Nakangiti akong pumasok sa opisina dahil ito na! Papansinin ko na si Chal Raed at ibabalik ko na 'yong nasimulan naming friendship!
Ayan na siyaaa—
HUTA?!
Nilampasan lang ako! Huhuhu!
Babatiin ko sana siya, pero wala yata siya sa mood. Natatakot tuloy akong pansinin siya. Sa susunod ko na nga lang siya kakausap—
"Aren't you going to greet your Boss?" tanong pa niya na nananatiling nakatalikod sa'kin.
Napalunok muna ako saglit saka ko nilakasan 'yong sarili ko at binati siya, "g-good morning, Boss Gorgeous." Akala ko ay tuluyan na siyang papasok sa opisina niya, pero bigla itong humarap sa'kin at ngumiti ng sobrang lapad!
"I miss you, Sissy!!" sigaw pa niya habang patakbong lumapit sa'kin. Tapos niyakap niya ako. "Huwag na mag drama, Sis, ha?" kung kagabi ay binitawan niya 'yong mga salita niya ng boses lalaki, ngayon baklang-bakla na talaga!
Parang 'yong kagabi imagination lang, tapos ngayon, ito na 'yong reality! Huhuhu!
"I wanted to do a chika with you, Sis, but Paps sent me lots of works to do. So, let's work-work first para matapos tayo ng maaga," aniya. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na siyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin. "Seeya, Sis!" pahabol pa niya at pumasok na rin sa opisina niya.
Hay! Salamat naman at okay na kami. Talagang hindi ko na 'yon uulitin. Promise to God!
"Sis!" tawag pa niyang muli sa'kin. Akala ko ba ay work-work na, bakit parang bet nitong makipagchikahan muna? "I miss you ulit," dugtong pa niya.
Hindi ko alam kung bakit napatulala na lang ako bigla. Alam niyo 'yon, baklang-bakla ang boses niya nang sabihin 'yon, pero huta lang, ang lakas ng impact sa'kin no'ng sinabi niya!
Kaya ito ako ngayon, nananatiling nakatayo sa kawalan.
Eh, kung umupo ka na kaya, Maundy? Loka-lokang 'to! Masyado mo namang dinamdam ang sinabi ng Baklush na 'yon.
"A-araaay!" hawak-hawak ko 'yong pwet ko habang pilit na tumatayo. Huhuhu! Naitulak ko pala 'yong upuan ko kanina dahil sa gulat nang magsalita si Chal Raed, kaya ayon dumiretso ang pwet ko sa sahig nang mapagpasyahan kong umupo!
Hindi siya masakit, promise! Try niyo. Huhuhu!
"H-hey! What happened?" gulat na tanong ni Jazz nang makita akong namimilipit sa sakit habang nakaupo sa sahig.
Pakiramdam ko pumutok 'yong pwet ko, kakapadagdag ko lang last last week! Charot!
"You okay?" tanong na naman niya. Pinaka tangang tanong talaga 'yan. Kita na sa mukha na nasasaktan, tinatanong pa. Hay, ito talagang si Jazz, minsan walang utak.
"Salamat," nakangiting sabi ko matapos niya akong tulungan na makatayo. "Actually, hindi ako okay, Sir Gorgeous, ang sakit ng pwet ko," naiiyak ko talagang sabi, pero ang baklang Jazz ngumisi lang! Iuntog ko rin 'yang pwet niya sa sahig, eh!
"Ano ba kasing nangyari?" tanong pa niya.
"Iyong upuan kasi, may galit yata sa'kin. Uupo na sana ako, pero umusog mag-isa. Kaya ayon, humalik pwet ko sa sahig!" sagot ko naman. Bigla na lamang siyang napatingin sa paligid at para siyang balisa sa kinauupuan niya. "Hoy, Bakla! Nyare?" ako naman ang nagtaka ngayon.
"I'm pretty sure that this office was blessed by a priest already, so...w-walang momo here," takot na takot niya talaga sabi. Huta! Akala ko natatae siya, eh. Jazz, Jazz, Jazz, siraulo? HAHAHAHA!
"Ewan ko sa'yo, Jazz," natatawa kong sabi, pero ang Bakla nanatiling balisa. "Nagbibiro lang ako, okay? Hindi kusang gumalaw 'yong upuan, naitulak ko pala 'yon kanina at nakalimutan ko 'yon. Kaya pag-upo ko, ayon dumiretso ako sa sahig," pagpapaliwanag ko pa at nagkabuhay na rin ulit ang mukha niya. HAHAHA, bakla talaga itong si Jazz! Hay!
"Ang panget ng biro mo, parang ikaw," inis niya pang sabi.
"Ayan, namemersonal! Akala mo naman ang ganda-ganda mo."
