang pamangkin ko. Tayo na puntahan na natin siya."

Sumunod naman na siya dito. At Ilang sandali pa ay inilabas na nga sa operating room si Victor. Naiyak siya dahil sa kalunos-lunos na kalagayan nito. Ayon sa kuwento ng mga tanod na tumulong na magdala dito sa ospital ay binangga ito ng isang kotse na mabilis ang takbo. Hindi na naiiwas ni Victor ang jeep kaya napuruhan ito ng impact. Nakabenda ang buong katawan nito. Nakacast din ang nga braso nito at binti. Tahimik siyang naghihinagpis sa sinapit ng kasintahan.

"Victor." Mahina niyang sambit sa pangalan nito. Gusto sana niya itong yakapin pero natatakot naman siyang lalo pa itong masaktan.

Ayon pa naman sa doktor ay hindi pa stable ang lagay nito. Nagkafractured ang ribs nito kaya apektado ang baga at paghinga. Mabuti na lamang at walang major organ na napinsala dahil kung hindi ay mas naging malala pa ang lagay nito.

"Uncle okay lang po ba talagang dito lang nakaconfine si Victor. Hindi po ba masyadong maselan pa ang lagay niya? baka kailangan natin siyang ilagay sa hospital kung saan matututukan siya ng husto." tanong niya kay tito Feliciano.

"Kahit gustuhin kung ilagay siya sa magandang hospital at kuwarto hindi ko kaya.

Ayokong mag-alala ka pero ni hindi ko nga alam kung saan ko kukuning kamay ng Diyos ang pera para sa mga gamot niya. Ang sabi ng doctor kailangan pa niyang magtagal dito sa ospital para maiwasan ang komplikasyon.

"Magkano po ba yung kailangang bayaran?"

"Hindi pa rin ako sigurado pero sa ngayon yung mga gamut muna ang aasikasuhin ko. Kaya ikaw muna ang magbantay dito dahil kailangan ko munang umalis para dumilihensya ng pera."

"Sandali lang po ako na lang po ang aalis. May pera pa po ako na puwedeng i-withdraw. Kasya pa naman siguro yon para sa gamot. Sabihin nyo na lang po sa akin kung may kailangang bilhin." Pagboboluntaryo niya.

"Sigurado ka ba?"

"Sigurado po ako. Tsaka kung puwede po sana ilagay nyo po siya sa maayos na kuwarto kapag puwede na siyang ilabas sa ICU."

"Sige gagawin ko ang gusto mo."

Bago umalis Si Candice ay pinuntahan uli niya si Victor. She looked at his pale and worn out face. Kahit sinabi ni Tito Feliciano na wala siyang kasalanan. She can't help but feel guilty sa sinapit nito. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa mukha nito. And lightly kissed him.

"Tandaan mong mahal na mahal kita." Bulong niya dito. And then quietly left.