Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?
Ang nakatakdang lugar, bagay pangalan, pook at pangyayari sa kabuuang laman ng librong ito ay pawang guni-guni lamang ng may-akda at isang himok lamang ng kaisipang naglalayong ilantad ang sariling kuro-kuro dahil sa taglay na kabagutan ng manunulat. Asahan pong mayroong iba't ibang pagmumura at maseselang eksena ang librong ito kung kaya't binabalaan na ng manunulat na kung ayaw niyong basahin ang mga ito ay huwag nalang po sanang ituloy. Ang mga tauhan po sa kwento ay mayroong iba't ibang katangiang walang binabasehang kahit sinumang tao, ito po ay isang kathang-isip lamang kaya't huwag niyo po sanang pag-isipan ng kung anu-ano.
Sa aking magiging mambabasa man kung mayroon ay labis akong nagagalak sapagkat nabigyan niyo ng puwang ang dahilan ng aking pagsusulat, nalulugod akong sana ay makilala kayo kahit pa sabihin nating bilang ko lamang kayong aking tatawaging sariling pinagkukunan ng lakas na magsulat.
; kristin