"Maganda talaga ako."
"Oo na. Ano bang ginagawa mo rito? Ipangalandakang maganda ka?"
"HAHAHAHA! You're funny!"
"Joke ako, joke?!"
Parang tanga talaga itong si Jazz. Mamaya niyan hindi na 'to matatapos kakatawa!
"Tumigil ka na nga," inis ko kunyaring sabi sa kanya. Salamat naman at nakinig ang Bakla.
"Anyway, I haven't eaten breakfast yet. Will you please join me?" pag-aya niya sa'kin at syempre umu-o ako agad.
Madalas na akong ilibre ni Jazz ng breakfast, eh, kaya minsan 'di na ako kumakain sa bahay para madami akong makain kapagka nililibre niya ako. Hindi naman ako makahindi sa libre niya dahil kapag tumanggi ako, ako 'yong manlilibre. So, no choice ang lola niyo.
***
"Monaaaaaay!"
"A-aray!" inis kong sabi nang sobrang higpit akong niyakap nitong si Rose.
Anong samaligno sumapi sa kanya at nagpunta ito rito?
"Ay! Sorry, namiss kasi kita!" aniya at muli na naman akong niyakap nang sobrang higpit! Gusto yata akong patayin ng babaeng 'to.
"Tumigil ka na nga," inalis ko na 'yong pagkakayakap niya sa'kin at sumimangot naman ang Loka, "namiss mo 'ko?" tanong ko at tumango siya agad. "Joke time, Rosas, joke time?! Kakakita lang natin kanina sa may terminal ng jeep tapos miss mo na ako agad?! Wow! Nahiya 'yong mag jowa sa atin, ha," pabalang ko pang sabi.
Napataas ang kilay ko nang bigla na lamang siyang humawak sa braso ni Jazz. Mighad, napaka feeling close!!
"Fafs!! Inaaway niya ako," pagsusumbong pa niya kay Jazz at nagdramang naiiyak. Kunyari pa ang loka inaamoy niya lang si Jazz, eh, para-paraan din. Kaka-break lang nila ng ex niyang mukhang tukmol, umaawra na agad itong si Rosas.
Oo nga pala 'yong break up ni Rose ang dahilan kung ba't sila nag bar at nagpakalasing. Gusto raw nila akong isama, pero dahil dakilang KJ ako ay inilihim na lang nila.
Pero, nang malasing pangalan ko agad ang bukambibig at nagpasundo pa sa akin. Mga walang kahihiyan sa katawan! Mula ulo hanggang paa, ang kapal!
"Ang bad talaga ng babaeng 'yan," muling usal ni Rosas kaya nagbalik ako sa katotohanan. At ang Bruha nakakapit pa rin kay Jazz. Jusko!
"H-hoy, Rosas! Umalis ka nga riyan! Huwag mong mayakap-yakap ang taong 'yan dahil..."
Ako nga 'di ko magawang yakapin 'yan, tapos ikaw?! Super easy mo lang ginawa?! Ang unfair mo, Mother Earth! I hate you to the highest level raise to 9 with million zeros!
"Dahil?" tanong bigla ni Jazz sa'kin.
"A-ah, d-dahil...hindi kayo close, oo! Hindi kayo close, kaya Loka ka halika rito," hinila ko na si Rose na ang laki-laki ng ngiti habang maharot na nakatingin kay Jazz. Tingnan lang natin kung 'di 'to manlumo kapag nalaman niyang bakla iyang taong pinagpapantasyahan niya!
"Sandali, sandali! Makikipagkilala muna ako, Monay," nakangiting sabi niya. Hay! Bahala ka na nga sa mga nangyayari, Mother Earth! "Hi, Fafs, I'm Rose Madrigal," maharot niyang pagpapakilala. Ang baklang Jazz naman ay super friendly at ngumiti agad.
"I'm Jazz Powers," aniya at tinanggap ang kamay ni Rosas na kanina pa talaga niya inilahad.
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19—Huta! 19 seconds ang lumipas saka binitawan ng Loka ang kamay ni Jazz! Akala ko ay paabutin niya pa ng isang dekada!
"Hmm, Rose, we're going to eat, wanna join?" tanong ni Jazz kay Rosas na mabilis pa sa fast na tumango. "Okay, let's go!"
Hahawak sana ulit ang Loka sa braso ni Jazz, pero agad ko siyang hinila at pinatabi sa'kin. "Hindi mo ba nahahalata?" pabulong kong tanong.
"Na bakla siya?" tanong niya naman at tumango ako agad. "Halata 'no, sa galaw pa lang niya," dugtong niya.
"Eh bakit parang bet mo?"
"Alam mo ba 'yong katagang, change is the only constant in this world?"
"Oo, eh ano naman ngayon?"
