NAGDESISYON na akong kausapin ng masinsinan si Robi. Maa maigi iyon para matapos na ang lahat at para hindi na rin kami magkasakitan. Siguro sapat nang dahilan iyong mga nangyari para matuldukan na kung anong meron kami.
Dito ako nagpunta sa condo niya. Tinawagan ko soya bago ako pmunta at pumayag naman soya na mag-usap kami.
Si Terrence, gusto niya sana akong samahan pero pinigilan ko siya. Nakiusap ako na hayaan ako. Labas siya sa problema namin ni Robi. Pasalamat ako sa kaniya dahil nariyan siya para sa akin pero sa pagkakataong ito, kailangan ko itong haraping mag-isa.
Nang makapasok ako sa unit ni Robi ay tumambad sa akin ang magulong salas. Maraming bote ng beer at maraming kalat.
"Robi." Tawag ko sa kaniya.
"B-Baby..."
Mabilis siyang lumapit sa akin saka ako niyakap.
Nqgpumiglas ako. Hangga't maaari ay ayokong bumigay ako sa kaniya. Iyong yakap niya... ayokong maramdaman dahil nagiging mahina ako.
"Babalik ka na ba sa akin, baby? Dito ka na ulit sa akin?"
Pulang pula ang mga mata niya. Mukhang galing siya sa pag-iyak.
Huminga ako ng malalim. "Nagpunta ako rito para linawin sa 'yo na wala na tayo. Na hanggang doon nalang talaha ang relasyon natin. Tapusin na natin 'to, Robi. Kasi pareho lang tayong nasasaktan." Sabi ko.
Buong buhay ko mula nang makilala ko siya, hindi ko naisip na darating kami sa puntong ito.
"Hindi, baby. Hindi ko kaya. Mababaliw ako kapag iniwan mo ako. Ang sakit sakit sa akin..."
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Naaawa ako sa kaniya, oo! At bihira ko siyang makitang ganito na umiiyak.
"Alam kong nagkamali ako, baby. Nasaktan kita at nasabihan ng masasakit na salita pero mahal kita. Mahal talaha kita. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na tumanda na hindi ikaw ang kasama ko. Matagal na natin 'tong pinapangarap 'di ba? Magkasama tayong tatanda. Keeshia, baby..."
Naalala ko noong mga panahong wala kaming ginagawa kundi magkwentuhan tungkol sa mga plano namin for the future.
Hindi ko na napigilan ang luha ko.
"Alam mo ba? Nagsisisi ako kasi... kasi sinayang ko 'yung ilang taong pagsasama natin dahil sa panandaliang kasiyahan. Nagsisisi ako, baby."
Lalo akong naiyak. Ngayon ko lang nakita si Robi na umiiyak ng ganito.
"Kung pwede ko lang ibalik ang oras, hindi ko gagawin 'yon. Hinding hindi kasi mahal na mahal kita."
Kaya ko 'to. Hindi ako magpapadala sa emosyon ko. Niloko niya ako. Ginawa niya akong tanga. Sinaktan niya ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.
"Anong gusto mong gawin ko baby? Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon para itama ang lahat. Nagmamakaawa ako."
Hindi ko na mapigilan ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi aki makapagsalita. Hindi ko inaasahang gagawin niya 'to.
"Keeshia... nagmamakaawa ako.ano bang dapat kong gawin para hindi mo ako iwan? Magpapakamatay ba ako? Iyon ba? Gagawin ko!"
Naalarma ako nang bigla siyang tumayo at kumuha ng kutsilyo sa kusina. Mabilis ko siyang nasundan.
"Robi!"
"Magpapakamatay ako! Baka sakaling maawa ka sa akin. Para hindi mo ako iwan."
"Robi please, ibaba mo 'yan!"
Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin ang ganito. Nasasaktan ako sa pinapakita niya ngayon.
