webnovel

HIS DYING DAYS

"I AM here, ready to have a deal. Please... show me your true identity and I shall surrender my body..." ulit na anas ni Sierra sa incantation na nabasa sa itim na libro. Gusto na niyang sumigaw sa sobrang desperasyon. Magiisang oras na, hindi pa rin niya natatawag ang demon. Walang pangalan ang demon sa itim na libro kaya hindi niya alam ang tatawaging pangalan. Hindi na rin niya iyon magawang tanungin sa ama dahil naghihingalo na ito.

Agad siyang umuwi matapos magbigay ng instruction kay Nana Lilith. Salamat na lang sa pagtitiyaga nito kasama ang mga katulong nila sa mansion. Sa huli ay nakahanap sila ng mga kailangan niya. Agad niyang sinimulan ang ritwal. Sa loob ng kuwarto niya ginawa iyon para walang makakita.

Sierra was desperate; she wanted to die that moment. Literal na naghahabol siya ng oras. Buhay ng tatay niya ang nakasalalay doon. Ang lumipas na minuto ay talagang kainip-inip. Pakiramdam niya ay taon ang dumaan! At sana lang ay magpakita na ang demon dahil minuto na lang ang bibilangin, siguradong katapusan na ng daddy niya!

"I am here, ready to have a deal. Please—"

"I know, I heard you," anang baritonong boses. Nagmumula iyon sa likuran ni Sierra. Hindi pa man din niya ito nililingon, nanayo na agad ang mga balahibo niya sa batok.

Kumabog ang dibdib ni Sierra. Nasakal siya sa presensya ng demon. She felt the darkness, she felt the unending melancholy. She could even taste the bitterness; she could smell his rotten meat scent...

Mariing ipinikit ni Sierra ang mga mata para paglabanan ang halo-halong takot at pagbaliktad ng sikmura sa naamoy. Bukod sa tila nabubulok na karne, naamoy din niya ang sulfur. Sa ilang nabasa niyang libro tungkol sa mga ganitong nilalang, normal lang ang amoy na iyon. Ganoon daw kasi ang amoy ng impyerno. Natural lang na maging amoy din iyon ng mga nilalang na nagmula doon...

Tumikhim si Sierra para maalis ang bara sa lalamunan. Kailangan na niyang kumilos sa kabila ng takot. Naalala niya ang ama. Buhay nito ang nakasalalay doon.

"I-I am Sierra. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. N-Nakasanla ang kaluluwa ng daddy ko sa'yo. G-Gusto kong bawiin ang lahat ng deal na ginawa ninyo sa isa't isa. S-Sabihin mo lang ang k-kapalit at ibibigay ko..." pigil hiningang saad ni Sierra. Walang ligoy-ligoy. Maigi nang diretso para matapos na agad.

Napasinghap siya nabg ipatong ng demon ang mainit nitong palad sa balikat niya. Dahil sa pagkakalapit nito, mas lalong umikot ang sikmura niya. Natutop niya ang bibig at muntikan ng maduwal!

"I-I'm sorry... Hindi ko lang talaga kinaya..." napapahiyang paliwanag ni Sierra. Nagiinit na ang tainga niya sa hiya. Aba, kahit ganoon pa ito, mayroon siyang kailangang hilingin dito. Paano kung mainis ito? Puwede nitong hindi ibigay ang kahilingan niya! Ah, hindi niya mapapatawad ang sarili oras na mangyari iyon.

Sa halip na sumagot, magpaliwanag o magalit ang demon, isang pitik lang ang sinagot nito. Tumalon ang puso ni Sierra. Ilang sandali pa, nawala na ang nabubulok na amoy. Pumalit doon ang aroma ng isang mabangong lalaki. Tila CK ang amoy at parang ang sarap singhutin...

Nahigit ni Sierra ang hininga ng maglakad ang demon hanggang sa tumayo ito sa harapan niya. Napalunok siya ng matapat sa parteng dibdib nito. Tantya niya ay nasa anim na talampakan ang demon. Maganda ang tindig at katawan. Kahit pa casual at all black ang suot, bakas doon ang magandang katawan nito.

