Ang kwento ng buhay ko ay hindi tungkol sa akin.
Nakikilala mo ako,
Pagkat ika'y ako.
Buhay ko'y iyong anino
Salamin ng iyong mundo
Sa akin ang panulat
ngunit sa akin ay gumalat
mga letrang naisulat
naging iyong aklat
Dusa mo'y aking pasakit
ligaya ko'y iyong saya
sayong bulong ako'y lalapit
sa aking sigaw, naasan ka kaya?
Ako ay lagi mong kasama
bagamat ako'y nag iisa
Ika'y di mag laho sa aking mga mata
ngunit ako'y di mo nakikita
Ako'y di mo nakikilala
dahil ako'y sino na nga ba?
nagtatanong, nangangamba.
Ang kwentong to kanino nga ba?