webnovel

Chapter 10 : Conscience

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang mainis na talaga ako kay Joy na walang ibang ginawa kun'di ang ihampas sa mukha ko 'yong braso niya!

Pakiramdam ko mamamaga ito kinabukasan, eh. Ang sarap niyang sipain paalis ng kama, pasalamat siya at mahal ko siya kahit mukha siyang si Kakay.

"H-hoy, shaan ikaw punta?" tanong niya pa habang pumupungay-pungay ang mga mata. Lasing na lasing talaga ang bruha. Pagdating dito sa bahay ay bumagsak na 'yan agad sa kama ko. Ang kapal talaga ng anit nitong si Joy, siya na nga ang nakikitulog ang lakas pang mangbugbog! "Shaan ka shabi? Chulaley ka sha'kin, Monang. Ganda ko ba?" muli na naman niyang usal.

Tinapon ko sa kanya 'yong tsinelas ko. Hindi man lang nasaktan ang Bruha, namanhid siguro dahil sa kalasingan.

"Mukha ka kasing alien kaya natulala ako, huwag kang feeling maganda, 'no," mataray ko pang sabi. Idinuro-duro niya naman ako at kung anu-ano ang binubulong sa kawalan. "Hoy, Inday, huwag mo 'kong ginagamitan niyang alien spell mo, ha, kaladkarin kaya kita paalis sa kama ko!" inis ko kunyaring bulyaw sa kanya, pero tinawanan lang ako. 

"Dami shabi Monang! Daldal! Para tanong lang kung shaan pupunta. Ishang shagot lang naman ang gushto ko marinig."

Grabe, ang daldal kahit lasing! Mamaya magising 'yang dalawa at biglaang mag-aya ng kantahan, ganyan pa naman 'yan kapag nalasing! At kapag nagising talaga 'yang mga 'yan mapapavideoke kami ng madaling araw at kinabukasan niyan nareklamo na kami sa baranggay! Huta!

"Shaan ka?!" usal na naman niya nang tumayo na ako nang tulayan.

"Pupunta akong kusina! Lalaklak ako ng kape nang tuluyan na akong 'di makatulog, tutal 'yan naman gusto mong Bruhilda ka!" pagbibiro ko pa.

"Inano ba kita?"

"Hinampas mo lang naman ako niyang trenta kilos mong braso, Inday Ligaya! Mas pipiliin ko pang 'di makatulog dahil sa kape, kaysa tamaan ako niyang braso mong gawa sa fats!"

"Hoy!!" napabangon siya sa pagkakahiga at itinuro ako habang nakapikit pa rin. "Hindi dahil lashing akooo, pwede mo na akong laitiiiin! Monang, Monang, Monang!!" inis niyang sigaw.

Itapon ko kaya sa kanya 'tong isa ko pang tsinelas nang tuluyan na 'tong manahimik. Kay daldal pala nitong si Joy kapag lasing, sarap ibalik sa planeta niya.

"Huwag mo nga akong tinatawag na Monang," sabi ko na lang saka lalabas na sana sa kwarto ko nang humirit na naman ang Bruha!

"Oy! Naalala 'yong love letter guy niyaaa!" panunukso niya pa. "Shi, dear Monang my love sho cuteee!" dagdag pa nito.

"Sige, magsalita ka pa! Ipapakain ko sa'yo yang yakap-yakap mong unan!" inis kong sigaw at natakpan ko agad 'yong bibig ko nang sabay na gumalaw si Rosas at Clarice. Si Joy kasi, eh! Nakalimutan ko na 'yong lesheng korni na batang 'yon, eh, pinapaalala pa!

"Shige na...shorry! Templa ka na kape. Dalawa, ha."

"Sige ibubuhos ko sa'yo 'yong isa!"

"Shama-shama!"

Aalis na talaga sana ako nang muli na naman niya akong tinawag! Huta talaga nitong si Joy kapag lasing! Panira ng madaling araw!

"Iyong Baklang kinaushap ka kanina...shino 'yon?" tanong niya. Okay, kahit lasing tsismosa pa rin.

Inalis 'yong tingin ko sa kanya sabay sabing, "anak 'yon ni Boss na pansamantalang pumalit sa kanya, kaya siya muna 'yong Boss ko."

"Ahh! Dami hot boysh ng Baklush na 'yon, Monay! Galing niya shumayaw kanina," nakapikit pa niyang sabi. "Natulaley ako sha ganda niya, taposh no'ng kinaushap ka Bakla pala siya! HAHAHAHA! Makinish, maputi siya, pero may talong! HAHAHA!"

