koleksyon ng mga tula na isinulat ni Dee Makabuluhan
Mag-isang nakaupo sa isang madilim na sulok,
isang mapusok na usok ang sa akin ay pumasok
at sa akin ay bumalot.
Unti-unti akong nito itinaas sa tutok
at dahan-dahan akong dinala sa rurok.
Mabilis kong naramdaman ang dagundong
ng puso kong mabilis na tumitibok,
kasabay ng aking paghahabol sa aking hininga.
nakakapagod nang huminga.
Ilang saglit, sa aking pagpapahinga
ay sabay-sabay akong nakaramdam ng pagod, pagkahilo, lungkot, saya, galit, hinagpis, sakit, panghihina at lakas ng loob...
Lakas ng loob. Lakas ng loob...
Muli akong dumapot ng posporo at sinindihan ito.
Pinanood kong unti-unting matupok ang nasa aking harapan.
Isang mapusok na usok ang sa akin ay muling bumalot,
pero sa pagkakataong ito...
Wala na akong maramdaman.