webnovel

Chapter 21 | The New Student

Chapter 21 | The New Student

Nicole Jane's POV

Napabalikwas ako ng bangon nang dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto ko.

"Sandali lang." Pupungas-pungas akong naglakad patungo rito at patamad ko 'tong binuksan. "Ano bang—"

"Good morning too, Nicole." Ang nakangiting mukha ni Kira ang agad na bumungad sa 'kin. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Pasensya na kung nagising kita." Napakamot siya sa batok.

Wala sa loob na naglakad ako paatras para tingnan ang sarili sa malaking salamin. My eyes widened when I saw how messy my hair right now and I was even wearing my hello kitty pajama!

Sinamaan ko ng tingin si Kira nang bigla siyang tumawa nang malakas.

"Don't worry, Nicole. Maganda ka pa rin naman."

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa 'yo! Ano ba kasing ginagawa mo rito?" I crossed my arms as I walked towards him again.

Bigla siyang lumingon sa likod niya at tila mayroong tinawag. Doon ko lang napansin na may kasama pala siya.

"Well, I'm here to introduce to you your roommate, Ms. Stephanie Miller." Muli niyang nilingon 'yong babaeng kasama niya.

"Steph, this is Nicole Parker. The royalty that you're going to protect with."

Kumunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. "What do you mean by that?"

He just smiled at me. Palangiti talaga ang bampira na 'to.

But I notice that there's something different in the way he smile right now. It looked sad and force. Then his eyes... is it just me or was it pain that I really saw across it when he looked at me?

Tatanungin ko pa sana siya, pero mabilis din siyang nagpaalam para umalis. Nagkibit balikat na lang ako bago nilingon ang ipinakilala niyang si Stephanie na nananatiling nakatayo sa harap ko.

"Pasok ka." Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto bago tumabi para bigyan siya ng daan.

Nang makapasok siya ay isinara ko na ang pinto at muli ko siyang hinarap. Pero nagulat na lang ako nang bigla na lamang siyang yumuko.

"Magandang umaga po, mahal na prinsesa."

Natigilan ako at napaawang na lang ang bibig. Ilang minuto pa kong natulala, habang siya naman ay nananatili lang na nakayuko.

"Hey! You don't have to do that. Besides, I'm not one of the princesses here. I'm just a normal student." Natawa ko nang makabawi sa pagkakabigla.

"But you're still the most powerful pureblood princess no matter what happens. And I will be your protector from now on."

Napakurap ako. Tuluyang nawala ang antok ko nang dahil sa sinabi niya.

Ano raw? Protector ko siya?

So that's what Kira means a while ago!

"Protector? But why? I didn't understand!"

Normal na tao na lang naman kasi ako ngayon at hindi na isang bampira para mangailangan ng protector. Saka tanging ang mga bampira lang na mayroong mataas na katungkulan ang madalas na mayroong protector.

"Pasensya na po. Pero sumusunod lang po ako sa utos ng hari. Saka isang karangalan din po para sa 'kin ang protektahan kayo."

I sighed in defeat. As if I have a choice. Akala ko pa naman ay isang normal na estudyante lang ang makakasama ko rito.

"Fine! But I'm a human now. Kaya wag ka naman maging pormal sa 'kin masyado. Gusto ko na ituring mo ako bilang kaibigan mo at hindi bilang isang prinsesa na kailangan mong protektahan. Saka tawagin mo lang akong Nicole, okay?"

She looked up and was about to protest, but I immediately cut her off. "I won't take no as an answer. That's an order," I said seriously.

Alanganin siyang ngumiti sa 'kin at tumango. "Okay. N-Nicole."

"Good. That's better. Ang pormal mo kasi masyado kanina. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa nakaraan."

Muli niya kong nginitian.

"Anyway, hindi naman sa minamaliit kita hah? Pero parang napakabata mo pa ata para maging protector?" nagtataka kong tanong.

Ngayon lang kasi ako nakakilala ng ganitong kabata na protector.

"Don't worry. I assure you that I can protect you," she said confidently.

I shook my head, then waved my hand. It looks like she misinterpret what I said. "I didn't mean anything to that. I'm just wondering. I'm sorry."

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman."

Nginitian ko na lang siya at nagsimula na kaming magkuwentuhan. Magaan ang loob ko sa kanya at mukhang magkakasundo kaming dalawa.

Sa wakas ay nagkaroon din ako ng roommate. No more lonely and boring night.

