Mabilis na nilagok ni Maxwell ang alak sa basong hawak at ipinatong iyon sa tray ng waiter na dumaan, tinanggihan niya ang alok nitong muling salinan ang kaniyang baso.
"I believe your friends wants to talk to you." Baling niya sa dalagang kasama. He was waiting for his wife earlier subalit nalaman niya dito na nauna na pala ito sa pagtitipon. He was a little upset because of it. At dahil patungo na rin naman siya sa bulwagan ay sumabay na sa kaniya ang dating kasintahan.
Ngumiti ito ng malapad. "I know, let's go?"
"You go ahead, I need to talk to someone." He said briefly at kinalas ang braso nitong nakakawit sa braso niya. Hindi na hinintay na magsalita pa ito at malalaking hakbang na tinungo ang direksyon na kinatatayuan ni Kallyra.
Hinapit niya ito sa bewang ng makalapit at pinatakan ng mariing halik sa sentido, mas hinigpitan niya ang kapit sa gilid ng bewang nito ng magtangka itong kumawala.
"You've met my wife gentlemen. I'm Pierce Maxwell Sarmiento." Inilahad niya ang kamay sa mga kaharap at kaagad namang tinanggap ng mga ito iyon.
"We didn't know she's married." Halatang nagulat ang mga ito at hindi iyon maitago sa mga mata.
"So the Ice queen finally got married." Ang natutuwang komento ng lalaking naroon din sa umpukan nila, kilala niya ito, isa sa pinakasikat na surgeon na siyang idolo ni Shekaina sa tingin niya ay kaedad ng kaniyang ama.
The place was filled of the most accomplished men and women sa kanikanilang larangan, mga piling tao na mapapabilang sa pinakamakasaysayang ekspedisyong mag-aaral ng buhay sa kalawakan. No wonder why Kallyra was part of it, she is remarkably genius katulad ng ama nito, isa siya sa mga utak sa likod ng matagumpay na pagbuo ng Andromeda, the first space craft that can travel as fast as the speed of light.
Ngayon, nagaganap ang farewell party para sa makakasama sa expedition. Everybody was wearing their best suit and gowns. Reporters are everywhere mula sa iba't-ibang istasyong local at international.
Nagkalat ang mga private security personnel sa paligid dahil sa mga opisyal na kasama mula sa iba't-ibang makakapangyarihang bansa. Tulad ng Japan, North and South Korea, China, Russia, Britain, England, US at iba pa. It was the biggest event in history kaya hindi na siya magtataka kung ito pa lang ay mailalagay na sa kasaysayan.
"Both of you will join the expediton right?" tanong ng isa pang lalaking naroon, tingin niya ay isa itong scientist mula sa bansang Arabia base on his looks and his accent.
"Yes." Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan, Kallyra remained still at hindi na muli pang nagtangkang kumalas sa mahigpit niyang hawak, alam niyang asar na ito sa kaniya subalit nagagawa pa rin nitong makipag-usap sa mga naroong kasama nila. Binitiwan lang niya ito ng magpaalam itong pupunta ng restroom.
Inis na binagsak ni Kallyra ang purse na dala at naghugas ng kamay ng makapasok sa restroom. Naiinis siya sa pakialamerong si Maxwell. How dare he acts like a caveman staking his claim matapos nitong iparada ang babae nito sa harap nilang lahat. She came her alone, when everybody has a date samantalang ito ay ipinarada ang babae nito.
Bumukas ang pinto ng restroom subalit hindi niya iyon nilingon. Ipinikit niya ang mga mata at magaang hinilot ang sentido. Natigilan siya ng maramdaman ang malamig na bakal sa likod ng kaniyang ulo. Marahan niyang minulat ang mata at deretsong tumitig sa mata ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa kaniya.
She can see how perfectly calm her face was sa malinaw na salamin sa harap. She was trained to be this calm sa mga ganitong sitwasyon kaya naman hindi siya nakakaramdam ng kaba o takot. Pinagpatuloy niya ang paghuhugas na kamay at kumuha ng tissue upang magpunas.
"Move." Utos nito. Palihim niyang pinagmasdan ang built ng katawan nito, malaking lalaki na may malaking katawan. Tahimimik siyang nauna sa paghakbang. Bago lumabas ng restroom ay inakbayan siya nito, ramdam niya ang baril na nakatutok sa kaniyang tagiliran.
He gave her instruction and she followed him patiently. Sumakay sila ng elevator ng walang nakakapansin. Marahil ay dahil kaswal lang ang ayos nila at para lang magkasintahang magkasabay na aalis sa pagtitipong iyon. Lumipas ang isang minuto ay nasa basement na sila.
Malakas niyang siniko ito at maliksing nahagip ang kamay na may hawak na baril. Napaigik ito ng baliin niya ng kamay nito mula sa pulsuhan, lumikha iyon ng malutong na lagutok na kahit siya ay napangiwi.