Iniwan ko na si Joy sa kwarto na tawang-tawa habang patuloy sa pagkanta no'ng, 'Makinis, maputi siya, pero may talong! Grabe, grabe, grabe, grabe Bakla pala si Ganda, grabe, grabe', aning-aning talaga!

***

Napatigil ako sa pagtitimpla ng kape nang bigla ko na lamang naalala 'yong sinabi ni Chal Raed kanina. Siguro nga tigilan ko na 'tong kahibangan na ginagawa ko.

"It's you," aniya habang hawak-hawak ako sa braso. Hindi ko talaga maiwasang titigan siya sa mga mata dahil tingin ko parang ang lungkot nila, or feeler lang talaga ako. "You know what, Maundy..." lumapit pa siya lako sa'kin kaya naaamoy ko tuloy 'yong alak na ininom niya, parang gusto ko rin masuka!

Pero, kailangan ko 'tong pigilan dahil nakakahiya. Ang drama-drama na ng lahat tapos susuka ako bigla? Iisipin pa nito buntis ang lola niyo!!

"...Maundy...stop avoiding me. Mukha kang gaga kakaiwas sa'kin," biglang sabi niya.

So, alam niya ngang iniiwasan ko siya? Sabi na, eh! Hay! Na-gaga ka tuloy, Maundy.

"Tigilan mo na," seryosong dagdag pa nito.

"B-bakit ka boses...lalaki? Eh, babaeng-babae 'yong awra mo? Hahahaha," si Joy na turo-turo pa si Chal Raed, pero hindi man lang niya ito tiningnan at di man lang nagbigay kahit isang comment sa sinabi ni Joy.

Pero, ito ako, nakatingin lang sa kanya! Hindi makapagsalita, umuurong 'yong dila ko. Huhuhu, Mother Earth, help!

Bahagya akong nagulat nang ituro niya ako sabay sabi ng, "stop avoiding me..will you? Because you know what...it's killing me!"

Hindi ko alam kung feeler ba ako o feeler talaga? Pakiramdam ko seryoso talaga siya ngayon at parang ang laki ng epekto sa kanya ng pag-iwas ko? O, abnormal lang pag-iisip ko ngayon?

"Aren't we friends?" tanong pa niya.

"M-Mag kaibigan tayo," wala sa sariling sagot ko.

"THEN WHY ARE YOU AVOIDING ME FOR STRAIGHT THREE DAYS ALREADY?"

"DIDN'T YOU REALIZE THAT YOU'RE TREATING ME LIKE I'M YOUR WORST ENEMY?"

"I'VE BEEN ASKING YOU JUST TO GET YOUR ATTENTION."

"I'VE EXTENDED MY HAND TO HELP YOU, SO WE CAN TALK AND MAKE THINGS CLEAR!"

"I'M DOING MY ALL BEST JUST TO MAKE THINGS OKAY, BUT IT SEEMS LIKE YOU'RE DAMN DETERMINED IN AVOIDING MY PRESENCE! WHAT HAVE I DONE?!"

Okay lang magpakalasing.

Okay lang na maging malungkot.

Okay lang na kausapin niya ako nang pasigaw.

'Yong hindi okay ay 'yong english-englishin niya ako!

Huhuhu, what have I done? Why english me?!

"Can you please say a word?" inis niya pang sabi. Napaka impatience! Nag-iisip pa ng sasabihin, eh.

"Okay, a word," seryoso ko kunyaring sabi, pero ayon! Inikotan ako ng mata!

Kahit kailan hindi niya talaga kayang pigilan 'yang pag ikot-ikot ng mata niya! Nakakaasar!

Huminga ako ng malalim, "oo!" seryoso ko na talagang sabi. "Oo, iniiwasan kita kasi nahihiya ako sa'yo! Masyado akong naging defensive sa sagot ko. Baka iniisip mo ngang interesado ako sa'yo dahil sa mga sinabi ko. Kaya umiwas ako hanggang sa makalimutan mo 'yong nangyari," nakayuko kong sabi. Mas lalo tuloy akong nahihiya! Huta!

"What?!" gulat niya pang tanong. "I'm just teasing you at that time, Maundy. Did you really take it seriously?" dagdag niya at doon na talaga tuluyang nalanta ang makahiya! Sabi nga ba, eh! Masyado lang akong over thinker kaya ayan, napahiya ako sa sarili kong kagagahan! "Please, huwag mo na 'tong ulitin," he's begging! Mighad!

"I'm comfortable to be with you. I feel so okay letting you see who I really am. I am happy to know that there's still someone who accepts me inspite of my gender abnormality, but that someone suddenly been acting so strange," he's crying! Sh*t! I am hurting one of the best friend I've known!

