webnovel

Lie, Rylie 22

Akio's POV.

Mahal kita kaso...

Last day bago ang christmas break naging aligaga kami sa mga gawain. Maraming naging pending na deadline na hindi ko alam kung paano ko nagawan ng paraan. Mabuti na lang sinisipag kaming lima pag magkakasama. Lahat ng pagod at pagaalala namin ay nawala sa araw na ito dahil mahaba-haba ang bakasyong naghihintay.

"Ryan bakit hindi ka pumasok kahapon?" Tanong ko sa kanya. Ganun din si Rylie hindi siya nakapasok pero nagtext sa akin na masakit ang ulo niya kaya hindi siya nakapasok.

"Pre napano yang mukha mo," napansin ni Ciro ang namamaga niyang mukha. Puno ng galos ang mukha niya pati ang mga labi niya namamaga.

"Napalaban lang, napikon kase ako sa tambay sa na nambabastos ng babae." Kalma niyang paliwanag.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba basta ang alam ko nagbago na siya. May tiwala ako na nagbago dahil yun ang pinakita at pinaramdam niya sa amin. At naniniwala din ako na nagbabago ang tao.

"Alam mo naman yan, superhero sa kanina kaya yaan na natin tara dun parang masarap ang fishball," bwelta ni Rylie sa amin.

Sumunod na lang kami sa kanya sa may tindahan ng street foods. Dito na kami kumain kase nawalan na kami ng oras mag lunch kanina. Pinasa na namin ang dapat ipasa at tinapos ang dapat tapusin. Hindi din naman ako mapili kung ano meron at ibigay yun ang tatanggapin ko.

Tumusok ako ng kikiam, kwek-kwek, at kung anu-ano pa wala na akong pake kung magkano ang magastos ko ang alam ko gutom na gutom ako. Parang may dragong nagwawala sa mga tiyan ko. Umupo kami sa may mahabang table habang tinitingnan ang kalsada at mga sasakyan na dumadaan sa harap namin.

"Grabi... Iyak na ako kanina I thought I won't make it on time." Sambit ni Rylie habang kumakain ng fishball na nakatusok sa kanyang stick.

"Umiyak na nga ako mabuti pa si Drei at Kio chill lang habang kami nagluluksa kung may maipapasa ba kami," siniko ako ni Ciro kaya natapon ng kaunti ang palamig na hawak-hawak ko.

Hindi ko matunugan kung bakit ang tahimik ni Ryan ngayon gumagaya ba siya kay Drei? Parang ilag siya sa amin ngayon nakapagtataka lang.

"Ryan ayos ka lang gusto mo dalhin ka namin sa ospital para ipa-check yang mga sugat mo?" Suhestyon ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago magsalita hindi siya makatingin sa mga mata ko.

"Ayos lang ako Kio, salamat nga pala tinulungan mo ako kanina." Nginitian niya ako at ibinaling ang tingin sa malayo.

"Ayos lang yun tol, bawi ko na yun sa inyo sa pag-iwas ko sa inyong lahat."

"Guys groupie!" Sambit sa amin ni Rylie kaya nagdikit-dikit kaming apat ba lalake, at siya ang nasa unahan. Itinaas ko ang baso ng palamig at ngumiti sa kamera. Lahat kami nakangiti sa kamera.

Sabi nila kapag may tropa ka maaring kang mapariwara, pwedeng maimpluwensiyahan ka nilang gumawa ng masama para maging cool. Pero nung nakasama ko sila mas gumaan ang aking pag-aaral. Wala akong hinahabol o hinihigitan, dahil kapag may nanalo o natalo sa aming lima lahat kami ay todo suporta. Napakasolid lang walang inggitan.

"Kio ikaw na," sigaw sa akin ni Ciro. Tinungga ko ang alak at ininum yun.

Pagkatapos naming mag-streetfoods kinabihan ay nag Bar kami. Hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila dahil sa ingay ng music na bumabalot sa buong lugar.

"Kio tara magsayaw!" Aya sa akin ni Rylie. Mukhang tinamaan na siya ng alak dahil hindi na niya masyado makontrol ang paglakad niya palapit sa akin.

"Ayoko dito na lang ako, panonoorin na lang kita."

"Bahala ka!" Ngumiti siya at lumayo sa akin papuntang dance floor. Nasa kanya lang ang mata ko at atensyon ko. Ang ganda niya sa paningin isa siyang mamahaling tanawin.

"Girlfriend mo?" Tanong sa akin ng hindi pamilyar na boses.

May katangkaran ng kaunti sa akin at maraming hikaw pati ang ilong niya may mayroon ding piercing. Mukhang vocalist siya ng isang banda dahil sa itsura at pananamit niya.

"Hindi kaibigan ko lang," hindi ko alam kung bakit ko siya sinagot.

