Deanna POV
"Anak, Deanna." Pagtawag sa akin ng nanay habang nanonood ako ng Volleyball sa TV, dito sa aming sala.
Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok kaya hinayaan ko na muna na matulog ng maaga at mag-isa si Jema sa loob aming kwarto.
Isa pa, ilang araw na rin kasi itong abala at palaging wala. Iniisip ko nga minsan na baka abala lang talaga ito dahil isa ang Galanza University sa mga Organiser ng paparating na Tournament.
Kung tatanungin ninyo kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya, well...hindi ko rin alam. Dahil maging ako, hindi ko rin masasabi kung ano ba talaga itong nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Jemalyn.
Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko wala ng katapusan ang saya. Sa kanya, nagagawa kong magpakatotoo. Naku kwento at nasasabi ko ang mga bagay na hindi ko magawang ma-ishare sa iba.
Kapag nakikita ko siya, walang palya ang pagtibok ng puso ko na animo'y sasabog sa sobrang lakas. Sa kanya lang din ako na i-intimidate. Sa harap lamang niya ako namumula na parang kamatis.
Special si Jemalyn sa akin. Kung minsan nga, kapag tinititigan ko siya ng hindi nito alam, nasasabi ko sa sarili ko na ang swerte-swerte ng taong mamahalin niya.
Para siyang isang diyamante na gusto kong paka ingatan at ayaw kong masira o mabasag. Lalo na ang puso nito, ayaw kong mapunta sa iba. Napaka pure at punong puno ng happiness.
Natigilan ako sa malalim kong iniisip ng biglang umupo si inay sa aking harapan. May tingin ito na para bang may ipapaki-usap na isang bagay sa akin.
"Itatanong ko lang sana kung...may balak ka na bang...alam mo na, ilang taon na rin kasi na---
"Nay, alam na 'ho ninyo ang magiging sagot ko dyan. At hindi na magbabago ang desisyon ko." Sabi ko rito. Bago itinutok ang aking mga mata sa TV upang putulin ang ano mang usapan na meron kami ng aking nanay.
Napahinga ito ng malalim. "Gusto ko lang naman na maranasan mong muli ang maging masaya sa araw ng--
"Nay, tama na 'ho." Napalunok ako bago na patingin muli sa kanya. Ngunit ngayon, may namumuo ng luha sa aking mga mata.
"Iyon ang pinaka malungkot na araw na ayaw ko ng balikan pa." Nanginginig ang labi na napakagat ako rito upang pigilan ang maiyak.
Ganon din ang nanay. Napatingala ito bago napa singhot. "Oh siya, nagbabakasali lang naman ako. Kung hindi na magbabago ang desisyon mo, hindi kita pipilitin anak. Basta tatandaan mo palagi na mahal na mahal kita."
Lumapit ito sa akin bago ako hinalikan sa noo. "Matulog kana. Mauuna na ako sa aking kwarto dahil nakakapagod ang araw ng biyernes ngayon."
"Love you nay, good night." Pagpapaalam ko rito bago napa ngiti ng malungkot.
Nang makaalis na si Inay ay kaagad na pinatay ko na ang TV at umakyat na rin sa aming kuwarto upang matulog.
Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapahagulhol dahil sa malungkot na alaala na aking muling binalikan. Kung hindi niya lang sana kami iniwan ni Inay, edi sana buo at masayang pamilya kami ngayon. Hindi sana ganito kalungkot ang nararamdaman ko sa tuwing papalapit ang kaarawan ko
------
Kinabukasan, hindi ko napansin na medyo tanghali na pala akong nagising.
Hindi ko na rin namalayan ang pag gising at pag bangon ni Jema. Tiyak na may lakad 'yon ngayon dahil araw ng Sabado at pinag pahinga na rin muna kami ni Coach sa practice kahit isang araw lamang.
Balita ko kasi, may outing sila ngayong magkakaibigan. Siya pa naman sana ang gusto kong makasama sa araw na ito. Pero hindi na bale, uuwi rin naman siya mamaya kaya naman makakasama ko parin ito. Napahinga ako ng malungkot sa sarili bago napa ngiti at tuluyan ng lumabas ng kwarto upang magluto ng makakain.
Alam ko kasi na wala rin si Inay, dahil bukod sa may ibang lakad rin ito ay marahil gusto rin talaga nito na iwanan ako para mapag-isa.
Kilalang kilala talaga ako ng nanay. Kaya mahal ko 'yon ng sobra eh.
Naligo na rin muna ako pagkatapos kong makakain upang mas magising lalo ang aking diwa. Pagkatapos ay bumaba muli para manood ng TV sa aming sala.
Haha. Nakakatamad man ang buhay ko ngayong araw na ito, pero para sa akin...masaya na ako rito. At isa pa, isang normal na araw lamang ito para sa akin na kailangan kong malagpasan at mairaos.
Habang nag-eenjoy na ako sa panonood ng movie, ay siya namang may biglang kumatok mula sa aming pintuan.
