webnovel

The Tale of a Great King I

"Halos isang daan at limampung libong taon ang nakakaraan ang buong GAIA ay puno ng lahat nang mga bagay naka aya-aya sa lahat nang mga tao lahat at masaya at kontento sa lahat ng mga pangangailangan nila ngunit kinailangan nila nang isang mamumuno. Kung kayat gumawa ang mga dios nang isang tagisan sa mga maaaring maging tagapanatili nang kapayapaan ng buong GAIA. Limang tao ang nagtagisan, sina Tres, Gliece, Eros, Heder, at Helios.

Ang unang, tagisan ay sa kung sino ang makakapag akyat nang isang libong kawan nang mga tupa sa bundok na may taas na lagpas sa mga ulap sa loob nang kalahating araw.

Ang unang sumubok ay si Tres na isang magsasaka na nakapag akyat lamang ng tatlong daan at anim na put lima. Ang sumunod naman ay si Gliece na isang mangangaso na nakapag akyat nang apat na daan walumpu. Ang sumunod ay si Eros na isang panday ay nakapag akyat ng anim na raan at apat na put apat. Ang sumunod ay si Heder na isang bihasa ay nakaisip nang paraan upang maiakyat ang mga tupa, inalisan niya muna ang mga ito nang karamihan nang kanilang mga balahibo upang maiakyat niya ang mga ito nang mas mabilis. Siya ay nakapag akyat ng walong daan at anim na put anim. At ang huli ay si Helios na isang pastol ng mga hayop, na nakapag akyat nang siyam na raan at limangput pitong mga tupa sa pamamagitan ng pagtawag lamang sa mga ito. At natapos ang unang tagisan.

Ang sumunod ay ang tagisan sa kung sino ang agad na makakaalis sa isang gusali na ginawa nang mga dios na may isang daang palapag at may lawak na tatlumpung ektarya kada palapag.

Ang naunang sumalang ay si Tres na nahalabas sa loob ng isang daang linggo. Ang sumunod ay si Gliece na nakalabas sa loob ng apat na pung linggo. Ang ikatlo ay si Eros na nakalabas sa loob nang isang daan at dalawamput isang linggo. Ang ika-apat ay si Eros na nakalabas sa loob nang tatlong put anim na linggo dahil sa pagiiwan niya nang mga tanda sa mga lugar na nadaanan na niya. Ngunit di niya namalayan na may susunod pala sa kanya. Pumasok na huli si Helios at sinundan lamang ang mga marka na naiwan ni Eros kaya siya nakalabas mula sa gusali sa loob nang dalawamput apat linggo. Dahil sa ginawa ni Helios ay nagkaroon nang kakaunting pagkainis si Eros sa sarili niya at kay Helios.

At dumating ang huling tungalian ang tagisan tungkol sa pagiging makatao. Ilalagay ang mga kalahok sa isang sitwasyon na kung saan masusubok ang kanilang pagiging hari.

Ang una ay si Tres na pinatulog upang ipakita ang kaniyang mga magagawa. Inilagay siya nang mga dios sa isang sitwasyon na kung saan ay ang kaniyang kaharian ay aatakihin nang isang dragon at ang lahat nang mga mamamayan ay nasa harapan niya at naghihintay na lamang nang kaniyang mga iniuutos. Bago pa siya makagawa nang desisyon ay nasunog na mula sa atake ng dragon ang kalahati ng kaharian. Matapos noon ay ginising na siya.

Ang sumunod ay si Gliece, inilagay siya sa isang sitwasyon na kung saan ay kailangan niyang mamili kung sino ang kaniyang dapat na piliin upang maging sa ikabubuti o ikasasama nang kaniyang kaharian. Ang kaniyang pagpipilian ay kung sino ang kaniyang pakakasalan, ang isang babae na anak ng isang malaking kaharian na isang mapagmataas at hindi tumatanaw nang utang na loob upang magkaroon nang mas malawak at maslumaki ang kaniyang mga nasasakupan, O ang isang babae na isang simpleng may hanap buhay na mamahalin siya nang tunay ngunit wala siyang proteksyon mula sa ibang bansa mula sa posibleng pagatake nito. Ngunit ang pinili niya ay ang isang anak ng isang malaking kaharian. At ginising na siya.

Ang ikatlo ay si Eros, inilagay siya sa isang sitwasyon na kung saan ay naubusan na nang mga materyales na hilaw ang buong kaharian at nasabadya na siya ng isang malaking digmaan. Nasa sa kaniya kung paano niya iyo masosolusyonan. Ang nagging sagot niya ay ang ipagpatuloy ang digmaan sa iniisip niyang mas mapoprotekhahan niya ang mga mamamayan nito kung gagawin niya ito. At ginising na siya.

