webnovel

A Certified Casanova

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

pinkyjhewelii · สมัยใหม่
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 12

MAAGA akong umalis ng mansyon nina Mrs. Palermo. Jusko, nakakahiya naman kasi! Naabutan pa nga ako ni Mrs. Palermo kanina saka nina Mrs. Hestia. Nakakahiya! Tapos sinabihan pa ako ni Mrs. Hestia na sila ni Sir Lucas ang magbabantay ngayonsa Cafe de Lucio kaya mas maigi daw na magpahinga nalang muna ako sa araw na 'to.

Grabe, napakabait nila. Mas lalo tuloy akong nahiya. Ano nalang iisipin nila? Na kaladkarin akong babae kasi sumama ako kay Terrence?

Mabuti nalang talaga, tulog pa si Terrence sa kwarto niya. Hindi ko din naman kasi alam kung paano siya haharapin.

Papunta ako sa condo unit ni Robi. Gusto kong mag usap kami ng maayos. Gusto ko ring humingi ng tawad dahil sumama ako kay Terrence kagabi---na hindi ko dapat ginawa dahil hindi siya ang boyfriend ko---pero ginawa ko.

Hanggang ngayon ay gulung gulo ako sa nararamdaman ko. Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko. Ano ba kasing trip ni Terrence? Oo nakikita ko namang sincere siya sa pagtatanggol sa akin pero bakit niya ginagawa iyon? Bakit nakikisawsaw siya sa relasyon namin ni Robi---na hindi man lang ako nagagalit.

Pumasok ako sa condo unit ni Robi. Good thing, hindi niya pinalitan passcode ng pinto niya kahit may nagawa akong hindi dapat.

Sinilip ko agad siya sa loob at naabutan ko siyang umiinom ng beer sa salas niya. Napatayo siya nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?! Tapos ka na ba? Tapos ka na bang magpagalaw sa lalaking iyon?!"

Napalunok ako. Bakit naman ganito ang sinasabi niya sa akin?

"Robi, mali ka ng iniisip."

"Mali? Putangina, Keeshia! Sumama ka sa lalaking iyon at saan ka niya dinala? Sa motel ba, ha? Ano, masarap ba? Magaling ba sa kama?!"

Nasasaktan na naman ako. "Robi... hindi! Hindi totoo 'yan."

"Ni hindi ko pa nakikitq ang buong katawan mo ng hubad. Dahil sabi mo nga hindi ka pa handa! Tinanggap ko 'yon at nirespeto kitapero putangina sa isang gabi, ano, nagpaka puta ka sa ibang lalaki?!"

Sobra na. Masyado nang masakit ang mga sinasabi niya.

"Akala ko mahinhin ka pero tangina, mahinhindutin ka pala! Wala kang pinagkaiba sa ibang babae. Isa ka ring puta. Magsama kayo ng lalaking iyon! Hindi kita kailangan, Keeshia!"

Ang sakit sakit. Hindi ko matanggap ang mga sinasabi noya pero kasalanan ko dahil hinayaan ko ang sarili kong makipaghalikan kay Terrence. Naiinis din ako sa sarili ko dahil sa bagay na iyon. Nahihiya ako sa sarili ko.

"Robi, maniwala ka. Wala... wala kaming ginawa. Hindi kami nag-motel tulad ng iniisip mo. Mahal na mahal kita please... pag usapan natin ito ng maayos."

Umiling siya. "Anong tingin mo sa akin, tanga? Hindi na, Keeshia! Hindi ko matatanggap ang tulad mo. Nakakadiri ka."

"Robi..."

"Umalis ka na."

"Hindi ako aalis. Pag usapan natin 'to ng maayos, please."

"Alis na!" Sigaw niya.

Lalo akong naiyak. Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag tuluyang nawala sa akin si Robi. Siya ang buhay ko.

"Robi please naman. Noong nahuli kitang may kahalikan at kasama sa kama mo, nasaktan ako nuon pero 'di ba, tinanggap pa rin kita? Kasi mahal kita at ayokong mawala ka sa akin. Bakit hindi mo magawa sa akin iyon? Bakit hindi mo ako kayang patawarin tulad ng ginawa ko sa 'yo?"

