Jema POV
Pagkatapos na pagkatapos ng aming practice ay kaagad na naglinis ako ng katawan dito sa aming shower room. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa sakit ng aking buong katawan dahil sa sobrang pagod. Ilang araw na rin kasi na puspusan ang aming pag papractice dahil sa nalalapit na Tournament.
Kahit naman nasa aming University na ang pinaka magaling na Volleyball player ng South na si Deanna, hindi parin dapat maging kampante. Bilang Teammate nito, nararapat lamang na gawin din namin ang lahat ng aming makakaya para lamang maipanalo ang Galanza University.
Isa pa, hindi naman pupwede na i-aasa na lamang naming lahat ang panalo ng University kay Deanna. Lalo naman na ako 'no? Kaya I will do everything I can para lamang maging isang mabuting teammate nito. Pinasok ko ang langaran ng Volleyball dahil sa kanya. Because she inspired me, more than anyone else.
"Ayos ka lang ba?" May pag-aalala na tanong ni Deanna sa akin pagpasok ng sasakyan.
Mas nauna kasi akong matapos sa kanya sa pag shower kaya dito ko na lamang ito hinintay. Naka yuko ang aking ulo at nakasandal sa manobela ng aking kotse. Balak ko kasi sanang umidlip na muna habang naghihintay sa kanya.
Napa angat ako ng aking ulo at sinalubong ang worried expression nito. Napangiti ako rito.
"Yeah..I'm fine. I'm just tired." 'Yon lamang ang sinabi ko bago binuhay na ang makina ng aking sasakyan.
Hindi parin nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin. Hindi rin ito umiimik habang pinagmamasdan ako. Magsisimula na sana ako sa pagmaneho ng bigla nitong buksan ang pintuan at muling lumabas mula sa loob ng kotse.
Kunot noong pinanood ko na umikot ito sa kabila at marahan na binuksan ang pintuan ng driver seat. "What are you doing?" Tanong ko rito.
Nahinga lamang ito ng malalim bago ako marahan na hinila papalabas ng sasakyan. Natawa ako ng marahan, ano bang ginagawa niya? Hinila ako nito papunta sa passenger seat at doon muling pina upo.
Mabilis na umikot itong muli bago pumasok na sa loob. This time, siya na ang naka upo sa driver seat kung saan ako kanina. Ibubukas ko pa sanang muli ang aking mga labi ng inunahan na ako nito.
"Hayaan mo na muna na ipagmaneho kita." Simpleng sabi nito sa akin. Pero para sa akin, milyon-milyong paru-paro na ang lumilipad sa sikmura ko dahil sa simpleng mga words na iyon.
"M-marunong ka bang magmaneho?" Tanong ko rito. Agad naman siyang napatango.
"Ponggay..taught me before." Hearing that girl's name made me pissed again.
Napatikhim na lamang ako bago napatango rito. "Just be careful." Wika ko rito astaka napatingin sa labas ng bintana. Agad naman na itong nagsimula na sa pagmaneho pauwi.
--------
Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na pagtawag ni Deanna sa aking pangalan. Agad na kinusot ko ang aking mga mata bago napatingin sa paligid. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nag-inat muna ako sandali at inayos ang sarili bago tuluyang lumabass na mula sa loob ng sasakyan.
Kaagad na bumungad sa akin ang maingay na paligid at mga nagsasayahang mga tao. Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanila na pumaparoon at parito kasama ang kani-kanilang mga kaibigan at pamilya.
Napadako ang aking mga mata sa nahihiya habang naka ngiti na si Deanna, bago napakamot ito sa kanyang batok. "Nakalimutan kong sabihin sayo na piyesta pala ngayon dito sa amin."
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "Oh really?!" Tila ba biglang na excite na tanong ko rito.
Napatango ito bago lumapit sa akin. "Ihahatid ko na muna itong mga gamit natin sa loob ng bahay. Pagkatapos pupunta tayo sa Plaza." Naka ngiting sabi nito bago tumalikod na. Habang ako naman ay hindi mapigilan ang biglang pagtaas ng aking energy dahil sa tanang buhay ko eh, ngayon ko lamang mararanasan ang ganitong event.
Hindi naman na nagtagal pa si Deanna sa loob ng bahay at ilang sandali lamang ay lumabas na rin ito. May dala itong cap at walang sabi na kaagad itong isinuot sa akin.
Masyado yata akong nabigla sa mabilis na paglapit nito at sa ginawang pagsuot ng cap sa akin. Bigla kasi akong natigilan dahil nandoon na naman ang pamilyar na kiliti sa loob ko. Isama mo na rin ang halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng aking puso.
"Uhm..." Para bang kinakabahan pa na sabi ko. "D-do I really need this?" Tuloy ko sa isinuot nito sa akin.
Ngunit imbis na sagutin ako ay kinuha na lamang nito ang kanang kamay ko bago hinawakan at iginala na papunta sa kanilang Plaza.
Bakit ba ganito siya kung umasta ngayon? Masyado yata siyang nagiging sweet simula pa noong mga nakaraang araw. Hmp!
Kalma ka lang heart. Wag ka na munang marupok dahil hindi pa naman kayo. Paalala ko sa aking sarili bago napakagat sa aking labi.
Maraming kabataan ang makikita pagdating sa Plaza, mga bata na masayang naglalaro at naghahabulan. Mga magkakaibigan na nagsasayawan, nagkakantahan at marami pang iba.
May isang grupo roon na nakapalibot at vi-videoke kung saan naka upo at masayang nakikipag kwentuhan ang nanay ni Deanna.