Mabilis na nagtungo ako rito at pinagbuksan kong sino man iyon. Bumungad sa akin ang nag-aalala na mukha ni Alyssa. Habang gulat at nanlalaki naman ang aking mga mata na makita itong nakatayo mula sa labas ng pintuan ng aming bahay.
"Alyssa, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko rito bago ito pinagbuksan pa ng mas malawak upang makapasok ng bahay.
Napalunok muna ito bago napahinga ng malalim. "Is Jema's here?" Kaagad na tanong nito sa akin.
"Hindi namin siya macontact, ilang oras kaming naghintay sa meeting place na dapat nandoon na siya pero hindi siya dumating. We tried to contact their house kung naka uwi ba si Jema doon ngayong araw, pero ang sabi, hindi."
Napakunot ang aking noo. "A-akala ko magkakasama na kayo. Isa pa, hindi ko na ito naabutan dahil tinanghali ako ng gising." Paliwanag ko pa.
"Teka nga, oo. Ang alam ko rin dapat may lakad kayo." Dagdag ko pa. Bigla na rin kasi akong nakaramdam ng sobrang pag-aalala.
Inilabas ko mula sa aking bulsa ang cellphone at idi-nial ang number nito. Ngunit hindi ko naman ito makontak.
May nangyari bang hindi maganda?
Napasabunot si Alyssa sa kanyang buhok. "Sorry kung naabala pa kita. Hindi na dapat---
"Alyssa, tama lamang na pumunta ka rito sa akin." Pag putol ko rito. "Mabuti nalang at pumunta ka dahil kung hindi, hindi ko malalaman na hindi pala kayo nagkita-kita."
Mabilis na hinawakan ako nito sa aking braso. "Please! Samahan moko, hanapin natin siya." Paki usap nito sa akin.
Hinawakan ko rin ito sa kanyang balikat upang kalmahin. "Huwag kana muna mag panic, okay? Baka na lowbat lang ang cellphone 'non, may ibang lakad o kung hindi naman ay may ibang ginagawa."
Napatango ito bago napa upo sa sofa. "Okay." Ngintian ko ito.
"Magpapalit lang ako ng damit." Pagkatapos ay mabilis akong nag akyat ng kwarto at sing bilis din ni Flash na muling bumalik sa ibaba sa sala kay Alyssa.
-----
Habang nagmamaneho si Alyssa ay panay ang pag buntong hininga nito. Mahahalata mo rin na sobra sobra na itong nag-aalala sa kaibigan.
Ilang beses ko na ring sinubukan na muling tawagan ang kanyang cellphone, ngunit bigo parin ako.
Nasaan ka ba Jema? Wag mo naman akong pag-alalahanin ng ganito.
Alas tres na ng hapon ng pumasok kami ni Alyssa sa sa loob ng Galanza University. "Bea texted me na i-check na rin muna natin siya rito." Wika ni Alyssa.
Napatango ako. At doon, naalala ko ang paborito nitong puntahan na lugar. Noong unang pinagdalhan nito sa akin habang nag papa tour ako sa kanya dahil first time ko pa lamang dito sa school.
Ngunit pagdating roon ay nabigo parin kami. Wala kaming nadatnan o nakita roon na Jema.
Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin. Ano bang nagyayari? Nasaan na ba siya? Kung sana nagising ako ng mas maaga, hindi sana nalaman ko kung saan ito pupunta. O kung hindi naman ay nasamahan ko pa siya.
Lahat ng pupweding mapuntahan, pinuntahan na namin ni Alyssa. Pero puro empty ang lahat ng court dito sa University. May iilan man na estudyante pero karamihan ay mga College na.
Huli naming pinuntahan ay ang Basketball Court. Natawa ako ng malungkot habang papasok kami sa loob.
"Mukhang wala namang tao rito." Malungkot na sabi habang naka bagsak na ang mga balikat. Naka patay kasi ang ilaw ng buong gym. Hindi ba obvious na wala talagang tao?
"Yeah, I think so." Malungkot din na wika ni Alyssa ng tuluyan na kaming makarating sa loob.
Tatalikod na sana akong muli nang biglang bumukas ang mga ilaw dahilan para lumiwanag ang buong paligid.
"HAPPY BIRTHDAY!!" Sabay-sabay na hiyawan at sigawan ng mga tao na hindi ko alam ay nasa loob pala.
Mga kaklase namin mula sa iba't ibang Subject, mga Professor namin, ka Teammates, mga iilan na kapitbahay namin at pati narin si nanay.
May hawak-hawak ang mga ito na banner habang naka sulat doon ang 'Happy Birthday Deanna'. Sa paligid ay maayos na naka organise ang mga lamesa at mga upuan. Sa unahan, nandoon ang napaka raming pagkain na nakahain.
Biglang lumabas mula sa kanilang likuran si Jema, habang may hawak-hawak na cake at mayroong candle sa gitna.
