Tatlong araw ko na siyang iniiwasan at talaga namang mukha akong aning-aning, 'no? Ang sabi ko iiwasan ko lang ng slight, pero parang over na, huhuhu! Tsaka ang babaw ng dahilan ko para iwasan siya.
Pero, wala eh, medyo nahihiya talaga ako sa kanya! Ngayon ko lang narealize na nakakahiya pala 'yong mga sinabi ko, napaka defensive ko nga naman talaga kahit hindi naman totoong interesado ako sa kanya, pero ayon ang haba ng litanya ko.
Kaya lang naisip ko kasi, kapag medyo umiwas ako, maiisip na niyang hindi nga ako interesado sa kanya, 'di ba? Kasi kung intetesado ako, syempre talagang didikitan ko siya, 'yong tipong mahihiya 'yong salitang sticky sa sobrang pagdikit ko!
Hay.
Noong unang araw na iniwasan ko siya alam kong medyo nakakahalata na siya. Grabe kasi 'yong radar ng mga Bakla kaya 'di na ako nagtaka. Pero, no'ng sumunod na araw parang wala na naman sa kanya na medyo nag-iiba na 'yong pakikitungo ko. Kinakausap ko lang siya kapag may kailangan siya at lagi kong sinasabi na i-direct to the point niya na ako para naman makaalis na ako agad, 'di ba?
Kapag nakikita ko siyang palabas ng opisina niya binibusy ko agad 'yong sarili ko para 'di niya ako kausapin.
Minamadali ko na rin 'yong mga gawain ko para makauwi ako ng maaga. Todo iwas talaga ako!
Pero, hindi naman ito magtatagal 'no, haggang sa makalimutan niya nang isipin na interesado ako sa kanya, titigil na 'ko. Pero, 'yon nga ba talaga 'yong iniisip niya? Ay, huta!!
"Lunch?" napatingin ako sa nilapag niyang pagkain at kumulo talaga agad ang tiyan ko! Kanina pa kasi ako inaalok ni Chal Raed na kumain, pero todo tanggi ako, kaya ayan gutom na gutom ang Lola niyo.
"Nakakahiya man, pero thank you, Sir Gorgeous," sabi ko at inilapit sa'kin 'yong pack lunch, syempre wala ng tanggi-tanggi, 'no. Mamaya ma-deads mga baby ko sa tiyan, kawawa naman, mahirap kaya magparami ng alaga sa tiyan.
"Don't mention it, and just call me Jazz. Tayong dalawa lang naman 'yong andito," nakangiting sabi niya. "I just noticed that you're very busy these days, Mon. Want me to help you? I'm already done with my work," dagdag pa niya na agad kong inilingan.
Mamaya isipin ni Chal Raed, favoritism ako. Si Jazz pinapansin ko at pinapatulong sa'kin, samantalang siya parang lagi akong walang gana. Napaka unfair kaya.
"Kaya ko na 'to. Tsaka, ayokong i-share 'yong sweldo ko sa'yo, 'no," pagbibiro ko pa at maarte niya naman akong hinampas. "Minsan ba, Jazz, naisip mo na baka one day biglaan kang maging lalaki?" biglang tanong ko sa kanya. Malay natin 'di ba may pag-asa...ako-charot!
Sandali siyang nag-isip at saka muli akong tiningnan sabay sabing, "kapag siguro naging babae si Raed." Super harot! Nabilaukan tuloy ako. "Oh, Mon, you okay?" worried talaga siya nang itanong 'yan.
Okay lang ako, pero sayang 'yong karne, nailuwa ko sa sahig! Kasi naman, anong klaseng sagot ba 'yon?
"I-iyong sagot mo, Jazz-" napatigil ako sa pagsasalita nang muntik ko ng sabihin na, 'yong sagot mo, Jazz, NAKAKAMATAY!'
"Bakit? What's wrong?" tanong naman niya.
"Wala-wala. 'Yong...karne ng baboy kasi-oo, 'yong karne masyadong malaki kaya nabulunan ako," pagpapalusot ko pa.
"Iyan?"sabay turo sa karne na nailuwa ko. Huhuhu, sayang talaga 'yon, eh. "Malaki? Parang 25 cents lang nga 'yan, eh," dagdag pa niya. Natawa ako sa 25 cents ha, mukha bang korteng bilog 'yong karne para roon niya ihambing? Pauso rin 'tong si Jazz, eh!
"I've been looking for you, Jazz," biglang sabi ni Chal Raed na kakapasok lang sa may pintuan. Napatingin siya sa'kin tapos sa kinakain ko naman. "I thought you've eaten lunch already?" patanong niyang sabi.
