webnovel

The Tale of a Great King II

Lumipas ang mahigit 30 taong pagsasama ng dalawa na siyang nagbunga ng sampung kaakit akit na mga prinsesa. Na siyang ikinatuwa ng mga dios kung kayat binigyan nila ang bawat isa nang kapangyari na siyang tutulong sa kanilang amang hari. Ngunit magpasa hangang ngaon ay di parin nagaganap ang sinabi ng mga mga dios 30 taon na ang nakakaraan, kaya nagkaroon na nang pagdududa si Helios tungkol sa sinabing iyon ng mga dios.

Siya'y hindi lubos na nanampalataya at kinuwestiyon pa ang mga dios, "Bakit magpasahangang ngayon ay di pa nangyayari ang sinasabi niyong pagdating ng kadiliman.". Walang kamalay-malay ang lahat ay may mga paggalaw sa hilaga na di nalalaman ni Helios na siyang pinangungunahan ni Heder.

Dahil sa masalimuot na pagkatalo niya kay Helios, ay nabuo ang ingit sa puso siya na nauwi sa galit at paghihiganti. Nag-aral siya ng itim na mahika upang mapabilis ang pag ikot ng ikatlong buwan sa loob ng 30 taon. Siya'y kailanman di kumain ni uminom para siya'y makapaghiganti lamang.

Pagkatapos na maghandog ng panalangin si Helios ay biglang nagdilim ang kalahati ng langit at ang dalawang buwan ay tumuwid, sa likod ng mga buwan ay may isang malaking bolang maitim na pabilis nang pabilis ang pagkilos hangang sa luminya na rin ito sa dalawang buwan. Ang dalawang buwan ay nagdilim kasama ng langit at ang paligid ay naging pawang dugo. Ang kasaganahan ng lupa ay tupok at siyang bumalot sa buong GAIA.

Ang hari ay nabahala dahil sa naganap na ang kaniyang ikinatatakot. Ang kaniyang asawang si Delhiah ay napaupo mula sa pagkatayo nang dahil sa takot, habang ang kanilang mga anak ay natigil sa kanilang mga paggawa dahil sa kanilang nakikita. Pinagtipontipon ng hari ang lahat ng mga tao sa buong GAIA patungo sa kaniyang kaharian upang mailigtas ang mga mamamayan mula sa silanganan, kanuluran, timogan, at hilagahan. Nagkaroon ng agarang pagpupulong ang mga hari tungkol sa mga nararapat nilang gawin.

Ngunit wala silang maisip na matibay na dahilan hangang sa may nakita ang isang kawal na nagsabi na mayroong isang malaking espada na lumilitaw mula sa hilagahan papunta sa kaharian ni Helios. Nabahala ang mga hari at mga pinuno kaya nagpadala sila ng mga mangangabayo upang siyasatin kung ano ang nangyayari.

Hindi pa sila nakakalapit ay may isang malaking alon ng maitim na usok ang lumamon sa kalahati nang bilang ng mga mangagnabayo. Sila ay naagnas at buto na lamang ang natira sa kanila, at kahit sa kanilang pagkamatay ay dinig na dinig pa ang kanilang pagsigaw. Ang mga natira ay agad nang bumalik upang ibalita ang naganap.

Tinawag naman ni Helios ang kaniyang mga anak upang ibahagi sa kaniya ang kanilang mga kapangyarihan. Nag pagawa ang hari ng isang espada alinsulod sa sinabi ni Delhiah na maaaring makapagpatigil sa pagkalat ng kadiliman. Gamit ang kapangyarihan ng sampung prinsesa ay gumawa sila ng isang espada na walang kasing tibay at lakas na kahit ang hari sa sarili niya ay di niya ito magagamit.

Di kalayuan ay nakita nila si Heder na naglalakad patungo sa palasyo na may bumabalot sa kaniya at iisang bulong, "". Lumaki ng lumaki ag bamabalot sa kaniya hangang sa lamunin siya nito at tumungtong sa tuktok ng espada na umusbong mula sa lupa at naglabas ng limang bilog sa paligid nito. Ang espada ay nahati sa lima at pumuwesto sa limang bilog. Ang lupa ay nabutas namay lalim na umaabot hangang sa paghihiwalay ng oras at panahon. May isang malakas na sigaw silang narinig na humahati sa halat ng mga bagay. Kasabay nito ay ang tunog ng mga dakilang tanikala na gumagapos sa kung ano man ang nasaloob ng butas na iyon. Si Heder na nababalutan ng itim na usok ay natunaw at nahulog sa butas. Na siyang tumunaw sa mga tanikalang ito.

