webnovel

Chapter 70: But you

"Hello?." sagot ko sa tawag ni Ate Ken. Ngayon ko lang dala cellphone ko sapagkat, ito nga. Maraming gusto ipagawa ang panganay. Eto na naman sa mga utos na di maubos ubos.

"Nasaan ka na?."

"School palang po." sagot ko habang sinesenyasan sina Marla na mauna na sa room. Nasa may cr kasi kami at kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay. Ipit ng balikat ang gadget patungo saking tainga.

"Di ba, tapos na claas nyo?. What take you so long?." napabuntong hininga nalang ako sa linya nyang yan. "Don't sigh at me lady. Umuwi ka ng maaga at nang makapag-grocery pa tayo." umungol lang ako bilang tugon. "Bilin yan ni Mama." at malapit na syang mainis sa tono ng boses nya. "Hoy!. Nakikinig ka ba?."

"Opo na nga po. E kung sunduin mo nalang po ako dito para diretso na po tayo ng store kaysa umuwi pa po ako dyan tapos alis tayo ulit." walang preno kong suhestyon. Pinunasan ko ang kamay gamit ang tissue saka tumayo at hinawakan ng maayos ang phone. Humakbang ako palabas ng Cr at huminto muna sa may mismong pintuan.

"Ang dami mo talagang alam noh?. Oo na. Imbyerna!. Siguraduhin mo lang na nasa may gate ka na dahil kung hindi sasabutunan kita." di ko na sya sinagot sapagkat baka mag-away lang kami. I don't know kung bakit sya laging galit sakin lately. Kahit wala naman akong ginagawa na mali o ano pa. Iniintindi ko nalang dahil ayoko talaga ng away.

"May problema ba?."

"Oh, the hell!..." napamura ako ng wala sa oras ng biglang may nagsalita sa tabi ko. Susnako!. Mabuti nalang hindi ako nahimatay. Ako tuloy multo.

Pero multo nga, dahil heto si Kian sa harapan ko. Sinisipat ang buong mukha ko. Literal na napanganga ako!. Ni hindi ako makagalaw sa haplos ng kamay nya sa pisngi ko. Damn it!. Bakit dinaig nya pa ang isang multo?. Sobra ang nginig at panlalamig ko.

"Hey!. Are you okay?. Breathe please.." hindi ko alam ang mga kilos nya. Tanging ang mukha nya ang nakikita ko saking mga mata. Bakit nga ba hindi ako nagsasawang titigan ka?. Mahal nga kita!.

Niyugyog nya ako. Kinapa pa ang noo ko't hinawakan ang magkabila kong braso. "Baby Kaka, hey!.." duon lamang ako kumurap. Para bang sa password nyang iyon, natauhan ako.

Hihi.. Baby Kaka!. In you wet dreams girl!. Di ba galit ka sa kanya?. Why now?.

Galit ba ako?. May sinabi ba akong ganun?. Bakit di ko na matandaan?. hay...

"Eh-ehhem.." di ko alam bat pumiyok pa ako. Naku naman!... Ayoko na!!. Humakbang ako patalikod. Yun nga lang. Ang di ko alam. Pader na pala ang nasa likod ko kaya mahagya akong nauntog. Napapikit ako sa kahihiyan.

"Relax okay?. Di naman ako nangangain ng tao eh." anya. Gusto kong matawa sa korny nyang mga birada subalit wag nalang pala. Baka isipin nyang natutuwa ako sa ginagawa nya.

Di nga?. Denial ka na naman. Malaki na nga ngiti mo sa likod ng nakatikom mong labi e tapos hayan ka't sasabihin mong di ka natutuwa?. Lito ka gurl.

"E kasi-.." nabitin sa ere ang sasabihin ko ng iharang nya ang kanan nyang kamay sa gawing gilid ko. Napasinghap ako sapagkat iyong pabango nya, nanuot hanggang sa lalamunan ko.

"What?." iniharang nyang muli ang kaliwa nyang kamay. Tuloy, halos di ko na mahagilap ang hangin na kailangan ko para huminga. I tried to push him a little bit pero masyado syang malakas para hindi man lang matinag o baka naman, masyadong mahina ang tulak ko kung kaya't parang wala lang ito sa kanya.

"I can't breath." mahina kong sabi.

"What baby?. I can't hear you.." sabi nya nang malambing na tono. Susmiyo Marimar!. Paano ba to?.

Nagpakawala ako ng hininga sabay mulat ng aking mga mata. I can't bare to stare at his tantalizing eyes. Sa tuwing titingin ako duon, nauupos akong parang kandila. Titiklop na parang makahiya. Lulubog na parang araw. Ngunit isang tawag nya lang na baby Kaka, Marimar!. Awtomatikong sisikat ang araw kahit binabayo na ng bagyo ang mundo.

Tinulak ko syang muli upang medyo makahinga pero gaya kanina, nagmatigas sya. "Wag mo naman akong pagtulakan.." he said. His eyes is freaking mad and at the same time, sad.

"That's not what I meant." duon lang din ako nakahanap ng letra para bumuo ng salita. "Ang lapit mo kasi. Di tuloy ako makahinga."

Imbes lumayo sya. Kabaligtaran pa nun ang ginawa nya. Hinapit nya ako't niyakap ng mahigpit. Yakap na hindi sobra at hindi rin kulang. Sakto lang para ibsan ang pangungulila ko sa kanya. "Hindi rin ako makahinga sa tuwing nakikita kong malayo ka. Ang lapit lapit mo nga pero ni hindi man lang kita mahawakan o ang malala pa ay ni ang madapuan ng iyong tingin. Daig ko pa ang langaw. Sa gwapo kong to, di man lang nakikita ng maganda mong mata."

"Tsk.." I sighed softly with an echoic giggles. Nadinig nya iyon kaya siguro nya ako pinakawalan at piniling titigan sa mata.

"Pinagtatawanan mo ako?."

"Nope." agap kong sagot.

"I did heard you."

"I just sighed bruh.." kinakagat ko na ang ibabang labi ko sa pagpipigil ng tawa. He's face is turning into red. Pressure is slowly hitting his Adams apple. "Don't stare like that. Anong ginagawa mo rito?." tanong ko para mawala ang masama nyang paninitig. Naglakad na ako pabalik ng room. Sumunod naman sya.

"Let's talk please."

"We are already talking bruh." nainis siguro sya kaya hinigit nya ang braso ko't kinaladkad hanggang science park. Pinaupo nya ako sa sementong upuan duon at sya naman ay namaywang na tumayo sa harapan ko.

"First of all. I hate hearing you calling me bruh. I don't like it."

"I do." giit ko. Umasim mukha nya.

"Second, I want to say sorry for making you feel pain and sadness. I didn't mean it."

Speechless ako.

"Third, Andrea is not my fiancee now."

"I don't care."

Di nya pinansin ang sinabi ko sa paliwanag nya. "But you... you.. just you.. ang gusto kong makasama at hindi ang iba. Please Kaka. Forgive me. I don't want anybody."

"What about your parents?."

"Daddy is neutral. Sinabi nyang I should do what should I wanted to do. But Mommy is Mommy. Nothing can change her mind. At kung sya nalang lagi ang ijsipin ko. Hinding hindi ako sasaya, buong buhay ko."

Next chapter