4th Chapter
We went to the nearest car wash at doon ipinalinis ng maayos ang sasakyan n'ya. Pasado alas sais palang at papalubog palang ang araw. Tahimik lang kaming nakaupo sa waiting area pero ilang minuto lang ay hindi ko na rin natiis na hindi magsalita dahil parang lalagnatin ang bibig ko sa sobrang katahimikan.
"Huy, sorry ulit ah. Ako nalang kasi ang magbabayad, para naman pa-sorry ko na sa'yo 'yun." sabi ko kaya bigla s'yang napalingon sa akin.
Ngumiti s'ya at umiling. "Okay lang, ako nalang."
I pouted. Natawa naman s'ya. "Okay lang talaga."
Biglang may tumawag sa kan'ya. Pagkatingin n'ya kung sino ay agad n'yang in-off ang screen at hindi sinagot.
"Sila Jake ba? Hinahanap ka na?" tanong ko pero umiling lang s'ya.
"Jowa mo?" pang-uusisa ko ulit na inilingan na naman n'ya.
"So... wala kang jowa?" This time ay napatingin na s'ya sa akin. Nginitian ko naman s'ya. Umiwas s'ya ng tingin bago umiling ulit.
"Ay, oo pala, kakahiwalay n'yo lang pero... mukhang gusto ka pa n'ya, 'noh?"
Umiling s'ya. "I don't think so."
"Akala mo lang 'yun." ngumuso ako. "Anyway, change topic na, baka naiinis ka na kasi bino-brought up ko ex mo." natawa ako. "Salamat pala sa shirt, I actually really like it. Funny na naging friends ko kayo dahil nabato ninyo ako ng bola." natawa ako ulit. "Sino nga pala ang talagang nakabato sa'kin?"
Nahilaw ang ngiti n'ya kaya napaawang ang labi ko. "Ako." nahihiya n'yang sabi.
Natawa nalang ako sa reaksyon n'ya kasi ang cute n'ya mahiya. "Ay, ikaw ba?" kaya pala sa'yo ako tinamaan! Char!
Nahihiya itong tumango. "Hindi pa nga ako nakakabawi sa'yo. Nakakahiya 'yon, sobra, sorry talaga."
"Edi bawi ka." patay malisya kong sabi. "Hindi pa naman huli ang lahat." ngumiti ako.
"Bawi ako? Dinner tayo after this?"
Napatingin ako sa relo n'ya. It's almost 7 now and the sun has already set. Medyo padilim na. I'm only 17 and I'm still not allowed na rumampa-rampa ng gabi na lalaki ang kasama, lalo na't hindi kilala nila mommy.
"Uhm, okay lang bang lunch nalang? Strict kasi ang parents ko, ang ganda ko kasi." sabi ko na nagpatawa sa kan'ya.
Napanguso tuloy ako. "Makatawa ka naman?" sabi ko na medyo nagtatampo. Lalo naman s'yang natawa.
"Ay, grabe, talagang pinagtatawanan ako? Oo na. Hindi siguro ako maganda para sa'yo. Siguro bet mo 'yung mapuputi, malaki ang joga-"
"You're beautiful." putol n'ya sa akin habang may multo pa ng ngiti sa mga labi n'ya. Natameme ako at napakagat ng labi
"You're also smart and talented, and I also admire your wit and confidence." dagdag n'ya pa na tuluyan nang nagpangiti sa akin. IHHHHH! ENEBEEE! Mahal mo na 'ko n'yan? Hays!
"If I'm your brother, I'd be very proud to have a sister like you."
Biglang nawala ang ngiti ko sa huling sinabi n'ya. Ayun lang. Sister-zoned pala.
Hindi n'ya nakita ang reaksyon ko dahil diretso ang tingin n'ya. Nanatili naman akong nakayuko dahil hindi maalis ang inis sa mukha ko.
"Thanks." sabi ko nalang kahit ang totoo ay naiinis talaga ako.
Kilig na kilig pa naman ako sa mga papuri n'ya sabay SISTER daw!? 'Nyeta!
Biglang may dumaang nagtitinda ng cotton candy. Lalo akong nairita nang tanungin n'ya ako kung gusto ko daw ba na animo'y kuya ko s'ya at nakababata n'ya akong kapatid.
"Ayoko." Hindi ko napigilan ang pagtataray. Medyo nagulat s'ya at napanguso.
"Okay." sabi n'ya at nanatili na s'yang tahimik. Hanggang sa matapos ang paglilinis ng kotse n'ya ay hindi na ako nagsalita.
Pagdating sa bahay ay mabilis akong bumaba at nagpaalam sa kan'ya. Umalis din naman s'ya agad. Pag-akyat ko ng kuwarto ay naroon pa rin si Veron at Ahlia, nanunuod na ng movie.