Naka ngiti ito ng napaka lawak habang nakaayos ang kanyang buhok.
Hindi ko mapigilan ang hindi madismaya dahil sa nangyari. Pagkatapos ng pag-aalala ko heto lang pala ang ginawa niya? Sobra akong nag-alala! Kung alam lang niya.
Napatingin ako kay Alyssa na ngayon ay kasama na sina Kyla, Bea at Celine. Napailing ako bago napatalikod at dire-diretsong naglakad papalabas ng court na iyon.
"Deanna, wait!" Pag pigil ni Jema sa akin habang tumatakbo para habulin ako.
Namumuo ang luha na napaharap ako sa kanya. "Bakit mo 'to ginagawa?"
Napakunot ang kanyang noo bago napalunok. "H-hindi mo ba nagustuhan?"
"Jema hindi!" Mabilis na sagot ko rito. "Ayoko nito. Ayoko ng ginawa mo. Pinag-alala mo ako!" Naiiyak na sabi ko rito. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko.
"I'm sorry.. Iyon lang ang naisip kung paraan para ma surpresa kita." Paliwanag nito.
Napailing akong muli. "Hindi ko 'to gusto Jema. Gusto kong malaman mo na taon-taon, sa lahat ng araw, ang birthday ko ang pinaka malungkot na araw para sa akin." This time, tuluyan na akong naiyak. Dahil sa sama ng loob, sa sakit na muling maalala ang pag iwan ng aking ama sa amin.
Bakit kasi sa kaarawan ko pa mismo siya umalis noong araw na iyon.
"Deanna, I know." Wika nito.
"At sa pag kakaalam ko, walang mali sa mga ginagawa ko. Mali ba na pasayahin kita at makita ang mga ngiti mo? Mali ba na hangarin na palitan ng saya 'yong malungkot na birthday mo taon-taon?" Napahikbi ako. Lumapit ito sa akin hanggang sa ilang dangkal na lamang ang pagitan naming dalawa.
"Sabi nila, efforts are better than promises." Sambit nito habang naka tingin sa aking mga mata.
Hinawakan ako nito sa aking pisnge at marahan na pinunasan ang aking luha roon.
"Kaya ipaparamdam ko na lang sayo 'yong salitang mahal kita, kaysa sa mga salita na pwede namang maging kasinungalingan pagdating sa huli."
Napahinto ito bago napa ngiti sa akin. Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko, bigla na lamang akong sasabog dahil sa halu-halo na ang emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
"Para sakin kasi, mas totoo ang pinapa ramdam at pinapakita sa isang tao ang nararamdaman mo, kaysa sa paasahin ito ng milyon-milyong pangako."
Dahil sa sinabi nito ay dahan-dahan na tinanggal ko ang pagkakahawak nito mula sa aking pisnge. At lumayo na rin sa kanya ng ilang hakbang.
"Jema dahil sa ginagawa mo, mas pinahihirapan mo lang ako." Pag amin ko rito.
Malungkot na napa tingin ito sa aking mga mata. "Pinahihirapan saan? Deanna, wala akong ginagawa na ikasasama mo. Kung mayroon man akong mga ginagawa ngayon, 'yon ay dahil gusto kita, maging akin, maging tayo---
"Tama na please!" Pagputol ko sa kanya.
"Tell me exactly kung saan kita pinahihirapan Deanna. Kung dumating man ako sa buhay mo 'yon ay dahil ginusto ko, hindi dahil para lang guluhin ka."
"Dahil mas nahihirapan na akong pigilan ang nararamdaman ko para sayo Jema!" Halos isigaw ko na ang mga iyon sa kanya.
Mula sa malungkot at naiinis na expression ng mukha nito ay bigla itong napa ngisi dahil sa nasabi ko. Maging ako ay nagulat din sa aking sarili.
Kaagad akong napa iwas ng tingin bago napa talikod.
"Ano bang nararamdaman mo para sa akin?" May mapanukso pa na tono sa tanong nito.
Hindi ako umimik. Ano ba kasing nasabi ko at bakit ganon?
"Sasabihin mo ba sa akin o hahalikan kita sa harapan ng maraming tao." Pananakot pa nito sa akin na alam ko naman na hindi ito magdadalawang isip na gawin iyon.
"Dahil gusto kita!" Inis na sigaw ko rito bago napa pikit ng mariin. "Gustong gusto na kita Jema. Ayan nasabi ko na masaya kana?!"
"Dahil sa ginagawa mo mas mahihirapan na akong pigilan 'yon ngayon o iwasan dahil baka..." Napahinto ako.
"Baka mahalin na kita ng tuluyan." Hindi ko alam pero mas mahirap pala talaga umamin ng nararamdaman kaysa ang magtago. Pero ngayon, wala na akong kawala pa.
Isang malawak na ngiti ang ibinigay nito sa akin bago napa kagat sa kanyang mga labi.
"Edi wag mong pigilan. Magmahalan tayo. Hindi kita pipigilan, so goon."