Story description
Ang aking natatanging alas ay bukambibig ng lahat. Mga bibig na pinatutugtog ang aking puso dahil sa kagalakan. Kagalakan dahil sa kaalamang kilala nila akong isang dalubhasa, hindi isang duwag.
Khalil Marid Zavier, ang aking totoong pangalan.
Oo, nasa aking pangalan ang aking natatanging alas.
Marid, magpanghimagsik at mapanlaban.
Zavier, napakainam at dakilang matalinong kawangis ng aking tiyuhin.
Labinlimang taon akong namuhay sa mundong ito, hindi pumapasok sa paaralan subalit higit na may maraming kaalaman kung ihahambing mo sa isang propesor ng kolehiyo.
Kung ang kanilang pinag-aaralan ay mas tinutudla ang pagiging bihasa sa Matematika, Ingles, Siyensiya at Agham. Hindi ko na kinakailangan pang tuklasin ang mga iyan. Mas higit pa kaming bihasa ng aking tiyuhin kapag pinag-uusapan na iyan.
Jazzib, isang pangalang mayroong napakamalalim na kahulugan. Isang makisig na lalaki, kaming dalawa lamang ang nakakaalam niyan. Subalit sa kabila ng kaniyang kakisigan, ako lamang ang nakaririnig sa kaniyang mga pinagsasaad. Ako ang kaniyang nagsisilbing boses, galaw ng katawan ang kaniyang naging sandata. Isa siyang umid, pinagkaitan ng mundong makapagsalita. Subalit parang hari naman kung titingnan ang kaniyang mukha.
Ang kahinaan ko? Hindi ko pa nadidiskubrehan. Ano nga ba iyon, matutumba ba nito ang aking tindig na mapanlaban?