Chapter 4 - Meet Antoneth
ZIRO
Tuluyan na ngang nakapasok si Freya at inilibot pa ng tingin ang buong paligid pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Bigla itong pumasok sa kwarto ko at humiga pa sa kama ko. "P-pasensiya na pero hindi ka pwede dito" Natataranta na ako dahil baka makita siya ni Sora at 'pag nakita siya siguradong ako ang mapagbubuntungan.
"Kakasabi ko lang, dito muna ako tiyaka hindi nyo naman pagmamay-ari ang lugar na ito, diba?" Napabuntong hininga nalang ako upang mabawasan ang kaba ko. Tama naman siya, hindi saamin ang lugar na ito kaya wala akong karapatang paalisin siya. "Pwede kobang makita ang status mo?" Napakunot ang noo ko nang sabihin niya iyon. Bakit naman niya gustong makita ang Status ko?
Inilahad ko paharap ang kamay ko at sasabihin sana ang 'Status' kaso pinigilan niya akong gawin iyon. "Hubad." Halos mag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman niya ako paghuhubadin? Sira ba siya?! "Hubadin mo yung pangitaas mo" umiling-iling ako pero parang paulit-ulit padin n'yang sinasabing hubad. Tumayo ito at dahan-dahang lumapit saakin at ako naman ay paatras ng paatras, halos masanggi kona nga ang mga gamit ko pero wala akong paki dahil may manyak na babae akong kasama.
"L-lumayo ka! S-sige ka! S-sasaksakin kita!" inequip ko ang Dagger ko na masisira na ano mang oras. Hindi man lang siya natinag at lumapit pa ng lumapit ng lumapit hanggang sa nacorner na niya ako sa pader.
"Alam kong hindi mo kayang gawin 'yan sakin" Maamo ang mukha niya na para bang wala syang pinoproblema sa buhay pero isa palang itong manyakis "kung ako sayo hubadin mona ang damit mo" pagbabanta pa nito saakin ngunit may matamis siyang ngiti na nakaukit.
Sobrang pula ko na ngayon na para bang ang dugo ko ay umakyat na sa ulo ko. "L-lumayo ka nga sakin!" itinulak ko siya papalayo at itinutok sa kaniya ang dagger ko. Lumapit ito muli saakin at hinawakan ang dagger kona naging dahilan ng pagkasira non.
"Ayos lang yan, cute ka naman" Napaluhod ako at nagdalamhati sa nawala kong dagger.
Sumalangit ka sana pinakamamahal kong Dagger huhuhuhu. "Handa kana ata eh" bulong nito saakin at sinimulan ng hilahin ang damit ko upang hubarin pero patuloy parin ako sa pagpupumiglas hanggang sa mapatigil kami dahil sa isang napakalakas na ingay.
Halos matanggal ang pinto ko dahil sa malakas na sipa ni Sora, hindi na kumalas sa pagkakahawak sa damit ko si Freya dahil narin sa gulat. Makikita sa mukha ni Sora ang galit at lumalabas na din ang ugat niya sa noo.
"ZIRO!!!!!" narinig ko nanaman ang nakakarinding boses ni Sora. kumalas na sa pagkakahawak saakin si Freya at tinakasan ako. WHAAA!!! pahamak ang manyak na babaeng yon! Galit na galit na lumapit saakin si Sora. Gusto ko mang tumakbo kaso wala na din naman akong matatakbuhan.
"D-Diyosa, M-magpapaliwanag ako" Tagaktak ang pawis ko dahil sa naghahalong kaba at takot kay Sora. Hindi ko naman kasi akalaing magagalit siya ng ganito ehh. "Nagdala kapa talaga ng babae dito ha! Ilang babae na ba ang dinadala mo dito ng palihim?!!"
"W-wala naman akong dinadalang babae dito ehh T-tyaka siya yung pumasok dito bigla" Inilagan ko siya ng inilagan dahil gusto na niya akong sakalin at patayin.