"Akala ko narealize mo na, I am not worthy to be friend for dahil gan'to ako. I'm gay, I fall in love with the same sex as mine, maharot ako sa mga lalaki, kaya ayaw mo na akong pansinin at kaibiganin," sabi niya habang patuloy ang pag-iyak niya.

Waaaaah!! Ang konsensya ko!! Hindi ko inaakalang gan'to ang iisipin ni Baklush. Mighad! Naiiyak ako, aning-aning ka kasi, Maundy!

"S-sorry," ang tanging nasabi ko.

I know sorry isn't enough, pero 'yan lang kasi ang gusto kong sabihin.

Ngumiti siya sabay nag thumbs-up. "Apology accepted," aalis na sana siya matapos sabihin 'yon dahil dumating ang isang lalaki at inaya na siyang umalis, pero bigla na lamang niya akong tinawag muli. "I don't want to lose a precious person like you..."

Nakatingin lang kami sa isa't isa! Hindi ko alam kung nakikita niya bang namumula ako! Hutaeners!!! Ang harot ko pa rin kahit nasa gan'to akong sitwasyon!

Hoy, ang hirap kasing pigilan!

Kahit bakla 'yong nagsabi no'n, kinilig pa rin ako!!!

Pero, ang tagal nama niyang sabihin 'yong kasunod! Halata kasing may gusto pa siyang sabihin, klaro sa mga mata niya. Oo, eye reader ako. Tss.

"Sis," aniya.

"Come on! Stop the crap, Babe, let's dance!" sabi no'ng lalaking kasama niya at hinila na siya papuntang dance floor.

I don't want to lose a precious person like you, Sis?

Huhuhu! May 'Sis' pa rin, nawala tuloy agad 'yong kilig ko. Hay.

Sorry talaga, Baklush. Ang sis mo kasi ay baliw!

"It's too late, why are you still awake?" tanong ni Kuya Mico nang makita ako sa kusina habang nagsisenti, charot!

"Si Joy kasi ang likot," sagot ko naman.

"Doon ka na lang sa kwarto ko, tatabi na lang ako kay Miracle tutal malaki kama niya," suhestyon naman niya. Tumango na lang ako bilang sagot. "It seems like something's bothering you, ano 'yon? Want to have some chitchat?" tanong niya. Kumuha na rin siya ng tasa at nag templa ng kape niya!

Waaaah! Hindi 'to pwede! Kapag siya nag kape, hindi na talaga siya nakakatulog! Dehado ako nito ngayon! Alam ko na ang kasunod nito!

"Hindi na, Kuya, matutulog na rin ako maya-maya," sagot ko. Sana naman maniwala 'to at palayain niya na ako.

"Mamaya pa? Then...why don't you join me watching...this," aniya at itinaas ang hawak na DVD tape.

Sabi ko na nga ba mali na na nagtagpo kami ni Kuya ng gan'tong oras, eh, paniguradong wala na naman itong tulugan!

"I bought it somewhere on my way home. I found this Chinese drama very interesting. Rush to the dead summer, by just looking at its title, you can really say this isn't boring. Tara, Maundy," aniya at nauna nang nagpunta sa salas. Para tuloy akong pagong habang sinusundan siya!

Si Kuya talaga, kaya wala siyang girlfriend kasi hindi siya naghahanap! Dapat kasi 'yon ang hanapin niya, pero puro series drama naman ang inuuwi sa bahay!

Nakakaloka!

Kaya ayaw ko ring makipag-usap sa kanya dahil paniguradong mauuwi lang 'yon sa story telling ng mga dramang napanuod na niya!

Nasa kalagitnaan na kami ng pagtawa ng walang ingay dahil baka magising ang mga lasing—mahirap na—ay biglang tumunog 'yong cell phone ko.

May message ako mula kay unknown number. First time ko yata makatanggap ng text ng gan'tong oras.

Sabi niya...

Hey! Please do accompany me tomorrow.

Nag reply naman ako agad ng...

Engggk! Wrong send.

Ilang sandali lang ay nag text na naman siya.

I'll fetch you tomorrow afternoon in your office.

Sabi ng wrong send, eh! Hirap makaintindi nito. Bahala nga siya riyan.

Kaya lang ay talagang matigas pa sa matigas na ano ang ulo nitong taong 'to! Ang kulit! Nag text na naman. 'Di na lang i-deretsong sabihin na, 'Oy, text mate tayo, ha', eh, halata namang gusto niya lang ng may ka text, bored 'to panigurado.

Pero, napaawang ang bibig ko matapos basahin 'yong bagong mensahe niya.

Let's call it a date, okay? Don't say no to Spade, he eats a person who refuses his request.

Huta!! Kailan pa naging carnival si Spade?! Mighad, ayoko na Earth!

ตอนถัดไป