webnovel

CHAPTER III Ang nagbabadyang panganip sa hinaharap

Naging normal muli ang mga pangyayari kinabukasan.

Pauwi na sya ng apartment mga alas kwatro ng hapon matapos ang kanyang duty sa hospital.

Sa di mawari na pakiramdam na para bang may sumusunod at nakatingin sa kanya.

Parang nakikita nanaman nya ang itim na pusa.

Bigla syang napatili nang may humawak sa kanyang braso.

" miss!sorry po ha, pero kanina ko pa kayo tinatawag,may naiwan po kayong gamit sa room ng kapatid ko", anito sabay abot sa kanya ng susi.

Napatutop sya ng noo at agad tinanggap ang inabot nito sa kanya.

Nalaman nyang kuya pala sya ng kanyang inaalagaang pasyente sa private room.

Dahil sa mukha namang mabait ang lalaki ay pinaunlakan nya ang pagyaya nitong magmerienda muna.

Pau ang sinabi nitong pangalan sa kanya.

" alam ko na may bumabagabag sayo", anito sa kanya habang sila'y nagmemerienda.

" may nakikita din akong di nakikita ng normal na tao",dagdag pa nitong sabi.

Napatda naman sya sa narinig. Tumingin sya kay Pau ng tuwid at sinusukat kung nagjojoke lang ba ito o hindi. Ngunit seryoso ang mukha nito.

" wag mong iwawala ang rosaryo sa sarili mo, pati na rn ang bibliya",patuloy nitong sabi sa kanya.

" papaanong-", di na nya naituloy ang sasabihin ng tumunog ang cp nya, at si Peter ang tumatawag.

" hon, are you ok?pa out ka na ba?" anito sa kabilang linya.

" yes hon!pauwi na ako,dontworry", sabat nya dito.

Matapos nilang mag usap ng nobyo ay nag paalam na sya kay Pau.

" Pau, salamat ha sa merienda",aniya sabay tipid na ngite dito.

" mag-iingat ka, sinusundan ka nya, kung kelangan mo ako tawagan mo lang ako", anito ni Pau at inihatid sya sa waiting shed . Susunduin daw sya ni Peter doon. Umalis din agad si Pau at nakita nya itong bumalik ng hospital.

Makalipas nga ng 15 minutes ay dumating si Peter. Dinala sya nito sa isang malapit na resto para magmerienda. Di nya sinabing nakamerienda na sya para di ito maghinala ng masama sa kanya. Mahal nya ang kanyang katipan .

ตอนถัดไป