Ang ikaapat ay si Heder. Siya ay iniligay sa isang sitwasyon na kung saan ay magkakaroon nang malaking tagtuyot ang buong kaharian na siyang magiging dahilan ng malaking taggutom. Pinapili siya kung pagtatrabahuin niya ng doble ang kaniyang mga mangagawa upang mas marami ang kanilang maiimbak na pagkain, o hahayaan niya nalang na maging normal ang pagtatrabaho nang mga ito at magkakaroon nang monopoliyo sa lahat nang mga pagkain na ipamimigay sa mga mamamayan. Ngunit siya ay nagging sakim na kahit sa isang panaginip lamang. Pinagtrabaho niya ang kaniyang mangangawa nang tatlong beses na siyang higit sa inilahok at nagkabit pa siya nang isang diktaturya sa lahat nang kaniyang mga kayamanan at maliliit lamang ang kaniyang ibinibigay sa kaniyang mga mangagawa. Hindi natuwa ang mga dios sa kaninyang ginawa, at ginising na siya ng mga ito.

Ang huli ay si Helios. Siya ay inilagay sa isang sitwasyon na lalong masmasbigat kaysa sa niranas nang lahat. Siya ay inilagay sa isang sitwasyon na kung saan ay ang mundo ay darating na sa kaniyang sariling paggunaw. Ang mga bulkan ay patuloy na sumasabog, paglindol sa bawat kalupaan, pagbagyo sa magkabilang dako na ang lahat ay patungo sa kaniyang kaharian, at ang lahat nang pagdedesisyon ay nasasakaniya na.

Ang kaniyang mga ginawa ay ito. Ang lahat nang mga mamamayan nang aniyang kaharian ay inilagay niya muna sa ilalim ng palasyo at ang lahat nang mga kawal ay nagpalibot sa daanan. Siya ay nagtungo sa kaniyang silid at yumukod at lumuhod at nanalangin sa mga dios. Sa isang saglit ay binigyan siya ng karunungan upang dali-dali niyang masolusyonan ang mga ito.

Nakita niya ang pagkakasunod sunod ng pagdating ng mga sakuna, at inutusan niya ang kaniyang mga kawal. Ipinaikot kiya ang lahat nang mga kalasag nang lahat ng mga kawal sa buong palibot nang kaharian at naunang dumating ang pag daloy nang natunaw na bato na siyang naharangan sa pagpasok sa kaharian. Ilang saglit ay nagsimula nang dumating ang bagyo na siyag nagpatigas sa natunaw na bato ngunit ipinalipad nito ang mga kalasag, ngunit nagkaroon naman ng isang matibay na pader ang buong kaharian. Ang lindol na siyang napakalakas ang susunod na parating.

Habang dumadaloy ang mga natunaw nas bato ay may naisip si Helios na makakatulong pa sa pagdating ng isang lidol. Nagpagawa siya ng apat malakingtagapagbutas nang lupa na inilagay sa apat na sulok ng kaharian. Binutasan nila ang lupa mula sa itaas pababa at dumating ang lindol. Ang pagbiyak ng lupa ay unang tumama sa isa nasa hilaga nang kaharian at ang pagbiyak ay lumiko patuloy sa susunod na butas, hangang sa umikot ito sa palibot ng kaharian. Paparating na ang susunod na pagbiyak ng lupa na along masmalakas kaysa sa nauna. Ang lahat nang kaniyang mga kawal ay natakot at nangamba dahil sa ang mga natunaw na bato ay dumadaloy sa mga butas na ginawa nila. Ang lahat ay nangangamba na dahil sa mabilis na paglapit nang pagbuka nang lupa papasok sa palasyo. Tumama ito sa pader ngunit di na ito lumaki pa.

Nag taka ang lahat dahil sa nangyari hangang sa ipaliwanag ni Helios kung bakit. Ang mga lugar na kanilang binutasan ay mga lugar na kung saan ay may bukal ng malamig na tubig, kaya nang dumaloy ang tunaw na bato sa butas ay unti unti nang lumalamig ang mga natunaw na bato at sinundan nito ang mga biyak na kumonekta sa apat na sulok nang kaharian na siyang gumawa ng matibay at matatag na pader sa ilalim ng lupa na siyang sumalo sa pagtama ng pagbukas ng lupa.