Umiling siya. "Iiwan mo lang din naman ako. Wala na ring kwenta ang buhay ko. Sige na, iwan mo na ako. Hayaan mo na akong mamatay dito. Wala akong kwenta! Kasalanan ko kung bakit mo ako iiwan. Hayaan mo na ako..."
Isang bagay lang ang na-realize ko.
"Bitawan mo na 'yan. Hindi kita iiwan. Pangako. Hindi kita iiwan."
Na-realize kong mahal na mahal ko ang lalaking ito at hindi ko kayang makita siyang ganito nang dahil sa akin.
"Talaga? Hindi mo ako iiwan? O sinasabi mo lang 'yan dahil magpapakamatay ako?"
"Mahal kita, Robi. Mahal na mahal kita kaya hindi kita iiwan." Sabi ko.
Nagiging tanga talaga tayo kapag mahal natin ang isang tao. Buo ang desisyon kong tuldukan ang relasyon namin pero heto ako, bumigay na naman sa kaniya.
Mahal ko e. Mahal niya din ako. Wala naman sigurong masama na bigyan siya ng huling pagkakataon?
Binitawan niya ang hawak na kutsilyo saka mabilis na lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit.
Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko.
"Mahal na mahal kita, Keeshia. Huwag mo na akong iiwan..."
Umiling ako.
"Salamat... salamat."
Mahirap kalabanin ang puso. Kung palaging isip ang paiiralin, paano tayo sasaya? Oo, gusto ng isip ko na tapusin na ang lahat pero tutol ang puso ko. Sinubukan kong maging malakas pero hindi ako nanalo sa gusto ng puso ko.
Mahal ko ang lalaking 'to. At siya ang lalaking pinangarap kong makasama habang buhay.
Siguro ay nadala ako sa panandaliang kasiyahan kay Terrence pero iba iying pangmatagalang kasiyahan na maibibigay sa akin ni Robi.
He was my first love. And definitely my last.
♦♥♣ ♠
HINDI ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Masaya dapat ako. Maayos na kami ni Robi. Doon ako natulog sa unit niya kagabi at masasabi kong bumalik na siya sa dating Robi na minahal ko.
Wala aiyang ginawa kundi lambingin ako. Nanood kami ng movie habang nagkukwentuhan. Ilang beses din niyang sinabi sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Day off ko ngayong araw. Si Miss Hestia ang tatao sa cafe at ang asawa niya kaya napag-usapan namin ni Robi na mamasyal mamayang hapon pagkatapos ng trabaho niya.
Pagbukas ko ng pinto ay halos mabitawan ko ang susi ko dahil bumungad sa akin si Terrence. Nakatayo siya sa harap ko.
"You didn't go home last night."
Hindi ako nakasagot.
"Where were you?"
"Pagod ako---"
"With what? Making out wih your fucking ex boyfriend?" Sarkastiko niyang tanong.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano bang sinasabi mo?!"
"You were at his condo unit, Keeshia! Putangina, I stayed the whole night waiting for you outside the building pero walang anino mo. So you slept with him? You gave your virginity? What? Naging mahina ka na naman at bumigay sa gago na 'yon?!"
Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang kamay ko para sampalin siya.
"Buhay ko 'to, Terrence. Wala kang karapatang magsalita ng ganyan!"
Ngumisi siya. "So it's true."
"Wala akong sinabing totoo! Oo, aaminin ko, bumigay ako! Bumigay ako dahil mahal na mahal ko siya. Ganoon din siya, Terrence! Mahal niya ako. Mahal na mahal."
"Bullshit."
"Kaya utang na loob, Terrence? Hayaan mo ako sa desisyon ko dahil unang una, hindi tayo magka anu ano! Hindi kita boyfriend, hindi kita kamag anak, hindi kita pamilya. Ka-trabaho lang kita!"
"Ka-trabaho."
"Masaya na ulit kami. Okay na kami. Ayos na 'yon sa akin. Nangako siya na hindi na niya uulitin ang ginawa niya. Masaya kami, Terrence. Mahal niya talaga ako." Tumulo ang luha ko.
