webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
62 Chs

19

1 year ago

Third

Kasalukuyang nag-aayos ng sarili si Ivy nang makarating ito sa kama nito ay agad na napatingin ang lahat sa kanya dahil sa ganda nito sa kanyang suot

"Mukhang may date ah?"tanong ni rosie na kinangiti naman ng dalaga at napatingin sa kisame ng kanilang kwarto

"Sino ba ang lalakeng biningwit mo?"nagtawanan ang kanyang kaibigan at sinamaan naman ng tingin nito si Elaine

'Kahit kailan napaka nega nito.'

"Tse!"pagsusungit nito at humarap sa salamin at sinuyod ng mabuti ang kanyang damit kung bagay ba ito sa kanya at kinuha nito sa kanyang ilalim ng kama ang kanyang pumps na violet

"Pero ivy sino ba yung lalakeng iyon?Wala kang nai-kwento saakin ah?"singit naman ni riri bumuntong hininga naman ang dalaga at hinarap ang kanyang mga kaibigan

"Si------Sir Lary."ani nito na may pagkakilig sa tono at nagulat ito dahil may nalaglag sa kanyang gilid napatingin naman ito kay Rosie

"H-huh?Lary Dee ba kamo?"tanong nito na may pagkagulat sa kanyang mga mata mukhang naguguluhan naman si ivy sa kinikilos nito ngunit tumango na rin ito

Pinagpapawisan man ay agad na lumabas si Rosie para huminga ng malalim ayaw nitong ipakita sa kanyang mga kaibigan ang kahina-hinalang reaksyon

"Bakit?"bulong nito at tumingin sa labas at may nakita itong kotse sa labas at may lalakeng lumabas dito at mabilis na ang tama ang kanilang mga mata na siyang pagkagulat nito at napatakip ng bibig at unti-unting umatras

Hingal na hingal ito at napapikit na lamang sa mga nangyayare

"Bakit ba ganito!?"ani nito at agad na tumayo ng maayos at pumasok sa kwarto nito

Kita nito si Ivy na handa sa pag-alis kaya naman mabilis itong nagsalita

"Ahm Ivy anjan na ata siya sa labas."ani ni Rosie at mabilis namang ngumite si Ivy at lumabas gayun din ang iba para makita sa bintana ang lalakeng ide-date ni ivy

Narinig ni Rosie ang pag-paalam ng mga kaibigan sa kanyang kaibigan

Humiga si Rosie sa kama nito at tiningnan ang isang bulaklak sa tabi nito at hinawakan nito ang bawat petal

Naka-move on na pala talaga siya

Ngumite ito sa Rosas na hawak nito at unti-unting sinariwa ang mga alaala ng nakaraan

Isang simpleng babae lamang ang dalagang nagnga-ngalan na Rosie wala na itong kaibigan bukod kay Trinity na ngayon ay lumayo na ang loob sa kanya

Kasalukuyan itong nasa garden at tinitingnan ang mga bulaklak na may iba't ibang kulay di nito lubos maipaliwanag ang kasayahang nadadala sa kanya ng mga bulaklak na iyon

"Hi?"lumingon ito sa tinig na nanggagaling sa kanyang likuran at nakita nito ang isang gwapong binata na may magandang ngiti sa kanyang mga labi

'Ang kanyang labi.'

"H-hello?"agad itong umiwas ng tingin sa binata dahil ramdam nito ang pagpula ng kanyang mga pisnge

"Hahaha bakit ka naman umiiwas miss?"tanong nito at naramdaman nito ang presensya ng lalake sa kanyang likod humugot ito ng isang pulang rosas at umupo sa harap nito

"Alam mo ba ang kwento ng rosas na ito magandang binibini?"tanong nito napakurap-kurap na lamang ito dahil sa tinawag nito sa kanya

'Kung ganon binibini pala ang tawag niya saakin?Napaka ginoo naman ata ng isang tulad niya.'

Sumenyas ito na umupo sa kanyang tabi ngumit di sumunod ang dalaga dahil nahihiya ito ngunit nagulat ito dahil hinila na lamang siya nito sa tabi nito at nagsimula ng mag kwento

"Noong mga araw na puno pa ng bulaklak ang hardin ng isang kaharian.Ay lubos na kinatituwa iyon ng isang dalagang may magandang ngiti sa kanyang mga labi.Araw-araw nitong sinasalayan ang magandang bulaklak sa kanilang hardin.Hanggang sa dumating ang isang ginoong matipuno na nakapag pabihag sa puso ng dalagang iyon."

"Nagkaroon ng relasyon ang dalawang taong iyon hanggang sa dumating ang panahon na kailangan makipagdigma ang binata.Nabalitaan nung dalaga ang nangyare sa lalake hanggang sa hinanap nito ang lalake sa kalagitanaan ng digmaan.Lumaban ito na parang walang kinakatakutan masilayan lamang ang binatang kanyang minamahal."