"Look at me." anas na utos nito.

Normally, kung ibang lalaki lang ang maguutos noon kay Sierra ay irap ang isasagot niya. Isa sa mga tonong pinakaayaw niya iyon lalo na't galing sa isang lalaking hindi niya kilala. No manners ang dating at ungentleman. Pero pagdating sa demon, hindi siya nakaramdam ng inis sa utos nito.

She felt she was talking to a king and she wanted to yield to his wishes. Palibhasa, hawak nito ang lahat ng pagkakataon, ang buhay ng daddy niya at handa siyang halikan ang paa nito kung iyon ang hihilingin ng demon...

Dahan-dahang tumingala si Sierra at tuluyang nabingi sa sariling tibok ng puso nang makatitigan ang demon. Damn it, he was so damn gorgeous! Kamukha nito si Ian Somerhalder! Maliban lang sa abuhing mata ng aktor—nagtataglay ang demon ng mapupulang mga mata. Hindi niya napaghandaan iyon kaya natulala siya sa guwapong demon. Saglit niyang nakalimutan ang lahat. Kasalanan ng mga mata nito na kahit mapupula, nandoon pa rin ang hindi maitagong charm. Kasalanan din nang mapupulang labi nito. Dahil sa mga parteng iyon ng katawan nito, nakalimot siya sa totoong dahilan kung bakit niya ito tinawag!

"You are looking at me as if you want me, sweetheart." puna nito habang buong init siyang pinagmamasdan.

Naginit ang mukha ni Sierra. Agad pinaalala ni Sierra sa sarili kung bakit sila magkaharap. Napabuga siya ng hangin dahil sa pagkapahiya.

"L-Let go of my father's soul, please," determinado niyang saad nang makahuma.

Tumaas ang isang sulok ng labi ng demon saka siya hinagod ng tingin. Lalong nanayo ang mga balahibo ni Sierra. Kung hagurin siya ng tingin ng demon, pakiramdam niya ay hinawakan na nito ang buong katawan niya! She could feel her body trembling! Damn it!

"Let's have a deal." alok nito. Kumikislap sa pagkatuso ang mga mata.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Kinabahan si Sierra. Gayunman, naisip niyang ano pa nga ba ang aasahan niya? Even he was a gorgeous man, he was still devil. Napatango siya sa naisip. "Okay. What is it?"

"Akin ka sa loob ng isang gabi. Huwag kang magalala. Hindi muna ngayon iyon dahil nagmamadali ako. Kailangan kong makabalik sa impyerno dahil hinihintay ako ni Hades." nakangising sagot nito. Napalunok si Sierra ng makitaan ng init ang mga mata nito. He couldn't even hide his desires! Namumula na ang tainga nito at tiim na tiim ang bagang!

At aaminin ni Sierra, nakaramdam siya ng init. Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. The demon was so damn hot and gorgeous! He wanted her so bad. Nakadagdag sa init na nararamdaman niya ang kaalamang gusto siya nitong makasiping. Obviously, he desired her. Meaning, this devil likes her. She felt giddy about that.

Napatikhim si Sierra at inawat ang sarili. Bakit ba siya nagiisip ng ganoon? Hindi iyon tama. Hindi siya dapat na-e-excite. Hindi iyon normal!

"Decide now, sweetie. You are running out of time—"

"Okay, okay!" kinakabahang bulalas ni Sierra at natutop ang ulo. Nahihilo siya sa papasukin niya. Aba, kahit isang gabi lang, hindi pa rin biro iyon.

"Don't be afraid, sweetie. Ako ang bahala sa'yo. Pagkatapos ng isang gabi, malaya ka na noon," pangako nito.

Napalunok si Sierra at napatango. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang pumitik ang demon. Napaigtad siya at kunot noong tiningnan ito.

