webnovel

Chapter 71: Takot

Tinanggap ko nga ang kanyang sorry. Yes. Pinatawad ko sya pero wala akong sinabi na nakalimutan ko na ang nangyari. The pain is still in me. Nakatago sa likod ng aking anino. Pinatawad ko sya not because I'm tolerating his wrong doing, nah. Ginawa ko iyon dahil may isa akong dahilan. Mahal ko sya. At iyon ang pinakatotoo sa lahat.

"Gusto ka raw makita ni Mommy.." this day came at ito ang binati nya sakin. Nasa sala kami ng bahay ngayon. Kadarating nya lang. Ang sabi nya. Labas raw kami. Date ba. Kaso hayun. Kinabahan ako sa kanyang ibinalita.

"Pwedeng bukas nalang?." I joked. Pinagsilbihan kami ni Ate Ken at iba pa kung tumitig ito sakin. Titig ng pagbabanta.

Hay naku.. subukan nya kayang magmahal ng totoo nang di na sya bitter dyan?.

Napatingin si Kian kay Ate na itinuro ang dalawang mata nya bago itinuro yung akin. "Nag-away na naman ba kayo?." he whispered this dahil nasa kusina lang ang taong tinutukoy nya.

"Hindi noh.."

"Bakit masama ang tingin sa'yo?."

"Baka sa'yo galit.." walang preno kong saad. Naestatwa sya ng bahagya. Nasurpresa sa pagpapakatotoo ko. "Alam mo kasi. She knows everything about me.. wala akong maitago sa kanya kahit maliit na sikreto.."

"Galit nga sya sakin.." maliit nyang saad. Umupo ako sa tabi nya't hinawakan ang magkasalikop nyang palad. Napaisip ito sa bagay na nalaman nya lang.

"Galit nga sya.." dagdag ko pa. Malungkot nya akong tinignan. "Galit sya sa'yo kasi wala kang choice kundi sundin ang gusto ng pamilya mo.." his mouth open. Gustong magsalita ngunit inunahan ko na. "I already explained her everything. Don't worry. Ate Ken is not that kind na galit sa'yo habang buhay.. ngayon lang yan.. lilipas din kapag natanggap na nyang totoo ang lahat sa atin."

"I'm really sorry Ka.. " yumuko sya. "Tama nga sya. I deserve her anger. Deserve ko rin ang galit mo.."

"Tsk.. what's done was done Kian.. wag ka ng malungkot pa dyan.."

Matagal nya akong tinitigan. As in. Nakakailang. Sinuntok ko dibdib nya. Mahina lang naman. "Wag ka ngang tumitig ng ganyan.. para ka namang namamaalam na eh.." ngumuso ako.

"Let's meet Mommy today.." duon umusli ang haba ng aking nguso.

"Eh?. Kinakabahan ako.." kulang nalang pumulupot dila ko.

"Ako rin naman natatakot pero kapag kasama kita.. nagiging malakas ako.."

"Kita mo na?. Takot ka rin. Paano nalang ako?." he held my hand tightly.

"Basta.. kailan natin matatapos ang isang problema kung hindi natin haharapin hindi ba?." huminga sya ng malalim. Tama nga naman sya. Kailan mo malalagpasan ang isang problema kung pilit mo itong tinatakbuhan?. Ika nga njla. To end this war. Conquer your fears. "I want to clear things out para di na tayo mahirapan pa. I want to live a peaceful life with you.."

"Paano nga kung tutol pa rin parents mo?."

"Daddy is neutral. He once said to me that I should go where my heart is, and that is you.. paano ako sasaya sa piling ng iba kung hindi ka naman sila?."

"Ang korny mo.." kinurot ko ang kamay nyang hawak ko saka iyon biglang binitawan nang biglang sumulpot ang ulo ni Ate Ken sa may sala at nagsabi ng, "May balak ba kayong kumain?. Patulong naman dyan kahit magsaing lang ng kanin.." minsan talaga ang mga kapatid, malakas kung mang-alaska. Kita na nga nyang nagmomoment kami eh tas uutusan ba naman kami?. Hay... sana magkaroon na rin sya ng totoong jowa para di na sya ganyan kung umasta.

"Ako na." presenta bigla ni Kian.

"Marunong ka ba?." hirit ni Ate dito.

Kagat labing tumango naman ang isa. "Pati ulam, marunong ka?."

Opss.. Sumosobra na! May balak na naman atang tumakas!

"Marunong naman.."

"Oh sya.. kayo na ang gumawa rito at ng makapagpahinga naman ang tao.."

