Maagang gumising si Issay.
Puno ito ng sigla at ngiti.
"Biyernes ngayon, maraming mamimili, kailangan magbukas ng maaga para makarami. Hihi!"
At pakanta kanta pa ito habang naglalakad.
Hindi lang ito ang dahilan kung bakit sya masaya.
"Haaay, sa wakas, tumigil na rin sa pangungulit si Attorney! hehe! Salamat naman at nagsawa din!"
Ngunit ang inaakala nyang tumigil na, nag ibang anyo lang pala.
Nakaparada sa mismong tapat ng pwesto nya ng prutasan ang isang mamahaling sasakyan.
Lumabas ang driver, lumapit kay Issay at nagbigay galang.
"Magandang araw po Ms. Isabel, nais po ng boss ko na makausap kayo. Pinasusundo nya po kayo sa akin."
Sabi ng driver.
"Sinong boss mo?"
Tanong ni Issay
"Si Sir Edmund Perdigoñez po!"
Magalang na sagot ng driver.
"Bakit daw?"
Nagtatakang tanong ni Issay.
Driver: "???" (napakamot ng ulo)
'Bakit nga ba?'
"Eh ... wala pong sinabi si Sir Edmund, Miss. Ang bilin lang po sunduin ko kayo."
Pagpapaliwanag ng driver.
Sabay bukas ng pinto.
"Sakay na po, Ms. Isabel."
Magalang na sabi ng driver.
"A.Y.A.W.!!!"
Mataray na sagot ni Issay tapos ay tiningnan nito ang driver mula ulo hanggang paa ng makailang ulit.
Driver: "Huh?!"
'Anong kasalanan ko, bakit nya ako tinitingan ng ganyan?'
Walang nagawa ang driver kundi umalis.
*****
"Ano? Pakiulit nga?"
Nakakunot ang noo na tanong ni Tiya Belen sa pamangkin.
"Pinasundo ko po ke Mang Roger si Isabel para po makausap."
Sagot ni Edmund.
"Haaaaaay!"
Napabuntong hininga si Tiya Belen sa ginawa ng pamangkin.
'Jusmiyong bata ito! Hindi ba talaga sya marunong manuyo?'
"Iho, bakit mo ginawa yun?
Pusta ko, hindi sumama si Issay!"
Sabi ni Belen
'Manghuhula na ba ngayon si Tiya?'
"Paano nyo po nalaman, Tiya?"
Nagtatakang tanong ni Edmund.
"Kasi anak, natural lang sa isang tao na hindi sumama sa hindi nya kakilala. Syempre mahirap na, kailangan mag ingat, lalo na sa panahon ngayon, malay ba nya kung ano intensyon ng sumundo sa kanya."
Paliwanag ni Belen kay Edmund.
Hindi kasi sanay ang pamangkin na sya ang nanunuyo.
Mang Roger: (napalunok)
'Juskolord! Kaya pala ganun na lang makatingin si Ms. Isabel sa akin kanina!'
"Edmund, iho, kung gusto mong makausap si Isabel kailangan ikaw mismo ang personal na magpunta. Ikaw ang may kailangan diba?"
Sabi ni Belen.
"Ganun po ba yun, Tiya?"
Sa posisyon at magandang reputasyon ng ama, nakasanayan na ni Edmund na sya ang nilalapitan kahit na sya ang may kailangan, kaya nakasanayan na nito ang ganitong siste. Malay ba nyang manuyo.
"Oo naman anak, ikaw ang may kailangan kaya dapat lang ikaw ang magtungo duon at kausapin sya.
Saka, mas okey yun para makilala mo sya ng husto. Marahil ito ang nais mangyari ng Papa mo, ang maging close kayo."
Sabi ni Belen.
*****
Kaya Kinabukasan.
Nagulat si Issay, ng muling maabutan ang driver at ang magarang sasakyan.