Ang lahat ay natapos na, walang kahit sino man ang nasakatan ni nasugatan man sa dumating na sakuna. Ang lahat ay natuwa kasama ang lahat ng mga dios, at siya'y ginising na.

Ilanga raw at dumating ang basbas nang mga dios sa kung sino ang magiging karapat-dapat na maging mga hari ng buong GAIA. Si Tres ay naging hari sa kapatagan na nasa silangan, si Gliece ay naging hari sa kanluran na kung saan ay may kagubatan at karagatan, si Eros ay naghari sa timog na siyang tahanan nang mga bihasa at marurunong, si Heder naman ay pinaghari sa hilaga na kung saan ay puro nagyeyelo at bulubundukin, at si Helios ay ginawang hari nang mga hari na siyang punong namamahala sa lahat ng mga bagay sa buong GAIA at siya ay pinaghari sa kalagitnaan ng mga kaharian kung saan tanaw ang buong nasasakupan nang buong GAIA.

Ang buong GAIA ay nagdiwang dahil sa kanilang natangap ang kanilang nihiniling na mamumuno sa buong GAIA. Nagkaroon nang mga kasiyahan at katuwaan ngunit di alam nang lahat ay may isang dilim ang nabubuhay sa gitna ng liwanag.

Makalipas ang sampung lingo na puro kasiyahan, ang lahat ay pagod at natulog, ang lahat ng kaharian liban sa nasa hilaga na siyang pinamumunuan ni Heder na di nakisali sa kasiyahan. Habang natutulog si Helios ay nagkaroon siya ng isang pangitain mula sa mga dios.

Magbabalik ang dilim na dati'y bumalot sa lahat ng lupain na darating sa paglinya ng tatlong buwan. Nagising si Helios at nagtaka dahil ang alam niya ay mayroon lamang dadalawang buwan ang kaniyang nasasakupan. Dali-dali siyang pumunta sa mga matatanda na kaniyang inatasan na siyang bigay ng mga dios upang buksan ang lahat ng kanilang mga nagging sulat sulat kung mayroon itong sinasabi tungkol sa ika-tatlong buwan.

Inabot sila ng buong gabi sa paghahanap ng mga dokumento ngunit wala. Wala silang nakita sa mga papel na nakasulat. Ngunit nakakuha sila ng isang tanda na kung saan maaari nilang Makita kung saan ba ang dokumento na maaaaring makatulong sa kanila, na siyang nakasulat sa isang kalatas. Ngunit nakasulat doon ang isang kalatas. Isang Leon ang bumaba mula sa lupa at nagbigay ng baniyang liwanag sa kaniyang pagkamatay ang kaniyang tatlong puso ay napugnaw at ang kaniyang mga laman ay natunaw ngunit ang kaniyang mga tadyang ay nanatiling buhay hangang sa ang buong kalupaan, kalangitan, at kalaliman ay maubusan ng kaniyang kayamanan.

Mayroon namang isang dokumento ang nagsasabi kung nang isang pangyayari na kung saan sa isang parte ng isang malayang gubat ay ang mga puno ay nagiging sintaas ng mga bundok at ang ugat ay umaabot sa hanganan ng mga lupa. May ilog na kasinlinis na tila ay di mo na makita. Ang mga hayop ay tila punong-puno ng mahika at kagandahan.

Naghanap sila ng isang mapa na kung saan ay maituturo noon ang lugar na kung saan ay matatanto nila kung nasaan ang gubat na iyon, at nakahanap na nga sila ng isang mapa.

Pinuntahan nila ang gubat kung nasaan iyon kasama ang kaniyang mga mahal na kawal. Makalipas ang isang buwang paglalakbay ay napuntahan na nila ngunit ang buong lugar ay napapalibutan ng isang malaking pader na isang ugat ng isa sa mga puno na naroroon. Sinubukan nilang putulin ngunit ang tibay niyaon ay tulad nang sa kalasag. Inakyat nalamang nila ito nang makaabot sa kabila ngunit ang taas ng pader ay kasing taas ng isang tore. Nang sila ay makapunta na sa kabila ng pader ay nakita nila ang isang malaking ilog na dumadaloy mula sa lawa na nasa gitna ng gubat na siyang hindi nagalaw makalipas ang mahabang panahon.