Pero 'yon nga lang ay may bantay na rin ako.

-----

"Hello! I'm Mikan! Nice to meet you." Mikan extended her arms to Steph.

"Nice to meet you rin po. I'm Stephanie. But you can call me Steph." Alanganin siyang nakipagkamay kay Mikan.

Natawa naman si Mikan. "Naku! Wag mo naman akong i-po. Nagmumukha tuloy akong matanda. Samantalang magkasing edad lang naman tayo."

Blangko lang ang ekspresyon ni Steph. "Pasensya na. Nakasanayan ko na kasi."

Matiim niyang tinitigan si Mikan na ipinagtaka ko. Para kasi niya itong sinusuri na hindi ko maintindihan.

Halata ang biglang pagkailang ni Mikan.

"Nakasanayan? Bakit? Ganyan ba kayo sa inyo?"

Sasabat na sana ko sa usapan nila, nang biglang pumasok si Sir Martin.

Nandito na kami ngayon sa classroom at dito ko na rin sila naipakilala sa isa't isa, dahil hindi naman kami sabay na pumasok ni Mikan. Wala na kasi siya sa kuwarto niya no'ng kinatok ko siya kanina. Nauna na pala siya dahil may kinailangan lang daw siyang gawin.

Pero ang hindi ko alam ay kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sina Kyle.

Speaking of Kyle... naalala ko na naman tuloy 'yong sinabi niya sa 'kin no'ng nakaraang Sabado. Nang dahil siguro sa pagkabigla ay hindi ko na nagawa pang makapagsalita pagkatapos no'n.

Hindi na rin naman niya binanggit pa ang tungkol do'n at iniba na lang ang usapan.

Kasi naman. Ano bang pumasok sa kukote niya at bigla na lang siyang nag-aya ng kasal? Yes, we are of a legal age already, but were still too young for that.

Pakiramdam ko tuloy ay natatakot lang siya na muling maudlot ito, katulad ng nangyari sa nakaraan. Pero kahit gano'n ay hindi naman namin kailangang magmadali, eh.

"Okay, class. I heard that our new student will be in this section again." Inilibot ni Sir ang tingin niya hanggang sa dumako ito kay Steph na katabi ni Mikan sa kanan niya.

"There she is. Please introduce yourself to us first before we start," seryoso niyang sabi.

Steph stood up, then made her way to the front. She stands there straight with both of her hands on her back. She was about to speak when the door suddenly banged open.

Napataas ang kilay ko nang makita silang apat. Kahit kailan talaga ay ang hilig nilang umeksena.

Ano bang feeling nila? Sila ang F4?

Nagsimula ng maglakad sina Kyle, Kira at Hiro papasok na para bang wala lang. I shook my head. Hindi talaga marunong gumalang ang mga 'to kahit kailan. Nakakaawang tiningnan ko ang teacher namin na nakatungo pa sa kanila.

Pero napakunot noo ako nang mapansin kong nanatili lang na nakatayo si Vince sa labas habang titig na titig kay Steph. I glance at Steph and she's doing the same thing with him.

Okay? What's with those weird stares all about?

Si Vince ang unang nag-iwas ng tingin at nagsimula na ring maglakad papasok. Mukhang wala siya sa mood ngayon dahil hindi maipinta ang mukha niya.

Napatingin pa sa kanya ang lahat dahil padabog siyang umupo sa upuan niya.

"What?" pasigaw niyang tanong at takot na nag-iwas naman agad ng tingin ang mga kaklase namin.

Natuon lang ulit ang atensyon ko kay Steph nang magsimula na siyang magsalita.

"Good morning, everyone. I'm Stephanie Miller. But you can call me Steph for short."

Walang gana niyang sabi, bago dire-diretsong bumalik sa upuan niya.

Teka, bakit parang bigla ring nawala sa mood ang isang 'to?

After that awkward entrance and introduction, the discussions have finally started.

Maayos naman ang naging takbo ng klase namin. Pero hindi ko magawang makinig ng maayos nang dahil sa bad aura na nakapaligid sa 'kin.

Lihim kong sinilip si Steph. Tahimik lang naman siyang nakikinig habang nakapangalumbaba.

Sunod na nilingon ko naman si Vince. Pero agad na napaiwas ako ng tingin nang mapansin na masama ang tingin niya kay Steph.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

Malalim akong napabuntong hininga. Bahala na nga sila. Makikinig na lang muna ko ngayon dahil malapit na nga pala ang exams week namin.

