webnovel

Chapter 97 Unsure!

"Sana every weekend sya yung host dito para nabe-bless naman ang mga mata ko!" Sabi ng isa sa mga regular costumer ni Juno sa katabi nito.

"Wag kang ambisyoso pre! Yang gandang yan? imposibleng wala pang nagmamay ari jan!" tugon ng kausap nito habang kitang kita sa mga mata nito ang pagnanasa kay Heshi at hindi iyun nakaligtas kay Juno.

Pang tatlong gabi na ni Heshi sa bar nila at gabi gabi rin siyang nakakarinig ng mga positibong komento para dito, at hindi lang yun nagkakaroon na ito ng mga tagahangang nagpapakita ng interes dito.

"Pre kung boyfriend lang walang problema, baka nakakalimutan mo, yun ngang may asawa na naaagaw pa!" natatawang sabi uli ng lalaki sa tabi ni Juno.

Masama ang kutub ni Juno sa dalawang ito, Mukhang kailangan nya ng bakuran ang bulaklak bago pa ito mapitas ng iba!!! Hinintay niyang makababa ng stage si Heshi saka ito nilapitan.

"Nasanay kana talaga sa paghohost ha, hindi kana kinakabahan?" salubong niya dito.

"Medyo!" abot tenga ang ngiti ni Heshi dahil nageenjoy talaga sya sa ginagawa. "Sa umpisa lang ako kinabahan pero ngayun e excited na ako kahit kakatapos lang ng event e gusto ko na ulit umulit!"

"Buti naman at nagustuhan mo ang trabaho mo dito! Don na tayo sa opisina ko para makapagpahinga kana." Sinadya niyang hawakan sa bewang si Heshi habang naglalakad sila palampas sa dalawang lalaki sa bar counter nila para makita ng mga ito pagiging territorial niya.

Napapitlag naman si Heshi ng maramdaman ang kamay ng binata sa likurang bahagi ng bewang niya, nilingon nya pa ito para makasiguradong hindi guniguni ang ginawa nito. He just continue to walk beside her na parang napakanatural lang para dito ang hawakan sya.

Leading her upstairs habang hindi inaalis ang kamay sa bewang ni Heshi, walang pakialam si Juno kahit alam niyang nakatingin sa kanila lahat ng tao roon specially yung mga empleyado nila at yung dalawang lalaking nagbubulungan habang nakaupo sa counter nila. Binawi lang ni Juno ang kamay ng makapasok na sila sa loob ng opisina niya.

"Seat down!" aniya kay Heshi saka lumigid sa mesa niya, kinuha ni Juno ang isang maliit na envelope at iniabot iyon sa dalaga, "Here's you're salary for this week, and sana makatulong yan sayo!"

kahit nahihiya ay binuklat ni Heshi ang maliit na sobre, napanganga sya ng malamang ten thousand ang laman noon, "Sobra naman ata ang laman nito para sa tatlong araw kong trabaho!" ani niya dito.

"Hindi, sapat lang yan para sa trabaho mo. Mahirap mag entertain ng costumer!" sabi pa nito.

"Pero hindi ko naman matatanggap ito!" Kinuha lang ni Heshi ang kalahati ng laman niyon at ibinalik kay Juno ang naturang sobre. "tama na sakin ang give thousand at baka naman hindi na ako matunawan!" two hours lang kase ang trabaho nya doon kada araw tapos ay hatid sundo pa siy ni Juno mula sa apartment niya.

Napangiti nalang si Juno sa ginawa nito, hindi nya nalang ipipilit ang gusto at baka magbago pa ang isip nito! "Okey, if that's what you want pero sayang din ito, mas madali ka sanang makakaipon kung tatanggapin mo ito!"

"No, ayoko! madali namang kitain ang pera kaya hindi ko kukunin ang sobra sa dapat lang na kabayaran ng serbisyo ko!" sabi niya dito. "Siguro ay barya lang yan para sayo pero sakin ay katumbas na iyan ng pride ko!"

"Heshi listen! wala naman akong masamang intensyon sa ginawa ko, I just wanted to help you a little and besides napakahirap na trabaho mo,!" paliwanang ni Juno, "Kung hahanap ako propesyunal na host o emcee siguradong hindi lang yan ang ibabayad ko!"

Dagli namang nag isip si Heshi, siguro ngay hindi naman masama ang intensyon nito kaya sya binigyan ng labis na kabayaran para sa trabaho nya, sa but still yung pride nya kase eh, ayaw bumababa!

"Juno, sabihin mo nga sakin ang totoo! bakit mo ba ginagawa ito?"

Tinitigan ni Juno sa mga mata sa Heshi, "I dont think that this is the right time para sabihin sayo ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito."

"Bakit? sapalagay mo ba hindi ko maiintindihan ang rason mo!" hmmp, hindi nya naman siguro sasabihin sakin na gusto nya ako!

She might misunderstood me! pero pag hindi ko pa sinabi baka mawalan na ako ng pagkakataon para sabihin sa kanya ang totoo. "Are you willing to listen to what am I going to say?" Hindi mahilig sumugal si Juno sa mga bagay na alam nyang wala syang mapapala kaya lalaksan nya nalang ang loob nya para malaman ang sagot ng dalaga.

"Tatanungin ba kita kung hindi?" Inayos ni Heshi ang pagkakasandal sa upuan para mabalanse ang katawan niya.

Huminga muna ng malalim si Juno bago nagsalita, "I Think I Like you!"

Huh!? anong sinabi nya? "Anong sinasabi mo? You like me as what? as your employee?" kunot noong tanong niya dito.

Biglang kinabahan si Juno, Sa buong buhay nya ay ngayun lang sya nakaramdam ng ganoong klaseng kaba! Anu ba Juno? bakit hindi ka makapagsalita? nakatitig lang sya sa babaeng naghihintay sa paliwanag nya!

"I like you as a woman not just an employee or a friend!" Saad ni Juno.

She raised one of her Brow's "So what you're saying is gusto mo ako kaya mo ako tinutulungan ganon?" Hidden motives! mga lalaki nga naman, pag gusto nila ang isang babae papaamuin muna para madali ng makuha!!!

Juno bit he's lower lips, parang may hindi tama sa tanong ni Heshi sa kanya. "I dont have any bad intention about you, naisip ko lang na baka sakaling makatulong ako and at same time e mapalapit ako sayo." Hindi sigurado si Juno kung tama ba o mali ang mga lumalabas sa bibig niya.

Matamang tinitigan ni Heshi ang binata, wala naman siguro itong dahilan para hindi magsabi ng totoo sa kanya kaya lang hindi talaga sya komportable sa ganoong sitwasyon. "Pag iisipan ko!"

"Pag iisipan ang alin?" tanong ni Juno.

"Ang isasagot ko sayo!" she blurted out. ngayun lang nakaramdam ng pagkapahiya si Heshi sa harapan nito.

ตอนถัดไป