webnovel

3rd Chapter

3rd Chapter

Maging ang ube at leche flan na dala ko ay puring-puri nila. Tuwang-tuwa naman ako, syempre! Feelingera, 'kala mo ako talaga nagluto.

"Grabe, ang sarap mo pala talaga magluto. Ikaw pala ang dapat isama ko sa taste test para sa restaurant na i-oopen ko eh. Kayo ni Tristan." natatawang sabi ni Jake.

Tumangu-tango naman ako. "Kami na ni Tristan." ngumiti pa ako pero nagulat silang lahat sa sinabi ko. Siniko pa ako ni Ahlia at Veron na pinagigitnaan ako.

"I mean, kami na ang isama mo." paglilinaw ko sabay tawa. "Malisyoso n'yo naman." sabi ko pa.

Nagtawanan din sila. "Huwag kang gan'yan, Quin, baka mag-away 'tong mga tropa ko." sabi ni Jake sabay balik-balik ng tingin kay Tristan at Seth.

"Gago." sabi ni Seth na natatawa. Si Tristan naman ay nakangisi lang din at naiiling.

Kunot-noo nalang din akong natawa at kunwari ay ayaw pero deep inside, kinilig yata pati balumbalunan ko!

Hays! Pereng tenge nemen keshe! Ba't mag-aaway kung pwede namang ipagsabay? Charing!

"Pero, hindi nga, sama ka? Medyo malayo nga lang. Hindi dito sa Indang. Pero sagot ko na ang transpo mo." sabi ulit ni Jake na ngayon ay seryoso na.

"Itinuloy mo pala, p're? Ay's 'yan." kumento naman ng isa sa mga lalaking kasama namin na 'di ko na tanda ang pangalan.

"Oo, p're." napakamot si Jake sa batok. Tila nahihiya. Tapos ay muli itong bumaling sa'kin. "Ano, Quin? G?"

"Sure! Saan ba?"

"Sa La Salle Dasma." nakangiting sabi nito.

Tumangu-tango ako. That's where my brother studied college! Gusto nga din nina mommy at dad doon ako. But since private school iyon at mahal ang tuition, mas pinili nina Ahlia, Veron, at Daisy ang Cavite State University dito sa Indang. At syempre, kung saan sila ay du'n din ako.

"Sure! Walang problema. Pupunta ako." I smiled sweetly at Jake. Nang madako ang mata ko kay Tristan, I caught him looking at me but he suddenly looked away.

Weh, crush na 'ko n'yan kasi iniisip n'ya masarap talaga ako magluto. Ideal wife na ba ako, Tristan? Pakasalan mo na, sige ka, maunahan ka pa!

After namin kumain ay nagkayayaan nang magswimming. Si Veron na malantod, magbibihis pa raw kaya pumunta muna s'ya ng restroom. Si Ahlia at ako naman, naghubad nalang ng mga panglabas na damit. Naka-one piece swimsuit si Ahlia. Kulay pula iyon kaya lalong kuminang ang sobrang puti at kinis n'yang balat.

Ako naman ay naka-two piece, syempre. Kailangan mabalandra lagi ang belly button piercing ko para sulit ang sakit!

Pagdating sa pool area ay dumiretso ang dalawang babaeng kasama namin sa slide at nakipila doon. Naiwan naman kami sa gilid at hindi agad bumabad sa pool. Si Ahlia ay titig na titig sa mga nagsslide. Nang ang mga babaeng kasama na namin ang nalaglag sa tubig ay napatalon pa s'ya sa tuwa.

"Ang saya! Gusto ko rin!" sigaw nito.

"Tanga, malal-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tumakbo na s'ya paalis. Nakipila na ito sa mga mag-sslide. Hinayaan ko nalang. Baka marunong na siguro s'ya maglangoy. Binalingan ko nalang si Tristan my loves at nahuli ko itong nakatingin sa pusod ko.

"Astig talaga."

Nilingon ko si Seth dahil sa sinabi n'ya. Nakatingin din ito sa pusod ko at pagkaraa'y tumingin sa mukha ko at saka ngumiti. Awww. Seth, naman eh! Hayaan mo, second option kita.