Ang buong GAIA ay labis na nangangamba dahil sa mga nangyayari sa kanilang mundo ang karamihan ay naniniwala na nga na katapusan na nga ng kanilang mundo at hindi na naniniwala na sila ay mabubuhay sa susunod na mga sandali. Ang nasaloob ng butas at unti-unti ng nakakakyat papunta sa ibabaw ng lupa. Habang siya ay papaakyat ay lalong lumalaki ang alon ng maitim na papalapit sa kaharian ni Helios. Nang malapit na ang pagtama nito sa kaharian ay tumalon sa harapan si Gliece at gumawa ng isang malaking harang upang mahawi sa ibang dereksiyon ang alon.

At nakalabas na nga ang isang dakilang halimaw, prisipe ng kadiliman, ang ikatlong buwan, si Aomo. May tatlong sungay, may matang kasing init ng impiyerno, may mukhang galing sa bangungot, may tinig na nakakapanlinlang, at may laking higit ng sa mga bundok.

Nang nagpakita ang halimaw, karamihan ay nanghinahan ng loob at ang ilan ay namatay nalang sa takot. Ngunit ang mga hari ay di pinanghinaan ng loob. Si Eros na hari ng timog ay pinatibay ng isangdaang ulit ang sandata ng lahat ng mga kawal at siya rin ang tumapos sa espada ng sampung prinsesa. Si Tres na hari sa silanganan ay pinalakas ang pisikal at mental na pangangatawan ng lahat ng mga sundalo para sa digmaan., at si Gliece na hari sa kanuluran ay naglagay ng malaking patibayan sa buong kaharian upang sa kahit anong pagkakataon ay di magkaroon ng malaking pinsala at pagkawala ang buong kaharian.

Nang matapos ang espada na ginwa ng kaniyang mga anak ay agad niya itong kinuha. Hindi niya mabuhat sa umpisa dahil sa dakilang lakas na taglay nito. Hinawakan ng kaniyang mga anak ang kaniyang kamay at ipinasa ng mga ito ang kanilang kapangyarihan kasama ang kaniyang asawa. Nagawa niyang buhatin ito at naging lalo siyang malakas kaysa noon. Siya ay naglagay ng proteksyon sa lahat ng mga bagay namay buhay pa, maging sa mga hayop at maliliit na mga damo. Siya ay naglalabas ng liwanag na sumisilaw sa kapwa liwanag. Sila ay nahahanda na sa pagatakeng paparating.

Ang halimaw ay di natuwa kaya sa kaniyang pag sigaw ay binuhay niya ang lahat ng kaniyang mga napatay upang maging kaniyang mga pulutong. Bumuhay din siya ng isang uwak na kumakain sa lahat ng mga maybuhay at mga patay, at ahas na lumalakas mula sa takot at kumakain sa kaluluwa ng mga nangatatakot sa kanila.

Ang dalawang panig ay naghanda na para sa isang digmaan na siyang huhugis sa mga kaganapan ng hinaharap. Nagsimula na nga ang digmaan. Ang lahat ay lumalaban para sa kanilang hangarin. May naghahangad ng kaliwanagan at may nag tatanyag ng kadiliman. Ang mga hari ay umaatake sa lahat ng mga pagkakataong mahanapan nila. Hangang sa nag simula na ngang umatake ang mga hayop na binuhay ng halimaw.

Si Tres ang hinarap uwak, habang si Eros ang hinarap ng ahas. Naiwan kay Helios si Lohrath. Inabot ng ilang araw ang digmaan at unti-unti ng nauuubos ang sandatahan ni Helios dahil sa tuwing may isang sundalo ang napapatay ay nabubuhay muli upang lumaban para kay Lohrath. Ang tatlong hari ay nauubusan na rin ng lakas. Halos di na sila makagalaw dahil sa pagod. Umabot na sa punto na dahil sa pagod ay kinain na sila ng takot. Kung kayat madali na sila inabot ng kanilang kamatayan.

Labis na naghinagpis si Helios na nangyari at nawala ang kaniyang depensa dahilan upang siya ay tumalsik ng pagkalayo at tumama sa pader na ginawa ni Gliece na siya ring ikinasira nito. Wala na siyang kahit ano mang magawa at halos tangapin na niya ang kaniang pagkatalo. Ang kanilang puwersa ay nauubos, ang kalaban ay sobrang malakas. Mawawalan na siya ng pag-asa. Nang biglang tumindig ang kaniyang mga anak sa harapan niya kasama ang kanilang ina at ibinigay ang huli at pinaka mabigat na sakripisyo.