"Ehh bakit hinuhubaran ka niya?! kung gusto mo palang hinuhubaran sabihin mo saakin at huhubaran kita kasama pati balat mo!!" Napatingala ako dahil tumalon siya upang makasakay sa likuran ko. Sinabunutan niya ako ng sinabunutan na naging dahilan ng pagdaing ko sa sobrang sakit.
"Aray! Diyosa makinig ka muna kasi!" Parang matatanggal na ata ang buhok ko sa anit o baka matanggal na ang anit ko sa ginagawa niya saakin. Nakahinga ako ng maluwag ng itigil niya ang ginagawa niya ngunit nakasakay parin ito sa likod ko. Nanindig ang balahibo ko ng ilapit niya ang mukha niya saakin.
"May limang segundo ka" Nataranta ako dahil limang segundo lang ang binibigay niya kaya pinaspasan ko ang pag sasalita "Sabinyakasititingnannyaangstatuskokayapinpahubadnyaakoperohindikoakalaingganonpalaangibignyangsabihin" (sabi nya kasi titingnan niya ang status ko kaya pinapahubad niya ako pero hindi ko akalaing ganon pala ang ibig niyang sabihin) halos habulin ko ang hininga ko dahil walang hingahan ang pagpapaliwanag ko.
Napatugo-tungo ito na para bang naiintindihan niya ang gustong gawin ni Freya. "Pero mga Diyosa lang ang maaaring makakita ng bagay na yon" bulong nito pero narinig ko naman kasi ang lapit niya lang saakin.
"Anong ibig mong sabihin? si Freya ay Diyosa din?" namilog ang mata nito at sinabunutan akong muli. Nakakarami na siya Ha!
"Alam mo bang Wala na kaming balita sa babaeng yon?! tapos isang hamak na tao lang ang makakakita sa kanuya?!!" tumigil din ito agad at buti naman bumaba na ito dahil ang bigat niya.
"Ibig mong sabihin matagal ng nawawala ang Babaeng yon?" Tumungo ito bilang sagot at naglakad paikot na para bang may iniisip ito, nahihilo na nga ako sa ginagawa niya. Sawakas ay tumigil ito ngunit kinuwelyuhan naman niya ako. "Ano naman kaya ang kailangan niya sayo?"
"ewan pero ang sabi niya kasama daw natin siyang nakipaglaban non" tinitigan ako ni Sora mula ulo hanggang paa na para bang bagong kita palang kami.
"Ano naman kayang bagay ang naagaw ng atensyon niya ?" Napailing nalang ako. Kung sino man ang Freya'ng iyon siguradong may gusto siyang malaman saakin.
"Siguro," napahawak ito sa baba niya at bigla itong naliwanagan dahil may pumasok na ideya sa utak niya. "Nakita niya na may potensyal ka! baka gusto ka nuyang sanayin upang maging mahusay!!" Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko talaga siya maintindihan. "Naging guro namin siya noon kaya masasabi kong Siya ang makapangyarihan saaming mga Dyosa, marami siyang alam na mahika at higit sa lahat ay napaka ganda!" Wala akong masabi dahil nakasama ko ang guro ni Sora.
kinabukasan ay pumunta kami sa pamilihan ni Sora dahil meron daw siyang gustong puntahan kasama ako. Wala nadin akong nagawa dahil baka mamaya magwala nanaman siya o kaya naman ay maalala nanaman niya yung bwiset na Sandro na yun. "Dyosa san ba tayo pupunta?" Tumigil ito saglit at humarap saakin habang hindi mapakali ang kaniyang daliri.
"A-ano kasi-" Naputol ang sasabihin niya dahil may biglang tumawag sa aking pangalan. Nagpalinga-linga ako upang hanapin kung sino iyon at napadako ang atensiyon ko kay Felisha na nakangiting tumatakbo papaunta sa direksyon namin.
