webnovel

Chapter 5

Chapter 5 - Dalhina

ZIRO

PAGKATAPOS naming kumain ay naglakad na kami papaalis ngunit sa ibang direksyon. Simula nang lumabas si Sora sa Blacksmith shop ay nanahimik na naman ito. Nakikita ko nanaman siyang nasa ganiyang kalagayan.

"Babalik na ba tayo?" Tanging iling ang isinagot nito. Nakatungo parin ito na para bang ayaw niyang ipakita ang mukha niya "Nagkasundo kami ni Felisha kanina na puntahan ang Rising Hugwart Forest." sagot nito.

"Talaga? 'Di ba sira na ang gubat na 'yon?" Napasulyap ako kay Felisha na nanahimik na rin. Ang alam ko ay doon siya nanirahan noon kasama ang kapwa niya elf, pero simula noong nilusob sila ng mga halimaw ay hindi na siya bumalik pa doon. Kaya naman gumagawa siya ng Mission sa bayan ay para kahit papaano ay makahiganti siya. Ang Arc Knight naman ay hindi kasama sa mga Mission Quest na iyon kasi hindi naman sila nakatira sa bayan. Lulusob sila sa dungeon ano mang oras kahit walang Mission.

Ang 'di ko lang maintindihan ay bakit hinahayaan kami ng mga halimaw, noong isang araw lang sila pumunta sa sentro para manakot. Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad at sa wakas ay narating na namin ang bukana ng forest. Dumaan kami sa isang batis para makatawid sa kabila. Tama nga ang inakala ko ay sira sira na ang gubat na 'to. May mga punong kalbo na, at pati ang batis ay sobrang dumi na rin dahil sa kagagawan ng mga kahoy na natumba doon at ng mga patay na dahon.

Maging ang mga tree house ay nasira na din. Nagmistukang Hunted ang buong gubat lalo na't pagpasok ay kadiliman agad, kakaonti lang ang ilaw na pumapasok dito na sapat na upang makita namin ang isa't isa. Sinulyapan ko si Felisha na malungkot na nakatingin sa tirahan niya na parang dinaanan ng bagyo.

"Ang bahay namin ay nandoon, pero hindi ko alam kung maayos pa ba 'yon." Saad niya habang nakaturo sa kaliwa.

"Tara puntahan natin baka maayos pa naman." aya ko at Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi na naman napirmi ang mata ko at inilibot ang tingin. Habang si Freya ay binitawan na ako at nasa unahan na kasama ni Felisha. Habang ang katabi ko naman ay si Sora na nakatingin lang din sa paligid na nadadaanan namin. Sa aming paglalakad ay nakakaramdam ako ng mata na nakatingin saamin at nagmamatiyag. Binaliwala ko nalamang dahil baka imahinasyon ko lamang iyon.

Nakarating na kami at hindi naman ako makapaniwala nang makita ang bahay niyang gawa sa bato. "Wow, maayos pa pala ang bahay mo. Ang ganda rin." Komento ko. isang palapag lamang iyon na pahaba. Puro baging at lumot na ang bahay na ito ngunit kita parin ang ganda. May malalaki iting bintana at mayroon iyong isang kahoy na pinto na may mga nakaukit.

"Pero nasira ang kabilang kwarto ng kapatid ko." Pumasok kami sa loob at kitang kita ko ang mga potion sa mesa. Agad naman niya itong kinuha. "Salamat naman at hindi 'to natapon."

"Bakit anong meron d'yan?" Tanong ni Sora. "Gawa 'to ni mama bago siya pinatay ng halimaw." Hindi naman kami nakapagsalita dahil sa sinabi niyang 'yon. Inilabas niya ang kaniyang secret bag na siya lang ang nakakahawak ayon sa kaniya. Inilagay niya iyon doon at agad naman iyong nawala sa kamay niya. "Aalis na ba tayo?" Tanong ni Freya.

"Umalis na tayo baka may mga pagala-galang halimaw dito mahirap na." Sagot ni Felisha. Sumang-ayon naman kaming lahat pero tanging si Freya lang ang hindi tumango.

"Paano kung gumala muna tayo dito? Sa tingin ko naman ay wala ng halimaw dito sa gubat." Komento ni Freya. Hindi naman ako makasagot dahil nahihiya akong tumanggi.

"Pero--" dadaing pa sana si Felisha kaso pinutol iyon ni Freya.

"Sige kung ayaw njyo kaming dalawa na lang ni Ziro ang gagala." pinulupot niya agad ang kaniyang kamay sa braso ko na kaagad ko naman kinailang.