"How 'bout tatts? May plano ka?" tanong ni Jake.

Mabilis akong tumango. "Yup! Kaso iniisip ko pa kung saan." kinagat ko ang labi ko.

"Kung saan part ng katawan?" paglilinaw ni Seth.

Umiling ako. "Kung saan ako titira kasi panigurado palalayasin na ako sa'min."

Nagtawanan sila sa sinabi ko. Si Tristan ay natawa rin. Yieee, napatawa ko na naman si crush! Ganda points na naman ako. Galing ko talaga!

"Sa'min ka nalang tumira." biro ni Seth na tinawanan ko lang. Binatukan naman s'ya ni Jake. Si Tristan ay natawa lang din.

Luh? Ano ba 'yan, tumawa lang. Dapat magselos ka, inaagaw n'ya 'ko sa'yo!

"Si Ahlia!" sumigaw ang kadarating lang na si Veron. Agad kong nilingon ang tinuturo n'ya at nakita ko si Ahlia na kumakampay sa tubig at tila nalulunod.

"Ay, gagi!" agad akong nagdive sa pool para sagipin si Ahlia. Mabilis ko itong inangat at nang magawa ko iyon ay nagulat ako nang nasa tabi ko na si Tristan para alalayan kami.

"Ginagawa mong gaga ka?!" gulat na sigaw ko kay Ahlia nang nadala na namin s'ya sa taas.

Hindi naman s'ya nalunod dahil naagapan naman namin pero mukhang nakainom s'ya ng maraming tubig ng pool. Yuck, umiihi pa naman 'yung ibang tao do'n! 'Nyeta!

"Akala ko mababaw!" umuubo-ubo nitong sagot sa'kin.

Tinawanan naman s'ya ni Veron. "Malalim 'yun, gaga!"

"Eh bakit sina Charmaine at Donna lumutang?" nagtatakang tanong nito.

Naguluhan pa ako no'ng una sino iyong Charmaine at Donna pero sa huli ay narealize kong 'yung dalawang babae pala na kasama namin ang tinutukoy n'ya.

"We can swim kasi." sabi nu'ng isa.

"Ay gano'n? Akala ko mababaw kaya lumutang kayo." ngumuso ito. Nailing nalang ako.

"Salamat, kuya." sabi ni Ahlia kay Tristan. Tumango naman si Tristan dito.

"Sa'kin, walang thank you?" tinaasan ko s'ya ng kilay. Niyakap naman ako nito.

"I love you! Thank you!" malambing nitong sabi.

Bumalik kami sa pool. Si Ahlia at Veron parehong nasa mababaw lang at hindi na umalis doon. Punyeta, mga 'di pa rin pala marunong lumangoy. Tamang babad lang tuloy sila tapos minsan magalalangoy sirena si Ahlia ta's si Veron langoy aso naman. Tawa tuloy ako ng tawa.

"Buti ikaw marunong?" tanong ni Seth nang nakatambay na kami sa gilid at tamang babad nalang din.

"I used to compete when I was in grade school." sagot ko sa kan'ya.

Tumango naman s'ya na parang namangha. "No wonder you have a great body."

"Sus!" sabi ko na nagpipigil ng kilig. Ayos din mga banatan ni Seth eh, kakagigil!

Binatukan na naman ni Jake si Seth at inasar-asar ito. Sinulyapan ko si Tristan kung mukhang nagselos ba pero nainis ako kasi nakikitawa lang s'ya.

Magselos ka, bastos ka!

"Pero ang astig ng pagkakadive mo kanina sa pool para sagipin bestfriend mo, halatang marunong ka talaga. Grabe, sobrang ideal girl mo naman. Sayang sobrang bata mo." sabay tawa ni Jake. Napakamot pa ito sa batok.

Natawa nalang din ako pero medyo napalunok kasi 18 ang sabi kong edad sa kanila pero nababataan parin sila. What more kung malaman nila na 16 palang ako? Kaya dapat 'di nila malaman.

Bumalik kami sa cottage nang mag-alastres na. Mabuti nalang pinapalibutan ng puno ang resort kaya sa pool area ay may mga parte na may lilim. Hindi kami masyado nangitim. Si Ahlia, namula lang. Sobrang puti, pinaglihi yata sa bond paper!