"Ziro! halika punta tayo sa blacksmith ibibili kita ng gusto mo" Umiling lang ako pero hinihila na niya ako paalis at hindi ko namalayang pati rin pala si Sora ay hinihila ako. "Bitawan mo nga si Ziro!!" Sabay nilang sigaw. Parang nabingi ata ako dahil ang sigaw nila ay nakakabasag ng eardrums.
Nagkaroon ng kakaibang atmotpera sa pagitan ng dalawa kung kaya't humakbang ako patalikod upang makaiwas sa kanilang alitan. "Ziro?" napadako ang atensiyon ko kay Freya na nakangiting lumapit saakin. Hindi na siya napansin nila Felisha at Sora dahil abala sila sa pagtatalo. "A-ahh Hello Freya" kinawayan ko ito ngunit nginitian lamang niya ako.
"Pasensya kana ngapala sa nangyare kahapon ha, Interesado lang talaga ako sayo" Napakamot ito sa kaniyang pisngi at ako naman ay napakamot sa aking ulo. Simula kasi na malaman ko ang tungkol saakanya nahihiya na ako dahil isa pala siyang malakas na Dyosa.
"Hehehehe ayos lang naman po yun, ang mahalaga ayos na ang lahat" Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang tinutukoy ni Sora na tanging Diyos(a) lang daw ang makakakita ng ewan kong bagay. Ano nga kaya yun? Itatanong ko nalang mamaya.
"Sora? ikaw ba yan?" Natigil ang alitan ng maramdaman na nila ang presensiya ni Freya. Biglang lumabas ang other side ni Sora na isang maamong Diyosa. "Miss. Freya! Kinagagalak ko pong makita kayo ulit. pagpasensyahan niyo na po sana ang nangyare kahapon" magalang nitong Sabi.
"Alam mo," Nagulat ako sa ginawa ni Freya na nakapagbago sa Aura nila Felisha at Sora. Niyakap banaman ni Miss.Freya ang braso ko na naging dahilan ng pamumula ng mukha ko.
"May potensyal ang batang toh" Mas lalong sumama ang mukha ng dalawa ng mas dumikit saakin si Freya.
"A-ahh Diyosa! saan pala tayo pupunta?" Ganon parin ang itsura niya nang tumingin ito saakin at malamig niya akong sinagot "Sa blacksmith" sagot nito. Tiningnan na din ako ni Felisha at parang iniunat ang dalawang kamay at handa na akong sakalin. Ano bang problema ng mga babaeng ito? lagi nalang ako nabubugbog ng mga ito.
"Kung ganon Halika na!" Aya ni Freya at nagsimula na kaming maglakad. Binitawan na rin ako ni Freya at nagsama-sama sila sa harapan ko ngayon. Habang naglalakad ay ramdam ko ang tensyon sa tatlo, Ang tingin nila ay nasa iisang tao lang, kay Freya.
Napasampal nalang ako sa noo dahil para silang bata na nag-aaway sa isang candy.
Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa Blacksmith. Pagpasok namin ay nadatnan namin agad si Miya na pinapanood ang isang babae habang gumagawa ng sandata. "Hello Kuya Zero!" bati nito pagkapasok namin. Agad akong hinila nito papalapit dun sa babae at pinakilala "Mama, siya si Ziro yung kinukwento ko" Masigla nitong sabi. Ang cute niya talaga ang sarap pisilin ng pisngi niya.
"Kung ganon ikaw si Ziro? ako si Antoneth ang Familliar n'ya. Wala ngayon ang mga magulang niya kaya ako ang nagbabantay" inilahad nito ang kamay niya at agad ko naman iyong tinanggap. Meron siyang Pulang buhok na mediyo patusok at nakasuot naman ito ng isang Eye patch.
Sumilip ito sa aking likuran kung nasaan sina Sora. Kinawayan niya ito pero sinimangutan lang siya nina Sora at Felisha, kinawayan naman siya ni Freya habang may ngiti sa kaniyang labi.
"Long time no see Neth!" napangiti naman si Antoneth nang makita nya Freya. "Buhay ka papalang babae ka" pang-aasar nito.