"Ibig sabihin, pwede pa siyang magbago."
"Imposible."
In love na in love 'yan kay Baklang Chal Raed 'no, tapos bigla siyang magbabago? Magiging lalaki siya gano'n? Eh, para na ring sinabi niyong ang pink naging black, napaka imposibleng mangyari.
"Diyan ka wronging, Monay. Kapag 'yan tinamaan ng kamandag ko, hindi 'yan magdadalawang isip na gawing straight ulit ang nabaling meter stick."
Bahala na nga siya riyan! Posible lang siyang ma fall sa babae kapag naging babae si Chal Raed. Pero, tingnan natin kung hanggang saan makakayang gawing lalaki ni Rosas itong Baklang Jazz na 'to.
***
"Rose is very entertaining," biglang usal ni Jazz.
Simula kanina hanggang ngayon ay puro si Rose lang ang sinasabi niya. Sabagay nakakatawa naman talaga ang Loka, lalo na nang makain niya 'yong sili kakatingin kay Jazz imbis na sa pagkain niya. Nakakaloka!
"Kakaisip mo kay Rosas mamaya maging straight meter stick mo, ha," pagbibiro ko pa at agad naman siyang umaktong nasusuka. See? Kaya imposibleng pabilakin sa pagiging lalaki 'to, eh.
"Pareho kaming may tahong," natatawa niya pang sabi at ako naman ang umaktong nasusuka. Sobrang iw talaga kapag si Jazz ang nagsasabi ng ganyan, lalo na kapag lalaking-lalaki 'yong awra niya. "Anyway, Rose said your friendsarry is on February 14, right? Surely, you guys, we're gonna go hang out, paano na 'yong invitation ni Spade?"
Mighad! Oo nga! Hala, paano na 'to?!
"May isang buwan pa naman para pag-isipan ko kung saan ako sasama," sagot ko naman at nakangiti lang siyang tumango.
Hey, Mother Earth, tulungan mo 'kong mag decide, ha, at dapat tama 'yong desisyon natin. Aja? Aja!
***
Malapit ng mag 4 PM nang matapos ko na rin 'yong trabaho ko. Actually, konti lang 'yong ginawa ko, pero dahil puro daldal kami ni Jazz kaya ayan ang tagal natapos. Wala na kasing trabaho si Jazz kaya pinuntahan niya ako nakipagtsismisan.
"Aren't you going home?" tanong niya.
"Hmm, hindi ba natin hihintayin si Chal Raed? Magpaalam muna tayo sa kanya," sabi ko.
"But I heard the meeting has just started."
Masyadong busy si Chal Raed ngayon, kinakareer niya talaga 'yong pagiging acting CEO niya, mamaya niyan hindi na babalik si Boss, eh, talagang gawin niya ng CEO itong si Chal Raed lalo na't mas tumaas ang ratings ng company at marami ang na be-bentang damit at sapatos nang si Chal Raed ang namuno sa kompanya.
"Sige, uwi na tayo," sabi ko at inayos muna ang aking mesa.
"Sumabay ka na sa'kin, ihahatid kita sa may terminal na lang ng Jeep dahil baka 'pag sa inyo kita ihatid, eh ma-question ka na naman ng mga hot mong kuya," aniya.
Oo nga pala kinwento raw sa kanya ni Chal Raed na ang hot kuno ng boses ni Kuya Mico. Kaya ayon inistalk nilang dalawa 'yong facebook ni Kuya Mico, pati na rin 'yong dalawa ko pang Kuya at hindi nga rin nakatakas ang bunso naming si Miracle na siyang pinakagwapo raw sa lahat. Hay!
"Sige, tara—" naputol ko agad 'yong sasabihin ko nang isang gwapong nilalang ang biglang pumasok.
Mighad, fresh na fresh! May pa wet look ang koya niyo!
"Yes, let's go," aniya at marahan akong hinila.
"W-wait, where are you going?" takang tanong ni Jazz.
"We're going on a date, Jazz," sagot naman niya agad.
"H-huh? O-okay."
Sigurado akong na wi-wirdohan na itong si Jazz sa mga nangyayari, kaya umiling ako agad para sabihing hindi kami magdedate nitong si Spade, pero ngumiti lang siya sabay kindat at isinenyas na lumayas na kami.
Huhuhu, baka mamaya iniisip niyang may something sa amin! Mighad, ang bilis naman!
***
Papaandarin na sana ni Spade 'yong sasakyan nang biglang may isang baliw na lalaki ang pumagitna!
"Ano na naman kayang trip niya?" mahinang bulong ko. Napatingin naman ako kay Spade na nakangiwing nakatingin sa lalaking ang laki ng ngisi sa mukha!
Hay! Huwag naman sana siyang sumama sa amin, please! Mother Earth, please!