"Pang round two 'to," pagsisinungaling ko saka nagbitaw ng pekeng ngiti.
"Alight," aniya at nilagpasan na ang mesa ko. "Come here, Darling, I need to tell you something," dugtong pa niya at saka tuluyang pumasok sa opisna niya.
"Is there something wrong, Mon?" tanong ni Jazz.
"Huh? Wala naman," sagot ko at itinuon na lang ang sarili sa pagkain.
"But, it seems like there is really something wrong going on between the two-"
Pinutol ko na siya sa pagsasalita at itinuro 'yong opisina ni Chal Raed. "May pag-uusapan daw kayo, larga na," sabi ko sa kanya at nagdadalawang isip pa siyang tumayo habang kunot-noong nakatingin sa'kin. "Layas na, Sir Gorgeous," dagdag ko pa at sa wakas ay tumayo na rin siya habang napapailing.
Hay! Titigilan ko na nga 'to, nakakahalata na ang iba, eh. Tsaka para akong abno sa ginagawa kong 'to. "Hindi ba, karneng mukhang 25 cents?" natatawang tanong ko ro'n sa karneng nahulog sa sahig. Minsan si Jazz siraulo rin! HAHAHAHA!
***
Wala pang 5 PM ay nakauwi na ako sa bahay. Syempre, tinapos ko na muna 'yong isang araw na pag-iwas ko kuno kay Chal Raed, 'no.
"Ate Love, I've been talking to you, but you're not answering. You always get space out, why's that?" tanong ni Miracle. Nasa salas kami ngayon busy sa pagk-kdrama session.
"Gutom kasi ako," sagot ko naman.
Ang aga-agang nag-aya ni Kuya Mico na mag Kdrama session na kami para matapos daw kami agad, kaya ayan alas otso na ng gabi ay wala pa rin kaming hapunan dahil ang mga mata nila'y nakatutok sa T.V!
Huhuhu, ang mga alaga ko!
"Si Lovey, nagpaparinig," sabi pa ni Kuya Mayvee na talagang itinapat ang bibig sa tenga ni kay Kuya Mico dahil siya ang nakaschedule na magluto ngayon.
"Sandali, 5 more minutes," sabi pa niya na hindi man lang matanggal ang mata sa pinapauod. "Aamin na si Bok Joo kay Joon Hyung," dagdag pa niya at sabay-sabay kaming napailing.
"The certified K-drama lover," natatawang sabi ni Kuya Messle. "Ako na nga lang ang magluluto at nagugutom na rin ako," dagdag niya. Ayan, diyan lang kikibo kapag nagugutom na rin!"LOVEEE!" sigaw pa nito sa may kusina at napatayo naman ako agad.
Natatakot kasi siyang buksan 'yong stove. Nagka phobia si Kuya.
Kumakain sila no'n ng tanghalian, kasama si Kuya Mico, Mommy at Daddy, habang ako, si Kuya Mayvee at si Miracle ay naglalaro sa labas nang bigla na lamang pumutok 'yong gasul at sobrang bilis kumalat no'ng apoy. Dahil malapit kay Mommy at Daddy 'yong lagayan ng gasul hindi na sila nakagawa pang makalabas ng bahay nang buhay. Si Kuya Mico ay tinatagan 'yong sarili niya hanggang sa mailabas niya si Kuya Messle na siyang gulat na gulat at halos hindi na nga makapagsalita dahil sa nasaksihang trahedya.
"Tulungan na nga rin kitang magluto," suhestyon ko pa at agad naman niya akong tiningnan. "Bakit?" inosente ko kunyaring tanong.
"Kahit pagluto nga lang ng kanin, 'di mo kaya, eh. Diyan ka na lang, kantahan mo 'ko nang matapos ako agad," aniya.
Ano kayang konek ng pagkanta ko at sa pagtapos niya agad sa pagluluto? Pakihanap ang logic ni Kuya Messle, please!
"Paano naman kasi ako matututo kung 'di niyo naman ako pinayagang mag try na magluto," reklamo ko pa.
"Kasi nga andito naman kami," sagot naman niya.
"Paano kung wala na kayo?"
"Edi sorry na lang sa'yo."
Mapapangiwi ka na lang talaga! Sa sobra kasi nilang pagmamahal sa'kin kahit isang beses 'di ako naghirap kapag andiyan sila. Wala akong ibang ginagawa kun'di ang tingnan sila habang ginagawa ang gawaing-bahay. Isa akong reyna sa bahay na walang korona, ganern! Mahal na mahal nila ako, kaya pati tawag nila sa'kin damang-dama ko 'yong pagmamahal nila.