"Pwede niyo po bang bigyan ng Pinakamagandang armor si Ziro?" Singit ni Felisha sa nakakaantig na titigan nila Freya at Antoneth "Ako ang magbabayad" hirit pa nito. Napakunot naman ang noo ko dahil ngayon ko lang naranasang ilibre ni Felisha. Nakakapagtaka dahil pag magpapalibre ako lagi niya akong binabatukan at sinsabing wala siyang pera.
Natawa nalamang si Antoneth at hinila ako bigla papasok sa isang Hagdan pababa. Sumunod nadin ang iba at laking gulat namin sa kung anong naroon sa ilalim. Isang kwarto na puno ng mga Armor's at Weapon. "Mamili kanalang dito Bata" hinampas niya ako sa aking likuran na para bang magkumpare kami. Napakamot nalang ako sa ulo at namili ng armor na hindi gaano kagandahan dahil baka mapagastos pa si Felisha dahil saakin.
Pinili ko ang isang Silver Plate Armor at dalawang Pares ng Silver Arm Harness upang proteksyon sa aking Siko. Tanging yun lang ang pinili ko upang hindi na maging mas mahal ang babayaran ni Felisha. "Ayos lang ba talaga yan Ziro? Pwede mo pa namang dagdagan yan" Napaiwas ako ng tingin ng biglang magpacute si Felisha. Creepy.
"Ahh Ziro-" naputol ang sasabihin ni Sora dahil agad tinakpan ni Felisha ang bibig niya. Natawa nalang sila Freya at Antoneth dahil sa inaasal ng dalawa.
"Bata!," napadako ang atensyon ko kay Antoneth na hawak-hawak na ang pinili ko. "Libre kona sayo ito" Ibinigay niya ang dalawang pares ng Silver Leg harness, isang Gorget upang protektahan ang leeg at dalawang pares ng Spaulder para sa balikat ko.
"S-sigurado po kayo? Nakakahiya naman" bigla nalang niyang ginulo ang buhok ko na parang bata na ikinapula ng pisngi ko, nakakahiya ang ginagawa niya lalo pa't may mga kasama akong babae. "Isipin mo nalang na regalo ko yan sayo" nagningning ang mata ko dahil sa sobrang saya hindi pa kasi ako nakakatangap ng Regalo noon pa halos hindi kona nga alam kung kailan ang kaarawan ko eh.
"Wala naman pong okasyon ngayon" Nagtataka silang nagkatinginan na para bang may mali sa sinabi ko. "Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Hindi moba alam? Kaarawan mo ngayon" sabay sabay nilang sabi bukod kay Miya na walang alam sa nangyayare. Pati nga ako ay wala ring alam eh. Ngayon lang nag sink-in saakin ang sinabi nila,
"K-kaarawan ko? Hindi ko alam" nahihiya kong sabi. Ako ang may kaarawan pero hindi ko alam hayss. Kahit naman mag diwang kami hindi babalik ang ama ko. Kinuha ko nalang yung Armor na libre saakin at sinukat iyon. Nang matapos ako ay nadatnan kong nakanganga sina Felisha at Sora na mukhang dadapuan ng langaw ang bunganga.
"May mali ba sa suot ko?" Agad naman silang natauhan at napailing. "Ayos nga eh!" sabay nilang sabi. Ang weird na talaga nila. Napailing nalang ako ng bahagya at hinila na yung dalawa paalis. Nagpasalamat nadin ako kay Antoneth at Miya na todo ngiti.
"ahh Ziro, mauna na kayo may pag-uusapan pa pala kami ni Antoneth ehh" Nagpaiwan si Sora kaya kami nalang nila Miss.Freya at Felisha ang mag kasamang kakain sa isang malapit na Restaurant dito sa bayan. Doon daw kami magdidiwang ng kaarawan ko.