"Your father is fine now. Go back to hospital and see it for yourself. Babalik na lang ako isang gabi para tuparin ang kasunduan natin. Be ready by then, okay?" anas nito saka siya hinigit sa baywang. Agad naglapat ang katawan nila.

Biglang kumabog ang dibdib ni Sierra at maang na napatitig sa demon. Hindi niya maintindihan kung bakit ang tindi ng pagwawala ng dibdib niya dahil sa pagkakalapit nila. Hindi niyang naramdaman iyon sa iba. Kahit kay Elderson, hindi siya nakaramdam ng ganoong klaseng kabog ng dibdib.

"Let's seal our deal now," mainit na anas ng demon saka walang sabing siniil ng halik si Sierra. Agad namigat ang mga talukap niya at hinayaan itong alilain ang labi niya. Right there and then, Sierra found out something...

This demon possessed the sweetest lips on earth. Habang magkalapat ang mga labi nila, pakiramdam niya ay hindi demon ang kahalikan niya kundi isang lalaki. Isang lalaki na kaya siyang baliwin sa isang halik lang...

"Remember my name, sweetie. I... am... Inconnu." mainit na anas nito sa pagitan ng mga labi nila saka siya tuluyang nilayuan.

Pagmulat ng mga mata ni Sierra ay napasinghap siya dahil nagiisa na lang sa kuwarto. Saglit siyang hindi nakahuma hanggang sa natigilan nang maalala ang kalagayan ng ama. Dahil doon ay dali-dali siyang bumalik sa ospital.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"This is miracle. Let us all thanks God for giving you another chance to live, Mr. Manaois," nakangiting saad ng doktor sa matanda matapos itong suriin. Napangiti na lang si Sierra at lihim na napahinga ng malalim. It's been a month since the last time she made a deal with the beast. Hanggang ngayon ay hindi na ito bumalik. Gayunman, matapos ang deal ay agad siyang bumalik sa ospital. Naiyak na lang si Sierra sa tuwa ng madatnang nakaligtas ang daddy niya sa pangalawang arrest nito. Himala nga daw dahil bigla itong naging stable. Nang dumaan ulit sa sari-saring xray ang matanda, nagulat ulit ang mga doktor dahil nakita nilang clear na ang mga parte ng katawan nitong nagkaroon ng damage sa stroke.

Sa loob ng isang buwan ay tuluyang gumaling ang daddy ni Sierra. Nang puwede na niya itong kausapin, seryoso siyang tinanong ng matanda kung ginamit niya ang libro. Mukhang nagduda ito at hindi niya ito masisisi. Isang himala ang nangyari.

Tahasan siyang nagsinungaling. Sinabi niyang hindi dahil ayaw na niya itong bigyan ng alalahanin. Hinanap nito ang libro at sinabi niyang nakabaon na iyon sa likuran ng mansion—bagay na totoo dahil ayaw na rin niyang makita ang simbulo ng pakikipag-deal niya sa demonyo.

Tumahimik noon ang daddy niya at napaisip. Kinumbinsi niya pa ito at sinabing nagdasal siya ng husto. Honestly, nagi-guilty siya dahil sa pagsisinungaling pero tiniis iyon ni Sierra. Ayaw niyang maging dahilan iyon para sumama ang kalagayan ng matanda. Hindi na niya binuksan ang paksa kahit kailan. Kung maalala naman iyon ng matanda, pasimple siyang nagiiwas ng tingin at iniiba ang usapan.

"Yes, doc. Kapag nakalabas ako, magpapamisa ako. Naisip kong naging mabait pa rin siguro ang diyos sa akin kaya niya ako hinayaang maka-survive. I am expecting you to be there," nakangiting sagot ng daddy niya.

"Of course, I'll be there," nakangiting sagot ng doktor. Saglit pa nagkwentuhan ang dalawa hanggang sa umalis na ang doktor. Si Sierra naman ay lihim ulit napabuntong hininga.

Aaminin niya, nahihiya siya sa diyos. Alam niyang hindi tama ang kanyang ginawa. She cheated death. She cheated his father's destiny...