-----

"Tara kain na tayo! Bilisan mo na riyan. Gutom na talaga ko, eh."

Mikan pouted while I am still fixing my things. Katatapos lang ng pang-apat na subject namin at break time na.

I just glared at her. "Wait lang, hah. Kung makapagmadali ka naman diyan ay akala mo tatakbo 'yong dining hall." I stood up.

Nag-peace sign lang siya sa 'kin.

"Hey. Let's go." Kyle approached me, then took my bag.

"Ang sweet naman." Tinusok-tusok pa ni Mikan 'yong tagiliran ko.

"Tumigil ka nga! If I know, sweet din kayong dalawa," nakangisi kong bulong sa kanya sabay sulyap kay Kira.

Namula bigla ang pisngi ng loka. Nakaganti rin. Subukan lang talaga niya kong asarin at baka maisawalat ko ang sikreto niya.

Tahimik kaming naglakad patungong dining hall. Paupo na kami nang bigla namang dumating sina Miley. Nagpaalam naman 'yong mga lalaki na sila na raw ang bibili ng makakain namin. Sinabihan ko na rin sina Kyle at Kira na isabay na 'yong kina Steph at Mikan, kahit pa todo tutol 'yong dalawa.

"So, the news is true. We're glad that you're already here, Ate Steph," Miley said while smiling at Steph.

"Thank you. It's so nice to be back," magalang niyang sagot.

"Oh. You girls knew each other?" Pinaglipat-lipat pa ni Mikan ang tingin sa kanilang dalawa na parang hindi makapaniwala.

"Definitely. Obvious naman, 'di ba?" Rei said with a hint of sarcasm in her voice that made me stunned for a second.

Mukhang napahiya naman si Mikan dahil bigla siyang tumungo at nanahimik. Nagtataka kong tiningnan sina Miley at Reiri.

Their faces were so serious and both of them looked so irritated.

"May problema ba?" nag-aalala kong tanong sa kanila. Hindi rin kasi ako sanay na ganito sila, dahil madalas na nakangiti at masaya lang sila.

"Wala po, Ate. We're okay. Really," Miley said that while giving Mikan a pointed look.

I felt so confused. I can sense that there was this unknown tension growing in the three of them.

"Mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan natin, ah." Napalingon ako kay Kyle na kababalik lang. Kasunod lang niya 'yong iba pa.

"Hindi naman. Para kasing ang tamlay lang nitong dalawa ngayon. Maybe they're just hungry." Pilit akong ngumiti. Kahit na ang totoo ay nagsisimula na kong makaramdam ng kaba.

Tumango lang siya at nagsimula na kaming kumain. Awkward silence surrounds us. Hindi ko alam kung paranoid lang ako o talagang may tensyon sa pagitan ng bawat isa sa kanila. Idagdag mo pa 'yong bulungan ng iba pang mga estudyante rito dahil may panibago na naman ngang kasama ang mga royalties, which is Steph. At isa na namang tao.

Sa totoo lang ay no'ng nakaraang Sabado ko pa 'to napapansin sa kanila. Magmula pa lang no'ng magkita-kita kami ulit, pakiramdam ko ay mayroon ng mali. Hindi ko lang talaga maisip kung ano.

Sure I can read their minds now. Just like Kyle.

But I don't want to do that. Ang gusto ko kasi ay 'yong kusa silang magsasabi at magkukwento sa 'kin.

All of them started to act weird since then. Except for Vince. Pero ng dahil sa inaakto niya magmula pa kaninang umaga, I can say that he's one of them already. Hindi ko lang sigurado kung napapansin din ba 'yon ni Kyle.

Base kasi sa obserbasyon ko, si Miley ay parang iwas kay Kira. Samantalang para na rin silang magkapatid na dalawa nang dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

Samantalang sina Reiri at Hiro naman ay hindi na nagkukulitan at nagbabangayan. Which is very unusual as well. Dahil walang araw ata na hindi sila nag-aaway na dalawa.

Pero ang mas hindi ko inaasahan sa lahat ay ng makita ko sina Mikan at Kira na seryosong nag-uusap sa likod ng dorm building namin kagabi. Nakakaduda 'yon dahil ni hindi nga magawang tumingin at kausapin ni Mikan si Kira ng maayos. Pagkatapos ay makikita ko na lang silang dalawa na akala mo ay matagal ng malapit sa isa't isa.

