webnovel

HIS DYING DAYS

"Dad! Please... lumaban kayo..." luhaang saad ni Sierra habang nag-a-arrest ang ama. Sa pagkakataong iyon ay gusto na niyang bawiin ang pangako sa ama at sa sarili na hinding-hindi niya gagamitin ang itim na libro. Hanggang ngayon ay hawak pa rin niya iyon. Nakatago sa bag at hindi magawang ibaon dahil ayaw niyang mawala sa paningin ang ama.

Ilang araw na lang ang natitira, iiwanan pa ba niya ito? Ah, hindi niya iyon mapapayagan. Kaya sa halip na ibaon iyon ay ipinagpaliban na muna niya. Sinamahan niya ito sa ICU. Pinanood niya ang bawat araw na humihina ang katawan nito at iniiyak ang desperasyon sa mga nangyayari sa tuwing tulog ito.

At nagisingan niya itong naga-arrest. Iyon na marahil ang katapusan ng ama. Parang nadurog ang puso niya. Dalawang oras na lang ang nalalabi, kaarawan na ng matanda. Iyon na rin ang sa tingin niyang oras ng kamatayan nito.

At malamang, naghihintay na sa kuwartong iyon ang demon na kukuha sa kaluluwa ng ama. Lalo siyang nangatog sa isip. Maging doon ay hindi man lang ito mapupunta ng langit! Pagkatapos na lang ng mga ginawa nito, ng mga kabutihan nito, sa impyerno pa rin ang tuloy.

Her father didn't deserve that. Nagmahal lang ito. Nangarap. Humiling ng mga bagay na hindi maibigay ng diyos dito. Kalabisan na ba iyon para sa isang tao? Kasalanan na ba iyon sa diyos? Kasalanan bang gumawa at magisip ng paraan, ng mga bagay na hindi nito maibigay? Kung kasalanan ay napaka-unfair naman...

Naiyak na siyang tuluyan. She was silently asking God why her father has to end that way? Why He let it all happen? And she was starting to ask and doubt God now. Was there even a God? Kung mayroon, nasaan ito ng mga oras na iyon? Nanonood lang? Lalo siyang naiyak sa naisip.

"Dad!" luhaang bulalas ni Sierra. Starting to cry hysterically.

"Ma'am, sa labas ho muna kayo," malamig na saad ng nurse at iginiya papuntang pinto.

Pumiksi siya. "No! I want to be with my father!" luhaang bulalas niya.

"Mas magandang sa labas ho muna kayo para makapag-concentrate ang mga doktor sa pagre-revive sa kanya," anito.

Napipilitan siyang tumalima. Lumabas siya at tureteng napapaiyak. Ni wala siyang kasama doon. Nagiisa lang siyang sinasalubong ang delubyo. Wala ang nanay niya. Ni hindi nagawang dalawin ang unang asawa. Nasa Maldives daw ito para sa bakasyon. Kasama ang lalaking ipinalit sa daddy niya.

Hindi na rin siya nakuhang puntahan ni Elderson. Tumawag lang ito noong isang araw para mangumusta dahil nabalitaan nito ang nangyari sa daddy niya. Iyon na ang una't huling tawag nito magmula ng maghiwalay sila at kahapon ng umaga ay nabalitaan niyang ikinasal na ito sa dating secretary.

Hindi na niya makuhang sumama ang loob sa mga taong iyon. Ang iniisip niya ay ang ama. Hindi siya handa sa pagalis nito. Kahit kailan, hindi niya iyon mapaghahandaan. Kung nagkataong hindi ito nakipag-deal, malamang ay buhay pa ito. Alive and kicking, wika nga. Wala naman talaga itong sakit. Nagkaganoon lang dahil sa lintik na deal!

Dahil sa naisip ay galit niyang kinuha ang libro sa bag. Luhaang tinitigan niya iyon hanggang sa binuklat. Bumungad sa kanya ang mga itim na pahina. Wala siyang makitang letra. Pati ba naman iyon? Ayaw magpakita sa kanya? Pati ba ang libro? Ayaw na rin makipag-deal sa kanya?

Hanggang sa napasinghap siya ng makitang nagkislapan ang mga letra. Unti-unti iyong nagiging visible hanggang sa nababasa na. Napakunot ang noo niya ng mabasa niya ang ilang instruction doon. Nangangailangan siya ng mga ritual kit! Dugo ng itim na pusa, itim na manok at ahas. Gusto niyang maiyak sa sobrang desperasyon. Isang oras na lang ang natitira, magagawan pa ba niya iyon ng paraan?

Naikuyom ni Sierra ang mga kamay. Kailangan niyang magawan iyon ng paraan! Hindi puwedeng hindi! Buhay ng tatay niya ang nakasasalalay doon! Lihim din siyang nagsisisi kung bakit hindi siya gumawa ng aksyon agad. Gayunman, mayroon pa rin siyang isang oras. Gagamitin niya iyon para iligtas ang buhay nito.