"Pero Ate.. paalis na kami.." nagsalubong ang kilay nya. Mabigat pa ang ginawang pagpapakawala ng hininga habang sya'y namaywang.

"Tanghaling tapat Kaka?.."

Naglinis ng lalamunan si Kian at sya ang nagpaliwanag dito. "Ang Mommy mo?. Diba ayaw nya sa kapatid ko?." ang prangka talaga ng taong to!. Nagulat si Kian sa pagiging prangka ng dila nito.

"Gusto nga naming makipag-ayos Ate.." sabat ko naman. Lalong umasim ang kanyang mukha.

"Umasa ka talaga na magbabago ang pagtingin nya sa'yo?. Ang mayayaman Karen, hindi ka nila gusto yan kapag ganyan ka lang.." pinasadahan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Mahal ko sya Ate Ken.." sumingit ngayon si Kian. "At ipaglalaban ko ito hanggang sa huli.."

"Talaga lang?. Panindigan mo yang mga salita mo Kian, dahil kung hinde?. Ako mismo ang makakalaban mo.. naiintindihan mo?."

Mabagal tumango si Kian. "Hindi ako tutol sa inyo dahil alam kong sa'yo masaya ang kapatid ko subalit umasa kang kapag nasaktan ninuman ng iyong pamilya ang Kaka namin.. kakalimutan kong, mahal ka rin ng kapatid ko."

"Salamat Ate.."

"Ehe.. wag ka munang magpasalamat dahil wala pa kayo sa kalagitnaan ng inyong relasyon. Saka na kapag nakita ko kayong naglakad patungo sa altar.."

Oa na sya minsan. Dinaig nya pa ako. Altar agad?. Diploma muna sa college sis tas stable na trabaho.. Iyon na.

Sa ilang minuto bago kami nagpaalam ay hindi ito naubusan ng mga paalala. Tinalo nya pa si Mama. "Dito ba talaga tayo kakain?." nasa tapat kami ng mamahaling restaurant at parang tanga akong nakatingala sa pangalan nito. Humigpit ang hawak ni Kian sa kamay ko't binulungan ako.

"Yes baby.. and relax.. you're with me." he reminded me this, always hanggang sa naupo kami't kaharap na ang kanyang Mommy. Kaming tatlo lang naman sa gawing gilid. Malapit sa may bintana subalit parang nabudburan ng asin ang pwet ko't hindi mapakali.

"So, you really doing this to me son?." sopistikada nitong tanong sa anak. Umupo ng tuwid si Kian at hinaplos ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Nanlalamig ako't hindi alam kung naiinitan ba o nalalamigan. Kumplikado.

"Mom, love is a feeling not a decision. I have feelings for her and it's not my intention to hurt you this way."

Katahimikan. Sa biglang hindi pag-imik ng kanyang Mommy ay natakot talaga ako. Baka mas malala pa sa telenovela ang hirit nya e. "What about Andrea?. Wala ka bang nararamdaman sa kanya?. She'll get sad and mad son?.."

"Mom, she's not my type.. at all.." tumigil si Kian. Then he continues after a minute. "At hindi ko na kasalanan kung may feelings sya sakin.."

"Kian?.. what if she's pregnant?."

"I'm confident that she's not.."

Duon nanginig ang kalamnan ko. Pregnant? What the heck!. Ke bata bata ng anak nya tapos iyon pa ang sasabihin nya?. Hay..

"Mom.." suminghap muna sj Kian bago nagpatuloy. "Please let me live my life peacefully. Diba ayaw mo ng rumors or any scandal?. Bakit mo pinipilit ang bagay na ayoko?. I know what I'm doing.. and I know whom id like to spent my life with. Andrea is a smart girl.. hindi sya madamay sa mga ganito Mom.."

"She loves you.." pilit pa nito.

"But I'm not into her Mom.. why it's so hard for you to understand that?."

"Because I know what's best for you son.."

"And you thought being with Andrea is the best for me?. No Mom!. if you truly care for me.. love me as your only son, then let me love someone whom I'm inlove with.."

Dismayadong umiling ang kanyang Mommy. "Masyadong matigas ang ulo mo hijo.. fine.. I'll let you do what you want but once you'll break your promise to me?. I will never let you happy.."

Hindi ko man alam kung anong ipinangako ni Kian sa kanya. Takot ang namuo sakin sapagkat ramdam kong ako ang dahilan ng sigalot nilang mag-ina. Ang tanging mahihiling ko lang ay, sana. Kung anuman ang hindi nila pagkakaunawaan, nawa'y maayos din nila sa mga darating na panahon.

Next chapter