'Yon ang tinutukoy ko sa pang-aasar ko sa kanya kanina. Pero hinayaan ko na lang muna sila no'n at naghihintay lang ako ng tamang tiyempo kung kailan ko kakausapin at tatanungin si Mikan tungkol do'n.

Then the way that Miley and Reiri looked at Mikan, para bang may hinanakit at inis sila rito. I wish I was wrong. Pero 'yon kasi ang nakikita ko sa mga mata nila. Same with Vince, whose glaring at Steph right now.

Ibinaba ko ang hawak na kutsara at tinidor. I just can't take it anymore.

"Vince," I called him out. Matalim ang tinging ibinigay niya sa 'kin, pero hindi ko na lang 'yon pinansin.

"May problema ka ba kay Steph?" diretso kong tanong sa kanya. Wala ng paligoy-ligoy pa.

Natigilan ang lahat nang dahil sa tanong ko. Reiri's eyes even widened.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Kyle sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya and he's giving me a 'you shouldn't asked that look'.

Magsasalita pa sana ko, nang bigla na lang akong may narinig na tila humagis na kung anong bagay, kasabay ang pagsigaw ng karamihan ng mga naririto. Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng tunog.

Napasinghap na lang ako nang makita ang isang mesa na nakataob na sa unahan, malapit sa pintuan.

Napatingin naman ako sa puwesto ni Vince pero wala na siya ro'n. Napansin ko na lang na papalabas na siya ng dining hall.

"Oh my god! How did that happened? Wala namang tao ro'n, di ba?"

"Hindi kaya multo ang may gawa no'n? Ang scary naman."

"Paano nahagis 'yon sa unahan ng wala man lang gumagalaw? Mayroon bang may magic dito?"

Ilan lang 'yan sa mga bulungan na naririnig ko mula sa mga taong estudyante rito. Wala naman kasi talaga silang idea kung ano ang nangyari kaya hindi na nakakapagtaka na maging ganyan ang reaksyon nila. Habang 'yong mga bampirang estudyante naman ay tila balewala lang sa kanila ang nangyari. Pero halata mo pa rin ang takot sa mga mukha nila.

"Excuse me." Tumayo si Steph at nagmamadali ring lumabas. I guess she will follow Vince.

"May gagawin pa pala ko. Alis na rin ako," Kira said.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na tumayo si Mikan sa tabi ko at lumapit kay Kira. "Sabay na tayo."

Bakas sa mukha ni Kira ang pag-aalinlangan. Pero agad rin naman siyang tumango. Napataas na lang ako ng kilay nang ikawit pa talaga ni Mikan ang braso niya rito.

I wonder, will she still like Kira once she learn about his true identity?

Pagkaalis nila ay si Hiro naman ang tumayo. Hindi ko na talaga kinakaya ang mga nangyayari kaya muli akong nagsalita.

"Wag mong sabihin na aalis ka rin? Ano ba talagang mga problema n'yo?"

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Naguguluhan na kasi talaga ko sa inaakto nila! The hell I care with those whispers and deadly glares that the others sent to me because of my sudden outburst.

"Sorry. But you will not understand," seryoso niyang sabi bago tumakbo palabas.

Napahilot na lang ako sa sentido ko. Paano ko naman maiintindihan kung ayaw nilang ipatindi sa 'kin, di ba?

Sinamaan ko ng tingin sina Miley at Reiri ng akmang tatayo rin sila. "Kayo? Saan naman kayo pupunta?"

Sa unang pagkakataon ay binalewala nila ko at sabay na umalis. Marami talagang salamat sa pag-intindi at pagsagot!

"Nicole, calm down." Kyle tapped my shoulder.

Marahas ko siyang nilingon. "How can I calm down with this kind of situation? Kyle! Ano bang nangyayari? Bakit pakiramdam ko ay mayroon silang hindi sinasabi sa 'tin?"

Kyle Ethan's POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero parehas lang pala kami ng nararamdaman ni Nicole.

Noong nakaraang Sabado ko pa napapansin na parang may kakaiba sa kanila. Magkakasama kami sa mansyon kaya kitang-kita ko ang pagbabago ng trato nila sa bawat isa. Sinubukan kong basahin ang nilalaman ng isip nila.

Pero wala akong nakita.

'Yong inakto ni Vince ngayon ay naiintindihan ko pa. Dahil alam naman naming lahat ang nangyari rati. Pero 'yong sa iba...