"Uyyyyyy! May nadulot na maganda ang pagsusuka ko, sis, aminin mo!" si Veron na ngayon ay mukhang nahimasmasan na.
Hindi ko s'ya pinansin at inis akong umupo sa kama.
"Ay, bad trip ka? Akala ko pa naman naka-score ka na sa crush mo dahil kayo nalang dalawa!" dagdag pa nito na nagpabuntong hininga naman sa akin.
Si Ahlia ay agad akong nilapitan at niyakap. Sinubsob ang mukha ko sa suso n'ya, nakakaloka.
"Ay, 'te, pasususuin mo ba 'ko?" sabi ko na tinawanan naman n'ya at saka kumalas sa yakap.
"Ay, sorry. Ikaw kasi, bakit ka ba sad? Anong nangyari?"
Kinuwento ko sa kanila kung bakit. Tawang-tawa ang gagong si Veron pero si Ahlia ay mukhang concern.
"Ikaw, nanggigigil ako sa'yo." sabi ko kay Veron habang masama ang tingin dito.
"Ano? Gaga ka kasi! Totoo namang bata ka pa, expect mo na talaga na gan'yan. Kahit pa 19 ang pakilala mo, 24 na s'ya, 'te! 5 years, 'te! Alam mo 'yon? 5 years! Iyang si Tristan, ang hanap na n'yan, 'yung mga magaling sa kama–"
"Veron!" saway ni Ahlia dito.
"Ano? Totoo naman kaya!" sabay irap nito kay Ahlia.
"Huwag kang susuko, Arah. Kung gusto mo talaga s'ya, show him na age doesn't matter." malumanay na sabi ni Ahlia. Hinagod-hagod pa nito ang buhok ko.
Pero, actually, tama naman talaga si Veron. Malamang sa alamang, si Tristan, experienced na 'yan. Bakit nga naman s'ya papatol sa tulad kong halik palang ang karanasan? Hindi pa nga laplapan, dampi-dampi lang. Hays!
Dahil medyo nairita ako sa sitwasyon namin ni Tristan ay nag-entertain nalang muna ulit ako ng ibang boylet. Kahit si Seth na text ng text, palagi ko na ring nirereplyan. Nakakaaliw naman din kahit papaano kasi funny si Seth, but I can't deny the fact na deep inside me, alam kong may kulang. Alam ko kung sino talaga ang bet ko! Hays!
"Kuya, if you'll meet a 19 year old beautiful and smart girl just like me, will you court her?"
Iritado akong binalingan ng kapatid kong busy sa cellphone n'ya. Kakatapos lang namin magbreakfast. Kami lang dalawa, as usual, dahil nasa restau na sina mom and dad.
Kuya Lester is now 25 years old. He's not into our business dahil mas nakahiligan n'ya ang car business nila ng mga tropa n'ya kaya lagi s'yang palaboy sa labas, minsan lang umuuwi.
Malaki ang agwat namin dahil after him, naging busy daw sina mommy at daddy sa business namin. Dati kasi, when we were still living in Manila, our restaurant business is huge. We have a group of restaurants hindi tulad dito sa Tagaytay na isa lang. Dati legit kaming mayaman. Nabibili nila lahat ng gusto ko. Sobrang spoiled ako. Panay pa ang shopping namin ni mommy! But something happened, and nalugi ang lahat unti-unti. I saw how mom and dad struggled during those times. It was devastating for us. We moved here in Tags after that. Saktong magha-high school na ako. I was forced to study in a public school dahil nga nagsisimula palang ulit kami. But because of that, I met Veron, Ahlia, and Daisy kaya ayos lang. Ang hindi lang naman ayos sa sa akin ay ang pagtigil nila mommy at daddy sa pagbili ng mga kapritso ko kahit ngayon na okay naman na ang naitayo nilang business dito sa Tagaytay.
Nakakainis iyon. Nasanay akong nakukuha ang lahat ng kahit anong gusto ko. So, when I started flirting and dating boys at narealize kong they can provide my wants basta bigyan ko lang sila ng atensyon, hindi na ako tumigil. Wala namang masama sa ginagawa ko, right? Hindi ko rin naman hiningi ang mga binibigay nila. Kusa iyon dahil masaya sila kapag sumasaya ako. Give and take lang.
"Ano nga? Dali!" pangungulit ko pa. Lalo tuloy sumama ang mukha n'ya.
"Ano 'yan, Arah? Magboboyfriend ka na?" galit na sabi nito. "At may edad pa?"
Ngayon naman ay tumaray na rin ang mukha ko. "Nagtatanong lang! Boyfriend agad? Kung ayaw mo, edi 'wag mo sagutin!" sabi ko at hindi na s'ya pinansin.
"Ayusin mo lang." pagbabanta nito sa akin.
"Ayusin mo lang." panggagaya ko naman sa kan'ya.
