webnovel

Paano Manuyo?

"Edmund!"

Tawag ni Belen sa kanya.

"Tiyang! .... Ano po yun?"

Gulat na tanong ni Edmund.

Inabutan kasi sya ng tyahin nya nag iisip kung susundin ba nya ang inuutos sa kanya ng ama sa sulat na kababasa lang nya o hindi.

"Sabi ng 'wag mo akong tawaging, 'TYANG!"

Nakakunot ang noong sabi ni Belen.

"TITA lang o TIYA! Nagmumukha tuloy akong manang! hmmph!"

May halong inis na sabi pa ng tyahin nya.

"Sorry po Tiya, ginulat nyo po kasi ako eh!"

Sanay na si Edmund sa ugali ng Tiya Belen nya, alam nyang kunwari lang ang inis nito.

Mabait si Tiya Belen. Masiyahin at makulit. Madaling sabihan ng problema at kung minsan hindi na nya kailangang magsalita alam na nya kung ano ang iyong kailangan.

Kagaya ngayon....

Dinalhan sya ng meryenda ng tiyahin nya, tamang tamang pagkakataon para siya'y makausap.

"Ano kasing nangyayari sa'yong bata ka? Kanina pako di ne, para kang walang nadidinig dyan. Ano bang iniisip mo?"

Napatigil si Edmund dahil naalala ang sulat ng ama na hawak pa nya.

Hindi alam ang gagawin kung itatago o ipapakita sa tiyahin.

Pero mabilis ang mga mata ni Belen, napansin nya ito agad.

"Huwag mo ng itago at nakita ko na. Saka, meron ding iniwang sulat sa akin ang iyong ama."

Sabi nito sa binata

"Sa totoo lang, Edmund, pakiramdam ko, sadyang pinaghandaan ng iyong ama ang kamatayan nya.

Para bang inaasahan na nya na mangyayari ito sa kanya kaya sya gumawa ng mga sulat.

Haaay naku! Kung minsan hindi ko talaga maintindihan kung paano magisip ang Papa mo!"

Sabi ni Belen.

Nilapitan nito ang pamangkin at hinawakan ang kamay.

"Edmund iho, alam ko ang nararamdaman mo.

Nung mamatay ang mga magulang ko pati ang asawa ko, hindi rin madaling tanggapin iyon.

Pero kailangan.

Kailangan natin ipagpatuloy ang buhay.

Ang pinang hihinayangan ko lang talaga e, namatay agad itong asawa ko, ni hindi man lang ako binigyan ng anak.

Haaay, ang ganda pa naman ng lahi ng asawa ko! ..... Sayang!"

Nangiti si Edmund. Alam nyang likas na mapagbiro ang tyahin. Bagay na nagpapakulay sa buhay nilang mag ama.

Simula kasi ng mamatay ang ina ni Edmund ang Tiya Belen na nya ang kaagapay ng ama sa pagpapalaki sa kanya. Ito ang tumayong pangalawa nyang ina, kaya malaki ang respeto nya dito.

"Ayan ngumiti ka din! Hehe!

Huwag mong tularan ang ama mong laging seryoso ang mukha akala tuloy ng iba suplado sya.

Mas pumopogi ka pag nakangiti ka!"

Sambit nito na tila gustong ipagsigawan ang kapogian ng pamangkin.

Bagay na lalong nagpangiti sa binata.

Napansin ng Tiya ang folder na naglalaman ng impormasyon kay Isabel.

"Pinaimbestigahan mo si Isabel? Bakit?"

Nagtatakang tanong ni Belen.

Nataranta ng kaunti si Edmund. Pero ayaw nyang magsinungaling sa tiyahin.

"Gusto ko po kasi syang makilala. Ni minsan po kasi hindi sya sa akin nabanggit ng Papa!"

"Ahh, ganun ba?"

"Tiya, kilala nyo po ba si Isabel?"

Sumeryoso si Tiya Belen. Halatang nagiisip.

"Oo, naman kilala ko si Isabel. Issay ang tawag ko sa kanya. Ang ama mo lang ang tumatawag sa kanya ng Isabel."

"Nagkakilala kami sa isang youth program kasama ng iyong ama.

Naalala ko, isinali ako ni Amang nuon kasi, para daw may mapagkaabalahan ako. Lakwatsera kasi ako nun! hehe!"

"Masarap kausap si Isabel, masayahin kasi! Saka, napaka inosente!"

Pagpapatuloy ni Tiya Belen.

"Sa una hindi ito palakibo, mahiyain, walang kimi, pero pag nakilala mo na, ang daming kwento."

May biglang naalala si Edmund.

"Tiyang!"

Bulalas nito

"T.I.Y.A!"

Correction ni Belen

"TIYA ... Hehe!"

Sabay ngiti ni Edmund

"Ano pong relasyon ng Papa at ni Isabel?"

"Close sila."

Sabay higop ng kanyang kape.

Nag antay si Edmund sa susunod na sasabihing ng tiyahin. Alam nyang binibitin sya nito, ganti sa pagtawag nito ng TYANG.