Hinawakan ni Delhiah ang espada at hinawakan naman siya ng kaniyang mga anak. Sabay-sabay silang nagwika at nagliwanag sa harapan ng hari at unti-unti na naglalaho. Masakit kay Helios ang kaniyang nakikita ngunit kailangan niyang tatagan dahil ang huling salita na ibinangit ng kaniyang mga anak at ng kaniyang asawa ay, "Lagi lang kami nandito sa piling mo. Ipanalo mo at lagi kaming sa saiyo.". Ang buhay at lakas ng kaniyang asawa at kaniyang mga anak ay napunta sa espada. Ito ay nagliwanag pang muli at nagbigay pa ng pakpak sa likod ni Helios at inatake si Lohrath. Ang bawat kilos niya ngayon ay kasin bilis na ng liwanag at ang kaniyang lakas at halos pumantay na kay Lohrath ngunit hindi niya parin ito mapatumba.

Inabot ng ilang oras ang pagtatapat ng dalawa si Helios ay nauubusan na ng lakas habang si Lohrath ay patuloy na nakakakuha ng lakas at kapangyarihan mula sa kaniyang mga kampon. Nang mapansin ito ni Helios ay una niya munang inatake ang mga sandatahan ni Lohrath. Dahil sa bigat ng kapangyarihan na nasa loob ng espada ang bawat tamaan nito ay nawawala na lamang ang kanilang mga pagkanilalang. Unti-unti nang bumabagal ang paglakas ni Lohrath pero sa dami ng kaniyang mga kampon ay hindi na niya kakayanin pang harapin muli si Lohrath dahil sa kaniyang pagka pagod.

Kaya gumamit siya ng isang mahika na nasa loob ng espada at naglabas ito ng sampung tore ng liwanag sa palibot ng mga sandatahan at nagpaulan doon ng mga apoy at naubos na ang halos sa kalahati ng kaninyang mg kampon. Naisipan na ito bilang pagkakataon ni Helios upang umatake ulit pero. Hinarangan siya ng uwak at tinulak siya pabalik. Mabilis ang kilos ng uwak na halos pumantay narin sa bilis ni Helios. Nag aabang naman sa isang parte ang ahas upang umatake. Nang makakuha ng pagkakataon ay umatake ang ahas mula sa kabilang dulo. Sinubuhan niya itong hiwain ngunit agad itong nakailag.

Tinalinuhan na lamang ni Helios upang makatakas mula sa pagatake ng dalawa. Habang lumilipad at umiilag sa mga pagatake na ginagawa ng uwak ay ipinapain na rin niya ang kaniyang sarili sa ahas. Nang susungab na ang ahas sa kaniya ay agad siyang lumipad pataas ipang atakihin ng uwak ang lalamunan ng ahas kasabay ng pagkagat nito sa uwak na siyang ikinasawi ng dalawa.

Matapos noon ay bakat na bakat na sa mukha niya ang pagkapagot at ang mga sugat na kaniyang mga natamo. Siya ay halos di na nakatayo. Kaya ang ginawa na lamang ni Lohrarth ay isinumpa na lang si Helios sa pamamagitan ng pagsaksak kasabay din noon ay hinawakan din niya ang mga braso nito at isinaksak sa dibdib ni Lohrath ang espada niya at naitali siyang muli nang mas matibay at nahati ang espada sa sampung piraso. Nahulog muli sa isang butas si Lohrath kasama ni Helios ngunit ang mga piraso ng espada ay nagkalat sa buong GAIA.

Matapos ang pangyayari ay natira na lamang si Gliece na hari at ang karamihan sa lupain ng GAIA ay natupok. Kaya nagsimulang muli ang panibagong mundo sa pangunguna ni Gliece sila ay gumawa ng isang tagapag-alaala sa kabayanihang kanilang ginawa. At nag patuloy ang historia tungkol doon at di na nagbalik ang kadiliman muli magpasahangang ngayon. Ngunit inaasahan ng lahat na magbabalik itong muli kung kailan magiisa muli ang sampung espada ay magiging handa sa muli ang GAIA sa pagbabalik nito."

Ang pagkadetalye ng kuwento ni Kuro.