"Tss.. sasama kami. Hindi pwedeng kayo lang no," napairap nalamang si Felisha. "Baka ano pa ang gagawin mo kay Ziro eh." Lumabas na kami ng bahay at patuloy naman ang pag-hawak sa akin ni Freya na parang ayaw na niya akong pakawalan. Masama naman ang tingin sa akin ni Sora na mukhang bumalik na sa sarili niya. Siguradong pinapatay na niya ako sa isip niya.

Nasa gitna na kami ng kakahuyan at tahimik naman kaming naglalakad dahil baka may biglang susulpot na hindi namin inaasahan pero talaga namang hindi ko inasahan ng biglang may matapakan kaming mga lubid at bigla iyong pumulupot sa paa namin. Nakabitin kami ngayon patiwarik ng dahil sa taling nasa paa namin "Lagot na!" Sigaw ni Sora. Pilit kaming kumawala sa nakataling lubid sa mga paa namin. "Papalapit na sila!" Pinilit kong abutin ang paa ko pero hindi ko magawa dahil sa bigat ng katawan ko. Ang ulo namin ay nasa baba habang ang mga paa namin ay nasa taas kaya gano'n na lang ang hirap na abutin ang paa namin.

In-equip ko ang binili ni Felisha para sa akin na dagger na kanina lang niya ibingay. Inabot ko ang paa ko sa taas pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. "Kahit anong pilit mong abutin ang paa mo bata, hindi mo magagawa." Kinakabahan akong tumingin sa baba at doon ko nakita ang isang babae na may malaking sungay. "S-sino ka! Pakawalan mo kami dito!"

"Sige," Ngumisi siya at sinulyapan ang mga kasama ko. "Papakawalan kita pero papatayin namin ang mga kasama mo." Galit na galit ko siyang tiningnan ngunit natawa lamang ito at napahawak pa sa kaniyang bibig. "Sa tingin mo ba mamamatay ako sa tingin mong 'yan?"

"Hayop kang halimaw ka!" Nagulat ako ng biglang mawala si Sora sa taas at biglang napunta sa likod ng babae. Tinutukan agad niya ito ng kutsilyo na hindi ko malaman kung saan niya kinuha.

"Wag ang sandata ko ang gamitin mo para patayin ako Sora." Sabi niya habang may ngisi na nakaukit sa kanyang labi.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Parang baliw na tumawa ang babae na ikina inis ni Sora.

"Sinong hindi makakakilala sa isang diyosa na naging familliar ni Sandro noon?" Galit na galit si Sora pero pinipiligilan niya ang sarili niya para hindi tuluyang mapatay ang babae na bihag niya. Walang kahirap hirap na pinatumba ng babae si Sora na kaagad naming ikinabigla. Pati si Freya ay bigla na ding nawala sa taas at hindi na ako magtataka sa ginawa niyang 'yon dahil isa rin naman siyang diyosa.

"Pati si Sandro ay kilala mo?" Ngumisi sa kaniya ang babae. Hirap mang tumayo si Sora ay pinilit nya upang makaharap ang babae.

"Sinong hindi makakakilala sa kan'yang kapatid ha? Sora?" Nanlalaki ang mata ni Sora at agad sinipa ang babae. Galit na galit ito ngunit hindi ko manlang alam kung bakit, ang dami talaga niyang sikreto na hindi niya sinasabi saakin.

"Napakademonyo mo! Ikaw ang may dahilan kung bakit nagkakaganon si Sandro! Papatayin kitang hayop ka! Sinasabi ko sayo ako mismo ang papatay sayo tandaan mo 'yan."

"Sora! Tumigil ka!" Pinigilan siya ni Freya ngunit parang wala namang naririnig si Sora. Tanging panonood nalamang ang nagawa namin ni Felisha dahil hindi naman kami makawala dito

"Tandaan mo ang limitasyon mo." sambit ni Freya. Umiiyak na si Sora at kahit ano mang oras ay sasabog siya dahil sa matinding galit. Hindi ko man alam ang rason niya kung bakit s'ya umiiyak pero parang nasasaktan na rin ako. Isa siyang kapamilya kaya masakit para saakin.

"Ikaw ang dahilan! Napakademoniyo mo!" Tumawa ang babae at tiningnan si Sora ng nakakaloko.

"Napakasarap panoorin ang isang diyosang kagaya mo na naging miserable dahil sa narinig. Nagtataka tuloy ako kung bakit ganiyan na lang ang reaksiyon mo Sora. Sabihin mo nga may gusto ka ba sa kapatid ko?" pang-aasar pa nito.

Galit siyang tiningnan ni Sora at halos mapakagat pa ito sa labi. "Wala ka ng paki-alam doon at 'wag na 'wag mo ng matawag-tawag na kapatid si Sandro. Wala siyang kapatid na kagaya mong demonyo!"