Ngumisi siya. "Ayos ah, nanumbat ka pa?! Hindi, Keeshia. Malandi ka talaga. Itinatago mo lang 'yang kakatihan mo! Tanginang 'yan. Maghiwalay na tayo, tapos!"

Lumuhod ako. Oo, napakatanga ko para gawin ito pero mahal na mahal ko talaga siya. Paano na ang mga araw ma darating na wala na siya sa akin? Paano? Iisipin ko pa lang, hindi ko na kaya.

"Nagmamakaawa ako. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon, Robi. Huwag nating sayangin iyong tatlong taon. Mahal na mahal kita, please..."

"Kahit lumuha ka pa ng dugo diyan, hinding hindi na kita babalikan pa."

Umiling ako habang humahagulhol. "Robi please, ano bang gusto mong gawin ko? Lahat gagawin ko, huwag lang tayong maghiwalay please. Lahat kaya kong ibigay sa 'yo."

"Kahit ATM mo, kaya mong ibigay? Gusto ko kasi para tayong mag-asawa. Iyong may access tayo sa isa't isa. Kasi mahal na mahal din naman kita e."

Napalunok ako. "Robi naman, alam mo namang hindi ko 'yon kayang ibigay sa iyo kahit dati mo pa sinasabi. Doon pumapasok ang sweldo ko at iyon lamang ang inaasahan kong pera..."

"Hindi mo kaya? Kasi hindi mo naman talaga ako mahal. Umalis ka na! Ayoko nang marinig ang kahit anong sasabihin mo."

"Robi, pag usapan natin ng ayos 'to please..."

"Umalis ka na."

"Robi..."

"Baby? Sino ba 'yan?"

Nanlaki ang mga mata ko nang may babaeng bumaba mula sa taas. Mukhangbagong ligo palang siya dahil nakatapi lamang siya ng tuwalya sa katawan. Basa rin ang buhok nito. Hindi ko siya kilala dahil hindi siya ang babaeng nakita ko noon na kasama ni Robi sa kama niya.

Sa sobrang inis at sakit ng nararamdaman ko, sinugod ko ang babae. All this time, palagi ko siyang pinagbibigyan. Palagi kog tinatanggap lahat ng dahilan niya sa tuwing nahuhuli ko siyang may kasamang babae.

Hinila ko ang buhok ng babae.

"Sino ka?! Malandi ka! Bakit ka narito sa kwarto ng boyfriend ko?! Bakit!"

"Ahh---ano ba! Robi pigilan mo ang psycho na 'to!" Sigaw pa niya.

Mas hinila ko ang buhok niya.

Natigilan lamang ako nang higitin aki ni Robi at dumapo sa pisngi ko ang palad niya.

"Umalis ka na! Wala kang karapatamg saktan si Cheena!"

Sinampal niya ako...

"Umakyat ka na muna sa taas." narinig kong sabi niya sa babbae habang nakatungo ako.

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko.

"May bago ka na agad?" Tanong ko.

"Siya ang babaeng nariyan para sa akin habang nasasaktan ako dahil sumama ka sa ibang lalaki. Kaya wala kang karapatang saktan siya. Umalis ka na, Keeshia!"

Tinibayan ko ang loob ko. Hindi lang ako tanga. Sobrang tanga pa.

"M-Mamili ka..." panimula ko. "Ako o siya."

"Umalis ka na dahil kung papipiliin mo lang ako, pwes siya ang pinipili ko. Umalis ka na!"

Huminga ako ng malalim. Ang sakit sakit. Tinatanggap ko siya kahit harap harapan niya akong niloloko dahil mahal na mahal ko siya. Sa isang pagkakamali ko, guato na niyang gapusin at sayangin ang tatlong taon naming relasyon.

Tumango ako. "Wala na ba akong... m-magagawa?"

"Umalis ka na." Madiin na sabi niya.

Tumalikod na ako at mabilis na nilisan ang unit niya. Ang bigat sa puso. Nang makasakay ako sa elevator ay bumuhos ang sakit na nararamdaman ko.

Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?

Wala akong ibang ginawa kundi mahalin siya ng lubos. Ano pa ba ang kulang? Saan ako nagkulang?

Bakit parang balewala lang sa kaniya ang tatlong taon naming pinagsamahan?

Masakit sa akin na tapusin niya ang relasyon namin pero mas masakit iyong piliin niya ang iba kesa sa akin. Ang sakit sakit.

Pumara ako ng taxi. Gusto ko lang magkuling sa apartment ko buong magdamag. Para bang gusto kong mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko tinutusok ng milyon milyong karayom ang puso ko. Pakiramdam ko ay sinaksak ako ng kutsilyo sa dibdin ko.

Sinabi ko sa driver ang address ko.

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Hindi ko pinansin ang pagtunog ng cellphone ko mula sa bag ko. Wala akong ganang makipag usap sa lahat. Wala akong lakas para humarap sa ibang tao.

Pakramdam ko, mamamatay ako.

Anong gagawin ko? Hindi ko maisip ang mangyayari ngayong wala na si Robi sa akin. Paano na ako?

Hindi ko namalayang nakarating na ako sa apartment. Bumaba ako ng taxi pagkaaboy ng bayad saka naglakad papasok sa building.

Alam kong pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa iisipin ng iba. Hindi nila alam ang nararamdaman ko. Hindi nila alam dahil hindi sila ako.

Nang makarating ako sa apartment unit ko ay binuksan ko ang pinto. Pumasok ako pero natigilan ako nang maabutan ko si Terrence na nakaupo sa salas.

"Where have you been? I've been calling you, Keeshia?!"

Kasalanan niya...

"What happened? Bakit... putangina saan ka galing? Galing ka ba sa gago mong boyfriend? Tell me, what did he do?!"

"Umalis ka na..." sabi ko. Ayoko siyang sisihin sa nangyayari pero ayoko siyang makita.

"Putangina. Sinampal ka ba ng gago?!" Halos dumagundong sa buong apartment ko ang sigaw niya.

Napahawak ako sa pisngi ko. Napangiwi ako dahil mahapdi iyon. Hindi ko man lang namalayan na namumula na ang pisngi ko dahil sa sampal ni Robi. Sa sobrang sakit ng naratamdaman ko, sisiw nalang iyong sakit na dulot ng sampal niya.

"Please, Terrence. Umalis ka na. Gusto kong mapag-isa."

"No. I won't fucking leave you here alone. Putangina ng gagong Robi na 'yon. I will fucking rip his neck."

"Terrence utang na loob naman!" Hindi ko maiwasang mapagtaasan siya ng boses.

"Keeshia."

"Utang na loob, lubayan mo ako! Hindi sa lahat ng oras, hahayaan kitang makisawsaw sa buhay ko! Lintek na buhay 'to! Umalis ka na!"

Tinatagan ko ang dibdib ko. Ayoko siyang saktan pero hindi ko maiwasan. Punong puno na ako. Sasabog na ang puso ko sa sakit.

"Gusto kitang ipagtanggol sa gago na 'yon. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi ikaw ang klase ng babae na dapat saktan. Gusto kong ipamukha sa kaniya na sinasayang ka niya. Gust---"

"Wala kang karapatang gawin iyon, Terrence. Wala kang karapatan dahil in the first place, hindi kita kaano-ano! Ka-trabaho lang kita! Simula nang dumating ka, nagkanda letse letse na! Masaya kami ni Robi! Nagkakatampuhan kami at nagkakasakitan pero hindi umaabot sa hiwalayan! Pero nang dahil sa 'yo, hiniwalayan niya ako! Nang dahil sa iyo ayaw na niya sa akin! Nang dahil sa iyo, napagbuhatan niya ako ng kamay! Nang dahil sa iyo, iniisip niyang malandi ako! Nang dahil sayo! Nang dahil sa iyo..." napahagulhol ako. Gusto kong saktan ang sarili ko. Hindi ko gustong isisi ang lahat kay Terfence.

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siyang nakamasid sa akin.