Nagulat ako sa kaniyang pagkakuwento dahil sa sobrang haba. (Sa totoo lang kinain nito ang karamihan sa mga papel ko.) Kahit sa sobrang haba ay parang di man dumaan ang panahon. Pero may isang parte pa kung saan ako naguguluhan.

"Ano naman konek no'n sa iyo?", tanong ko.

"Si Kuro kasi…", sabi ni John.

"Ako ang isa sa mg anak ni Helios. Ako si Kuro 'El Helios, ang ika-walo.", sabi ni Kuro.

"Ano!", gulat ko. Napansin ko na rin na si John ay di rin makapaniwala sa ikinuwento ni Kuro kaya kinalabit ko siya. "Hoy! Ayos ka lang ba?", tanong ko.

"Pasensya na. Di lang talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko alam na ganoon ang kuwento ng Haring Helios.", "Prinsesa, kung ganon nga ang nangyari. Paanong ikaw ay nananatili parin dito?", tanong niya kay Kuro.

"Gaya nga ng sinabi ko, kaming lahat ng mga magkakapatid ko ay nagisa sa espada at nang mahati kami sa mga bahagi ay naging sariling sandata kami bawat isa. Kaming lahat ay kumalat sa buong GAIA at di ko na alam kung nasaan pa ang aking mga kapatid.", paliwanag niya.

"Kung ganon naman ang nangyari siguro kahit papaano ay alam mo pa kahit ang pangaan ng mga kapatid mo.", sabi ko.

"Natatandaan ko pa ang mga pangalan nila, pero yung itsura nila nakalimutan ko na.", sabi niya.

"Si Haxa Nol Helios ang panganay, siya ang pinakapinagkakatiwalaan sa pamumuno ng sandatahan. Si Nalice Ihm Helios ang pinakamasipag sa lahat naming mga magkakapatid, inaako niya halos lahat ng mga responsibilidad kahit hindi mo siya pagwikaan. Si Rousellia Vl'r Helios ang kasama ng hari sa kaniyang mga nalakad at siyang ikalawang puno ng sandatahan. Si Mira Kei'l Helios ang ika-apat siya naman ang aking kapatid na mahilig lumabas masok ng palasyo, mahilig tumuklas ng mga bagong bagay. Si Delhiah 'Ahn Helios ang ika-lima na siyang paborito ni mama kung kayat ipinangalan ito sa kaniya, siya ang madalas na kasama ni mama kung saan man ito magpunta. Ang ika anim ay si Minerva 'Le Inlo Helios, ang pinaka maingay sa lahat ng mga magkakapatid pero siyang pinakakinagigiliwan ng aking mga nakatatandang mga kapatid at ng hari. Si Aera 'Joi Helios ang pinaka matalino sa aming mga magkakapatid na siya ring tactician ng papa namin sa bawat trahedyang dumarating sa buong GAIA. Ang ika-siyam ay si Leoira 'Naol Helios na siyang ipinangalan sa isang isang bituin, kinagigiliwan ng lahat ng mga mamamayan kahit saan man siya magpunta. At ang pinaka bunso ay si Mara Fin La Helios ang pinakamamahal at pinakainiingatan ng buong pamilya dahil sa dakilang regalong ibinigay sa kaniya ng mga dios."

"Bakit ang ganda ng mga pangalan ng mga kapatid mo, Aera, Delhia, Leoira. Pero sa iyo parang galing sa bangketa.", sabi ko at binatukan ako ni John.

'Huwag ka ngang bastos!", sabi ni John.

"Yung dahilan daw kung bakit Kuro ang pangalan ko ay dahil Kuro ang pangalan ng lahat ng kontinente sa buong GAIA ng ito'y nagkakaisa pa.", sabi niya. "Pero oo para nga lang pinulot sa bangketa.", dagdag pa niya.

Hindi namin namalayan ang oras at alas siyete na nga ng gabi kaya nagpaalam na si John sa akin at umuwi na.

Naiwan na lamang ako sa bahay at nagisip-isip pagkatapos kong maglinis at kumain. Gagabihin na ng uwi si mama kaya nagiwan nalang ako ng pagkain sa mesa kung sakasakaling uuwi siya.

Sa kakaisip ng mga bagay bagay tungkol sa kuwento ni Kuro ay nakatulog na nga ako. Bigla ko naman naisip kung bakit ilang araw na at di pa ako nakakabalik sa GAIA. Sa pagkakataong ngang iyon ay nakabalik ako sa GAIA.

Next chapter