I don't actually have an idea. Binalewala ko lang 'to no'ng nakaraan. Pero hindi ko na ata mapapalampas pa ang mga nangyayari ngayon.

"Don't worry. Ako ng bahala sa kanila," I assured her. Alam kong gulong-gulo na rin si Nicole ngayon.

"But what will you do? Mukhang wala naman silang balak na magsabi sa 'tin!"

I shrugged. "Then we won't force them to confess to us. I know them. I'll talk to them first, then let's just wait for them to open up."

'Yon lang ang nakikita kong solusyon sa ngayon. Ayoko rin namang panghimasukan ang mga problema nila, lalo na at mukha pang personal.

Nagpatawag ako ng mga guwardiya para alisin 'yong nasirang mesa at para pakalmahin na rin ang iba pang mga estudyante na mukhang takot pa rin, bago kami tuluyang umalis dahil nawalan na rin kami pareho ng gana kumain.

I need to talk to Vince first. What he did was wrong and very risky. Paano na lang kung mayroong tao na nakapansin sa ginawa niya?

No one should know about our existence. Ang klase lamang ng mga tao na nakakaalam ng existence namin sa mundong ito ay ang mga vampire hunters at mga protectors. Hindi na sila kailangang madagdagan pa.

Dapat sa simula pa lang ay hindi na pinayagan nila Dad na mayroong makapag-aral na mga tao rito. I think it's for the better if we already change the academy's rule starting next school year.

-----

Third Person's POV

"Saan ka na naman ba galing? Hindi ka na nga tumulong at nagpakita no'ng inatake tayo ng mga kalaban, pagkatapos ay palagi ka pang wala at hindi mahagilap!"

Malakas ang naging pagsigaw ni Marcus na halos ikabingi ng kung sinuman na makakarinig. Pero ni hindi man lang nito natinag ang anak na si Dave na kampanteng nakatayo sa harap niya ngayon.

"Kung pagagalitan n'yo lang pala ko, mas mabuti siguro kung umalis na lang ako," walang gana nitong sagot bago tuluyang tinalikuran ang ama.

Pero natigilan siya nang dahil sa sunod na sinabi nito. "Wag mo kong tatalikuran habang kinakausap pa kita! Ama mo pa rin ako kaya igalang mo ko!" nanggigigil nitong sabi, patunay ang ugat nito sa leeg na halos lumabas na.

Dave laughed that made Marcus to be more pissed. Sa isip-isip nito, kung hindi lang siguro niya anak ang nasa harap ay matagal na niya itong pinatay.

"Ama? Oh, right. You're my Dad. But I don't think I can still respect you."

Hindi inaasahan ni Marcus ang naging pagsagot ng kanyang anak. Mabilis na nakapunta siya sa harap nito para suntukin ito, pero natigilan siya sa sunod na sinabi nito.

"Not especially when you killed my own mother." Namumula na ang mga mata ni Dave habang masamang nakatingin sa kanyang ama.

Nagulat si Marcus sa sinabi nito. "W-What? I don't know what you're talking about! Sinabi ko na sa 'yo na ang mga Clarkson—"

"Ang pumatay sa kanya? Kung dati ay nagawa n'yo kong paniwalain tungkol sa bagay na 'yan, pwes ngayon ay hindi na! Kaya wag na kayong magtangka na magsinungaling pa dahil alam ko na ang totoo!"

Hindi na nagawa pang makapagsalita ni Marcus. Iniisip niya kung paano kaya ito nagawang malaman ng kanyang anak.

"Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na ko," walang ganang sabi ni Dave. Pilit nitong pinakalma ang sarili hanggang sa bumalik na ang dating kulay ng kanyang mga mata, bago tuluyang umalis.

Ilang minuto na ang lumipas magmula ng umalis si Dave, pero nananatili pa ring nakatitig si Marcus sa pintong nilabasan nito.

He let out a deep sighed. Hindi naman niya gustong gawin ang bagay na 'yon. Pero kailangan.

Kailangang may mamatay na kadugo niya, para makabalik ang gusto niyang bumalik. At mas pinili niyang patayin ang bata na nasa sinapupunan ng asawa niya ng mga panahon na 'yon kaya ito nadamay kaysa kay Dave.

Balang araw ay maiintindihan mo rin kung bakit ko 'yon kinailangang gawin, Dave. Nalalapit na ang tamang oras ng kanyang pagbabalik.

Next chapter