Itunulak niya itong pauna at itinutok sa likod ng ulo nito ang naagaw na baril. "Move." Malamig niyang utos sa nakamask pa ring lalaki, kung sino man ang nag-utos ditong dukutin siya ay masyadong minaliit ang kakayahan niya.
Sa loob ng maikling sandaling nasa loob sila ng elevator ay nagawa na niyang pagbaliktarin ang kanilang sitwasyon. Tumingin siya sa paligid, at hinanap kung nasaan nakapuwesto ang mga cctv camera.
She shot his shoulder ng hindi ito sumunod, napaigik ito ng malakas, dahil mayroong silencer ang baril kaya walang malakas na putok na maririnig. Sapo ang nasaktang balikat ay nagsimula itong maglakad. Hindi naman niya ito pinatamaan sa fatal area, basta siguruhin lang nitong hindi ito mauubusan ng dugo ay hindi ito mamamatay.
"Now talk." Aniya at muling kinasa ang baril at itinutok ito sa noo ng nakaluhod na lalaki.
"I don't know, I just received the call, t-that's how I work I just f-follow orders." Ang paputol-putol nitong wika. Maya't-maya itong ngumingiwi. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumingala ito at nginisihan siya. "All I know is you will die today."
She raised the side of her lips and straighten her arms backward and fire her gun twice without looking at her back, narinig niya ang malakas na igik ng dalawang lalaki at ang pagbagsak ng mga ito sa semento. Kitang-kita niya ang paglaki ng mga mata ng kaharap, muli niyang itinutok ang baril sa ulo nito.
"Now talk." Walang bakas ng anomang emosyon ang kaniyang boses maging ang kaniyang mukha.
Bumukas at sumara ang bibig nito at walang tinig na lumalabas, bakas sa mata ang galit at takot, galit dahil hindi makaganti sa kaniya at takot para sa buhay nito.
"I don't kno---"hindi na nito natapos ang sasabihin dahil nawalan agad ito ng malay matapos hampasin ng malakas ang ulo nito ng hawak niyang baril. Kinuha niya ang panyo sa hawak na purse at pinunasan ang hawak na baril pagkatapos ay hinagis sa kung saan.
Nilapitan niya ito at kinapa ang cellphone sa suot nitong jacket. Matapos magdial ng numero at mag-iwan ng mensahe ay pinunasan niya ang phone nito at inihagis sa nakahiga nitong katawan sa malamig na sahig.
Tinalikuran na niya ito pagkatapos at hindi pinansin ang dalawa pang lalaking nakahandusay sahig.
Muli siyang sumakay ng elevator at nagtungo sa palapag kung saan nagaganap ang kasiyahan, sandaling iginala ang paningin sa paligid at ng makita ang hinahanap ay nagsimula na siyang humakbang. Nagtungo siya sa umpukan ng kaniyang mga naging katrabaho sa Russia, mga scientist at cosmologist na tulad niya.
Subalit nahinto siya ng may biglang humarang sa kaniya. "Bakit ang tagal mo." Ang agad na bungad nito, magkadikit ang makakapal nitong kilay at madilim na ang mukha.
"Why did you wait for me, may sasabihin ka ba?" ang malamig niyang tanong dito.
"Hindi ka pa kumakain." Ang mabilis nitong wika, siya naman ang kumunot ang noo. "I mean, iisa ang table natin, it's weird kung kakain akong hindi ka kasabay." Kaagad na paliwanag nito. "Look, I did not wait for you because I wanted to kung yan ang iniisip mo, kung alam mo lang kanina pa ako naiinis sayo dahil gutom na gutom na ako." Patuloy nito na para bang alam nitong hindi siya kumbinsido sa dahilan nito ng paghihintay sa kaniya.
She raised her one brow and stared at him, she noticed how hard he's trying not to look away. Hindi niya namalayan ang maliit na ngiti sa labi. Subalit agad din iyong nawala ng manlaki ang mata nito.
"Kallyra... "ang mahina nitong sambit, bakas ang pag-aalala at pagtatanong sa mga mata nito.
"What, why?" alanganin niyang tanong. Humakbang ito palapit sa kaniya, kaagad nyang iniiwas ang mukha ng itaas nito ang palad at akmang ilalapat sa kaniyang pisngi, itinaas niya ang kanang kamay at inunahan ito. Naramdaman niya ang bahagyang pagkabasa noon, mabilis niyang pinunasan ang luha at tipid na ngumiti sa kaharap. "I'm sorry, may allergy kase ako sa pollen, maraming bulaklak sa paligid."
Tahimik lamang siya nitong pinagmasdan at walang sinabi.