"Huwag mong gawing katuwa tuwa ang buhay ko at ang relasyon namin ni Robi. Huwag kang makisali na akala mo hindi ako apektado."

"Nagpapakatanga ka lang sa gago na 'yon, Keeshia. And I just want to fucking help you!"

"Help? Hindi ka nakakatulong, Terrence! Ikaw ang nagpapalala sa sitwasyon! Palibhasa, happy go lucky ka lang! Maipilit mo ang gusto mo. Akala mo natutuwa ako na pinagtatanggol mo ako kay Robi? Pwes hindi! Dahil nakikialam ka lang! At ang sabihan akong nagpapakatanga kay Robi? Sino ka para sabihin sa akin 'yan? Wala kang alam sa nararamdaman ko. Wala kang alam!"

Pinaghahampas ko siya. I hate him.

"Naranasan mo na bang magmahal ng totoo? Ha?! Siguro hindi dahil puro pasarap ka lang sa buhay! Hindi mo alam kung gaano kasakit dito sa dibdib ko na ang tatlong taon naming relasyon, nawalang parang bula! Madaling sabihin sa 'yo na hayaan ko si Robi, madali para sa 'yon dahil wala kang alam! Wala kang ideya kung gaano ako pinapatay ng sakit na nararamdaman ko! Alam... alam mo ba ang pakiramdam na para kang mamamatay sa sakit? Alam mo ba iyong pilit mong sinasalba ang relasyon niyo kahit masakit na dahil mahal na mahal mo siya at ayaw mo siyang mawala sa 'yo? Alam mo ba iyong kahit mawalan na ako ng pride, kahit harap harapan akong niloloko, pinapatawad ko siya, huwag lang siyang mawala sa akin? Alam mo ba 'yon?! Ha?! Hindi! Hindi mo alam!"

Hindi siya nagsalita.

"Umalis ka na at huwag na huwag ka nang makikialam pa sa kung anong mayroon sa amin ni Robi."

Pinahid ko ang luha ko. Nilampasan ko siya papunta sa kwarto ko pero natigilan ako nang magsalita siya.

"Been there. Done that."

Sa simpleng mga salitang iyon ay parang nagsisi ako sa lahat ng nasabi ko kay Terrence. Hinarap ko siya pero tunog na ng sumarang pinto ang narinig ko.

Anong ibig sabihin niya?

Na nangyari na ang ganito sa kaniya? Na ramdam niya ang nararamdaman ko ngayon?

Bigla ay hindi ako mapakali. Gusto ko siyang habulin pero pakiramdam ko ay wala akong karapatang gawin iyon pagkatapos ng mga sinabi ko sa kaniya.

Alam kong naging harsh ako sa kaniya pero nasabi ko lang naman ang mga bagay na iyon para hindi na siya makialam at pabayaan akong mapag isa dito sa apartment ko. Dala na rin ng galit at sakit na nararamdaman ko.

Isinisi ko sa kaniya ang lahat when in fact, wala akong makapang kahit katiting na pagsisisi sa mga ginawa namin ni Terrence. Ni wala din akong makapang galit sa kaniya dahil nakikisawsaw siya sa relasyon namin ni Robi.

I just said those things... out of pain.

Siguro dahil wala akong ibang masisi, o dahil hindi ko na alam kung anong iisiping ngayong wala na kami ni Robi.

For a moment, lahat ng oras na kasama ko si Terrence ay nag-play sa isip ko.

Pinahid ko ang luha ko saka tumakbo palabas.

Terrence always help me through bad times. Sa tuwing umiiyak ako, naririyan siya. Sa tuwing nasasaktan ako, nariyan din siya. Sa tuwing kaharap ko si Robi, nariyan siya to the rescue. Pero nang dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, napagsalitaan ko siya ng hindi magaganda.

Anong gagawin ko? Pakiramdam ko... parang mas kailangan ko pang isipin ang dapat kong gawin para mabawi lahat ng sinabi ko kay Terrence kesa ang ipilit ang sarili ko kay Robi.

Bakit ba ang gulo gulo ng puso ko?