Pero ayaw niya itong mapunta sa hell. Sino ba'ng anak na matutuwa sa ganoon? Natural lang na wala. Her father didn't deserve that and it was natural for a daughter like her to make a drastic move to save her father's soul...

"Iha, come here," anang matanda saka tinapik ang tabi.

Tumalima siya at bahagyang natawa ng guluhin nito ang buhok niya. Paborito nitong ginagawa iyon sa tuwing naglalambing ito. "Thank you for taking good care of this old man,"

Pinigilan niyang maiyak. "Dad, I will take good care of you until my last breath, okay?"

Masuyo itong ngumiti. Niyakap niya ito. Hinigpitan niya para hindi nito mabasa at makita ang mga mata niya na mayroon siyang itinatago. Siguradong magaalala ito sa pinasok niya.

Ilang sandali pa sila nitong nagusap hanggang sa pinagpahinga na niya ito. Kinabukasan, muli itong dinalaw ng doktor at natuwa sila ng magbigay na ito ng order na puwede na itong lumabas. Agad na niyang inasikaso iyon at umuwi na sila.

Hindi muna siya nagtrabaho. Inilaan pa niya ang isang buong linggo kasama ang ama. Siya na rin ang nagayos sa gaganaping misa. Inimbitahan nila ang kilalang pari at sa loob mismo ng bakuran nila ginanap ang misa.

Pero sa loob man mismo ng compound nila ginanap iyon, hindi nagawang humarap ni Sierra. Pakiramdam niya ay hindi siya nararapat doon kaya nagkulong na lang siya sa kuwarto. Lumabas lang siya ng matantyang magsisimula na ang kainan at inasiste niya ang mga bisita.

"Are you okay?" tanong ni Elderson.

Tipid siyang ngumiti dito. Dahil hindi na iba ang daddy niya kay Elderson, pinuntahan din nito ang matanda. Nabalitaan daw nito ang tungkol sa misa at nagpunta ito.

"Yes. Thank you for coming," aniya. Hindi na niya inusisa kung bakit hindi nito kasama ang asawa.

"Pasensya ka na kung hindi na ako nakadalaw sa ospital," seryoso nitong saad.

Tumango si Sierra. "It's okay. Hindi mo na obligasyon iyon," simple niyang sagot at sa tingin niya ay iyon naman ang totoo. Wala na sila ni Elderson at may kani-kaniya na silang buhay.

Napabuntong hininga ito. "I'm sorry, Sierra."

Napabuntong hininga din si Sierra. "Elderson, wala kang dapat na ihingi ng sorry,"

"Sierra, what I am saying sorry for was what I did that time. I am sorry for not understanding and listening to you..." nagsusumamong saad nito at napabuntong hininga. "Noong nagkasakit ang daddy mo, doon ko na-realize na tama ka. Wala ng ibang pamilya ang daddy mo kundi ikaw na lang at kung mawawala ka pa, wala na siyang makakasama. Sa halip na intindihin kita, pinamili pa kita. And I am sorry for doing that..."

"Elderson, tapos na iyon. Huwag na nating ungkatin," aniya saka napahinga ng malalim. Wala na rin naman siyang makapang pait sa dibdib kaya niya nasabi iyon. Gayunman, tuluyan na rin niyang naintindihan ang side nito.

Napatango ito. "I just wished that someday, you'll find a man better than me. A man that is willing to be with you and with your father..."

Tipid na siyang ngumiti dito at tumango. Alam niyang kaya nasabi ni Elderson iyon ay dahil alam nitong hindi ito ang lalaking iyon...

Ilang sandali pa ay nilapitan na siya ng ilang bisita at kinumusta. Naging ganoon ang siste hanggang sa matapos ang maliit na salo-salo. Hindi na rin niya nakita si Elderson noon at nawala na rin itong tuluyan sa isip niya. Doon niya na-realized na wala na siyang damdamin pa para sa exboyfriend.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nang sumapit ang gabi, hinatid na ni Sierra ang ama sa sariling kuwarto. Nang masigurong okay na ito ay lumabas na siya at nagpunta sa sariling silid. Bago niya pihitin ang seradura ay napalunok si Sierra. Magmula ng umuwi sila ay ganoon na siya. Sa tuwing binubuksan ang pinto ng kuwarto, kinakabahan siya. At ang kabang iyon ay may halong antisipasyon at pananabik. Dahil alam niyang oras na nang paniningil. Any time, madadatnan na niya si Inconnu.

