Chapter 20 | Broken Hearts
Nicole Jane's POV
"Kamusta ka na? Mahigit isang linggo rin kitang hindi nakita, ah!"
Nagulat na lang ako nang bigla kong yakapin ni Mikan nang mahigpit na halos ikabuwal ko rito sa damuhan.
Today is Saturday. Nandito kami ngayon sa school field. Most of the students were out of the academy to go strolling or to go home for a while. Kaya halos kami-kami lang ang nandito. 'Yong iba namang hindi umalis ay nasa kanya-kanyang kuwarto lang nila.
"Let go of me! Ang clingy mo talaga kahit kailan."
Tatawa-tawa siyang kumalas ng pagkakayakap sa 'kin. Inirapan ko lang siya.
"You can't blame me. Mahigit isang linggo ka kayang nawala. Pero maayos na ba 'yong family problem n'yo?" Her face suddenly became worried.
Natigilan at napatingin ako kay Kyle. Tinanguan lang niya ko.
Oo nga pala. Muntikan ko ng makalimutan na 'yon pala ang sinabi nilang dahilan sa mga teachers namin at kay Mikan kung bakit ako matagal na nawala.
"It's fine now," tipid kong sagot para hindi na lumawak pa ang kasinungalingan ko. Nakakakonsensya rin kasi dahil mukhang nag-alala talaga siya ng husto. If I could only tell her the truth.
Muli siyang ngumiti. "That's good to hear."
Nagulat naman ako nang bigla siyang mapasinghap. "Muntik ko ng makalimutan! May ibibigay nga pala ko sa 'yo." Binuksan niya ang bag niya at may hinanap.
Pero ilang saglit pa ay nakakunot ang noo na nag-angat siya ng tingin.
"May problema ba?" I asked worriedly.
She gave me an apologetic look while biting her lower lip. "Hindi ko kasi mahanap dito sa bag ko, eh. Naiwan ko pa ata dahil sa sobrang pagmamadali. Babalikan ko lang hah."
Pipigilan ko pa sana siya pero mabilis na siyang nakatakbo paalis.
Ano kaya ang bagay na 'yon at gusto niyang maibigay agad? Samantalang araw-araw at maya't maya naman kaming nagkikita.
"Babe," Kyle called out.
Agad akong napaiwas ng tingin nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
Kailan kaya ko masasanay sa endearment na 'yon?
Napalinga ko sa paligid. Ngayon ko napagtanto na kaming dalawa na lang pala ang nandito.
"Babe," he called again in a husky voice.
Napapikit ako nang mariin. Nang-aakit ba ang isang 'to?
Nakasimangot akong lumingon sa kanya. "Ano ba—"
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
Ano ba naman 'tong bampirang to? Bigla-bigla na lang nanghahalik!
Hindi ba pwedeng kagat muna?
Ipinilig ko ang ulo dahil sa naisip. Pakiramdam ko ay nagiging manyak na rin ako nang dahil sa lalaking 'to!
Hindi pa man din ako nakakahuma sa paghalik niya sa 'kin ay may narinig naman akong tunog na tila galing sa isang camera. Awtomatiko akong napalayo sa kanya para tingnan kung ano 'yon.
Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makumpirmang may hawak siyang camera na nakatutok sa 'min!
"Hey! Burahin mo 'yan!"
Mabilis niya 'yong inilayo at iniangat, habang pilit ko namang inaabot 'yon.
"Ayoko nga! Ang cute mo kaya rito. Tingnan mo at dilat na dilat pa 'yong mga mata mo."
Mabilis niyang ipinakita sa 'kin 'yong kuha niya habang nakangisi.
"Kyle naman, eh! Ang pangit ng kuha ko riyan. Burahin mo na kasi." Napapadyak pa ko nang dahil sa sobrang inis.
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya kaya natigilan ako.
Pero mayamaya lang ay unti-unti na namang sumilay ang nakakaloko niyang ngiti.
"Pangit ang kuha mo?" nang-aasar niyang tanong.
I just rolled my eyes.
"Then let's make it more beautiful and romantic."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Pero bago pa man ako makapagtanong ay bigla na lang niyang hinapit ang beywang ko at siniil ulit ako ng halik!
What the hell? Kailan pa siya naging kissing monster?
Hindi na ko nagprotesta pa. Truth be told, I really like the feeling of his lips against mine. It simply perfectly fit.
He was about to pull away when I wrapped my arms around his neck and pressed more my lips to his.
I heard a 'click' sound again before we pulled away to gasp some air.
"That's so..." he paused and look at me intently. Love and desire and can be seen through his eyes.
"Hot. I know." I finished and winked at him.
He leaned his forehead against mine while smiling. We both closed our eyes and savor the moment, then intertwined our fingers.
