"wag po.. Maawa na po kayo", tangis ng babaeng duguan ang mukha at putok ang mga labi.
Samantalang tila demonyong nakangisi sa kanya ang isang lalaking papalapit na sa kanya.
"ahh! Tama na po,maawa po kayo", nanghihinang sabi nito sabay kapa ng sugat sa bandang tiyan at umagos ang dugo. Tuluyan na syang binawian ng buhay sa mga nangyari.
Ang bangkay niya'y inilibing sa bakanteng lote katabi ng punong-balete.
"hon! Watch out!" tili ni honey sa biglang may nakita syang taong papatawid ng daan.
Biglang huminto naman ang kotseng pinagmamanehohan ni Peter.
Lumabas ito ng kotse at tiningnan ang nasagasaan.
" its just a cat maybe.. Yet there's nothing honey!",kibit-balikat nito at pumasok uli ng kotse.
Parang tinuklaw naman ng ahas ang mukha ni honey at tila natutulala pa sa nangyari.
Kitang-kita nya,taong nakaputi't tumatawid at nasagasaan ng bf nya.
Nagulat pa sya ng hinawakan sya sa balikat ng nobyo.
Niyakap sya nito at binigyan ng pinong halik sa noo.
" I really saw it.. Tao yun hon,"
kumalas sya sa pagkakayakap ni Peter sa kanya at bumaba ng kotse para tingnan muli ang nasagasaan. Pero wala naman. Nakaramdam na sya ng kakaiba,at naninindig ang kanyang balahibo sa ihip ng hangin na sa pagkakarinig nya'y mga panaghoy sa paligid lamang.
Patingin-tingin sya sa paligid ngunit wala namang nabangga.
Napayuko naman sya para pulutin ang nahulog nyang cp at nang biglang may lumabas na itim na pusa sa ilalim ng sasakyan.
Napasigaw siya at biglang napaatras. Kitang -kita nya ang pamumula ng mga mata ng pusa at mga pangil nito. Bago pa sya malapitan ng pusa ay sinipa ito ni Peter. Itinayo sya ng lalaki at niyakap.
Gumanti naman sya ng yakap dito,mahigpit, nanginginig ang katawan nya sa takot.
" its just a cat hon,shh.. There's nothing to worry.."sabi nito sabay akay sa kanya papasok sa loob ng kotse.
Walang salitang lumabas sa kanyang bibig ,na tila takot na takot parin.
Ang mga mata mg pusa ,tila mga dugo na nakatingin.