Tumawa ulit ang babae, kita ni Rain ang panlilisik ng mata nito at nagiging pula na. Tuluyang na blangko ang utak niya at naestatwa nalang sa kinalalagyan.
"Nako po!" Reaksyon ng janitor nang mabitawan ang hawak nitong mop dahil sa mga dala nitong walis, dustpan at pati lalagyan ng tubig ng mop. The noise echoed in the hallway.
Dahilan na rin yun ng paggising ni Rain sa pagkatulala. He blinked a few times and shook his head. Nang tumingin uli siya sa babae ay nakangisi pa rin ito sa kanya, nakakakilabot but he can finally move his feet. He turned around and ran away from it. Lumabas siya sa building na yun patungong parking lot. Saka lang siya tumigil nang masigurong nakalayo na nga siya dito. He bent down, hands on his knees while still panting from running that fast.
Shit! Shit! Shit! What just happened? White lady ba talaga yun? Bwesit! Mamatay ata ako ulit sa takot. Bulalas niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang totoo nga ang mga napapanood niya sa mga pelikula. But they are more freightening to experience in real life. Pakiramdam niya ma tutrauma ata siya dahil sa nakita. "Shit! Kung nakakita ako ng isa, makakakita pa ako ng iba." Saka niya lang naisip yan. And it is very possible, he's also dead like them kaya makakakita siya ng ibang kaluluwa.
Tumayo na ulit siya ng maayos and decided to get away from everyone, from that place. Gusto niya munang magpahinga sa lahat. But then, he don't know where to go. He haven't seen his friends inside yet. Balak niyang puntahan ang mga to para malaman kung kumusta na sila. Pero di niya alam kung sino ang unang pupuntahan. Then he stopped, kanina pa nasa isip niya ang isang taong yun. He don't know why but it feels like his heart is breaking over and over. Nanghihinayang siya sa hindi niya alam. Feels like there's a hollow in his heart.
Nakapameywang nalang siya, bumumtong-hininga, hindi alam kung anong gagawin. Di rin naman kasi niya alam kung nasan ang taong yun, at alam niyang hindi yun darating sa lamay.
He cupped his pocket inside the leather jacket he's wearing. Napangiti siya sa sarili. Atleast he died with a style or fashion as they call it. He's wearing a not so tight black jeans, navy blue v-neck shirt and a black leather jacket, he even have his basketball shoes on and his precious necklace. May ganong kwentas din si Raimer, pinagawa yun ng mga magulang nila, regalo last two years when they turned 16, both are pure silver. Panlalaki naman ang kwentas at may pendants pa. They have the same shape of a pendant pero magkaiba ang design sa harapan, sa likuran ay pareho. Hugis kristal. Rain's design in his pendant's front are three engraved raindrops, made from crystal stones. Kaya kahit sagasaan yun ng gano kabigat ay hindi masisira ang pendant. Ang design naman ng kay Raimer ay isang kristal din na nakabaon, ang hugis ay male v-neck shirt. At the back of their pendants are their combined designs, a shirt under the raindrops.
It's funny to think that they got their names from how their parents met. It was raining heavily that day when their parents are walking on their own, kaya naghanap sila ng pwedeng masilongan, and both ended up at Raimnants, a store for garments, clothings, dresses etc.. That's how they came up for Raimer and Rain's names and symbols.
So that's why their necklaces are very precious to them. Napabuntong-hininga ulit si Rain. Pagod na siyang umiyak. He'd been a crybaby enough.
Kinapa nga niya ang bulsa at nahawakan ang cellphone. Nagulat siya at kinuha yun. In-on niya agad pero ayaw gumana. Nagtaka siya, hindi naman ito lowbat nung huling gamit niya. Napabuntong-hininga ulit at binalik nalang yun sa bulsa. Tumingin siya sa kanyang wristwatch, hindi rin gumagana. "Shit! Anong oras na ba?" Naiiritang tanong niya. Dumidilim na rin kasi ang paligid. He brushed his hand through his tousled hair, malambot pa rin naman buhok niya.
His mind is running, naisipan niyang pumunta nalang sa club kung san siya dinala ng mga pinsan niyang babae. Tumango sa naiisip at nagsimula ng maglakad papunta sa highway, makikisakay na naman siya sa mga sasakyang dadaan. Nang makasakay ay ginawang komportable ang sarili sa backseat ng isang kotse. Kahit patay na ay syempre gusto pa rin niyang malinis ang lahat ng mga bagay na gagamitin or kotse na sasakyan.
Malapit lng naman ang club kaya nang dadaan na ito ay insaktong tumalon na siya. Dumiretso siya papasok kasi wala rin namang nakakakita sa kanya. Syempre dumaan pa rin siya sa entrance kahit nakakalampas sa mga pader. It gives him chills pag lumalagpas sa mga bagay at mga tao, tumatayo balahibo niya. Kaya as much as possible ay umiiwas sya.