These are the kind of moments that is already captured by our heart and mind.
How I wish that we'll always be just like this.
"Nicole..."
Napadilat ako at matiim siyang tinitigan. "Ano 'yon?"
He took a deep breath and held my hand tightly. "Let's get married."
That made my jaw dropped.
-----
Third Person's POV
"MASAKIT NA nga, tinititigan pa."
Nagtatakang nilingon ni Kira si Vince na nakaupo na pala sa tabi niya.
"What do you mean?"
Vince smirked while still not looking at him. "We both know what I mean, Kira."
Natahimik si Kira at muling tinanaw ng tingin sina Kyle at Nicole na halos nasa gitna na ng school field.
"How did you know?" he asked after a minutes of silence.
Vince shrugged. "You know me. I'm observant. Hindi ako 'yong tipo na nakikipagkulitan o nakikipagkuwentuhan sa lahat ng pagkakataon. Dahil mas gusto ko ang manahimik at magmasid sa mga nangyayari sa paligid ko."
Malalim na napabuntong hininga si Kira. Ang buong akala niya ay walang nakakapansin sa lihim niyang pagtingin sa dalaga. Pero nakalimutan niyang mayroon nga pala siyang kasama na isang Vincent Clarkson.
"So, you really like Nicole, huh?"
Hindi na natiis pa ni Kira ang nakikitang paglalambingan ng dalawa kaya tumayo na siya.
"No. I don't."
Bakas sa mukha ni Vince ang pagkagulat. Ngunit agad ring nakabawi. Marahil ay ayaw lang umamin ng kaibigan kaya hinayaan na lang niya 'to.
Pero mas hindi niya inaasahan ang sunod na sinabi nito.
Kira balled his fist. "I don't like her..." nanatiling tahimik si Vince habang hinihintay ang susunod pa nitong sasabihin.
"Because I already love her."
Noong unang kita pa lamang ni Kira kay Nicole ay aminado siyang may hindi maipaliwanag na pakiramdam na siyang naramdaman dito. Ang buong akala niya ay magkakaroon pa siya ng pagkakataon para magtapat sa dalaga.
Pero pati ang pinakamaliit na pag-asang pinanghahawakan niya ay tuluyang naglaho, nang malaman niyang mahal na pala nina Nicole at Kyle ang isa't isa.
Lalong-lalo pa nang malaman din niya ang tungkol sa nakaraan ng dalawa.
Agad siyang napaisip. Ano nga ba ang silbi kung magtatapat siya kung sa umpisa pa lang pala ay talo na siya?
Before Vince could even say something, Kira finally took a step away.
Away from pain together with his broken heart.
NAPAILING NA lang si Vincent at nagpasyang humiga na lamang sa damuhan at ipikit ang kanyang mga mata, nang tuluyan ng mawala sa kanyang paningin si Kira. Alam din niyang hindi lang silang dalawa ang naroon sa lugar na 'yon at nakarinig ng pinag-usapan nila.
Dahil nakita niya kung paano ito nagtago sa likod ng isang puno, habang nag-uusap silang dalawa.
Pero wala siyang planong mangielam o manghimasok sa personal na buhay ng mga ito. Basta siya ay tahimik lang ang buhay niya at walang iniintinding problema pagdating sa usapang pag-ibig.
Ngunit isa lang ang sinisiguro nito. Sa oras na dumating ang panahon na magmamahal na siya ng tuluyan ay sisiguraduhin niyang wala itong magiging komplikasyon at wala siyang magiging ibang kakumpetensya.
Most importantly, that girl will definitely not a human.
MIKAN RUN as fast as she could. Gustong-gusto na kasi niyang ipakita kay Nicole 'yong friendship keychain na binili niya. It was the same with the one that's hanging on her bag right now.
Pero napahinto siya sa pagtakbo nang makita niya sina Vince at Kira na seryosong nag-uusap sa isang tabi. She didn't want to eavesdrop, but her curiosity urges her to do so.
Nagtago siya sa isang malaking puno at matamang nakinig sa usapan ng dalawa. Hindi niya alam kung bakit pero bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba.
"So, you really like Nicole, huh?"
Natulos siya sa kinatatayuan nang marinig ang mga salitang 'yon. Pakiramdam niya ay saglit na tumigil ang oras.
She almost held her breath while waiting for his response.
"No. I don't."
Nakahinga siya nang maluwag nang dahil sa naging sagot nito. Akmang lalakad na sana siya paalis dahil ayaw na niyang makinig pa, nang muli siyang matigilan nang dahil sa sunod na sinabi nito.
"I don't like her..." Kira paused. "Because I already love her."