Ah, Inconnu... hindi na ito naalis sa isip ni Sierra. Hinihintay niya ito gabi-gabi. Para na siyang sira dahil minsan ay matutulala siya at mapapahawak sa labi. Hindi pa rin niya makalimutan ang paraan nito sa paghalik. Mainit. Mapusok. Mapagparusa pero nandoon ang lambing. Bago matulog, naliligo pa siya at inaabot ng isang oras sa banyo. Iyon kasi ang mahigpit na bilin ni Inconnu: ang maging ready siya sa pagdating nito.

Napalunok si Sierra bago pinihit ang seradura at tuluyang binuksan. Napabuga siya ng hangin nang makitang madilim at walang katao-tao doon. Pumasok na siya at pabagsak na naupo sa kama. Natutop niya ang ulo at kinalma ang pusong nagwawala. Wala pa si Inconnu pero halos magiba na ang dibdib niya sa lakas ng kabog ng dibdib!

Napaungol si Sierra. Kailan ba matatapos ng paghihirap ng dibdib niya? Ah, hindi niya alam. Sana lang ay dumating na ang lalaki para matapos na ang lahat...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"AM I making myself clear?" tanong ni Inconnu matapos bilinan ang replica. Gamit ang bumabagang clay na nakuha niya sa pinakailalim na parte ng impyerno, dinasalan niya iyon at naghugis demon. Natutunan din niya ang technique na iyon mula sa ama na agad din niyang nakabisa.

Sa wakas, makakaalis na siya sa impyerno at mapupuntahan na ang babae. Sabik na sabik na siya rito. Buong buhay niya sa impyerno, ngayon lang kumilos si Inconnu ng buong pananabik. Palibhasa, gusto niyang tapusin ang ilang bilin ni Hades bago tuluyang umalis. Hinasa niya ring maigi ang replica. Kailangan niyang maging maingat. Dapat, walang makapansin na isang replica lang ang maiiwan sa impyerno. Oras na may makaalam na isang replica lang iyon ay siguradong katapusan na niya iyon. Ginawa rin niya iyon para in-case na magkaroon ng aberya ay hindi siya makabalik agad sa impyerno ay may maiiwanan siyang replica na magtutuloy ng mga misyon niya doon.

Pagkatapos niyang makipag-deal kay Sierra, bumalik siya agad sa impyerno at ibinigay ang ulo ni Buer kay Hades. Isinuko din niya ang belt na naglalaman ng mga kaluluwa. Kinuha iyon ni Hades ay pinalaya para gawing demons. Sa ngayon ay pinadala na niya ang mga bagong demon sa arena para makapagsanay.

Hindi niya isinuko ang portal. Hindi siya baliw para gawin iyon. Hindi naman alam ni Hades ang tungkol doon at hindi na nito malalaman iyon. Wala naman ibang nakakaalam ng lihim na iyon kundi siya lang at si Buer. Hindi naman nakakapagsalita ang patay kaya safe na safe ang sikreto niya. Maging ang tungkol sa itim na bible, hindi rin nito alam.

Nagdesisyon si Inconnu na hindi na iyon kunin kay Sierra. Bakit pa niya iyon kukunin? Papaano kung maisipan nitong mag-summon ulit at mayroong hilingin? Kagusto lang ni Inconnu iyon dahil magkakaroon ulit siya ng dahilang matikman ang dalaga...