Umiling siya. Bakas sa mukha niya ang dismaya. "Sabi mo tatapusin mo na ang lahat ng namamagitan sa inyo."
"Oo, sinabi ko pero hindi ganoon kadali, Terrence! Mahal ko e. Mahal na mahal."
"Putangina namang pagmamahal 'yan, hirap tibagin!" Sigaw niya. "Niloko ka niya. Ginago ka niya. Hindi ka mahal ng gago na 'yon!"
Muli ko siyang nasampal. "Sino ka para sabihin 'yan? Hindi mo hawak ang puso niya! Hindi ikaw siya! Wala kang karapatan dahil wala kang alam sa nararamdaman niya!"
"Yes, you always say that. Alam kong wala akong karapatan. Ka-trabaho lang ako, right? Fuck, right. But hell, Keeshia I told you! I fucking told you that I won't let you cry again because of that asshole!"
"Hindi na ako iiyak. Hindi na dahil masaya kami. Masayang masaya na ulit kami. Bumalik na siya sa dati. Iyong Robi na mahal na mahal ko. Bumalik na siya."
"Then how about me?"
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Tigilan mo na ang pagbibiro ng ganyan, Terrence. Pinatira kita dito dahil pinakiusapan ako ni Mrs. Palermo pero hindi ibig sabihin ay hahayaan na kitang magdesisyon para sa buhay ko. May sarili kang buhay, iyon ang pakialamanan mo."
"You know I like you."
"Terrence pwede ba!"
"You know I'm doing this to protect your heart!"
"Hindi ko sinabing gawin mo 'yon!" Sigaw ko.
"I fucking know! But I did it because I want to do it. Dahil ayoko nang masaktan ka! Ayokong makita kang umiiyak nang dahil sa gago na 'yon!"
"Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan. Please, Terrence."
"Lalaki ako, Keeshia. Putangina alam ko kapag gago din ang kapwa ko lalaki."
"Wala na akong pakialam pa sa sasabihin mo. Pwede ba? Kung hindi mo kayang igalang ang relasyon namin ni Robi, malaya kang makakaalis sa apartment ko. Bumalik ka na sa mansyon niyo."
Kakaiba ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit may guilt at kirot dito sa puso ko.
"Keeshia, I'm fucking telling you, stop your illusion! Hindi ka mahal ng gago na 'yon. He's using you!He only wants your money! Ginagamit ka lang---"
I slapped him again. For the third time.
"Mula ngayon, huwag na huwag mo nang iinsultuhin ang boyfriend ko sa harap ko. Hobby mo na ba ang makialam sa buhay ng ibang tao?"
"Sa tingin mo, ginagawa ko lang 'to dahil gusto kong pakialamanan ang buhay mo? Then fuck your thinking, Keeshia!"
"Bakit hindi ba? Simula't sapul, nakikialam ka na! Kahit wala kang alam sa pinagsamahan namin, nakikisawsaw ka! Nang dahil sa 'yo lumala ang away namin. Nang dahil sa 'yo, Terrence! Kasi alam mo sa totoo lang? Kung hindi ka dumating sa buhay ko, walang gulong mangyayari sa amin ni Robi."
He grins. "Still my fault, huh?"
"Bumalik ka na sa mansyon niyo." Matigas na sabi ko.
Alam kong nagiging harsh na ako sa kaniya pero ayoko siyang bigyan ng pagkakataon na makialam na naman sa amin ni Robi. Masaya na ulit kami. Iyon lang ang bagay na gusto ko at ayokong masira ulit iyon nang dahil sa kaniya.
"Choose, Keeshia. That asshole or me."
Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon.