Ilang minuto itong hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya. Tulala lang ito habang nakasunod ng tanaw sa papalayong si Kira.
Until an idea suddenly hit her. Wala na siyang pakielam pa sa magiging reaksyon nito o sa sasabihin nito sa kanya.
Ang mahalaga ay maipadama niya rito na may isang katulad niya na handang magmahal dito at magsusukli sa pagmamahal na ibibigay nito.
Walang alinlangan na sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa garden area. Umupo si Kira sa isa sa mga bench doon habang nakatingin sa kawalan.
Mikan suddenly felt a pang of pain in her heart. Masakit para sa kanya ang mga salitang narinig mula rito. Pero mas masakit para sa kanya ang makitang malungkot at nasasaktan ito.
Ang mas masaklap ay nang dahil pa sa kaibigan niya.
Magmula ng pumasok siya sa Clarkson Academy ay nakuha kaagad ng binata ang atensyon niya. Sa bawat taon na nagdaan ay mas lalong lumalim ang nararamdaman niya para rito.
Kaya isang matagal na pangarap ang natupad nang mapalapit siya rito nang dahil na rin kay Nicole.
Pero ngayon ay naisip niyang siya na mismo ang gagawa ng hakbang para mapamahal ito sa kanya. Nang walang tulong ng iba.
Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para lapitan ito. All she wants right now is to erase the sadness of his eyes.
"Kira."
Gulat na napalingon sa kanya si Kira. Masyado kasing malalim ang iniisip nito kaya hindi man lang nito nagawang maramdaman ang presensya niya.
"What are you doing here? Nandoon pa sina Nicole sa field," walang ganang sabi nito sa kanya bago nag-iwas ng tingin.
Pilit na pinipigilan ni Mikan ang mga luhang kanina pa nagbabadya na bumagsak sa kanyang mga mata. Pinakalma muna niya ang sarili bago muling nagsalita.
"I didn't go here to look for her. I'm here for you."
Kira looked again at her in disbelief. "What? Why?"
Mikan sat beside him, then leaned closer and cupped his face.
Hindi kaagad nagawang makagalaw ni Kira dahil sobra siyang nabigla sa ginawa nito.
Tila ibang Mikan ang nasa harap niya ngayon. Masyado itong seryoso. Malayong-malayo sa masayahin, madaldal at makulit na Mikan na nakilala niya.
"Mikan. Ano bang ginagawa mo? May problema ba?" Iniwas ni Kira ang tingin nang makaramdam siya nang pagkailang nang dahil sa sobrang pagkakalapit ng mga mukha nila. Hindi niya talaga maintindihan ang inaakto ng kaharap ngayon.
But he didn't expect what she did next. Bigla na lamang iniharap ni Mikan ang mukha niya sa mukha nito at mabilis siyang hinalikan.
MAGKASAMANG naglalakad sina Miley, Reiri at Hiro.
"Dali na kasi, Rei! Sabihin mo na sa 'kin kung sino 'yong babaeng makakatuluyan ko!" patuloy na pangungulit ni Hiro kay Reiri.
Inirapan lamang siya ng huli.
"Pwede ba! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko pa nakikita ang ganyang klase ng bagay? Isa pa ay ano namang pakielam ko sa future mo!" nakasimangot nitong sagot sa nakalabing binata.
Lihim na lang na napangiti at napailing si Miley sa isang tabi. Ngayon siya nagsisisi na sumama pa siya sa dalawang ito. Dahil paniguradong magugulo na naman ang tahimik niyang buhay.
Tinatahak nila ang daan papuntang garden. Ugali kasi ng dalawang prinsesa na mamitas ng mga bulaklak at sumunod lang naman si Hiro sa kanila.
Pero napahinto sa paglalakad si Miley, kasabay ng unti-unting pagkawala ng ngiti sa kanyang mga labi nang dahil sa eksenang kanyang nasasaksihan sa ngayon.
Kira and Mikan were passionately kissing right now. In front of her. They look so intimate with each other that they don't even notice the three of them.
Napansin naman ng dalawa na hindi na nila kasabay si Miley kung kaya naman ay napatigil din sila sa paglalakad para lingunin ito. Pero napansin nilang nananatili lang itong nakahinto na para bang may tinitingnan na kung ano mula sa harap nila.
Sinundan nila ng tingin ang direksyon na tinitingnan nito. Both of them gasped because of what they saw. Nag-aalalang nilingon ni Reiri si Hiro.
Pero mabilis na nakabawi si Hiro at agad na naging blangko ang kanyang ekspresyon. Pinamulsa nito ang dalawang kamay at walang imik na tumalikod na para bang balewala lang sa kanya ang nakita.
Wala ng iba pang nagawa si Reiri kung hindi sundan ng tingin ang lalaking kanyang lihim na minamahal.
