"Paano niya nalaman bakla?!" tanong ni Maggie sa'kin habang iwinawasiwas ang kutsara na hawak. "Hala lagot ka! Baka ikalat niya ang sikreto mo!"
"Baka naman nag-hire siya ng detective para matyagan ka," sabi ni China at saka muling nilantakan ang ice cream niya. "Stalker mo talaga 'yun."
"Ewan ko. Ano yung sinasabi niyang delinquent?" tanong ko habang tinititigan ang natutunaw kong vanilla ice cream.
Nandito kami ngayon sa Sweety's Sweets House. Isang kilalang dessert shop na nakatayo di kalayuan sa school namin. Karamihan ng mga pumupunta rito ay puro teens o kaya naman ay mga bata kasama ang mommy nila. Karamihan ng pagkain dito ay puro matatamis, meron din naman silang pasta kung nagugutom ka. Pero bukod doon ay puro cakes, bread at kung anu-ano pang pampatanggal ng stress. Napaka-kulay ng loob nito, para bang may dumating na unicorn na sumuka ng rainbow.
"May nalaman si Maggie tungkol sa TOP mo Sammy," sabi ni Michie.
"Si TOP?" ulit ko sa pangalan niya at nakaramdam ako ng pagkakilabot. Nakakatakot talaga siya lalo na nang makita ko siyang nakikipagsuntukan.
Tumango sila. Speaking of him, akala ko pa naman gagampanan niya ang pagiging boyfriend ko at susunduin ako sa tapat ng school namin katulad ng mga napapanuod ko sa TV. Inaasahan ko pa naman na may mga nakaitim na lalaki na nakasakay sa motor ang mag-aabang sa paglabas ko. Akala ko magiging mala-Lee MinHo na rin siya. Isang Prince! Kaka-disappoint naman. Siguro hindi siya seryoso sa sinabi niya, mabuti naman. Ayokong masira ang reputation ko dahil sa lalaking iyon. Ngayon pa na naghahanap na ng ebidensya si Audrey para mapatunayan sa lahat na may delinquent boyfriend nga ako.
"Kilala sila sa tawag na Lucky 13. Sila ang top gang sa district natin. Sila 'yung pumunta sa school kahapon para kidnapin ka," umpisa ni Michie.
"Hindi lang iyon, nalaman din namin na pumapasok sila sa Pendleton High," dagdag ni China.
"Pendleton High?" tanong ko.
"Private school for boys iyon para sa mga anak mayaman at may mga bad records sa ibang schools. Ang Pendleton High lang kasi ang school na nag-totolerate at tumatanggap sa mga delinquents na estudyante. Pero syempre pinapagana ng pera ang eskwelahan na iyon," paliwanag ni Maggie.
"Marami rin nag-reresign na teachers sa school nila," dagdag ni Michie.
Paano nga ba ulit ako nagkaroon ng koneksyon sa mga taga-Pendleton High? Ah, oo nga pala sinampal ko ang isa sa kanila sa pag-aakala na niloloko niya ang bestfriend ko na si Michie.
"Okay ka lang, Sammy?" tanong ni Michie na pinapaypayan ako gamit ang napkin na nasa lamesa.
Kung ganon isa pala talaga silang gang? Ano ba 'tong napasukan ko? Ang laking gulo nito. Ang gusto ko lang naman ay ang ipagtanggol si Michie laban sa lalaking 'yon na akala ko eh totoo ngang niloloko sya. Bakit nangyari sakin 'to? Ano'ng ginawa ko to deserve this kind of punishment?!
"Lucky 13. Ano 'yun?" tanong ko ulit.
"It's a gang. Binubuo siya ng thirteen members including their leader, TOP. Inaalam pa namin ang full name niya. Ang totoo niyan, medyo nahihirapan kami na alamin kung ano ang full name niya. Pero ayon sa information na nakuha namin nanggaling siya sa isang wealthy clan na maraming business sa US. May kumakalat na chismis din na undefeated siya sa larong kickboxing sa mga underground battles. Second leader ng gang ay si Red Dela Cruz, siguro naman kilala mo kung sino si Red. Madali lang siyang makilala dahil sa kulay ng buhok niya at sa dami ng babae na kinarelasyon niya. Isa siyang kilalang Casanova. Ang pamilya ni Red ang may ari ng Green Leaf hotel. Rich kid. Yung iba naman, puro anak mayaman din. Pero lahat sila magaling lumaban at nag-master sa taekwondo, judo, wrestling, kickboxing, arnis at kung anu-ano pa. Higit sa lahat kilala sila bilang undefeated champ sa larong basketball," kwento ni Maggie.
Mas lalo akong kinilabutan. Magagaling nga silang makipaglaban. Saksi ako roon. Nakapagpatumba sila ng trentang katao nang sila lang labingtatlo. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito pala katindi ang gang nila. Top gang sa buong district? Gaano ba karami ang gang dito sa lugar na ito?
Ring~~ Ring~~
"Teka ringtone ko yun ah," sabi ko. Pero imposible naman na cellphone ko 'yon dahil hindi pa ibinabalik ni Ms. Torres ang cellphone ko.
"Nakalimutan ko ang surprise ko sa'yo Sammy bestfriend!" sabi ni Michie at inilabas ang cellphone ko mula sa kanyang bag. "Tadaah!"
"Pa'no naman napunta sa'yo yan?" tanong ko habang iniaabot sa akin ang cellphone na patuloy sa pag-ring.
"Kinuha namin sa drawer ni Ms. Torres," simpleng paliwanag ni China.
"ANO?!"
Inosente nila akong nginitian at hindi na ako pinansin. Kinain na lang nila ang mga matatamis na nakahain sa mesa namin.
"Hello?" sinagot ko ang cellphone nang hindi tinitignan ang caller.
[You didn't answer my f*cking calls! Where the hell are you?! Are you cheating on me already?!]
HOLY SHIZ!!! May narinig akong lagabag at ilang ingay sa kabilang linya.
[F*CK! Get the hell—SHIT! Don't touch me, F*CKING UGLY B*TCH!!! I said MOVE!!!] sigaw niya sa kabilang linya habang may mga ingay din akong naririnig katulad ng pagkalaglag ng ilang bagay.
"Wuy! Sino ba ang kinakausap mo?" nagtatakang tanong ko.
BLAG!! Narinig kong may bumagsak. Sa tingin ko may kung ano'ng kababalaghan na ang nangayayari sa kanya ngayon.
[AHHH!!! What the f*ck are you doing?! SHIT!! Don't f*ckin touch me, dog face! What the f*ck—AHHH!!!]
"Hello?!" naiinis na ako dito ha.
[It f*cking hurts! Old hag! DIE!! DIE!! DIE!!!]
"TOP? Bahala ka dyan ibababa ko na 'to."
[F*CKING F*CKER!! F*CKING F*CK OFF!! F*CKING F*CK!!]
"T-TOP? Hala sino inaaway mo? Maawa ka!" Naiiyak ako sa mura nya.
[Huh? Who the f*ck are you? Why did you f*cking call me? Shit! Stop calling me, I'm f*cking busy!] he said and hung up.
Di ako makapaniwala na binagsakan niya ako ng telepono. Didn't even say bye, what a rude person! Ako pa ang sinabihan na hwag tumawag? Crazy! At doon natapos ang aming napakagandang pag-uusap. Ano kayang nangyari don? Ah, bahala nga siya!