webnovel

Chapter 33 Send Him To Abroad

((( Secretary Lee POV's )))

Kasama ko ngang umuwi si Young Master Dominic. Maaga ko din ito ipina-abot kay Master Cedrick ang gusto nitong mangyari.

Sinalubong kami ni Rhoa. Napatitig ito sa kasama ko. Saka nga hinatid kami kung nasaan si Master Cedrick naghihintay.

Sa basement nito.

Isang dinding na di mo akalain na pintuan pala ang bumukas sa amin. Bumaba kami ni Young Master Dominic. Nadatnan namin siya na abala saharapan ng maraming botelya at may hinahalo-halo ito.

Nanatili akong nakatindig sa tabi habang si Dominic napaupo na lang itong walang paalam. Nga naman, wala sa kanyang masamang gagawin ang kapatid niya.

"Babae lang pala ang magiging rason para mapadalaw ka sa pamamahay ng kapatid mo."

"Let me correct it. Di ito bahay. Isang kulungan ng abnormal na kagaya mo."sagot kaagad ng kapatid niya.

Ngumisi lang si master Cedrick. Ipinagpatuloy niya ang pagtimpla sa ilang chemical.

"Tigilan mo na siya."

"Kung ganoon siya pala ang magiging kahinaan mo?"

"Cedrick Marlan Wu."serysosong tawag ni Young Master Dominic sa panagalan niya.

"Tigilan mo siya."

"Ayoko na nagkakaroon tayo ng kahinaan Dominic. Layuan mo ang babae. Manganganib ang buhay mo dahil sa kanya."

"No."

"O kung hind ang buhay ng babae ang manganganib."

"May konektion ba ito tungkol sa nangyari sayo noon?! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang ilang myembro ng pamilya natin."

"Tsk!"saka sumabog ang ginagawa ni Master Cedrick. Inalis nito ang gloves niya. At salamin sa kanyang mata.

Lumingon sa kapatid. Nakatayo na ngayon si young Master Dominic.

"Kuya Marlan, di ako kagaya mo na mahina."

Ngumisi lamang si Master Cedrick.

"Fine brother. Here's the deal. Tatapusin mo ang pag-aaral mo sa abroad. At di ko gagalawin ang babaeng yun!"

"Gusto mo talaga akong ikulong."

"No. I just want to protect you. Alam mong marami ang gusting pumatay sa atin!"

"Because of your bulshit na ginawa mo. Pumatol ka sa isang babae na alam mong marami sa kanila ang gustong pumatay."

"Are you talking about my wife? How dare you."

Napasenyas si master Cedrick at sumulpot nga si Rhio.

"Send him to abroad."

ตอนถัดไป