"Talaga? Paano na lang kaya ang lalaking 'yon? Hindi mo ba s'ya tatawaging demonyo sa lahat ng pahirap na ginawa niya sa'yo?"

"Magkaiba kayo Dalhina!" Ngumisi lang ang babae at agad inutusan ang dalawang Minatour na pakawalan kami. "Hindi pa ito ang huling pagkikita natin Sora at sa oras na nagkita tayo ulit," nawala ang ngisi niya. "Hindi na ako magdadalawang isip na patayin kayong lahat." bago pa ito makaalis ay nagkatitigan pa sila ni Freya at gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi.

Nakabalik na kami sa simbahan at sumama na rin sa amin si Felisha at Freya. Tahimik kami pare-pareho na nakatingin kay Sora na nag-aalab pa rin ang mata dahil sa galit. Hindi ko malaman kung bakit gano'n na lamang ang galit niya noong nalaman na si Dalhina ang kapatid ni Sandro. Kahit tanungin ko man siya ay siguradong wala akong makukuhang matinong sagot.

"S-sora, makakabuti siguro kung matulog ka na muna, baka kasi kailangan mong mapag-isa." Tumingin siya sa akin at iniling niya ang kaniyang ulo.

"Hindi, magpaplano tayo ngayon," napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya "Babalik tayo sa gubat." Biglang napatawa si Freya dahil sa sinabi ni Sora. Maling desisyon kasi ang ginagawa niya.

"Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo? Hindi mo kilala ang kinakalaban mo Sora." Parang nakita ko na naman ulit ang seryosong mukha ni Freya no'ng unang kita namin kahapon.

"Kikilanin ko siya Freya kung 'yan ang pinoproblema mo, kung ayaw mong sumama hindi kita pipilitin." Malamig na saad ni Sora na talaga namang ikinabigla ko. Minsan ko lang siya nakikitang malamig pa sa yelo, at sinasabi kong mas nakakatakot ang kaniyang mukha.

"kilala mo lang ang dating sya, pero hindi ang bagong siya" May diin sa bawat salita na binibigkas niya na para bang binabalaan si Sora.

"Seryoso ka ba talaga dito?" Tanong ko. Sinulyapan niya ako at hindi ko inakalang nginisihan niya ako.

"Seryoso pa ako sa seryoso Ziro, at kapag seryoso ako hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Babalaan na kita sa una pa lang para hindi ka mabigla kapag papatay ako ng halimaw na dating isang tao."

"S-sora..." Hindi ito si sora, hindi sya ito...

Masyado bang malaki ang naging epekto ni Sandro kay Sora?

"Tigilan mo 'yan, 'wag mo akong tingnan na parang ibang tao na ako, 'wag kang mag-alala ako pa rin si Sora ang familiar mo." Kahit sinabi niya iyon ay kinakabahan pa rin ako. Para bang nawala na siya sa sarili niya.

"Baka parusahan ka ng konseho dahil sa gagawin mo Sora." Saad ni Freya na may pag-aalala sa kaniyang mata.

"Marami na akong ginawang pinagbabawal, Freya. Hindi na ako matatakot kung dadating ang araw na maglalaho ako dito sa mundo, at kapag dadating araw na 'yon hindi na ako matatakot dahil alam kong nagawa ko na ang gustong kong gawin." Naglakad na siya palabas at napahinto siya ng maramdamang hindi kami nakasunod. "Ano pang hinihintay niyo?"

Wala akong alam sa sinasabi niyang maglalaho siya sa mundo pero natatakot ako na mangyari talaga iyon. May kirot sa puso ko na nagsasabi na pigilan ko siya pero sadyang hindi ko kaya dahil wala akong kakayahan.

Muli kaming bumalik sa Rising Hugward Forest. Maingat kaming pumuslit sa loob dahil bigla nalang dumami ang mga halimaw na nagbabantay. Para bang ang una naming punta dito ay nakaplano na. Sa 'di kalayuan ay naaninag namin ang isang liwanag na mukang kampo ni Dalhina. Sinulyapan ko muna si Sora nakangisi na ngayon at handang-handang pumatay. Hindi na nga talaga siya si Sora na kilala ko. "Handa na ba kayo?" napatungo nalang kami at naghanda sa pag-atake. Walang kasi guraduhan ngunit amin paring pinagpatuloy.

maingat naming pinabagsak ang mga Minatour na nagbabantay at sinunod ang iba pang mga halimaw. Nahirapan kami sa una ngunit nagawan naman namin ng paraan.

Napakunot ang noo ko ng mapansin na lumalayo ang mga halimaw. "Ziro! sa likod mo!" Napalingon nalamang ako sa aking likuran at Nakita ang nakangiting si Dalhina hanggang sa wala na akong maalala sa sumunod na nangyare.