"Yes. Ire-report ko sa'yo ang lahat para updated ka. Malalaman mo rin naman agad kung may mangyayaring masama sa akin. Automatic kang babalik dito oras na mamatay ako. Right?" inip na sagot ng replica niya. Napatango siya at nakuntento. Isa iyon sa mga disadvantages ng replica. Oras na mapatay ito, kahit nasaang sulok siya ng universe ay automatic siyang babalik sa hell.

Saglit pa niyang inisip kung may mga dapat pa ba itong malaman hanggang sa napahinga na siya ng malalim. Damn it! He was full of anticipation! He couldn't believe how excited he was.

Or maybe because he was aching to have Sierra? Hindi naman niya masisisi ang sarili. Magmula ng magkaroon sila ng deal ay iyon na lang ang laman ng isip niya. He was even masturbating because of that!

Si Sierra ang mga laman ng pantasya niya. Hindi na dapat pang magtaka ang iba sa kanya. He was a demon. It was normal to feel lust. Iyon lang naman ang naiisip niyang rason sa matinding pananabik na iyon. Oo at laman si Sierra ng isip niya. Ang maganda nitong mukha, ang mapupungay nitong mga mata, ang makipot, mapula at matamis nitong labi. Naalala niya kung gaano iyon kasarap turuan ng kamunduhan. Naiisip niya ang lahat-lahat dito pero hindi ibig sabihin noon ay pagibig na. Iyon ang madalas niyang isaksak sa isipan. Hindi pagibig ang nararamdaman niya kundi lust lang.

Hindi siya puwedeng magmahal. Ayaw niyang magaya kay Demetineirre. Ayaw niyang masiraan ng ulo sa isang mortal. Okay lang na masiraan ng ulo si Sierra sa kanya pero hindi dapat iyon mangyari sa kanya. Masarap ang buhay niya bilang demon. Masarap magbuhay demon. Hindi niya iyon ipagpapalit sa kahit na sino'ng tao...

"Okay then. I'll be leaving now," aniya saka inihagis na sa nagbabagang lupa ang portal. Agad lumabas ang hologram. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Inconnu ng makitang kuwarto iyon ni Sierra. Tahimik itong natutulog at tila katakamtakam sa suot na itim na nighties.

Pumasok na siya sa portal at tuluyang nakapasok sa kuwarto ng dalaga. Automatic na nag-transform siya sa isang human form. Pumitik siya para bumango. Ayaw niyang maduwal si Sierra sa amoy niya kaya niya iyon ginawa. Pinulot niya ang kristal at itinago sa bulsa bago nilapitan ang tulog na babae.

Napalunok si Inconnu habang nakamasid sa tulog na dalaga. Nakalislis ang nighties nito kaya kitang-kita niya ang maputi at makinis nitong hita. Naamoy pa niya ang mabangong halimuyak nito. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Inconnu. Napakamasunurin pala ni Sierra. Obviously, she was so damn ready for him...

Naupo siya sa tabi nito at marahang pinatong ang palad sa hita nito. He silently cursed. He couldn't believe his erection now! Hindi niya pa ito ganap na naroromansa, matindi na ang reaksyon ng kanyang katawan!

Ah, hindi na siya dapat pang magtaka. Matagal na itong laman ng pantasya niya kaya ngayong malapit na malapit nang mangyari ang lahat ng gusto niya, hindi pa siya nagsisimulang angkinin ito ay gusto na niyang sumabog.

Gusto niyang mailing sa sarili. Nakakahiya siya kung isang hawak lang, sasabog na siya. Ginawa niya ang lahat para magkontrol. Kahit matindi ang nararamdaman niyang init, gusto rin naman niyang maligayahan ito sa kanya. And he was willing to do everything to please her... make her so damn happy...

"Hmm..." ungol ni Sierra ng umakyat pataas ng hita nito ang palad niya.

Napalunok si Inconnu. Halos sumabog na ang puso niya sa labis na antisipasyon. Tiim niyang pinagmasdan ang nakapikit na dalaga hanggang sa unti-unti itong nagmulat ng mga mata.

At napaigtad si Inconnu ng mapatili si Sierra. Umalingawngaw sa buong silid ang matinis nitong tili.

Next chapter