AKIO'S POV.
Mahal niya ako, mahal ako ni rylie. Mahal ako ng taong mahal ko.
Paulit-ulit ang replay niya sa utak ko habang naghuhugas ng plato. Madaming bisita ang dumating sa bahay mga relatives and friends mula sa iba't-ibang lugar. May mga tito at tita ko din na bumibisita kahit hindi pa naman pasko. Limang araw bago magpasko at hindi ko na nabibisita si Rylie at ang mga mokong. Kamusta na kaya sila?
Dahil hindi ko matiis si Rylie, tinext ko siya.
To: Rylie
Kamusta? Can we meet to your place?
Naguguluhan pa ako kung ano sasabihin. Para akong tangang naghihintay sa text niya habang binabanlawan ang mga basong hawak ko.
From: Rylie
Ayos lang, sa christmas siguro.
Siguro?
Hindi pa niya sure kung magkikita kami sa pasko. Kakainis, puntahan ko na lang kaya siya. Baka busy siya sa pamilya niya, ayos na kaya sila ng daddy niya?
"Akio, may bisita ka babae." Lumaki agad ang ngiti ko at dali-daling hinugasan ang nga hugasin na nasa harapan ko. Hindi ko na alam kung saan ko inilagay ang mga baso't plato pagkatapos kong banlawan.
Bahala na si batman mamaya.
Kumaripas akong tingnan kung sino ang bisita ko. Sa dami ng tao sa bahay hindi ko na makita kung sino ang babaeng bisita ko. Ang alam ko lang si Rylie, siya lang naman ang babaeng bibisita sa akin. Kaya siya lang din ang hinahanap ko. Hinanap ko ang mukha niya sa bawat tao sa pinto pero bigo akong makita.
"Mom, pina-prank nyo ba ako?" Nagtawanan ang mga tao sa loob lahat sila nakatingin sa akin. Nahiya tuloy ako sa sinabi ko.
"Bakit naman kita ipa-prank anak may bisita ka talaga, hija pasok ka."
Niluwa ng pinto ang isang babae. Maputi at mahaba ang buhok. Nakasalamin pa siya na bumagay sa matangos niyang ilong. Halatang galing siyang ibang bansa, dahil sa pananamit at postura niya. Nginitian ko lang siya hindi ko alam kung ano ang intensyon niya kung bakit niya ako binisita.
"Ito si Fran anak ng kumare ko sa canada, hija anak ko si Akio," pakilala ni mom kay Fran naguguluhan ako sa mga nangyayare naiinis na din ako ng konti.
"Ahm, Akio advanced Happy Birthday." Nahihiyang niya wika. Inabot niya sa akin ang paper bag na halatang bigat na bigat niyang bitbitin. Kinuha ko iyon at tiningnan ang mga laman.
Kumislap ang mata ko sa mga nakikita ko. Book series ng Lord of the Rings. Binabada ko lang ito sa online tapos ngayon meron na ako.
"Thank you pero hindi ko pa naman birthday sa 26 pa pero salamat na din." Ngumiti ako sa kanya at umalis din kaagad. Ayokong maging bastos pero ayoko ding ipilit ang sarili ko sa kanya.
Hindi ko siya tipo, hindi ko siya gusto. Sana nalinawan siya sa kinilos ko kanina. Hindi naman sa naga-assume pero ganun yung pinapakita nila. Parang pinipilit nila kaming mag click kahit hindi naman pwede.
May gusto na akong iba, at gusto din ako ng taong mahal ko. Hinihintay ko lang siyang umamin.
Pumunta na ako sa kwarto ko at isinarado ang pinto. Ayokong pilitin nila ako na sumama dun sa babaeng yun. Maganda siya at mukhang desente ayokong masaktan siya sa huli.
"Anak buksan mo ang pinto." Dinig ko ang boses ni mom mula dito. Walang gana ko itong binuksan at pumunta sa kama para magbasa. Umupo siya sa tabi at nagsimuka na namang magsalita.
"Anak, bakit ganun yung inasal mo kay Fran, maganda naman siya at desente din gusto ko kayong magkamabutihan."
Si mom lang palagi ang nagpipilit sa akin sa mga babae na pwede kong magustuhan. Naiintindihan ko naman siya na gusto niya ang mas nakakabuti sa akin pero iba na ang sitwasyon ngayon. Si dad naman ay palaging tahimik na nagmamanman sa akin. Hindi siya nangingialam hanggat wala siyang napapansing mali sa mga ginagawa ko.
"Mom I don't like her."
"Nasasabi mo lang yan, hindi mo pa naman siya lubusan pang kilala. Bigyan mo siya ng chance bago ka man lang maging isang lisensyadong doktor gusto kong makita ang mga apo ko."
Palagi niyang pinapaalala sa akin na gusto niyang magkapo sa akin. Na baka daw tumanda akong single dahil sa propesyon ko. Paulit-ulit na lang nakakasawa.
"Magbibihis lang ako," kumislap ang mata niya sa sinabi ko. Para manahimik na si mom sa mga kahibangan niya. Tsaka gusto ko ding lumanghap ng sariwang hangin.