Pagpasok sa loob ay konti palang ang mga tao. Karamihan mga lalaki. Same bartender that he saw talking with Faith week ago na nasa bar. He scanned for a spot to stay. But he finally decided to just stay at the back, where he can see everyone, even white ladies or any other ghosts. He folded his arms and lean at the wall behind him. Then he jerked away from it sabay harap sa pader.
"What the?!" Napapitlag siya sa nangyari. Hindi siya lumagpas sa pader, nakasandal pa siya. Then he touched it again, lumagpas ang kamay niya. Nagtaka na naman siya. Sinubukan niyang sumandal ulit but this time, lumagpas na siya. He's getting frustrated again. Bumuntong hininga at hindi na lang pinansin ang nangyari. He's here to give himself a break.
Sumandal ulit siya and he felt the coldness of the wall. He sighed, finally something to lean at.
As time goes by, people started walking in, filling the tables, napansin niya na halos lahat ng pumapasok ay couples. Romantic club nga ata talaga yun. Hindi pang rock ang music sa background, kundi romantic songs and rnb's, basta yung mga hindi masakit sa tenga pakinggan. Pero sa kanya, nakakairita. He feels so out of place kasi hindi niya talaga type ang anything romantic. Though he know how to seduce women, he knows how to be romantic, pero hindi niya pinapakita yun sa kahit na sino. He'll show it when someone deserves it from him.
Bununtong-hininga si Faith nang makapasok na rin sa club. It's almost 7, malapit na siyang mahuli sa trabaho. Dumiretso siya sa bar counter at humingi ng tubig kay Jayce. Binigyan naman siya nito agad.
"Bakit pawis na pawis ka?" Tanong nito at kinuha na ang basong ginamit niya.
"Tumakbo na ko papunta dito. Wala akong masakyan na bus eh." Paliwanag niya.
Pinagpapawisan nga talaga siya. Ramdam niya ang pagod sa katawan, galing pa kasi siyang school, tumulong sa paglinis ng mga classrooms. Nagbihis na rin siya don at dumeritso na nga sa club. Dagdag pa sa bigat ang dala-dala niyang gitara. Sinandal niya yun sa gilid at umupo.
"Wala bang mga special numbers ngayon?" Yun yung mga inserted numbers ng mga taong gusto magperform sa platform.
"Wala naman." Sagot nito na nagpupunas ng baso.
"Si boss, nasan?"
"Nandon sa storage room, nag aayos ng stocks. Lalabas din yun mamayang sandali. Kanina pa siya nandon eh." Sagot nito at tumingin na sa kanya pagkatapos ng gingawa. "Ano kakantahin mo?" Interesadong tanong nito.
"Basta. Pakinggan mo nalang." She leaned her elbows on the counter. Pinapahinga ang sarili saglit. Inaalala ang kaganapan sa school, usap-usapan ang pagkamatay ni Raimer Azarcon. Nalungkot din naman siya sa nangyari. Alam niya ang pakiramdam ng nawalan dahil tungkol don ang lahat sa nakaraan niya. Well, lahat naman nawawala.
Nakita ni Rain ang pagpasok ni Faith sa club, syempre, ano pa ba inaasahan niya, hindi naman siya nito makikita. Sinundan niya ito ng tingin, lumapit agad sa bar at humingi ng tubig. Nilagay nito sa gilid ang gitara at umupo ng maayos. Nag-uusap ito at ang bartender. Seryuso siguro kasi hindi tumatawa ang mga to. He wanted to approach them pero pakiramdam niya mas masasaktan lang siya. Hindi naman siya makakasingit, hindi niya mapuputol ang koneksyon ng dalawa. He clenched his fist, namumuo ang galit sa puso niya ng hindi alam bakit. He gulped and turned his eyes away. He walk out of the club and just stayed there. Madilim na ang kalangitan, mga nasa alas-siyete na ang tantya niya sa oras. He decided to get home. Ayaw na niyang bumalik don sa memorial house. Baka masalubong na naman niya yung white lady. Napapikit siya, tumitindig balahibo niya pag naaalala yun. Many more will come, marami pa siyang makikitang iba. But for now. He wanted to rest. So he started his journey home. Hitching a ride, many rides rather kapag iba ang dinadaanan ng sinasakyan niya.
Lumingon si Faith sa bandang likuran ng club. Kanina niya pa kasi nararamdamang may nakatitig sa kanila ni Jayce. Nasa isip niya na baka kaluluwa na naman yun pero iba ang pakiramdam niya dito. Nang tumingin na siya ay wala ng tao don. Pinagkibit-balikat nalang niya ang nasa isip. Dala na rin siguro ng pagkaparanoid niya kaya naisip yun.
Tumayo na rin siya dahil alam niyang siya na ang tutugtog. Binitbit na niya ang gitara sa platform at inihanda yun pati ang sarili. Pumwesto na siya sa gitna, ayaw niyang umupo ngayon kaya nakasabit lang ang gitara sa kanya.