Sa nanginginig na kamay ay tinawagan niya si Nana Lilith. Agad niyang ibinilin ang mga ritual kit na kailangan. Hindi naman ito nangahas na magtanong. Mabuti naman dahil wala na rin siyang oras na magpaliwanag. Matapos iyon ay agad na siyang umuwi sa mansion para makapag-summon ng demon...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"OH FUCK! That's it lady. Come to me... let me have your body..." sigaw ni Buer habang hinihimas ang pagkalalaki taas baba. He was masturbating while watching on his improvised portal. Halo-halong buto ng tao, dahon, abo at mahiwagang apoy ang nakalagay sa loob ng isang kristal na bilog na kasing laki ng kamao. Nakapatong iyon sa bumabagang mesa nito at sa ibabaw ng kristal ay nandoon ang hologram ng isang napakagandang babae.

Alam na alam ni Inconnu iyon dahil minsan na niyang nakita iyon sa ama. Ginamit din ng tatay niya iyon para makapunta sa mundo ng mga tao ng hindi dumadaan sa gate of hell. Hindi nga lang iyon naibigay sa kanya dahil nasira iyon noong mapatay ito sa digmaan. Hindi naman siya makagawa ng sariling portal dahil ang ilang sangkap noon ay espesyal at hindi makikita sa impyerno.

Kagaya ng buto ng tao. Nasisiguro ni Inconnu na buto iyon ng isang mangkukulam. Isang tao na mayroong alam tungkol sa itim na kapangyarihan at kayang magugnay ng impyerno sa mga mundo ng mga tao. Iyon ang naging paliwanag sa kanya ng ama at kaya nito nagawa iyon ay dahil ang mangkukulam mismo ang tumawag dito na pinatay din nito sa huli dahil sa ginawa nitong pangiistorbo.

Tulad ni Inconnu, matalinong demon din si Buer. Nakagawa nga ito ng paraan kung papaano makakuha ng mga kaluluwa, ngayon ay natuklasan nito ang portal para makaparoon at parito sa lugar ng mga mortal ng walang nakakapansin.

Halos ubos na ang mga demons nito sa ibaba ng kaharian. Ni hindi man lang nito napansin iyon. Palibhasa, abala ito. Hindi niya ito masisisi. Kita niya mula sa pinto ang hologram ng magandang babaeng pinagpapantasyahan nito. Para itong actress na pinanonood ni Buer. Umiiyak dahil sa pagaagaw buhay ng matanda na nakahiga sa hospital bed na nasa loob ng puting kuwarto.

Umiiyak pero napakaganda pa rin. Balot na balot ng damit pero halatado pa rin ang magandang katawan. Aaminin ni Inconnu, nakakaramdam din siya ng pagnanasa sa babae. Hindi siya masisisi din dahil sa lahat ng mga taong nakita niya, ito ang masasabi niyang pinakamaganda at pinaka-sexy. Mas magandang hindi hamak kay Nadia.

Napalunok si Inconnu ng mapatingin sa gawi nila ang babae. Namamaga na ang mga mata nito kakaiyak pero bakit ganoon? Nangungusap pa rin ang mga mata nito? Bakit parang gusto itong puntahan ni Inconnu? Bakit parang gusto niyang halikan ang mga mata nito? Bakit parang gusto niya itong paligayahin hanggang sa makita ang mga ngiti?

Agad niyang ipinilig ang ulo. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Hindi ba't sinabi niyang hindi siya papaapekto sa mga tao? Hindi niya gagayahin si Demetineirre! Hindi niya sisirain ang ulo para sa isang tao!

"Oh fuck! Come on, lady! Say the verse now so I can finally make a deal with you!" sigaw ni Buer at binilisan ang pagmasahe sa sariling ari. "Sawang-sawa na akong pinagpapantasyahan ka. Gusto na kitang tikmaaaa—n!" gigil na sigaw ni Buer hanggang sa tuluyan na itong sumabog. Hingal itong napasalampak sa bumabagang sofa dahil sa pagod.

"Are you done now?" malamig niyang tanong.

"What the fuck!" dumadagundong na sigaw ni Buer at sa isang iglap, nawala ito sa sofa at pinaulanan siya ng pagpapatama ng espada.

Hindi naman siya nagpadaig. Nakipaglaban si Inconnu kay Buer. He used his power and magic too. But he must admit, Buer was way powerful than him. And he knew it was all because he possessed human souls...

"You will regret attacking my kingdom!" galit na sigaw ni Buer. Bumabaga na rin ang espada nito at lalong lumalaki ang mga sungay. Nagsilabasan na rin ang pangil nito. Gigil na gigil nang patayin si Inconnu.

Gayunman, si Inconnu ay hindi pa inilalabas ang isandaang porsyentong kapangyarihan. Tingin naman niya ay kaya niyang labanan ito nang hindi na iyon inilalabas pa. Isang pintik lang, kaya niya itong talunin! He may not be powerful like Buer but he has the brains. He was wise unlike him.