Malawak ang mga ngiti sa aking labi at magka hawak kamay kami na nagtungo roon ni Deanna. Kaagad naman akong binati ng iilan sa mga nandoroon na kapitbahay nila. Pati na rin ni Aling Lucy, na gusto pa akong bigyan ng iniinom nilang Red horse, ngunit mabilis siya nitong sinaway ng anak na si Deanna at pati rin ako na tinanggihan ito kaagad.
"Nandito na pala ang hinihintay nating lahat." Kapwa kami napalingon ni Deanna sa pinang galingan ng boses na iyon.
It's her again. Palagi nalang ba siyang bubuntot at magiging sagabal sa masasayang moment ko kasama si Deanna?
"Anong ginagawa mo rito?" Kahit naubos ang lakas ko dahil sa maghapon na pag practice ay nagkaroon parin ako ng lakas para pagtarayan ito.
She shrugged and give me a smirk. "Dahil Fiesta rito?" Pamimilosopong sagot nito sa akin.
"And besides, I have my friends here. So..walang dahilan para hindi ako makidayo. Tama?" Sabi nito bago napalingon at naki pag aper pa sa mga taong naka upo roon. Na hindi ko alam eh mga close pala niya, including Aling Lucy.
Napalunok ako bago napahinga ng malalim. "Hayaan mo nalang. Kakausapin ko nalang si Ponggay mamaya--
"Wag na wag mong gagawin 'yon." Mabilis na putol ko kay Deanna. "Hindi mo siya kakausaupin at wala kang sasabihin na kahit na ano sa kanya."
Napa 'O' na lamang ito ng kanyang labi nago ako tinignan ng nakakaloko. "Yes boss!" Pabirong sabi pa niya.
Napangiti lamang ito bago muling ibinalik ang mga mata sa mga nagvi-videoke. Nakita ko na si Ponggay na ang may hawak ng microphone. Ibig lamang sabihin noon ay turn na nito para kumanta.
Napatingin ito sa gawi namin, directly to Deanna. Atsaka nito nginitian ng pagkatamis tamis na animo'y isa lamang akong hangin sa tabi nito.
"Ehem!" Pag tikhim nito. "This is for Deanna." Panimula niya. Nagsimula na kasi sa pagtugtog ang kakantahin nito na Heaven, at kung hindi ako nagkakamali ay maganda raw talaga ang kanta na iyon.
'Oh thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and free'
Damn it! Pag mura ko sa loob ng magsimula na ito sa pagkanta.
Hindi naman kasi maipag kakaila na maganda ang boses nito. Naghiyawan ang mga taong nakapalibot rito. May iilan pa nga na napapahinto talaga at nagsimulang panoorin siya.
'Now nothin' can take you away from me
We've been down that road before
But that's over now
You keep me comin' back for more'
Habang kumakanta ito ay nakatingin lamang sa mga mata ni Deanna. Hindi niya iyon tinatanggal o ibinabaling man lamang sa ibang direksyon. All I can see in her eyes was love for Deanna. But I also can see the sadness and regrets.
Habang kumakanta ito ay walang ibang ginawa si Deanna kung hindi ang tumitig din dito pabalik. Na para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng kinakanta ni Ponggay, nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata at ang tanging nagkaka intindihan lamang ay silang dalawa.
'Baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven'
Lumapit si Ponggay sa kanya, iyong malapit na malapit. Bago ito hinawakan sa kamay si Deanna habang kinakanta ang linya ng lyrics na iyon.
Parang gusto ko ng maiyak. Knowing na Ponggay, was her very first love. Napalunok ako na animo'y nanunuyo ang aking lalamunan. I was about to walk out ng mabilis akong pigilan ni Deanna sa aking braso at binalewala ang babaeng kinakantahan siya sa kanyang harapan.
'And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven'
Nagtatanong ang mga mata na napatingin ako sa kanya.
"P-pwede ba tayong sumayaw?" Parang nahihiya pa na tanong nito sa akin.
Hindi ko alam pero kusang gumuhit ang mga ngiti sa aking mga labi. At doon, namuo ang luha sa aking mga mata.
It's a tears of joy.
Hindi ko lang kasi inaasahan na gagwin niya iyon, lalo na at nasa harapan lamang namin si Ponggay.
"Keep singing, while we're dancing. Please?" Paki usap nito kay Ponggay na ngayon ay tila ba binuhusan ng malamig na tubig habang kumakanta. Biglang humina na rin ang tono ng boses nito at maluha-luha ang mga mata.
'Oh once in your life you find someone
Who will turn your world around
Bring you up when you're feelin' down'
Nagsimula kami sa pag hakbang ng aming mga paa. Hindi kami nagsasalita ni Deanna, pero mararamdaman mo ang kagalakan sa aming mga puso. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib, lalo na dahil mas matangkad ito kaysa sa akin.
Hindi nagtagal, may iilan na rin na nagsitayuan at kinuha ang kanilang mga asawa upang isayaw rin sa gitna. Kapwa kami natawa ng marahan ni Deanna atsaka nagka titigan.
"Ang ganda ganda mo." Pagpuri nito sa akin bago napa iwas ng tingin.
Kagat labi na hindi ko napigilan ang kilig kaya naman, nakurot ko ito sa tagiliran. Ngunit sa halip na masaktan ay natawa pa ito bago ako mas hinila papalapit sa kanya.
Ang saya-saya ng araw ko na ito, kahit noong umpisa ay nakakapagod, ayos lang. Kung ang ending naman ay ganito katamis at kasaya sa feeling.