"Tiya naman, pakiusap po wag nyo na po akong bitinin!"

Pagmamakaawa ni Edmund na may halong lambing.

"Okey, okey!

Si Issay ang kapareha ng ama mo sa sayaw.

Pihikan ang Papa mo sa kapartner, wala sa kanyang nagtatagal maliban kay Isabel. Perfectionist kasi ang Papa mo at si Isabel lang ang nakakasabay sa mood nya kaya napakabuti nya dito. Pakiramdam nya kasi, si Issay lang ang nakakaintindi sa kanya, kaya lagi nyang inaalalayan ito.

Laging inaalala, laging tinatanong kung kumain na ... madalas kasing magpalipas ng gutom si Issay."

"Naging sila po ba ng Papa?"

"hmmmmm... hindi ko alam."

Edmund: "??????"

"Hindi ko kasi masasabing SILA dahil... hindi naman nila sinasabing SILA NA!"

Paliwanag ni Belen.

"Pero, paano po kung ayaw lang nilang umamin? Di ba po 'action speaks louder than words'!"

"Pwede! Uso na naman nung panahon na yun ang MU .... Mukhang mag Un! Hahahaha!"

Hagalpak ito ng tawa sa naisip na meaning ng MU.

Edmund: "?????"

"Ang ibig kong sabihin sa MU, mukhang lang silang magkasintahan pero hindi totoong magkasintahan.

Kung minsan kasi, iba ang nasa iniisip ng tao at iba rin ang realidad.

Pero isa lang ang tiyak ko, si Issay lang ang nakapagpalabas ng ngiti at kakulitan ng Papa mo. Mas makulit at pasaway kaya kesa sa akin yun, may pagka seryoso lang sa iba.

Pinipili nya kasi ang kinakausap nya.

Paliwanag ng Tyahin.

Totoo ang sinabi ni Belen, pormal at seryoso ang ama ni Edmund na si Luis. Hindi ito palangiti at pag ngumiti naman sobrang tipid.

Kaya ikinagulat ni Edmund ng sabihin ng tyahing makulit ito, pasaway at ngumingiti.

'Si Papa ba talaga yung tinutukoy ni Tiya?'

"Pero nagbago ang lahat ng dumating si Miguel."

Pagpapatuloy ni Belen.

Napatingin si Edmund sa tiyahin at napansin nyang tila may ningning sa mga mata ng mabanggit nito si Miguel.

"Sino pong Miguel?"

Tanong ni Edmund.

"Si Miguel ang kababata ng Papa mo.

Matangkad.....

Guwapo...

Malakas ang appeal...

May abs ... daming abs!

Siya ang tipo ng lalaking kahit na ubod ng dumi at puro pawis ang mukha..... guwapo pa rin... guwapo na namnamnam pa! mmmmp!"

Sambit ng tiyahin na tila sinasapian.

"Ehem! ehem!"

Nagulat si Belen na tila biglang nagising.

Napansing magkasalubong na ang kilay ng pamangkin.

"Si Miguel ang naging kasintahan ni Isabel. Niligawan nya ito at sinagot pagkaraan ng isang taon at ..... kilala mo sya!"

"Huh? Si Tito Miguel po ba ang tinutukoy nyo, ang best friend ng Papa?"

Tumango si Belen.

"Kung naging sila, paano si Papa?"

"Tanggap naman ng Papa mo ang relasyon nila. Masaya nga ang Papa mo ng dumating si Miguel at lagi syang sabit sa date nila.

Pero, maraming nakapansing nawalan na ito ng ganang sumayaw at medyo naging moody."

"Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana sa ganun sitwasyon? hmmph!"

Nakakunot ang noo nito.

"Anak, hindi mo masisi si Isabel at si Miguel. Hindi naman sya niligawan ng Papa mo.

Hindi naman kasi naging sila!"

"Huh?"

"Tandaan mo ito Edmund, hindi porket sa mata ng marami ay close sila, ibig sabihin SILA NA! Hindi tamang pagiisip yun! Mas matindi pa nga ang naging closeness namin ni Miguel pero hindi naman naging kami.

At isa pa, kayong mga lalaki wag nyong gawing manghuhula ang mga babae, huwag kayong magfeeling na naintindihan namin ang mga kinikilos nyo!"

Hindi maintindihan ni Edmund bakit feeling nya pati sya nadamay.

"Tiya, sa huling habilin ng Papa, nagalit po ba kayo kay Isabel?"

"Bakit naman ako magagalit sa kanya, wala naman akong dahilan?

May sarili naman akong perang iniwan sa akin ng asawa ko at mga magulang ko na kahit hindi ako magtrabaho mabubuhay ako!

Kung ano man ang desisyon ng Papa mo tyak may dahilan sya kaya nya ginawa yun!"

Tila gumaan ang isip at kalooban ng binata. Ito na marahil ang inaantay nyang madinig.

Subalit, nabigla ang tiyahin sa susunod na tanong ng binata.

"Tiya, paano po ba manuyo?"

Tiya Belen: "????"

posted:

June 24, 2019

trimshakecreators' thoughts
ตอนถัดไป