Oo. Mahal niya si Hiro. Mas lalo niyang nasiguro ang nararamdaman para rito ngayon. Hindi na niya 'yon magagawa pang itanggi sa sarili.
Bata pa lang sila ay may lihim na paghanga na siya rito. Kahit pa wala na 'tong ibang ginawa kung hindi ang tuksuhin at pagtripan siya.
Sa totoo lang, imbis na mainis ay natutuwa pa siya sa tuwing ginagawa nito 'yon sa kanya. Dahil nagagawa siya nitong mapansin kahit papaano. Kahit sa ganoong paraan.
She thought that Hiro feels the same way. Base na rin sa ginagawa nitong pangungulit at pagsunod-sunod sa kanya.
But not until Mikan came into the picture.
Right at that moment, she felt like her heart was taken awayp the moment he turned his back on her. No one can ever bring it back aside from him.
And she's willing to wait for him to come back to her. Again. With his heart already fix by that time.
HINDI ALAM ni Hiro kung saan siya pupunta. Ang tanging gusto lamang niya sa mga oras na 'yon ay ang makalayo sa lugar na 'yon.
Alam niya na wala siyang karapatan. Pero hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng selos.
They're in their junior year when he first noticed Mikan. Palagi lang kasi itong nag-iisa at walang ibang kinakausap. Para bang may sarili itong mundo.
Ito lang din ang kauna-unahang babae na hindi man lang naaapektuhan sa presensiya niya, bukod sa dalawang prinsesa. He's known for being a playboy. Sanay itong nakukuha sa madalian ang babaeng nagugustuhan nito.
But not Mikan.
May dahilan kung bakit ito palaging nalalagay sa isang alanganing sitwasyon at bigla na lang siyang dadating para tulungan o di kaya naman ay iligtas ito.
Ang hindi alam ni Mikan ay sadyang planado niya ang lahat ng nangyayari rito. Lahat ginawa niya para lang mapansin nito.
Pero wala pa rin. Ilag pa rin ito sa kanya. Siguro ay dahil isa siya sa mga royalties at tinitingala sa eskuwelahan nila.
He's never been that pathetic in his whole life. Hindi niya inaakalang magkakagano'n siya nang dahil pa sa isang tao.
Pero masakit lang na hanggang ngayon ay balewala pa rin sa babaeng mahal niya ang lahat. Na wala pa rin itong ibang nakikita kung hindi ang kaibigan niya.
He smiled bitterly. Masakit para sa kanyang isipin na ang babaeng minahal niya ay mukhang wala ng pag-asa pa na mapunta sa kanya.
"Should I still fight or just let go of her?" he asked himself the moment he looked up at the sky.
"REI, BABALIK na ko sa mansyon. May kailangan pa pala kong gawin."
Hindi na hinintay pa ni Miley ang sagot ni Reiri na hindi niya alam kung bakit nakatulala ng mga panahon na 'yon at dali-daling bumalik sa mansyon. Dumiretso siya sa kanyang silid at pasalampak na humiga sa kama.
Suddenly, tears fell from her eyes. Ilang beses niya pa itong pinunasan pero tila hindi ito nauubos at patuloy lang sa pagtulo na para tila ba matagal na naipon.
"Kaasar! Bakit ba ayaw mong tumigil? Ano bang iniiyak-iyak mo riyan?" malakas nitong sigaw habang patuloy lang sa pag-iyak.
Hindi niya maintindihan kung para saan ba ang mga luha niya at kung bakit tila biglang nanikip ang dibdib niya.
Kung bakit siya nasaktan nang makitang naghahalikan sina Kira at Mikan.
"Bakit ka ba kasi apektado? Ano ka ba niya? Eh, kapatid nga lang ang turing niya sa 'yo!" patuloy nitong pagkausap sa sarili.
Kira and she has been so close to each other ever since the day they met. Nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya, habang siya naman ay tinuring na si Kira na parang Kuya niya. Though she hasn't called him Kuya ever since.
Pero nitong mga nakaraang araw nagsimula ang lahat ng pagbabago sa nararamdaman niya.
Kasabay ng pagtibok ng puso niya para rito.
"Kira, hindi ba pwedeng ako na lang?" patuloy siya sa pagsasalita na para bang naririnig nito ang mga hinaing niya. Na para bang may makukuha siyang sagot mula rito.
Hanggang sa kusang lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang hindi niya inaasahan na maramdaman mula rito.
"Kasi... Kasi mahal na kita, eh."
Sa muling pagtulo ng kanyang mga luha ay siyang pagbagsak ng malakas na ulan.
Na tila nakikisimpatya sa sakit na dinaranas ng bawat isa sa kanila ngayon.