Nagpaikot ikot na si Heshi sa higaan pero hindi pa rin sya makatulog kakaisip sa pinagusapan nila ni Juno bago sya umalis sa opisina nito.
Two AM na pala, lintek na buhay to! napilitang bumangon si Heshi sa kama kahit madaling araw palang, pambihira naman kasing lalaki yun pabigla bigla kung magsabi! magtatatlong oras na pala syang ganon kailangan na talaga niyang matulog dahil may pasok pa sya sa trabaho. Nakaramdam si Heshi ng gutom kaya nagpasya syang magkalkal sa ref nya, pero as usual tubig at ilang canned juice lang ang laman non.
Bumalik si Heshi sa kwarto nya para kuhanin ang pitaka niya, lalabas nalang sya at bibili ng makakain sa seven eleven na malapit sa apartment niya. Sinigurado muna nyang nakalock ang bahay nya bago sa umalis doon, hindi na rin sya nag atubiling palitan ang suot na oversize tshirt na pantulog nya dahil malapit lang naman ang convenient store sa bahay niya.
Hmm! ano kayang bibilhin ko? lumapit si Heshi sa section ng mga pagkaing ready to eat na! magkakanin ba ako o sandwich nalang? Kumuha sya ng dalawang klase ng sandwich at isang lasagna, di pa sya nakuntento doon kumuha na rin sya hotdog sandwich at siopao! Lumapit na sya sa counter para magbayad ng tumunog ang bell ng pinto, hindi naman nilingon ni Heshi ang mga bagong dating dahil nagsisimula ng i scan ng kahera ang mga binibili nya.
"Ahh, nahihilo talaga ako!" tinig ng babaeng bagong pasok doon.
"Just sit here first, I'll buy you some coffee para mahimasmasan ka!" Napatigil si Heshi sa pagdukot ng pera sa coin purse niya ng marinig ang boses ng lalaking nagsalita.
"Two hundred thirty pesos po lahat ma'am!" sabi ng kahera sa kanya bago binati naman nito ang lalaking nasa likod niya. "Good evening po sir!"
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Heshi, ang walangyang to! kanina lang e sinabi saking gusto ako tapos ngayon may kasama namang babae at mukhang lasing pa! kinagat ni Heshi ang pang ibabang labi para mapigil ang nagsisimula ng manakit na puso nya!
Inabot ni Heshi ang bayad sa kahera, saka dinampot ang nakasupot ng pinamili, Medyo tumungo sya ng kaunti dahil ayaw nya sanang makita ang mukha ni Juno pero bigla itong humarang sa daraanan niya!
"Madaling araw na ah! bakit nandito kapa sa labas?" tanong nito sa kanya.
Eh ano bang pakialam mo? pinigil ni Heshi ang sariling sabihin iyon sa lalaki, ayaw kase nyang isipin nito na nagseselos sya sa kasama nito, "Nagugutom na kase ako kaya ako lumabas!" kaswal na sagot niya dito.
"Lahat ng yan?" Sinilip pa nito ang laman ng supot na dala niya. "bakit hindi mo ako tinawagan, naipagluto sana kita ng mas maayos na pagkain!"
So ibig niyang sabihin hindi maayos tong mga pagkaing binili ko? lalong gumuhit ang kirot sa dibdib ni Heshi, hindi pa ba sapat na may kasama syang ibang babae at kailangan pa nyang laitin ang mga pagkaing kaya ng bulsa ko!
"Hindi naman kita kailangang abalahin para sa mga ganitong bagay tsaka isa pa
empleyado mo lang ako, nakakahiya naman kung pati pagkain ko e iaasa ko pa sayo!" naiiritang sagot niya dito.
"Wag ka munang umalis, hintayin mo ako jan at ihahatid kita sa bahay mo." napapangiting sabi sa kanya ni Juno.
Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? naiirita na nga ako tapos ngingitian pa ako ng walangyang to! Siguro iniisip nyang mauuto nya pa rin ako! "Hindi na kailangan, malapit lang naman ang bahay ko kaya maglalakad nalang ako!"
"Hindi ka aalis dyan, hintayin mo ako at tatawag lang ako ng maghahatid kay Cielo sa bahay nya!" Utos nito sa kanya habang dumadial sa cellphone nito.
Napataas naman ang kilay ni Heshi sa sinabi nito, Sino kaba sa akala mo para utusan akong hintayin ka? nagsimula ng humakbang si Heshi para lumabas doon pero pinigil ni Juno ang isang braso niya.
"Hello Vince?" anito sa kausap sa telepono, "Sorry to disturb you at this hour, but I need your help," tumingin muna ito sa kanya bago muling nagsalita, "Can you pick up Cielo here in a convenient store? yeah, she's drunk!"
Tiningnan ni Heshi ang babaeng nakasandal sa glass wall ng tindahan, kahit nakapikit ang babae at mukhang nagulo na ang buhok nito ay nababakas ang kagandahan nito, Parang artista ang isang to!
"Please hurry up, I have some important business to do! ten minutes lang ang layo nito sa bahay mo kaya ikaw nalang ang tinawagan ko. Yes! pakibilisan!" ibinaba na nito ang hawak na cellphone at inilagay sa bulsa. Hinila na rin sya nito palapit sa natutulog na babae.
"Hindi mo naman kailangang iwanan ang kasama mo!" iwinaksi niya ang kamay ni Junong nakahawak pa rin sa braso niya, "kaya ko namang umuwing mag isa!"
"I won't let you walk around this late while wearing that shabby shirt of yours!"
Tiningnan ni Heshi ang suot na damit, anong problema sa damit ko? oo ngat luma na to pero maayos pa naman, medyo numipis na nga lang sa kalumaan! hay, pati ba naman tong damit ko kailangan pa nyang laitin!?
Hindi naman nagtagal at dumating na ang tinawagan ni Juno sa telepono, "Sa bahay mo nalang muna sya iuwi dahil wala syang kasama sa Condo niya, baka mahulog pa yan sa verandah nya pag pinabayaan mo yan!" bilin nito sa mukhang anghel na lalaking sumundo sa babaeng kasama ni Juno.
"Lets go!" yaya nito sa kanya at kinuha ang supot nyang dala, walang nagawa si Heshi kundi sumakay nalang din sa kotse nito.
Pagdating sa apartment nya inutusan na naman sya nito "Open the gate!"
"Huh!?" napatanga si Heshi sa sinabi nito.
"Hindi ko na kayang magdrive kaya makikitulog muna ako dyan sa bahay mo!"
Lalong namilog ang mga mata ni Heshi ng marinig ang sinabi ng ng lalaki, Hindi pa kase sya nakakaexpirience matulog na may katabing ibang tao sa kama niya maliban kay Yra!
Nagsimula ng maghikab si Juno kaya bumaba na si Heshi sa kotse nito at binuksan ang gate para maigarahe nito ng naturang sasakyan.