"Let's go, di ba gutom ka na." nauna na siyang humakbang at nilagpasan ito. Tahimik na nagsimulang kumain si Kallyra, ramdam niya ang matamang titig ni Maxwell subalit pilit niya iyong binalewala. She dont know what happened, that was so uncalled for.
She just felt like she was talking to Lucas a moment ago and she wasn't able to control her tears, nagkusa itong tumulo. Itinaas niya ang tingin at lumapat iyon sa matalim na mga mata ng dalagang kasama ni Lucas. Naroon ito sa katapat nilang mesa kasama ang mga kaibigan nito.
Matagal at hindi niya inalis ang malamig na tingin dito. She can feel the animosity in her eyes para sa kaniya. She stared harder hanggang sa hindi ito nakatiis at umiwas ng tingin, subalit hindi niya pa rin iniiwas ang malamig na titig dito, tumayo ito at nagpaalam na pupunta ng rest room, sinundan pa rin niya ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
She smiled darkly, just like what she thougth. Judging how the way she acts, alam niyang ito ang nag-utos sa mga lalaking yun para patayin siya. "What a childish move." Palatak niya. Nailing na nagpatuloy siya sa pagkain.
"Tikman mo to, masarap to." Pang limang putahe na ang nilagay ni Maxwell sa plato niya at nagsisimula na siyang mabwisit. Lately ay nagiging mainitin ang ulo niya dahil sa isip-batang katabi. "Ito din, mukang masarap talaga magluto ang cook ng hotel." Tumigil siya ng pagsubo at tinapunan ito ng matalim na tingin. Subalit busy ito sa paglalagay ng ulam sa plato niya.
Sinipa niya ang paa nito na naging dahilan ng pagkatapon ng ulam sa damit niya, napaawang ang kaniyang bibig. "Ow! ow!" daing nito nakayuko ito at hinahaplos ang nasaktang binti, medyo napalakas siguro ang pagsipa niya sa lulod nito.
"What happened!" bulalas ng mga kasama nila sa lamesa, inabutan siya ng tissue ng isa sa mga ito at tumayo naman ang isa pa upang tulungan siya.
"I'm okay, it's fine... thank you... I have to go to the restroom." Tumayo siya habang pilit na tinatanggal ang dumikit na mantsa sa damit. Habang papalayo ay narinig niya ang mga tanong ng mga kasama kung okay lang si Maxwell.
Ilang beses siyang huminto dahil sa mga kakilalang bumabati bago siya nakarating sa restroom.
"Where are you?" pamilyar sa kaniya ang malamyos na tinig na iyon, subalit madiin at marahas ang pagkakasambit nito sa mga salitang iyon. "Are you f**king kidding me! How the hell did she manage to do that, and do you expect me to believed that?" narinig niya ang malalim nitong paghinga. "Hospital? Are you crazy! What if you get caught by the police?"
Tuluyan na siyang pumasok sa restroom. At hindi nga siya nagkamali, it's Mariya-in-the-future a.k.a Shekaina. Marahas itong lumingon sa kaniya at nanlaki ang bilugan nitong mga mata. "I-I'll call you later, bye!"
Hindi niya ito pinansin, lumapit siya sa sink at binasa ang kaniyang panyo upang magamit sa pagpunas sa nadumihang damit. Ramdam niya ang matalim nitong titig sa kaniya kaya naman tinapunan niya ito ng tingin subalit agad din itong umiwas. Kinuha nito ang face powder sa pouch na dala at nagdampi-dampi sa ilong nito at magkabilang pisngi.
With her keen eyes she noticed the slight trembling of her hands and the little sweat at the side of her face. Nagtagpo ang kanilang mga mata sa salamin, tinaas niya ang sulok ng kaniyang labi, she remained poker face samantalang ito ay nanatiling matalim ang tingin.
"Who are you." She heard her asked.
"Oh... we haven't properly introduced yet, my name is Kallyra Smith Romanov, Maxwell's wife, and that I think you know already." Inilahad niya ang palad dito subalit tiningnan lang nito iyon. Kaswal niya iyong binaba at nagkibit-balikat.
"His wife? Tss... your delusional, do you think Maxwell really loves you after you ruined his life?" tuya nito. She shrugged her shoulder again and continued brushing off the dirt on her gown. "Do us a favor, umalis ka na sa buhay niya, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo, stop being so pathetic!"
"And if I don't? Are you going to kill me?" she mocked.
"I might as well do that!" mabalasik na asik nito.
Mahina siyang natawa at tumango-tango. "Alright... just make sure hindi na mga lampa ang ipapadala mo sa susunod. Itinawag ko sila ng ambulansiya kanina, nasa Hospital na sila hindi ba?" nanlaki ang mga mata nito at mariing napakagat-labi iniwan niya itong tulala at tila maiiyak sa loob ng restroom.