Nang makabalik kami sa cottage ay muli akong nagpatong ng dress. Si Ahlia at Veron na parehong naka-one piece swimsuit ay nagshorts nalang.

Sa mesa ay may mga drinks nang nakahanda. May Empi, San Mig Light, Red Horse, Smirnoff Mule at Tanduay Ice. May videoke machine pang nakaset up.

"Ay, sakto may pambato kami sa kantahan!" tinitigan ko si Ahlia. Ngumiti ito na parang nahihiya.

"Wow, may singer tayo!" namamanghang sabi ni Jake habang nakatingin rin kay Ahlia.

Isang malaking kubo ang cottage. Nakaupo kami't nakapalibot sa isang mesa. Nakakandong ako kay Tristan. Char! Wish ko lang! Katabi ko ang mga kaibigan ko. Pinagitnaan ulit nila ako. Sa tapat ay sina Jake, Tristan, at Seth naman. Sa gilid naman iyong apat na saling pusa.

"Banatan mo agad 'yung 'Kailan', Ahlia, dali!"

Kinuha ko ang song book at hinanap agad iyon. Nagpresenta naman na pumindot si Jake at nang tumugtog na ang intro ay nagpalakpakan kami.

Current favorite song namin itong magkakaibigan kasi napanuod namin 'to sa A Very Special Love na movie ni Sarah at John Lloyd at kilig na kilig kami.

Bakit kaya nangangamba

Sa tuwing ika'y nakikita

Sana nama'y magpakilala

Nagpalakpakan sila nang kumanta na si Ahlia. Proud na proud naman kami ni Veron. Bestfriend yata namin 'yan!

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin

Biglang pinasa sa'kin ni Ahlia ang mic. Napakanta tuloy ako kasi feel na feel ko rin!

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin?

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Tinuloy ko pa ang pagkanta. Si Veron ay biglang hinila ang buhok ko.

"Ibalik mo na kay Ahlia, boses palaka ka, nakakarindi!"

Natatawang binalik ko kay Ahlia ang mic at agad sinabunutan si Veron. "Gagi ka, ikaw nga boses kiki!"

Minutes later, ang cottage namin ay sobrang ingay na. Nakiinom kaming magkakaibigan sa kanila. San Mig Light lang ang sa amin ni Ahlia para hindi masyadong malasing. Si Veron, pinag Tanduay Ice lang namin kasi napaka baba ng alcohol tolerance ng bruha.

Nagulat nga ako kasi nagyoyosi pala si Tristan, my love. Lumalabas sila ng cottage ni Jake kapag maggagano'n as a courtesy for us na hindi nagssmoke. Hmm. So, he smokes? How come super red at kissable parin ng lips n'ya? Diba kadalasan sa nagyoyosi nagvviolet ang lips? Tulad ni Jake, halatang yosi boy. Pero si Tristan, hindi. Pinagpala siguro talaga s'ya. Ako nalang kulang, perfect na ang buhay n'ya!

Hindi nagtagal, tuluyan nang nagconcert sa videoke si Ahlia. S'ya lang din naman kasi ang marunong kumanta kaya hinayaan na s'ya ng lahat. Wala nang lumaban.

Ako naman ay napunta na ang focus ko sa pakikipagchikahan kina Jake. Since may restaurant business kami, I was able to share few knowledge about running one. Tinanong tuloy nila bakit ang dami kong alam. Nagpalusot nalang ako na dating business iyon ni daddy. Ayoko ngang malaman nilang may restaurant kami sa Tags. Baka pumunta pa sila at mabuko pa ako.

Nang mag-alas kuwarto na, napansin ko na ang unti-unting pagkulit ni Veron. Medyo malikot na rin. Ang sarap isako! Nagulat nalang ako nang makitang umiinom s'ya pala s'ya ng San Mig.

"Punyeta ka!" hinaklit ko ang bote ng San Mig sa kamay n'ya.

"Oops." she covered her mouth and giggled. Napairap ako. Si Ahlia ay todo kanta pa rin at hindi napapansin na lumalaklak na pala itong kaibigan namin. Eh, busy din ako maglandi, hindi ko rin napansin. Tsk!