"Huwag mo akong idaan sa ganyan, Terrence. Dahil alam nating pareho kung sino ang pipiliin ko. Gusto mong malaman? Pwes, mas pipiliin ko ang boyfriend ko na pinangarap kong mapangasawa. Iyong lalaking una kong minahal. Siya lang. Kung iniisip mo na pipiliin ko ang lalaking bago ko lang nakilala, nakasama aa apartment, nahalikan, o kung anu ano pa, nagkakamali ka. I will always choose Robi over you."
Tama ba ang nakita ko? I saw pain in his eyes. Imposible.
"Hindi ko pipiliin ang klase ng lalaki na tulad mo na bastos, walang alam kundi sex, playboy, pakialamero, bilib na bilib sa sarili, mataas ang tingin sa sarili at lahat pa ng negative attitude na meron ka. Hinding hindi, Terrence Palermo."
Simple siyang ngumiti saka tinitigan ako sa mga mata ko.
"I thought... despite of those negative things about me, you'll appreciates me for the things I did for you that at least, that made you smile."
"Wala kang nagawa para sa akin, Terrence. Pinagulo mo lang ang lahat kaya pwede ba tama na? Gusto ko nang natahimik ang buhay ko kasama si Robio. Iyong walang ikaw na nakikisawsaw."
"Even one? Wala, Keeshia? Walang panahong natuwa ka na andito ako para sa 'yo? Wala?"
"Wala. Puro pakikialam lang ang alam mong gawin." Matigas na sabi ko.
Nag-flashback sa isip ko iyong mga panahong kumidlat at kumulog na siya ang narito sa apartment ko kasama ko, that he promise me to find those bad guys na sumira sa pagkabata ko. Iyong panahong hinarass ako ni Robi sa cafe, he was there. Iyong panahong umiiyak ako nang mahuli ko si Robi na may iba, he was also there so stand with me. Iyong mga panahong natatawa lang ako sa kalokohan niya, sa sweetness niya, sa mga biro niya, sa pagiging gentlemen niya, sa pagiging thoughtful niya...
He smiled again. "Gonna pack my things and yeah, see you at work tomorrow."
Tinalikuran na niya ako. Sa sinabi niyang iyon, pakiramdam ko ay bumigat ang dibdib ko. Tama namana ng ginawa ko 'di ba? Naging totoo lang ako sa kaniya.
Ayokong isipin ni Robi na niloloko ko siya. May boyfriend ako tapos titira ako sa apartment na may kasamang ibang lalaki? Mali iyon. Mali na nga iyong mga nagawa namin ni Terrence na hindi dapat namin ginawa e. Tama na 'yon. Dapat na naming tigilan ang mga bagay na maaari naming magawa habang magkasama. Ayokong magkasala kay Robi. Ayokong masaktan siya sa kagagahan ko.
Ilang saglit pa ay lumabas na sa kwarto si Terrence. Hila hila niya ang isang maleta niya.
"Just throw away all the things I left. This is enough. Thanks for letting me stay here."
Gusto kong magsalita pero para akong natuod. Dire diretso siya sa pinto hanggang makalabas siya. Napaupo ako saka napahawak sa dibdib ko.
Ang bigat ng pakiramdam ko.
Wala namang mali sa ginawa ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Tumunog ang phone ko. Nagulat pa ako na ai Terrence iyon. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon.
"B-Bakit..."
"For the last time, I'm asking you. Choose between him and me. I'm giving you a chance to change your answer."
Bakit kailangan niyang gawin 'to?
"Kahit ilang beses pa akong pumili, siya at siya ang pipiliin ko, Terrence. Sorry---"
"Don't."
Napatda ako. Hindi ko siya maintindihan. Hindi naman dapat big deal sa kaniya ang bagay na 'to. Walang kami para umakto siya ng ganito.
"Don't feel sorry for being honest. I'll hang up."
Naputol na ang tawag. Naguguluhan tuloy ako sa mga ginawa ko. Masaya lang dapat ako e. Okay na kami ni Robi. Maayos na ang lahat. Pero bakit parang may kulang. Hindi ko makapa kung ano iyon.