"Love, hand me the eggplant, please," aniya habang busy sa paghihiwa ng karne. Aw, naalala ko tuloy 'yong karneng mukhang 25 cents. HAHAHAHA! "Stop giggling and give me the eggplant, Love," muling usal ni Kuya Messle.
"Meron ka na namang talong, Kuya, ba't kinakailangan mo pa ng iba? Hindi pa ba sapat 'yong isa at naghahanap ka pa ng iba?" madramang sabi ko pa. Napatingin naman siya agad sa'kin gamit ang pamatay niyang tingin kaya mabilis pa sa salitang fast na naibigay ko sa kanya 'yong mga talong.
"Ate Love! Your phone is ringing," sigaw ni Miracle mula sa salas. At dahil dakilang reyna nga ako, siya na rin ang nag effort na puntahan ako sa kusina at ibigay sa'kin 'yong cell phone ko.
"Thank you, Bibiboy," nakangiting sabi ko.
"You're always welcome," aniya at patakbong bumalik sa salas nang sumigaw si Kuya Mico nang 'Damn! Muntik na silang mahuli no'ng Tatay ni Bok Joo!' Kumalat na talaga ang virus ni Kuya Mico, pati yata itong si Miracle ay naging Kdrama lover na rin.
"Hello, kailangan mo?" tanong ko agad nang maalalang may tumatawag pala sa'kin, and it's Joy.
"Is this Miss Maundy?" tanong pa no'ng tao sa kabilang linya. Kailan pa kaya naging boses lalaki si Joy?
"Yes, Joy, no other than, the gorgeous Maundy," sagot ko naman na tinawanan agad ni Kuya Messle. Wala man lang support! "Why?" tanong ko.
"This is not Joy, Miss Maundy. I'm Will, the owner of Astonish Bar. It's still early, yet your friends are now pretty drunk. Clara, Clarita, or whatever her name is told me to call you because she said you're going to fetch them."
Matapos marinig 'yon ay ibinaba ko na agad ang linya at patakbong pinuntahan si Kuya Mayvee para ihatid ako sa Astonish Bar.
Lesheng mga babaeng 'yon, mamaya ma tripan 'yon ng kung sino-sino sa bar na 'yon, eh hindi pa naman 'yon sanay na mag bar!
Ano bang damo ang nakain nila at nagpuntang bar tapos nagpakalasing pa?! Nakakaloka!!
"Hindi naman sila nagbabar, 'di ba? What happened now? Broken hearted ba sila?" sunod-sunod na tanong ni Kuya Mayvee.
"Hindi ko po alam, Kuya," ang tanging nasagot ko. Mamaya talaga gugulpihin ko 'yong mga babaeng 'yon!!
"Next time, kapag nag bar sila sabihin mo isama ako."
"At bakit? Para maghanap doon ng dirty na mga babae?"
"Maka dirty ka naman, 'di ah! Para may taga bantay sila, gano'n. Lalo na kapag sasama ka, don't forget to bring us with you."
Palusot pa 'to! Talagang chicks lang hanap niya roon. Sa mga kuya ko, siya 'yong pinaka babaero, hindi ko alam saan nagmana iyan, eh! Muntik ko na ngang itawil 'yan nang isang araw may tatlong babae ang biglang nagpunta sa bahay, hinahanap siya at sinasabing boyfriend nila si kuya.
Hay, Jusko! 'Pag nangyari 'yon ulit, itatakwil ko na talaga siya!
***
Ayan na naman itong awra na pinakaayaw ko! Maingay, mausok, masakit sa matang ilaw, madaming tao!
"Asan daw ba sila?" tanong ni Kuya.
"Hindi ko nga alam, eh. Paano ba natin sila mahahanap, eh ang dami-raming tao rito?" nag-aalala ko talagang tanong.
Mga babaeng 'yon, anong nasa isip nila at nagpunta sila sa lugar na 'to?!
"Come here. I think it's Joy who's dancing in the center," hinila ako ni Kuya papunta sa gitna---at ayon, pinagkakaguluhan ang tatlong bruha na wagas na wagas kung sumayaw ng hindi maintindihang dance moves!
"
"Maundy!!...Come...heeereee! Let'sh dansh!" sabi pa ni Joy na talagang hatalang lasing na lasing na nang lapitan ko siya!
"Hindi! Tara, uwi!" sigaw ko sa kanya saka ko siya hinila. Si Kuya naman ay inaya na rin si Clarice at Rose.
Palabas na sana kaming dalawa ni Joy nang may kamay ang humawak sa braso ko. "It's you," aniya at itinuro pa ako. Mukha pa lang niya halatang lasing na rin.
Pero, bakit ganyan ang mga mata niya? Bakit parang ang lungkot-lungkot?