Matapos ang insidente na 'yon, umalis ako na sobrang inis. Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari. At ngayon, kahit na nasa school na ako ay di parin maalis ang inis ko sa lalaking 'yon. Pinagbuntunan ko ng galit ang notebook ko. Doon ko isinulat ang mga gusto kong itawag sa lalaking 'yon. Naiinis ako sa kanya pero wala akong magawa. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Stupid lion!
Stupid jerk!
Stupid prick!
Stupid gangster!
Stupid pretty boy!
Stupid sexy grey-eyed monster!
"So, I heard girlfriend ka na pala ng isang sikat na delinquent na nag-aaral sa Pendleton High also known as the school for gangsters. Hahaha! I knew you had it in you, Sam. Mahilig ka talaga sa mga troublemakers, oo nga pala kasi magkaparehas kayo. Match made in hell indeed," sabi ng pamilyar na boses ng isang babae at nasundan ng tawa ng mga kasama niya.
Sa sobrang pagkakatuon ng atensyon ko sa sinusulat ko sa notebook ko, hindi ko naramdaman ang presensya ng karibal ko. Nakita ko si Audrey kasama ang kanyang mga followers sa harapan ko. Si Audrey ang mahigpit kong karibal sa lahat ng bagay. Lahat nalang pinag-kokompetensyahan naming dalawa. Sa academics, sports, beauty, popularity, number of admirers pati na rin sa business ng family namin. Pero hindi niya ako matalo-talo at hindi niya iyon matanggap.
Dito sa St. Celestine High, ako ang top student. Masasabi na isa akong huwaran na estudyante. Sa school na ito, kilala ako bilang isang mahinhin at hindi makabasag pinggan na babae. Mahalaga kasi para sa school na ito na maturuan kami ng kagandahang asal. Mga nanggaling sa prominenteng pamilya ang mga nag-aaral dito. Karamihan sa mga subjects namin ay wala sa ibang school. Pinag-aaralan namin mula flower arranging hanggang horseback riding. Mula computer class hanggang theater arts. Tea ceremony hanggang fencing.
Ang totoo hindi naman ako perpekto pero 'yon ang tingin sa akin ng maraming estudyante rito, almost ninety-five percent. Hindi nila alam na may isang evil monster na nakatira sa loob ko. I live to impress not to express. At pilit na pinalalabas ni Audrey ang monster na 'yon dahil alam niya na masisira ang reputation ko kapag nalaman nila kung sino ba talaga ako sa likod ng maamong mukha ko. Para lang akong aktres at ang school na ito ang stage ko.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo Audrey," pa-inosenteng sagot ko pero sa loob ay nagpapanic na ako. Sino kaya ang nag-sabi sa kanya?
"Alam ko na alam mo ang tinutukoy ko," sabi niya. "Mag-ingat ka sa mga kilos mo simula ngayon Samantha, baka pag-gising mo nasa pinaka-ibaba ka na."
Umalis na siya kasunod ang mga followers niya. Pinanood ko lang siya na lumabas ng canteen. Ang dami na namang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang sila at muling bumalik sa sinusulat ko.
"Kawawa naman si Samantha," narinig kong sabi ng isang estudyante na nakarinig sa usapan namin ni Audey. Heh.
Ayaw ko man na kaawaan ako pero, mabuti na rin ito. Mababawasan ang fans ni Audrey! Hindi niya na talaga ako matatalo pa kahit na kailan! Mouhaha!