Lalong sumama ang tingin n'ya sa akin kaya natawa ako. "Joke lang po! Ito naman!" sabi ko sabay ngiting pagkatamis-tamis.
"Kapag nalaman ko lang na may boyfriend ka na, kakalbuhin kita."
Napahawak ako sa buhok ko dahil sa sinabi n'ya. Kinilabutan ako nang maimagine na ginugupitan n'ya ang long and shiny hair ko.
Pero, duh, as if naman na malaman n'ya. Lagi nga s'yang nasa labas. Sa Manila pa nga s'ya madalas. Kaya nga kahit ilang beses na akong nakipagdate at lumabas, wala naman s'yang nalalaman. Puro pananakot lang.
After breakfast ay sa kuwarto ulit ako nagtambay. I was watching my favorite series, Friends, when my phone suddenly lit up for a text. I was shocked when I saw it's from Tristan!
It's been three days since nu'ng huling pagkikita namin and I can't deny na namimiss ko na talaga s'ya!
From: Tristan ♥️
Hi Quin, are you free for lunch later?
Napairit ako sa nabasa. Luh! Tototohanin n'ya pala talaga 'yong sinabi n'yang babawi s'ya? Gagiiii, pati apdo ko kinikilig!
To: Tristan ♥️
Ok. Saan?
Emeee! Syempre kunwari cold kasi hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang inis ko sa pangsi-sister zone n'ya sa'kin kahit kinikilig ako.
Agad s'yang nagreply.
From: Tristan ♥️
You choose.
Hmmm. Saan kaya? Ayoko dito sa Tags kasi ayaw kong may makakita sa'ming asungot.
To: Tristan ♥️
SM dasma, g ka? May sadya din kasi ako don. If hindi ok lang. Next time nalang.
Medyo inabot ng 5 minutes bago s'ya nagreply ulit.
From: Tristan ♥️
Sure. I'll pick you up at 11?
To: Tristan ♥️
Ok
Muli akong napairit sa kilig. OMG! First date namin 'to! Alam kong para sa kan'ya, wala lang ito, pero para sa'kin date ito! Date!
Hindi ako mapakali sa pagpili ng damit. Sa huli, dahil sa isang mall lang naman kami, I ended up wearing a light gray spaghetti strap cropped top and a tattered boyfriend jeans na tinupi ko ang dulo. Dahil naka push-up bra ako, cause push-up bra is life, may kaunting cleavage na nagpapansin. Eme!
Then I paired my outfit with white sneakers. I curled my hair and formed some beach waves para maiba naman. Then, I used my white Steve Madden small crossbody bag.
Maaga ng 10 minutes si Tristan. Mabuti nalang wala na ang kuya kaya walang epal nang sinundo n'ya ako. Nagpaalam na rin ako kay mommy sa text na aalis kami kunwari nina Veron at pumayag naman s'ya.
Dahil mababa ang gate namin ay nakita ko agad s'ya paglabas ko palang ng pinto. He was leaning on his car, waiting for me. He's wearing a simple black shirt and light blue jeans.
Napangiti ako pero agad ko ring pinigilan. Nagtatampo tayo, sis, kaya 'wag ka munang malandi d'yan!
"Hi." bati n'ya nang makalapit na ako sa kan'ya. Agad n'yang binuksan ang pinto at tumango lang ako sa kan'ya bago pumasok.
Pagpasok n'ya ay hindi na s'ya nagsalita. Tahimik na tuloy kami sa byahe. Medyo mahaba pa naman. 45 minutes pero depende pa if may traffic, mas matagal.
"Do you want to play some music? You can connect your phone to the speaker." Basag nito sa katahimikan. Tumango naman ako at sinunod ang sinabi n'ya. I played random songs from my phone. Tapos ay wala na ulit nagsalita sa aming dalawa. Pero hindi ko talaga kaya nang matagal na tahimik, parang tatrangkasuhin ang bunganga ko!
"Musta ka naman?" malamig kong sabi na medyo ikinagulat n'ya pa. Saglit n'ya akong nilingon bago bumalik ang mata n'ya sa daan.
"I'm good... you?"
"Ay's lang." mabilis kong sagot. Tapos ay wala na ulit akong maisip na sasabihin. Punyeta! Itanong ko ba ang paborito n'yang number sa electric fan para lang may pag-usapan kami? Kainis!
Tahimik na tuloy ulit kami. Pero para kaming inasar ng tadhana, biglang nagplay ng nakakatangang kanta ang phone ko.
Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako,
nangangarap na mapa-sa'yo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?
Pasimple ko s'yang nilingon para tignan kung tinamaan din ba s'ya sa kanta, tulad ko. Kaso, as expected, dedma! Kairita, ako lang talaga ang affected? 'Nyeta!