SORA
Muli akong pumasok sa loob ng Blacksmith shop at nagtataka akong tiningnan ni Antoneth "ohh bakit ka bumalik?" Tiningnan ko ito sa mata na para bang nakikipag-usap gamit iyon. Napapikit nalang si Antoneth ng maintindihan niya ang gusto kong sabihin."Sumunod ka sakin" Dinala niya ako sa ibaba kung nasan kami kanina nila Ziro at doon nag-usap ng masinsinan. "So? anong pag-uusapan natin?"
"pwede bang gawan mo si Ziro ng Panibagong Dagger?" Tiningnan lang niya ako na para bang binabasa niya ang isip ko.
"Alam mo namang bawal gamitin ang bagay nayon para sa batang yon, maaari pa kung simpleng Dagger ang gagawin ko" napilitan akong lumuhod at nagmakaawa sa kaniya. Halos idikit kona ang noo ko sa sahig para lang makumbinsi siya.
"Paki usap! kahit para nalang sakin, tatanggapin ko ang parusa na matatanggap mo kaya sana," kumuha muna ako ng lakas ng loob bago ituloy ang aking sasabihin "Gawan mo siya!"
"Tumayo ka diyan" Hinarap ko siya habang umiiyak ng walang humpay ang mata ko. Alam kong madadagdagan nanaman ang parusa ko pero para ito ay Ziro, sisiguraduhin kong handa na siya bago ko paman siya iwan
"Gagawan ko siya" Nabuhayan ako ng loob ng sabihin niya ang mga salitang iyon. Nabigo ako kay Sandro na ginagabayan ko kaya ngayon ay gagawin ko ang lahat upang maging handa na si Ziro.
"May nakita si Freya sa kaniya, isang bagay na hindi pa nalalaman ni Ziro" Mahina kong sabi pero sapat na iyon para marinig niya. "Alam kong balang araw lalabas ang tunay nyang kakayahan" hirit kopa. Kaya pinapahubad ni Freya si Ziro dahil may inilagay akong Sikretong magic circle sa likod ni Ziro na makakapagtago sa kaniyang tunay na level at makakapagtago sa umaapaw na kapangyarihang naninirahan sa kaniya. Yun ang tanging paraan upang maitago iyon at hindi magamit ng masasamang loob na nakapaligid sa kaniya.
Sinabi saakin ng mga Diyos at Diyosa ang tungkol kay Ziro pero hindi nila sinabi kung pano nangyari iyon.
"Magigising din ang tunay niyang kapangyarihan, At sa araw na iyon siguradong hindi ka na nya kailangan" Masakit man pakinggan ngunit kailangan kong tanggapin. Dadating ang araw na maglalaho ako sa mundong ito at iiwan si Ziro na handa.
"At kamusta naman ang kapatid ni Sandro na si-" hindi kona ito pinatapos at sinamaan siya ng tingin.
"Wag mong mabanggit-banggit ang pangalang iyon" Napabuntong hininga nalamang si Antoneth. Alam niya kung ano ang nangyari noon dahil dati siyang Familliar ng kapatid ni Sandro kung kaya't marami itong nalalaman. Hindi namin sakop ang problema ng mga tao lalo na kung personal ito ngunit iba iyan sa pinaniniwalaan ko. Ang tao at Dyos(a) magkapareho lang, may karapatang tulungan ang bawat isa upang magkaintindihan at ganon ang ginagawa ko kay Ziro. Tinutulungan ko siyang hanapin ang Ama niya upang kahit papaano may kasama si Ziro pag nawala ako.
"Umalis kana muna, siguradong hinihintay ka nila sa Isang Restaurant malapit dito" Tahimik akong lumabas at nagpaalam kay Miya na nagbabantay sa Shop ni Antoneth. Pinuntahan ko sila Ziro sa Restaurant sa 'di kalayuan at nakita kong masaya silang nagkwkwentuhan nila Felisha. Kahit papaano pala may mga makakasama pa siya.
"Mawawala ako sa mundo na handa na sya at hindi na ako kailangan" bulong ko sa sarili at tuluyan nang pumasok sa loob.