"Mamang driver ng magandang sasakyan, kung aayain mo na naman akong sumama, AYOKO! Hindi mo ako mapipilit na sumama sa'yo at pag pinuwersa mo ako ipapupulis na kita!"
Matapang na sabi ni Issay.
Napalunok si Mang Roger.
"Magandang araw po, Ms. Isabel!"
Bati nito kay Issay tapos ay nagtungo sa likod at pinagbuksan si Edmund.
Pagbaba ni Edmund agad itong lumapit kay Issay.
"Magusap tayo!"
Mahinahon pero pautos na sabi ng binata.
Napataas ang kilay ni Issay at tinitigan nya ng matagal ang binata.
'Mag ama nga sila! Parehong pareho ang style.'
Hindi nya ito sinagot.
Tinuloy lang ni Issay ang ginagawa nyang pagbubukas at pagaayos ng tindahan.
Nagtataka si Edmund bakit hindi sya pinansin nito.
Muli nyang nilapitan si Issay.
"Hindi mo ba ako narinig, Ms. Isabel?"
Mahinahon pero halatang may inis ang salita.
"Narinig."
Sagot ni Issay na hindi sya nililingon, patuloy lang sa pagaayos ng mga paninda nyang prutas.
"Kung ganun, bakit patuloy mo pa ring ginagawa yan? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko?"
Makikita na ang inis sa mukha ng binata.
Napipikon na sya sa pagbabalewala ni Issay.
Ito ang unang beses na may nag snob sa kanya.
"Naintindihan ko naman po KAMAHALAN, pero kasi naman po, hindi naman po porket sinabi nyo na maguusap tayo e dapat nangangatog kong susundin ang gusto nyo.
Sa pagkaka alam ko po, hindi ko po kayo amo at mas lalong hindi ko rin po kayo panginoon na susunod na lang sa gusto nyo.
Isa po akong malayang mamayan at marunong din po akong maging busy! Sana po ay maintindihan nyo, KAMAHALAN!"
May pagka sarkastikong sagot ni Issay.
Edmund: "????"
'Hindi ko naman sya inuutusan ah!'
'Magulo magisip ang babaeng 'to!'
Mang Roger: (napatanga sa sinabi ni Issay, sabay talikod)
'Ayaw kong madamay dyan!'
"Kung gusto mo akong kausapin Mr. Edmund Perdigoñez, magsabi ka ng maayos, huwag kang demanding! Ikaw ang may kailangan sa akin, hindi ako! Wag mong iparamdam sa akin na utang na loob ko pa na pinansin mo ako! Matuto kang magpakumbaba!
At isa pa, igalang mo ako mas matanda ako sa'yo!"
Diretsahang sabi ni Issay.
Napatigil si Edmund.
Tila napahiya sa tinuran ni Issay.
Gusto na nyang umalis at maglaho ngunit hindi sya pinaalis ni Issay.
"Maupo ka, Kamahalan!"
Kumuha ito ng silya at pinaupo ang binata, saka tinapik ni Issay ang balikat nito.
Hindi maintindihan ni Edmund ang kakaibang nararamdaman ngunit parang nakaramdam sya ng tuwa sa tapik na iyon.
'Bakit ganun, bakit hindi ako nakakaramdam ng inis sa ginawa nya?'
Si Edmund ay katulad ng kanyang ama, hindi marunong magpahayag ng nararamdaman, hindi rin nila alam ang pakiramdam ng mas mababa sa kanila dahil mayaman ang angkan nila.
Hindi naman sila matapobre, mangmang lang sila sa pakiramdam ng nasa paligid nila dahil ganito sila lumaki. Sanay sila na SILA ang pinapakinggan.
Ang akala ng marami, maswerte si Issay dahil may isang Luis na laging umaagapay sa kanya. Pero ang hindi nila alam, mas maswerte si Luis dahil may isang Issay na matyagang tinuruan sya kung paano MAGPAKA TAO.