webnovel

Chapter 13: WEIRD

Nakaupo lang si Raimer sa kanyang kwarto sa mansyon. Sobrang dami ng tumatakbo sa isip niya. He still can't believe that a situation like these would befall in them. Nakatulala nalang siya. Nasan na kaya ang kaluluwa ni Rain? Baka nagkapalit kami at nasama siya sa pagkamatay ng katawan ko.. Mga pag-aalalang tumatakbo sa isipan niya.

Tapos biglang tumunog ang cellphone na nilagay sa tabi lang niya. Kay Rain ang phone na yun, hindi to nabasag, di gaya ng sa kanya. Kinuha niya yun at tinignan ang screen. Si Michell ang tumatawag. Di niya alam kung sasagutin ba o hindi. Hindi pa rin siya makapagdesisyon hanggang sa natapos ang tawag. Tumunog naman ulit ito at sinagot na niya.

"Rain, nasan ka?" Bungad agad nito sa kabilang linya. Mahihimigan ng pag-aalala ang boses nito.

Parang pinipiga ang puso niya pag naririnig ang ngalan ng kakambal, lalo na at ito na ang tawag sa kanya ng lahat. Pati kay Michell, alam niyang ganon lang ito ka concern kasi si Rain ang nakikita nito at hindi siya.

"N-nasa bahay." Nauutal niya pang sagot. Kahit papano ay sumasaya rin naman siya sa atensyong binibigay nito sa kanya.

Rinig niya ang pagpakawala nito ng buntong-hininga. "Oh, buti naman nandyan ka lang." Mas relax na ang boses na sagot. "Gusto mo puntahan kita? Gusto ka rin bisitahin ng barkada."

Napaisip siya saglit, then, "No. I want to sleep. Bukas nalang tayo magkita." Hindi pa siya handa na harapin ang lahat. Di niya alam kung ano ang gagawin at ikikilos sa harap ng mga 'to. He decided to keep everything a secret for everyone. Mas lalo lang gugulo ang sitwasyon pag nalaman nilang siya ang nasa katawan ni Rain. At masasaktan din niya ang babaeng mahal niya. "Sa school." Dagdag pa niya. Gusto na ring pumasok bukas para hindi na siya magmukmuk at ayaw munang isipin ang tungkol sa kakambal.

"Okay, sige." Sumigla na ang boses ni Michell. "I'll see you tomorrow."

"Yeah." Maikling sagot niya at pinatay na ang phone. Hinayaan niya itong malaglag sa ibabaw ng kama at humiga siya deritso. He sighed as his back touched the bed linens. Pumikit siya at inalala ang pag-uusap nila ni Michell. Magsasama silang magbabarkada bukas. Nako, bakit ko yun nasabi? I'm not yet ready to meet them tomorrow. Di niya alam anong pumasok sa utak niya na nasabi yun. Ramdam niya ang panghihina ng katawan at pinikit na ang mga mata. Di nagtagal ay nakatulog na si Raimer.

Narinig ni Rain ang usapan ni Raimer at Michelle dahil pumasok siya sa kwarto nang kakambal ng at hindi inaasahang nandon din yun. Ngayon, nakapikit na ito at natutulog. Akala niya, doon ito matutulog sa kanyang kwarto pero nandito ito sa kwarto nito. Ngayon nakatayo siya sa gilid ng kama, napaisip kung ano ang balak nitong gawin. Papasok na ito sa school bukas, makikipagkita sa lahat, balak kaya nitong sabihin na ito si Raimer? Or papanindigan ang panlabas na anyo bilang siya? Di niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kakambal. Gusto niya itong kausapin, pero ayaw na niyang mas dagdagan pa ang kaguluhan sa utak nito pag nalamang nasa paligid lang siya. Nakabantay sa kilos ng lahat.

Umiling si Rain para mawaksi ang nasa isipan. Tumalikod na siya at nagpasyang magpahinga na din gaya nito. Kaya pumunta na siyang kwarto niya at pabagsak na humiga sa kama. Ramdam niya ang lambot nyon but he didn't bounced at nakitang walang lukot ang hinihigaan. Hindi na niya yun pinag-isipan at umidlip nalang.

Kinabukasan, sa school cafeteria ay nakaupo si Faith sa order counter. Sa ilang araw na dumaan, pansin niya ang pagbago ng ihip ng hangin sa skwelahan. Alam niyang maraming naapektuhan sa pagkawala sa isa sa sikat na kambal. Si Raimer pa ang nawala na siyang pinakagusto ng lahat dahil mabait ito at mapagkumbaba, hindi tulad ni Rain na mahilig sa gulo at mayabang pa, kaya marami din itong kaaway.

Bahagyang natahimik ang buong cafeteria. Napansin ni Faith na nakatingin halos ang lahat sa entrance. Tumingin din siya at nakita si Rain, pati mga barkada nito. Naka shades ito, siguro ayaw ipakita ang pamumugto ng mga mata dahil sa pag iyak nang mawala ang kakambal. Naglakad na ang grupo nito patungo sa pwesto ng mga sikat. Always nakareserved sa mga ito ang center table.

