A coffee lover girl bound her life with her self made rules to weasel out from repeating same mistakes from the past-- falling in love so easily. But found her heart being caged by these rules, in such, brought herself in a turmoil.
"Anak ng kwago! Bianca! Matulog ka na!"
Umalingawngaw ang baba ng aming bahay na katatapos palang irenovate at lagyan ng malaperlas na mga tiles.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa oras? Oh! Tingnan mo madaling araw na! Di ka pa rin ba matutulog, hang bata ka?"
Nakaiiritang mga tanong ni Mama, dumagdagdag pa ang nakakainis niyang bagong salon na buhok na may pa curl-curl pa sa dulo pati ang malapito niyang boses kung magsalita. Ang aga-aga sermon agad. Literally speaking, ang aga-aga. Alas dos na kasi ng madaling araw, Oktubre isang linggo bago mag-Nobyembre. Malamig na ang simoy anupat ang mga kuliglig wala paring tigil sa paghuni kasabay nito yung mga kukak ng mga palaka sa palayan, dun malapit sa likod. Nagpaingay pa sa kanila ang katatapos palang na bagyo na dumaan sa amin.
Malakas yung ulan kaya't napuno ng tubig yung pakayan sa likod ng bahay namin. Hindi naman kalakihan ang aming property. Ilang hakbang lang mula gate namin, frontyard na, na may isang puno ng mangga at poso sa baba nito; sunod na ang aming bahay at backyard. Dun ako madalas tumambay sa tree house malapit sa may palayan. Marami kasing mga puno sa bakuran namin, alam nyo na Agriculture and Fisheries kasi ang major ko ng nag-aaral pa ko. Tyaka pangarap kong maging florist, pero imbis mga bulaklak, mga puno ang napagtripan ko. Kadalasan mangga at narra ang napapalaki ko ng malusog, may ilan ring kalamansi tyaka dalanghita. Tapos kung lumago na 'to pinagagawan ko 'to ng tree house kay kuya Henry, tatlong taong na mas matanda sa akin.
"Hindi ka pa ba talaga matutulog?" Pumasok na si mama sa aking kwarto na may dalang maliit na parihabang unan sabay hampas nito sa aking ulo na nakatutok sa laptop.
"Aray!" Napatingin ako sa kanya. Nakakulubot na noo ang una kong napansin saka mapula't yupyup na mga mata ni mama. Tila nagising siya sa ilaw ng aking kwarto.
Actually kasi hindi ako sanay matulog na nakasara ang pinto ng aking kwarto. Kaya't hinahayaan ko lang itong bukas. Nagkataon na yung liwanag ng ilaw nagrereflect pa hanggang doon sa sala since sina mama sa sala pa natutulog together with my bunsong kapatid na si Bastie. Cute and bibong bibong 'tong si Bastie. Since he is just seven years old kaya't mas gusto niyang tumabi kila Mama kapag natutulog imbis dun sa kwarto niya kasunod lang ng kwarto ko.
"Matulog ka na! Tingnan mo yang mga eyebags mo. Ang laki laki na nga ng mga mata mo pati eyebags papalakihin mo pa!"
Napasimangot ako sa sinabi ni Mama.
Oo alam ko pangit ako. Hindi naman ako maitim, di naman sungi mga ngipin ko, ayos naman ang dalawa kong kilay kahit di nag-aahit. Sadyang hindi lang talaga gusto ng mga tao ang malaki kong mata.
Singkit ako! Oo, kapag nakatawa ng sobra.
"Oo na, oo na. Malaki mata ko... " nakasimangot kong tiningnan si mama... "...hindi ako natutulog ng matagal.."
Tinitigan din ako ni Mama.
"Oo..alam ko kwago ako...pero... "
Bigla akong nagsmile.
"Isang episode nalang oh. Ma. Please. Oh"
Sabay hampas sa akin ni mama ng malambot na unan.
"Isang episode...isang episode ka dyan. Hala. Matulog ka na." Dinalatan ako ni mama.
Walang epekto.
"Ma. Isang episode nalang naman ang tira, magrerelease na naman to next week. Please." Nagbeautiful eyes ako not really beautiful.
"Eh di bukas ka na manood...hala sige matulog ka na." Tinapik ni mama ang balikat ko sabay pindot ng pinakaunahang button sa keyboard ng laptop ko.
"MA! Ehhhhh." Sinipa-sipa ko ang sahig. Immature noh.
"Ba't mo pinatay? Eh kita mo nang may dinadownload ako rung album ng BTS eh."
Minadali kong binuksan ang laptop.
"Aba aba. Tingnan mo 'tong batang to. Hay!! Dyosko!" Napakamot ng malakas si mama sa kanyang ulo.
"Hala! Bukas na bukas mag empake ka."
Napatigil ako sa pagbukas ng laptop ko sabay tingin kay mama.
"Huh? I mean. Po Ma? Anong sabi nyo po?"
"Narinig mo ako. Mag empake ka bukas."
"Bakit po? San po tayo pupunta?"
"Walang tayo. Kayo ng kuya mo."
Napanganga ako sa sinabi ni Mama. I really don't know how to react. Sa city kasi nagtatrabaho si kuya. Hindi ko kakayaning mabuhay sa syudad, ni maglakad nga ng mag-isa di ko magawa.
May isang beses nga nun, nung sumakay kami sa MRT sa Guadalupe, nung dadaan na sana ako dun sa machine, nakalimutan ko kong anong tawag, yung kelangan ng ticket. Imbis na ipatong ko lang yung ticket dun sa ibabaw, I tried to insert it dun sa butas sa baba. Buysit nga eh. Ang daming tao. Kakahiya.
At nung papalabas na kami dun sa terminal sa Shaw, ipinatong ko na lang yung ticket. Dapat pala dun sa baba iiinsert. Eh rush hour pa naman nun, ang daming nairita. I'm sure, I'm not alone. Wish ko yan. Sana hindi lang ako ang nakaranas nun.
Isang saglit pa, naalala ko yung mga puno ko at yung mga bagong punla na tinanim ko just the other day. Wala sa kanilang mag-aalaga. Pinilit kong magsmile sabay tayo at niyakap braso ni Mama.
"Ma. wag ka nga pong mag-joke ng ganyan.Oh. Ma, tingnan niyo."
Biglang kong naupo sa kama ko't isinara yung laptop.
"Matutulog na po ako, Ma."
Matagal akong tinitigan ni Mama. Straight down to my eyebags siya tumitig.
Nakakainsulto noh. Napapagkamalang mata yung eyebags ko.
Nagmumukha tuloy na mas maganda pang magka-eyebags nalang ako kesa magkarun ng malaking mata nato.
"Oh siya, matulog ka na. "
Sabay buntong-hininga niya bago siya umalis sa kwarto.
As for me, syempre masunuring bata, sabay lagay ng laptop sa study table ko at kinuha yung cellphone at nag set ng alarm. Five sets. Lagi naman.
Merong 5:00, 6:00, 6:30, 6;45, tapos 7:00 . Pero nagigising ako niyan mga bandang 8:00 na. Galing noh. Galing ng mga mata ko. Tignan mo tuloy ang lusog lusog na.
Nahiga na ako sa kama na printed with mukha nina Lee Jong Suk, Nam Joo Hyuk, Taehyung, Zico, Chanyeol tyaka marami pa, except dun sa mga taken na as in kasal na kagaya ni Big Boss.
Kasi Coffee Rule #3: Bawal pagpantasyahan ang officially taken na!