"Gago 'to, uuwi kang gan'yan? Gulpi de gulat ka sa nanay mo, lintek ka." bulong ko sa kan'ya na nagpalaki ng mata n'ya.

"Hala, natatakot ako masinturon." sagot nito sabay hikbi at nagulat nalang ako nang tuluyan na ngang umiyak.

"Huy, ginagawa mo?" niyugyog ko ito at bigla itong yumakap sa akin at sa balikat ko ngumalngal.

Nang lingunin kami ni Ahlia ay nanlaki ang mata nito. "Hala, ba't mo pinaiyak?"

Umiling ako. "Huy, hindi ah! Lasing na kaya mukhang tanga na naman."

"Hala, paano natin 'yan iuuwi?" natatakot na tanong ni Ahlia.

"Hala, okay lang kayo?" nga-aalalang tanong ni Jake. Isa-isa ko silang tinignan at lahat sila ay concern ang tingin sa amin ni Veron.

"Pasensya na. Nababaliw talaga ito kapag nalalasing. Uuna na kami." Tumayo ako at inalalayan ko si Veron na tumayo na rin. Tumigil na ito sa pag-iyak pero halatang nahihilo na.

"Tsk, hatid ko sana kayo kaso medyo may tama na rin ako."

Umiling ako kay Jake. "Okay lang, magtatricycle nalang kami." I smiled at him.

"Hatid ko na kayo." Si Seth naman ngayon ang nag-offer. Mabilis itong tumayo pero na-out balance naman. Medyo hilo na rin pala.

"Loko, mas lasing ka pa sa'kin, eh." sabi ni Jake kay Seth at saka ito muling hinila paupo.

"Ako na. Hindi naman ako masyadong uminom." ngayon ay si Tristan na ang nagpresenta.

Ayan! 'Yan ang hinihintay kong offer! Kahit sa altar mo pa ako idiretso, Tristan, bukal na bukal sa loob ko! I do na, agad-agad! Char!

"Sige, salamat. Magbabanlaw muna kami."

Dinala kami ni Tristan sa isang kuwarto para doon kami mag-ayos. Sabay-sabay na kaming naligong tatlo dahil pinagtulungan naming paliguan ni Ahlia si Veron na hilo-hilo na talaga.

"Nako, patay kami kay Mama Alma, Veron, umayos ka!" sigaw ko dito habang binibihisan namin s'ya. Si Mama Alma ay ang nanay n'ya.

"Oo nga, Veron." sabi naman ni Ahlia na halatang problemado na rin.

Muli kaming nagpaalam sa kanila sa cottage at saka dumiretso kung nasaan ang sasakyan ni Tristan.

Nagulat pa ako nang makita ang kotse n'ya. I'm pretty sure it's BMW but I'm not sure about the model pero ang ganda! Wow!

Nang sumakay kami ay ako ang shotgun at nasa likod naman sina Ahlia at Veron.

"Veron, bebe, sleep ka lang." Narinig kong sabi ni Ahlia sa siraulo naming kaibigan. Nang lingunin ko sila ay nakahiga si Veron sa lap ni Ahlia at nakapikit. Hinahagod naman ni Ahlia ang buhok n'ya na parang nanay. Kulang nalang pasusuhin, nakakaloka.

"Sorry, Tristan, naabala ka pa." Nahihiya ko s'yang nilingon. Ngumiti naman ito at mabilis akong nilingon para tanguan. Tapos ay bumalik ang tingin n'ya sa daan para magfocus sa pagmamaneho.

Kalagitnaan ng byahe ay biglang bumangon si Veron mula sa pagkakahiga. Nagtakip ito ng bibig at akmang susuka.

"Hala, Veron!" natatarantang sigaw ni Ahlia.

"Takpan mo 'yung bibig, Li. Pota!"

Nasapo ko ang noo ko at agad binalingan si Tritan. "Please, pahinto, please!" sabi ko dito at sakto namang may malaking space sa sidewalk kaya agad s'yang tumigil.

