((( Monina POV's )))
Binuksan na nila ang celda ko. Malaya na ako. Nakita nang wala talaga akong kinalaman doon.
Pinuntahan ko na ang kapatid ko sa paaralan nila. At masasapak ko talaga sa katangahan ni Caroline. Napapadaya na nga, nagpahalata pa.
Pinuntahan ko kaagad yung faculty, at sinalubong ako ng isang teacher. .
"Ms. Alvarez po. Kapatid ni Caroline Alvarez."'
"Ay, maupo kayo Miss." hila ng isang upuan.
Asaan ang kapatid ko?
"May klase sila ngayon at kanina pa nga kami naghihintay sa inyo. Ikaw daw ang guardian ni Caroline ngayon?"
Napatango ako. Sa kapatid ko yun , wala akong magagawa. At irest assure sa teacher na di na nga uulitin ng kapatid ko ang ginawa nitong kalokohan.
Ngunit ako ang nagulat dahil…
"Dadalhin namin sa international competition ang kapatid mo."
"Po?"
"Dance Competition. Sa galing nito sumayaw, malayo ang mararating niya. Wag kang mag-alala Miss Alvarez,. Isho-shoulder ng school ang gastusin niya."
Parang ang tagal magloading ng isipan ko. Pumunta ako dito dahil daw sa kalokohan niyang ginawa tapos ito ang malalaman ko?
"May isang buwan pa sa paghahanda. At gaganapin nga sa Hongkong ang Dance Competition. Masisigurado ko din Miss Alvarez, simula na ito ng career niya."
Career ng kapatid mo.
Namalayan ko na lang sarili ko pabalik na ako sa school namin. Sinabi ko na kakausapin ko muna ang pamilya ko tungkol dito. Lalo na si Papa.
Kung willing talaga si Caroline, at para sa ikakabuti niya. Go.
Ngunit malalayo sa akin ang isa kong chanak na kapatid. Worst. Di maaring magsama ng guardian. Nasa tamang edad naman din daw si Caroline.
Big break na dapat pag-isipan.
Natatakot ako na baka may masama sa kanyang mangyari sa ibang bansa. Andito pa naman yung dalawang kakampi niyang kaparehong uri ng chanak.