Trenta minuto ang lumipas at hindi pa din siya lumalabas sa watson store ng isang mall dito sa Manila. Halos lahat na yata ng beauty products ay binili niya. Dahil sa pagkainip ko pumasok na ako sa loob. Pinagtitinginan pa ako ng mga saleslady sa loob ng watson.
"Are you done?" I asked.
"Not yet, ahm... Sa tingin ano maganda dito sa dalawa red or blue?" Itinaas niya ng hawak niyang pangkulay ng buhok.
"Red." ngumiti siya ng pagkalaki.
Ibang-iba siya kay Rylie. Si Rylie maangas walang arte sa mukha natural na maganda. Siya sa kapal ng kolorete niya sa mukha ay namumula na ang mga ito hindi na maganda sa paningin. Hindi din maputi si Rylie morena ang pagkaputi ng babaeng ito ay malapit na sa pagkaputla.
"Saan mo gusto pumunta?" Walang gana kong tanong. Gusto ko sanang isama ang mga mokong kaso nga lang baka busy din sila. Ang boring kasama ng babaeng ito.
"Manood tayo ng sine," mahina ang boses niya.
Hindi ko na maipinta ang mukha ko habang nanonood ng sine. Ang badoy ng palabas hindi naman nakakatakot pero siya takot na takot. Sa tuwing may nakakagulat na scene idinidikit niya ang sarili niya sa akin.
Ganito ba talaga ang mga babae kapag natatakot? Kapag ba si Rylie dinala ko sa mga nakakatakot na lugar kakapit din ba siya sa akin ng ganito kahigpit. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Cr lang ako." Wika ko at umalis sa kinauupuan ko para mag cr.
Hindi naman talaga ako naiihi, naiinis ako.
Pakiramdam ko nagtataksil ako kay Rylie. Tsaka naaawa din ako kay Fran. Nagpatagal ako sa cr para pagkabalik ko tapos na ang palabas.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya.
"Ang daming tao," pagdadahilan ko.
Lumabas kami ng sine ng walang akong naintindihan sa pinanood namin. Bitbit ko ang dalang paper bag na binili niya sa watson.
"Ang sweet naman ng lalakeng yun,"
"Swerte ni girl! Jackpot ang ate mo!"
"Ang gwapo at hot pa nung guy, yung girl sakto lang maputi lang,"
Bulungan ng dalawang babae sa likuran namin. Hindi ko na lang sila pinansin dahil nahihiya din akong humarap sa kanila. Alam kong narinig din ni Fran ang bulungan ng dalawa kaya napatingin siya sa akin.
"Okay ka lang?" Tanong ko kay Fran.
"I'm hungry, let's eat."
Niyakag niya ako sa isang famous korean restaurant dito sa loob ng mall. Tahimik lang kaming kumain sa loob at hindi ko siya inimikan dahil wala din naman akong alam na sasabihin.
"Akio, your mom told me that you are going to pursue medicine?" Pambasag niya sa katahimikan.
"Yeah,"
"That's great, ahm do you mind If I ask are you single?"
"Y-yes, pero may nagugustuhan na ako." Natigilan siya sa sinabi ko.
Wala akong gana sumasagot sa mga tanong niya. Hindi sa pagiging bastos pero sana alamin niya kung interesado ba ako sa kanya. Alam naman naming dalawa na pinilit lang ako ni Mom na sumama sa kanya. Hindi ko siya masisisi pero pareho kaming ipit sa sitwasyon na ito.
Hapon na kaming makalabas ng mall. Si Rylie lang ang nasa isip ko habang kasama ko siya. Wala akong naramdaman na kakaibang koneksyon kahit kaunti. Hinatid ko na siya sa bahay na tinutuluyan niya dito sa Manila. Paalis na ako ng bigla niya akong tawagin.
"Akio, wait I want to say sonething..."
Shit! I don't like the way she looked at me.
"I like you Akio."
Gusto kong mabingi sa sinabi. Ang bilis niyang magkagusto sa akin halos isang araw pa lang kaming magkasama.
Ano ang dapat kong i-response sa kanya? Dapat bang diretsahin ko siya at sabihing may gusto na ako iba o magligoy-ligoy pa. Ayokong makasakit ng tao alam ko ang pakiramdam ng na-reject at ayokong maramdaman niya yung naramdaman ko kay Rylie nung sabihin niyang hindi niya ako gusto.
"Sorry, I don't like you I'm inlove with someone."
She end up crying in front of me.
Ayokong magbigay ng pagasa kahit wala naman talaga. Kaya mabuti pang diretso ko ng sabihin sa kanya na hindi ko siya gusto at malabong magustuhan ko siya dahil si Rylie lang ang laman ng sistema ko.
Tumakbo siya palayo dala ang umiiyak niyang mukha. Naiwan akong nakatulala at nakatingin habang tunatakbo siya.
Hindi ako masaya sa ginawa ko nagi-guilty ako. Pakiramdam ko sinaktan ko siya, kahit hindi naman talaga. Ayoko lang siyang paasahin sana amintindihan niya yun.
Ganito pala kahirap kontrolin ang mga salitang lumalabas sa ating bibig, at ganito din kahirap magdesisyon kung ano ang dapat gawin kapag may mga ganitong sitwasyon.
#