"Hanggang sa nakita nito ang binata na may pana sa kanyang dibdib at unti-unting nawawalan ng lakas.Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan nito at mabilis na hianwakan ang pisnge nito.Umiiyak ang babae dahil sa sakit na nadarama dahil ano mang oras ay maaring mawalan ng bihay ang kanyang minamahal."

"Habang nagpapalitan ng matatamis na salita ang dalawang mag-irog ay nilabas ng binata ang bulaklak na nanggaling sa hardin ng babae.Nagulat man ay ngumite ang dalaga sa binata at nagsalaysay ang binata na."

"Itong bulaklak na ito ang simbolo ng pagmamahal ko sayo na anumang oras,araw,buwan at taon man ang lumipas hinding-hindi kita makakalimutan at ito rin ang gawin mong pampasigla sa iyong buhay kung nalulungkot man at ito rin ang simbolismo ng wagas na pag-ibig."

"Iyon ang huling sinalaysay nito bago mawalan ng hininga."

Ngumite ng matamis si Rosie sa mga sinabi ng binata dito at tumingin sa binata

"Isang magandang kuwento iyon Mr."ani nito at ngumite at akmang aalis na ngunit mabilis na hinawakan ng lalake ang kanyang siko at mabilis na hinarap dito ang bulaklak

Nagulat man ay nagawa pa ring tumingin ng diretso ni rosie sa binata

"Maari bang malaman ang iyong ngalan?"tanong nito sa kanya nararamdaman ni rosie ang pagpula ng kanyang pisnge

"Rosie,Rosie Santiago aalis na ako."ani nito at nagmamadaling umalis ngunite bago ito makaalis sa garden ay nagsalita pa muna ang lalake

"Lary-Lary Dee nga pala Rosie!"ngumite na lamang si rosie at umalis na rin

Iyon ang unang naging pagkikita ng dalawa .Nagkikita rin ito sa kanilang mga minor class ngunit di ito nagpapansinan hanggang sa.....

Sa may nagbayo ng papel sa upuan ni Rosie napalingon ito sa kanyang gilid at nakatingin si Lary dito at nakangite at tumingin na sa harap

Binuksan ni Rosie ang sulat sa papel

*Meet me at Garden pleaseeee..^_^*

Nang matapos ang klase ay agad na pumunta roon si Rosie sa garden at nandun na nga si Lary

"Bakit?Anong kailangan mo Lary?"tanong ni Rosie at humarap naman si Lary dito sa dalaga ng nakangite

"Akala ko di ka na pupunta dito Rosie."agad nitong niyakap na siyang kinagulat ng dalaga at wala ng nagawa kundi yakapin din pabalik dito

"Hahaha!Ano bang meron?"tanong nito at umupo sila sa may fountain

"Ahm Rosie!Alam mo kasi ano eh---"mukhang nahihiya pa ito natatawa na lamang si Eosie dahil di nito kayang sabihin ang nasa loob nito

"Ano ba kasi iyon?Sayang yung Lunch Break eh!"ani nito at tumayo naman si Lary at humarap dito hinawakan nito ang kanyang balikat napatingin naman si Rosie sa kamay nitong nakahawak sa kanyang balikat at may pagkagulat sa kanyang mga mata

"Oyy ano bang ginagawa mo?"tanong ni Rosie at naguguluhan na talaga sa nangyayare

"Alam mo kasi na-love at first sight ako."napatango naman ito at naguguluhan pa din

"At kanino naman?"

"Sayo."ani nito at natigilan naman si Rosie sa mga sinabi nito natawa na lamang

"Alam mo nahihibang ka na kumain na tayo !Libre kita!"ani ni Rosie at hinila si Lary ngunite pumiglas ito at tumingin ito sa kanya

"Di ako nahihibang sa ilang araw na ngdaan ikaw lang ang nasa isip ko!Ikaw lang!Kaya please wag mo sanang tanggihan na LIGAWAN KITA."gulat ang naging reaksyon ng dalaga at pakiramdman nito ay tumigil ang takbo ng oras nito

"Please?"gulat pa rin pero agad na nabawi nito ang reaksyon niya at tumingin sa ibang direksyon

"Sigurado ka ba dyan lary?I mean kasi diba?."bumuntong hininga ito at tumingin sa kanya."Campus Crush ka!Baka mamaya kuyugin pa ako ng fangirls mo."ani nito at agad namang hinawakan ni Lary ang kanyang balikat at tinitigan mata sa mata

"Akong bahala!I will protect you."ngumite na lamang si Rosie kahit na di sigurado sa disisyong tatahakin ay phmayag na rin ito

Nakita nito kung paano magtatalon si Lary sa saya natawa na lamang ito sa kanya.....