"Rock and roll kaibigan mo lang pala! Yan ang mga tipo kong babae pre pormahan ko na salamat bro!" Tinapik niya ang braso ko.

Nang papaalis na siya ng papunta kay Rylie pinigilan ko agad siya.

"Bro wait," nabigla siya dahil sa paghatak ko sa braso niya. "I like her, no I love her hindi lang niya alam," mahinahon kong paliwanag sa kanya.

"Okay bro! Kung ako sayo bro, sabihin mo na," pangungulit niya.

Sinabi na niya sa akin dati sa harap ko mismo na hindi niya ako gusto. Kapag ba sinabi ko ngayon na gusto ko siya mamahalin ba din niya ako? Magiging akin ba siya?

"Bakuran mo na pre, kase baka bukas o sa makalawa may bumakod ng iba o may umagawa na gaya ko."

Natigilan ako sa sinabi niya. Dapat ko na bang sabihin o itago ko na lang? Nangingibabaw ang pagkadismaya sa nararamdaman ko. Baka masaktan ako pero hindi ko na mapigilan gusto ko ng sabihin. Tama siya baka maunahan pa ako ayokong mangyare yun. Tataya na ako kung hindi pa din ang sagot maghihintay ako hanggang mahalin niya ako.

"Salamat bro, tama ka sasabihin ko na sa kanya."

Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Rylie sumasayaw pa din siya at madaming nakapulupot na mga lalake sa kanya. Nakaramdam ako ng matinding selos. Nilapitan ko siya at napatingin siya sa akin.

"Kio tara sayaw tayo!" Garalgal na ang boses mukhang malakas na ang tama sa kanya ng alak.

"Rylie may sasabihin ako sayo," sambit ko sa kanya.

"Rylie mahal kita..." Halos hindi ko siya matingnan sa kanyang mga mata.

"ANO HINDI KITA MARINIG? ANO YUNG SINASABI MO ANG INGAY NG MUSIC SA TAAS TAYO!"

Lintek shit Akio epic failed. Hindi niya narinug ang sinabi mo nakakahiya ka!

Sinundan ko lang siya sa taas ng Bar. Wala talagang taas ang Bar na ito umakyat lang talaga kaming dalawa. Nakaupo kaming dalawa sa bubong ng Bar at nakatingin sa mga building na nasa harapan namin.

"Ang tahimik dito, ang ganda ng kalawakan ang sarap mabuhay... Sana nabubuhay nga ako."

"Simula ng dumating kayo sa buhay ko naramdaman kong nabubuhay ako, parang walang kadenang nakatali sa akin. Lalo ka na nung dumating ka sa buhay ko nakakalimot ako nakakalimutan ko lahat ng nakaraan ko."

Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya sa hangin. Nakasandal siya sa sa mga braso ko habang nagsasalita siya. Sobrang lasing na siya dala ng sobrang alak sa katawan niya.

"Rylie may sasabihin ako sayo..."

"A-ano... yun..." mahina ang boses niya.

"Ayoko ng kaibigan mo lang ako, o buddyguard. Rylie gusto kita. Mahal na kita Rylie."

Wala siyang tugon sa mga sinabi ko ang tangi ko lang narinig mula sa kanya ay ang paghilik niya ng pagkalakas-lakas.

Anak ng tokwa!

Tinulugan lang ako ng babaeng ito.

Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na makaamin sa kanya. Palagi na lang wrong timing.

Binuhat ko na siya para iuwi sa condo niya. Tiningnan ko ang cp ko at punong-puno yung ng missed calls at mga messages mula kina Ryan, Ciro at Drei.

Tinext ko sila na pauwi na kami ni Rylie. Kaya hindi na din sila tumawag pagkatapos kong magtext.

Nang makarating kami sa kwarto ni Rylie inilapag ko siya sa kama sa sobrang inis. Ganito din yung naramdaman ko nung una ko siyang makita. Pero iba na ngayon dahil mahal ko na siya. Hindi ko na siya matiis. Inaayos ko ang pagkakahiga niya niya at kimnumutan. Papalabas na ako ng condo niya ng bigla siyang magsalita.

"Mahal din kita Kio, mahal na mahal kaso hindi pwede," bumangan siya ng pagkakahiga at tinulak ko noo niya para humiga siya ulit.

Mahal niya ako? Tama ba ang narinig ko? Hindi naman ako bingi para hindi marinig yun.

Shit! Mahal ako ng taong mahal ko!

Ang saya ko, sobrang saya! Hindi ako makapaniwala na mahal niya na pinili niya ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman simula ng sabihan niya yun.

"Mahal na mahal din kita gagawa ako ng paraan para maging pwede na, lahat ng sakit ipapalimot ko sayo Rylie."

Hinalikan ko siya sa noo bago tuluyang umalis sa condo.

Rylie I love you.

#

Next chapter