"Ayan na, punyeta ka!" sigaw ko kay Veron at agad binuksan ni Ahlia ang pinto, pero halos maubusan ako ng dugo sa ulo nang makita kong hindi umabot ang tuluyang pagbukas dahil nasuka na si Veron.

"EWWWW! Gagiiiii!"

Natalsikan ang suka ni Veron sa pinto ng kotse ni Tristan. Maging ang bungad na floor mat ay meron din. Takot kong nilingon si Tristan. Nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa pinto ng kotse n'ya.

"Hala, sorry!" takot na sabi ko sa kan'ya. Agad n'ya naman akong nilingon at inilingan.

"Ayos lang. Hindi naman sadya." ngumiti pa s'ya sa'kin to assure me na ayos lang talaga.

Ako naman ay hindi nakuntento sa ngiti n'ya. Kahit sabi n'yang ayos lang, para sa akin ay hindi. Nakakahiya!

Muli kong binalingan si Ahlia at Veron. Pinupunasan na ngayon ni Ahlia ang bibig nito. Muli kong sinilip ang suka.

"Yuck talaga, punyeta! May buo-buo pa, Veron, bungal ka ba!? Hindi mo ba nginunguya ang mga kinakain mo?" sermon ko dito. Hindi naman ako nito pinansin at nginusuan lang ako.

"Sorry na. Tristan, sorry." naiiyak na sabi nito. Nang lingunin ko si Tristan ay nakangiti ito na tila nagpipigil ng tawa.

"It's okay." malumanay nitong sabi.

Hala, ang bait. Kung ako s'ya at nasukahan ang maganda kong sasakyan, babalatan ko si Veron ng buhay at pagugulungin ko sa asin.

Bumaba si Tristan at kumuha ng isang galong tubig sa copartment n'ya. Ibinuhos n'ya ito sa pinto para kahit papaano ay mawala ang suka. May dala din s'yang towel at tinulungan ko s'yang linisin ang ibang suka kahit diring-diri ako.

Nang medyo umayos na ay tumulak na ulit kami paalis. Pagdating sa bahay ay agad kong pinapasok si Veron at Ahlia sa kuwarto ko. Mabuti nalang at pasado alasingko palang at mamaya pang 10 PM ang uwi nila mommy. Ang nandito lang ay si Ate Melba na busy naman manuod ng TV kaya hinayaan lang kami.

"Ate, may bibilhin lang ako sa labas. D'yan nalang muna si Ahlia at Veron sa room ko kasi masama pakiramdam ni Veron."

Tumango si Ate Melba sa akin. "Sige, be. Ingat ka." nakangiting sagot nito.

Mabilis akong lumabas at binalikan si Tristan sa kotse n'ya. Sabi ko kasi huwag muna s'yang aalis at babalik ako.

"Hi. Pa-car wash natin kotse mo. I'll pay for everything." nahihiyang sabi pagpasok.

Umiling naman s'ya. "No need, ayos lang talaga." he gave me a reassuring smile.

Kinagat ko ang labi ko at nagbuntong hininga. I heard him chuckle. "Okay lang nga." sabi ulit nito.

Muli ko s'yang nilingon. "Bakit ka natatawa?" nagtataka kong tanong.

"Wala. Nakakatuwa lang ang mga reaksyon mo." nakangiti nitong sabi.

Napanguso ako. "Nakakatawa ako, gano'n?" medyo mataray kong sabi.

"I said nakakatuwa. Iba ang natatawa sa natutuwa." paglilinaw nito.

"Ba't ka naman natutuwa?" I asked again.

Muli s'yang natawa at napailing. "Wala. Ewan ko."

"Kasi ang cute ko?" sabi ko sabay tawa. Natawa na naman s'ya at pagkaraa'y tumango.

"Huwag kang gan'yan, baka umasa ako."

Nawala ang ngiti n'ya sa sinabi ko. Biglang nagseryoso ang mukha.

"Joke lang." biglang bawi ko kasi halatang nailang s'ya. "Tara na. Pa-car wash na natin 'to. Naaamoy ko parin ang suka ni Veron. Parang pati ako nasusuka." Pagbabago ko sa topic.

Tumango naman s'ya at pinatakbo na ang kotse.

Next chapter