Binawi na ni Faith ang tingin at pinagpatuloy na ang ginagawa.

Hindi tinanggal ni Raimer ang shades kahit nasa loob na ng cafeteria. Pinagtitinginan nga siya ng lahat pero di na niya pinansin yun. Kasama niya ang barkada at si Michell. Hindi siya halos kumikibo at tahimik lang sa grupo. Sobra din ang kaba niya na baka mahalata siya ng mga ito anytime. He can't really adapt what exactly Rain was. Dahil sadyang magkaiba lang sila ng kakambal niya.

"Bili lang ako guys." Pagpapaalam niya at tumayo na papuntang counter.

"Wait, ako rin." Sumabay si Michell dito. Humabol siya kay Raimer.

Nang makita ng nakalinyang estudyante na papalapit silang dalawa ay tumabi ang mga ito. Pero huminto si Raimer sa likod ng pinakahuling estudyante. Nagtaka ang lahat, pagkatapos ng ilang sandali ay humarap nalang uli sa counter.

"Rain?" Tawag ni Michell na nasa likuran niya. Tumingin siya dito. "Bakit hindi ka sumingit?" Pagtataka nito.

Natigil siya, his body stiffened. Saka lang naalala na sumisingit nga pala kakambal niya palagi. Ayaw nitong naghihintay. Kaya pala tumabi ang mga estudyante nong papalapit siya. Nakalimutan niyang si Rain nga pala siya sa mata ng lahat. Nag-isip siya agad ng madadahilan.

"Ayoko lang sa ngayon." Maikling sagot niya at binalik na sa linya ang atensyon.

"Ah, okay." Tumahimik nalang si Michell.

"Dito ka." Lumabas si Raimer sa linya at marahang pinaabante si Michell sa pwesto niya at pumalit siya sa pwesto nito.

Napatitig si Michell sa kanya. "Bakit?" Tanong niya dito, para namang hindi pa to sanay sa kanya.

"Si Raimer lang kasi ang gentleman sakin." Sagot nito. "I also miss him, Rain. But you don't have to act like him." Mapait na ngumiti ito sa kanya. Buti hindi nito nakikita ang mga mata niya na puno ng sari't-saring emosyon.

"Sorry." Mahinang sambit niya at umiwas na ng tingin dito. "Ikaw na."

Humarap na si Michell kay Faith at um-order. Pagkatapos nito ay si Raimer na. Pinauna na nito si Michell na bumalik sa grupo.

Matalas ang titig ni Faith sa kanya. Gusto na niyang umalis sa harap nito kaya minadali niya ang pag order.

"One plate of spaghetti and bottled water, please."

Napansin niya ang bahagyang pagkagulat nito pero kumilos na rin. Ito nga ang babaeng lihim na gusto ng kapatid niya. Mabilis ang pagkilos nito at kinuha na niya ang tray sa counter. "Thanks." He mumbled and moved out of the line.

Napakunot-noo si Faith habang sinusundan si Rain ng tingin na pabalik sa grupo nito. Did she heard it right? Nagpasalamat ang lalaking yun sa kanya? And what's more is, hindi ito sumingit sa linya, he fell in line like any other students. But the most surprising, um-order ito ng spaghetti. Sa pagkakatanda niya, never pa to um-order niyon, mukhang di ito mahilig. Si Raimer ang palaging bumibili ng spaghetti. She feels like there's something wrong, something weird about him.

Hay naku, Faith. Napapadalas na ang pag-iisip mo sa lalaking yun na hindi naman dapat. She shrugged and brushed away the thought herself. Gusto niyang sipatan ang sarili sa naiisip.

Rain finally came inside the cafeteria. Naglibot pa kasi siya sa buong school bago bumalik sa tabi ng kapatid. Sa paglilibot ay nakita at napansin na apektado din pala ang karamihan sa pagkawala ni Raimer. Well, the mortal Raimer. Kilala din kasi ito dahil matagal ng myembro ng Supreme Student Council or SSC sa school nila. This year, balak sana nitong tumakbo as the SSC President. But now, he can't, he'd ruin everthing for him. Nakakasira din ang reputasyong naiwan nya dito.

Winaksi niya ang lahat ng nasa isipan nang pumasok na siya sa cafeteria. Wala na rin namang magagawa ang mga nararamdaman niya.

Pagpasok ay wala siyang inaasahang titingin sa kanya or tatawag. But then, napahinto siya nang ilan sa mga tao sa loob ay napatingin sa kanya at ang iba ay napasinghap pa. He looked at them with wide eyes and jaw opened.

Bakit nila ako nakikita? How-- Natigil ang tanong niya sa isipan nang isang babae ang naglakad palapit sa kanya, nakita niyang lumalagpas ito sa mga mesa, upuan at mga tao.

"Rain? Paano ka naging isa sa amin?" Curious na tanong nito nang nakalapit na sa kanya.

ตอนถัดไป