Pumitik siya at sa isang iglap, naiwan sa ere ang dalawang kamay ni Buer na nagtatangkang makalapit sa kanya. Ang espada din nito ay hindi nagawang itarak sa kanya. But still, even Inconnu was controlling Buer's actions, he can still see his struggle. Nanginginig ang mga kalamnan ito. Sapat na katunayang pinipilit nitong kumilos.

Pumitik ulit siya at tuluyang nanigas na ang demon. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Inconnu at pinagmasdan si Buer. He can see his eyes. It was full of angst and madness. Sigurado si Inconnu. Oras na makawala ito sa spell niya, mata lang niya ang walang latay. Pero sorry dito. Hinding-hindi na niya ito hahayaang magawa iyon sa kanya.

"Let me take a look," aniya saka itinaas ang damit nito. Napailing siya ng makita ang mga kaluluwang nakadikit sa belt nito. Tama si Hades. Buer's source of power was human souls.

Kinuha niya iyon. Muli, nangatal sa galit ang katawan ni Buer. This time, pumitik ulit si Inconnu. Binigyan niya ito ng pagkakataong magsalita pero hindi pa ring nakakakilos ang katawan nito.

"You son of a bitch!" singhal nito at pinagmumura siya mula ulo hanggang paa.

Hinilot niya ang tainga hindi dahil nasaktan siya sa sigaw nito kundi para asarin ito. Napaungol ito sa galit at nang hindi makapagtimpi ay bumuga ng apoy! Muntik na siyang matusta! Mabuti na lang ay naging maagap siya. Agad siyang nakailag at napailing dito.

"And I will get your girl," mapangasar niyang anunsyo saka itinuro ang babae sa portal. "And of course, your portal too,"

"No—! You flying fuck! You will never get away with this!" galit na singhal nito at pinilit na pumalag. "Ang tagal kong inalagaan ang babaeng iyan! Tapos ay kukunin mo lang! You son of a gun! Let me go!"

Humalukipkip siya. "Let's have a deal. Pakakawalan kita pero sasabihin mo muna sa akin kung papaano mo ito nagawa."

Napahalakhak ito hanggang sa galit siyang tinitigan. "I will never trust you!"

Nagkibit balikat siya. "Then, I'll squish the answer from you," balewala niyang sagot saka pumitik. Nagpakawala siya ng curse gamit ang isip. Sa isang iglap, nabali ang kaliwang paa nito. Napasigaw ito sa sakit. Inulan na naman siya ng mura nito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Hindi nagpaapekto si Inconnu. Sa bawat pagtatanong ni Inconnu at hindi pagsagot ni Buer nang maayos, isa-isa niyang binabali ang mga buto nito hanggang sa sumuko ito. Naglalaway na ito sa sakit at sinabi ang tungkol sa itim na librong inihagis nito noong bumukas ang Avernus dahil sa pagpasok ng ilang kaluluwa noon.

Napatango-tango siya at naintindihan ang lahat. Matapos iyon ay kinuha na niya ang sintron nito para mai-surrender kay Hades hanggang sa napatingin sa babaeng nasa portal.

"How about her? Ano ang ginawa mong deal sa kanya?" malamig niyang usisa.

Hirap itong umiling. "W-Wala pa... k-kuhanin ko pa lang ang kaluluwa ng daddy niya mamaya..." anito saka ipinaliwanag ang tungkol sa deal na ginawa nito sa matandang nakaratay sa ospital.

Nanliit ang mga mata niya dahil mayroon agad nabuong ideya sa isip niya. "And you are expecting her to save his father? You are expecting that she will call you and ask for a deal?" panghuhula niya.

Hirap itong tumango. Hindi na nagawang tumanggi dahil sa paghihirap ng katawang bali-bali na.

Napatingin ulit siya sa portal. Nakaramdam siya ng matinding kagustuhang puntahan ang babae. Gusto niyang makipag-deal dito. Gusto niya... siya ang tawagin nito...

"S-She's... calling me... l-let me go... l-let me have her... I-I want her body... her purity could make me strong..." hirap na anas ni Buer.

Lihim naintindihan ni Inconnu ang isa sa mga dahilan ni Buer kung bakit nito ginustong makuha ang dalaga. Bilang demon, isa iyon sa alam niyang makakapagpalakas ng kanilang katawan. Purity was equals to innocence. Devils love to taint that pureness.

Malamig niya itong tinitigan at tinapakan sa dibdib. "I'm afraid, I can't to do that."

"B-But you said..."

"I lied," malamig na sagot ni Inconnu saka ito pinugutan ng ulo. Balewalang isinilid niya sa sako ang ulo ni Buer. Hindi rin muna siya umalis sa kuwarto nito. Nilapitan niya ang portal at hinawakan iyon.

And he gasped when he finally heard her beautiful voice. It was soothing... it was calming... He even had Goosebumps hearing that lovely voice.

"I am here, ready to have a deal. Please... show me your true identity and I shall surrender my body..." she whispered.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Inconnu. Her wish was his command. Dahil patay na si Buer at siya na ang may hawak ng portal na nagsisilbing koneksyon sa mundo ng mga tao, si Inconnu na ang tutupad sa kahilingan nito...

ตอนถัดไป