Ang mga bagay na nakasulat sa kalatas ay pawang mga katotohanan, at kanila na ngang hinanap ang sinasabing tadyang ng leon. Sila ay nagikot-ikot hangang sa kumapal na nang kumapal ang damo at nakita sila ng isang butas. Hinubad ni Helios ang kaniang mga kasuotan upang pumasok sa butas ngunit pinagbawalan siya ng kaniya ng mga kawal na silang nagpresenta na sila na lamang ang gagawa niyaon. Ngunit nagpumilit ang hari na siya ay papasok at wala nang magawa ang kaniyang mga kawal. Nagsama na lamang ito ng iilan sa pagpasok. Ang pinasukan nila ay isang malaking kuweba na may mga ukit ang mga pader na hindi pa nakikita nang mga tao simula pa noon sapagkat walang kahit anong dokumento ang nagsasabi ukol rito.

Nadala ang hari sa kaniyang emosyon at sinundan ang mga ukit hangang sa di na niya namalayan na siya ay nahiwalay na sa kaniyang mga kawal. Siya ay nanlumo sa kaniyang pagkakaligaw at sinubukan niyang hanapin ang kaniyang daan pabalik ngunit di na niya magawa, itinuloy na lamang niya ang pagsusuri sa mga nakaukit hangang sa may nakita siyang kislap ng liwanag sa malayo na tila ay nakatitig sa kaniya. Sinubukan niya itong lapitan ngunit agad itong tumakbo. Naghabulan ang dalawa hangang sa mapunta si Helios sa pinaka ibaba ng kuweba at doon niya nakita ang tunay na anyo ng liwanag.

Isang babaeng maganda, marikit at kaakit-akit. Tinanong ng babae si Helios kung ano ang kaniyang ginagawa roon, at sinabi ni Helios nang detalye ang kaniyang pakay, "Patawad sa aking pangagambala, naririto lamang ako dahil sa nais ko lang malaman ang tungkol sa ika-tatlong buwan.". Lumingon patalikod ang babae at nag salita, "Ang hinahanap mo ay matagal nang wala. Ang ikatlong buwan ay napugnaw na.". "Hindi iyon maaari dahil ayon sa pagkasabi saakin ng mga dios 'Magbabalik ang dilim na dati'y bumalot sa lahat ng lupain na darating sa paglinya ng tatlong buwan.'.", sabi ni Helios.

Ang babae ay nabigla sa kaniyang sinabi at sinabi na sa kaniya ang katotohan na siyang nakaukit sa pader. "Ang aking winika sa iyo ay di totoo. Ang ikatlong buwan ay siyang ballot ng kadiliman. Sa lahat ng puso ng dakilang leon ay iyon ang naginging sanhi ng kadiliman. Ang unang puso ay Pagtitiwala, ikalawa'y Pag-asa, at ang ikatlo at pinaka madilim sa lahat ay Ingit. Ang naunang dalawa ay pinanatili ng mga dios upang maging liwanag sa kadilimang bumabalot, ngunit ang ikatlo ay itinali ng mga dios sa pinakamalayo na dako kung saan ay hindi na ito matatanaw kailanman. Ngunit habang dumadaloy ang oras at panahon ay unti unting umiikot ang buwan na kungsakasakaling luminya sa naunang dalawa ay makakatalon ang dilim nito pabalik sa lupa at maaaring magising ang nagging tagapagwasak ng mga oras at panahon, si Aomo.".

Agad namang nagtiwala si Helios sa sinasabi ng babae at tinanong niya rito ang panahon kung kalian magtutuwid ang mga buwan. Ang sagot niya ay, "Nalalapit na ang panahon ngunit walang makakapagsabi kung kalian.". Tinangap na ni Helios ang sagot ng babae at niyayaito na sumama sakanya pabalik sa palasyo. Ngunit nagalangan ang babae, "Kung sasama ako sa iyo paano na ang gubat na ito.".

Sinagot naman agad ni Helios ang tanong ng babae, "Huwag kang magalin-langan sapagkat kahit anong mangyari ay poprotektahan ko at ng mga dios ang gubat na ito kaya sumama ka na saakin at kakailanganin ko nang makakatuwang sa buhay matutulungan din kitang pangalagaan ang lahat ng mga mahalaga sa iyo."

Walang pasubali ay sumama ang babae kay Helios at ilang saglit lang ay nagkitang muli sila ng kanilang mga kawal. Tinanong ng isa kung paano sila makakalabas at sinabi naman ng babae. "Tayo ngayon ay nasailalim ng lupa na siyang isa sa mga tadyang ng leon. Sundan niyo lamang ang pagdaloy ng tubig at mapupuntahan na natin ang labasan.". Nagtaka ang mga kawal kung sino ang kasama niya.

Tinanong ni Helios ang pangalan ng dalaga, at Delhiah ang isinagot niya. Silay lumabas na nga mula sa kuweba at papalayo sa gubat at bumalik na sa kaharian.

Next chapter