Nagising nalamang ako na nakahiga sa malamig na sahig at kita ko ang kisame na parang sa Dungeon. Agad akong napabangon at nilibot ng tingin ang paligid, napapalibutan ako ng mga halimaw na nakakulong at nagwawala upang makaalis lang sa loob. "Kanina pa kita hinihintay magising kaso parang napasarap ata ang tulog mo" Napadako ang tingin ko sa aking harapan. Madilim sa banda doon at parang walang liwanag man lang na nilalagay. Tumayo ako at naglakad papunta doon, parang walang katapusan ang daang ito. Hindi ko alam kung ano ang nasa paligid ko dahil sa sobrang dilim.

Sa isang iglap ay bigla nalamang sumindi ang mga kandila at doon ko lang nakita ang dinadaanan ko. May mga bungo akong natatapakan at ang iba ay mga kalansay na nakaupo sa bawat pader. Parang hindi kona kayang ihakbang pa ang mga paa ko dahil sa takot. "Wag kang mahiya, Magpatuloy kalang" Napalunok ako ng laway at muling naglakad pasulong.

Sa paglalakad ay narating ko ang isang napakalaking rehas na lampas tao. May nakalagay sa itaas na 'Floor 25' , Kinabahan na ako sa mga oras na iyon dahil alam kong nasa pinakahuling palapag na ako.

Sumilip ako sa Rehas at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang Trono. Katulad ni Dalhina ay may Sungay ito ngunit ang pinagkaiba ay may pakpak itong itim. Nanginginig ang kamay ko nang kapain ko ang bulsa ko upang hanapin ang aking Dagger ngunit wala na ito.

"Pasensya kana ngunit ang sandata mo ay wala na"

FELISHA

Ginamit ko ang aking Bow at Arrow upang patamaan ang mga halimaw. Medyo nahihirapan kami dahil ang dami nila buti nalang at may mga Diyosa kaming kasama kung kaya't dumali ang lahat.

Hindi ko inaasahang lalaban ako ngayon mismo sa Lugar kung saan ako lumaki, Kinakalaban ko ang namumuno ngayon sa lugar namin.

Laking taka namin nila Sora ng mapansin na umaatras ang mga kalaban namin. Hindi ko alam pero parang may mali sa nangyayari ngayon. Napalingon ako kay Ziro at halos manindig ang balahibo ko sa aking nakita "Ziro! sa likod mo!" sigaw ko. Parang nanghina ang tuhod ko ng makita si Dalhina na may kung anong Bolang liwanag sa kamay. Ngunit isang bagay ang hindi ko kinayang makita.

Bigla nalamang binalot si Ziro ng liwanag na iyon at Halos masilaw kami sa liwanag na iyon. Sa pagkawala ng liwanang ay kasabay din non ang pagkawala ni Ziro sa aming harapan. Hindi ko alam kung buhay paba siya o patay dahil parang nadudurog ang puso ko. Hindi makapaniwalang nakatulala si Sora habang nakatungin sa kawalan. "Tapos na ang trabaho ko dito," Sumilay ang ngisi sa labi ni Dalhina at akmang aalis na nang mapatigil ito "Hindi ko akalaing kakagatin nyo ang pain ko WHAHAHAHA" naglaho ito bigla kasama ng mga halimaw. Tanging kami nalamang tatlo ang naiwang tulala at nakatingin sa kawalan.

Napakuyom nalamang ang kamao ko dahil sa galit sa isang tao, hindi kay Dalhina kundi kay Sora "Kasalanan moto Sora! Binalaan kana diba?! pero hindi ka nakinig!" Galit na galit kong sabi. Napayuko nalamang si Sora at walang masabi.

"Hindi kasi lahat ng bagay nakatuon sayo, isipin mo din ang ibang tao" mahinahong sabi ni Freya na nakayuko nadin. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko at naglakad paalis. Siguro sa bahay muna ako, iisip ako ng paraan kung pano malalaman ang kundisyon ni Ziro.

Napatigil ako ng tawagin ako ni Sora "Ililigtas natin si Ziro, ng magkasama" Napalingon nalamang ako sa kaniya. Kahit galit ako ay binigyan ko parin siya ng thumbs up.

"Ibibigay ko sayo ang buong pagtitiwala ko, Sora kaya wag mo akong bibiguin"

Bumalik kami sa bayan ng Andoria at sinabi sa hari ang nangyari. Agad niyang iniutos sa Arc knight ang pagliligtas kay Ziro. Hindi man sangayon ang lalaking si Sandro ay wala na itong nagawa kundi sundin ang hari. Umalis ang hari at pinaubaya na saamin ang lahat-lahat kung pano ililigtas si Ziro. Kailangan naming magmadali dahil ang buhay ni Ziro ang nakataya dito.

Next chapter