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Wala ba talagang chance, Tristan? Kainis naman! Hirap naman nito. Suko na ba 'ko? Si Seth nalang kaya? Hirap harutin ni Tristan, eh.
Hanggang makarating sa SM Dasma ay tahimik na ako. Bago kami bumaba ng kotse ay bigla s'yang nagsalita.
"Are you... okay?" nag-aalinlangan n'yang tanong.
Tumango naman ako at ngumiti ng peke. "Tara na."
He made me decide where to eat and I chose Mesa. Dami kong orders kasi trip ko lumamon ng bongga dahil lungkot-lungkutan ang lola n'yo. While waiting for our orders, hindi pa rin ako chumichika at alam kong napapansin n'ya na ang pagiging tahimik ko dahil alam naman n'yang chikadorang tunay ako.
"Do you have plans after this?" basag n'ya sa katahimikan.
Tumango naman ako. "Yep. Ikot-ikot lang. Una ka na umuwi if gusto mo tutal lunch lang din naman talaga ang usapan natin, diba?" I smiled fakely.
"Nope. Ihahatid kita pauwi." mabilis na sagot n'ya na nagpangiti agad sa akin. Pero agad ko ding binawi.
Ano, Arah, kilig ka naman agad? SISTER, KA LANG, GIRL, 'wag kang echusera. Hays, punyeta, sister. Nakakaasar kapag naalala ko. Lakas maka-napkin.
"Madalas ka ba rito? Alam mo ba kung saan ang National Book Store?"
Tumango ulit ako sa tanong n'ya
"Samahan mo 'ko, okay lang?"
SAMAHAN PA KITA SA PAGTANDA, GUSTO MO?
Tumango ako at nagpigil ng ngiti.
He smiled. "Thank you, Quin."
Sobrang sarap ng mga kinain namin. The best 'yung Swahe (shrimp) on the Rocks kasi pinagbalat pa ako ni Tristan. Asikasong-asikaso n'ya ako. Hayyy. Kung hindi lang talaga n'ya ako tinuturing na LITTLE SISTER, buong-buo na sana ang kilig ko sa mga ginagawa n'ya.
Nagpunta nga kami ng National Book Store after kumain. Nang tinanong ko s'ya kung anong bibilhin n'ya, school supplies daw. Nagtaka ako kasi alam ko namang tapos na s'ya sa pag-aaral kaya inusisa ko pa s'ya kung para saan ba. Nahihiya pa nga s'yang sabihin noong una pero sa huli ay napaamin ko s'ya na para pala iyon sa mga anak ng mga trabahador nila sa resort.
MAHABAGING LANGIT AT LUPA. Napakabait pala talaga n'ya. Lalo ko tuloy s'yang nagiging crush. Hays!
I helped him shop notebooks, pens, pencils, crayons, and other basic supplies na kailangan ng mga estudyante. Marami s'yang kinuha. Siguro ay para sa mahigit benteng bata. After that, pumila s'ya sa counter at nagtungo naman ako sa book section para magtingin-tingin.
Fifty Shades of Grey
Dinampot ko ang libro at humahagikhik kong binasa ang nakasulat sa likod. Alam ko 'to! Ito daw 'yung librong puro chubachenes sabi sa akin ni Veron nu'ng nakaraan!
Curious, I randomly opened a page at binasa ko iyon. Nag-init ang mukha ko nang sex agad ang nabasa. Nakakaloka! First time kong makabasa ng ganito. Sobrang detailed naman nito, gagi!
At ang mas nakakaloka pa, katunog ng pangalan ni Tristan 'yung name ng bidang lalaki sa libro na si Christian. Tapos 'yung babae Ana, katunog ng name ko na Arah!
"Hey,"
Naibagsak ko ang libro sa biglaang pagdating ni Tristan. Nanlalaki mata ko s'yang tinignan. Dinampot naman n'ya ang librong nalaglag ko.
"Sorry, I didn't mean to startle you." He chuckled while handing the book back to me. Kukuhain ko na sana iyon pero bigla n'yang binawi at kunot noong binasa ang title.
"Fifty Shades of Grey?"
Nanginig ang kamay ko at mas lalong nag-init ang mukha ko. Tristan looked at me again at nang makita n'ya ang namumula kong mukha ay bigla s'yang natawa.
"W-what's funny!?"
I grabbed the book from him at saka iyon binalik ng shelf. Hiyang-hiyang naglakad ako paalis pero hinila n'ya ang kamay ko kaya napabalik ako sa kan'ya.
"Hey, I'm sorry." he said while still suppressing a smile. Iritado ko s'yang binalingan. "Sorry. I didn't mean to offend you. It's just a book, Quin. You don't have to be shy about it."
I crossed my arms below my chest. "Bakit, nabasa mo na ba 'yon?"
He shook his head. "But I know that it's an erotic romance book."
Kinagat ko ang labi ko at napapikit nalang sa sobrang hiya.