webnovel

Bea and Alicia

"Phew! Hay. Salamat. Nagkaroon din ng break." Lupaypay na bumagsak si Bea sa malambot na sofa sa loob ng opisina ni Roschelle.

Several days na silang ganito kabusy.

Halos ilang oras lagi silang paikut-ikot ni Josh kung sunud-sunod pupamasok ang mga customers kasali na rin ang mga fans ni Josh na walang tigil sa pagpicture sa binata.

Napatulala si Bea sa kisame habang inaalala ang mga nangyari the past month.

'Asan na kaya si Cody?' She asked herself.

TRING!

Biglang tumunog ang chimes na nasa taas ng pinto.

'Ah! Customer again.' She lazily thought saka nababagot na napatayo.

"Good morni-" Naputol ang sasabihin sana ni Josh. Napatingin si Bea sa binata saka niya ibinaling ang tingin kung sino ang pumasok.

"Good morning..." Napatigil din si Bea nang masilayan niya ang pumasok...

"...maam." And she slowly added.

It was Alicia and some company. Mukhang yayamanin ang mga kasama.

Gaya ng reaksyon nina Josh and Bea, nabigla rin ang dalaga nang makita ang dalawa na nakatayo sa counter. However, her red lips suddenly curved up. Her feet wearing high heeled shoes stepped closer to the counter as she flipped her wavy hair na abot hanggang balikat.

Napataas ang isang kilay ni Josh saka kunot ng noo.

"What a small world. I would never thought na isang kahera lang pala... ang nagpahiya sakin sa harap ng maraming tao." Tumaas ang kilay ni Alicia.

Bea's eyes suddenly quivered dahil sa sinabi niya.

'Napahiya? Do you think hindi ko alam na ikaw ang nagkalat ng mga maling isyu tungkol samin ni Steve?' Sabi ni Bea sa kanyang isipan habang tinititigan ang dalagang pulang-pula ang labi.

"Kung alam ko lang..." Biglang nagbuntong hininga si Alicia as she continued...

'Kung alam ko lang? Ikaw ba talaga dapat ang magsabi niyan? Kung alam ko lang sana na ganito mo ako tatratuhin, hindi na sana ako umasa na magkaibigan pa tayo.' Sabi ni Bea sa kanyang isipan.

"I would like to order 3 Americano." Nakasmile na order ni Alicia.

"..." Napakunot ang noo ni Josh at walang balak magsalita. His eyes were fixated sa expression ng dalaga na tila hindi siya nasisiyahan sa kanyang nakikita.

Napansin ito ni Bea kaya't agad na siyang nagsalita.

"Right away, Maam." She said na parang hindi kilala ang kausap.

"3 Americano." Inulit ni Bea ang order ni Alicia saka siya pumindot sa teller machine.

"Here's your receipt. You could wait on that area while we prepare your order." Sabi ni Bea ng mahinahung mahinahon.

"Pft." Biglang pigil ng tawa ni Alicia as she slowly get the receipt na iniabot ni Bea tapos inabot ang kanyang bayad.

"Alam mo... bagay na bagay ka talaga jan. Haha. Hindi kasi bagay sayo ang... dress gaya nung suot mo sa reunion... ang pangit pangit mo dun eh. Hindi ko akalain that kind of clothes would suit you best." She said.

Josh suddenly squinted his eyes.

"You-!"

"Yun..." Pinigilan agad ni Bea ang kamay ni Josh sa pagtaas as she abruptly said...

"Yun po ang hintayan... kasi ihahanda pa po namin ang mga inorder niyo. Pasensya po Maam.... para po kasing hindi niyo naintindihan ang english ko." She added saka itinuro ng kamay niya ang waiting area kung saan nakaupo na ang dalawang babaeng kasama ni Alicia.

"What?" Biglang napakunot ang noo ni Alicia.

"Pft. Okay okay. Just keep your cool. Until you can." She said saka pumunta na sa waiting area.

"Josh..." Ibinaling ni Bea ang tingin niya kay Josh.

"...mas magandang timpi-timpi muna tayo. Okay?"

"..." Mas napakunot ang noo ni Josh. He grabbed the scoop ng coffee beans saka nagsimula nang mag-grind.

Bea shifted her gaze papunta sa gatas saka nagsimulang magfroth.

"Here's your order, Maam. Thank you very much." Sabi ni Bea saka niya inalapag ang tatlong coffee sa counter table.

"Well, thank you."

Sabay-sabay na lumapit ang tatlo na tila natatawa.

Alicia grabbed one saka nagsimulang inumin ito.

"Bleh!" Napabuga ng coffee ang dilag na para bang nandidiri sa kanyang ininom.

"What is this? Is this even a coffee?" She said saka tiningnan ang coffee habang nandidiring hawak-hawak ito.

"You!" Mas lalong uminit ang ulo ni Josh. Kunti nalang at mapupunit niya na ang hawak hawak niyang pamunas ng kamay dahil sa higpit na pagkakatikom ng kamay niya.

TRING!

Bumukas ang pinto ng shop.

"I am very sorry, Maam. But we can't accommodate you for now. Kung hindi niyo gusto ang coffee namin, you could do a survey dito sa sunod na counter. If not, you may just get out saka maghanap ng ibang coffee shop." Mahinahong sabi ni Bea.

"Well, if you can excuse, may susunod na pong mag-oorder."

After she told that to Alicia, Bea quickly gazed yung kakapasok palang nacustomer.

"Good morning po. How may-" She suddenly froze as she saw familiar faces.

It was Mary Rose Tan, the girl she met in Batangas. And kasama rin nito ang personal maid niya na si Erika. They look wealthy. Talagang hindi sila nagsusuot ng mumurahing mga damit.

'Miss Rose? Coincidence lang ba na nandito siya?' Bea asked herself habang nakatingin sa dalawang pumasok.

Mary Rose suddenly saw Bea saka nagbigay ng matamis na smile.

Napakurap ang dalaga dahil sa inasal nito.

'Huh? She smiled at me? Kala ko galit siya sakin?'

THUD!

SPLASH!!

Bea flinched nang bigla siyang nasurpresa sa umalingawngaw sa kanyang harapan.

"Oops. Sorry. My fingers slipped."

Tumaas ang isang kilay ni Alicia habang nakangiti't nakatutok ang tingin kay Bea. Kasabay nito ang mga chortle mula sa dalawa niyang kasama.

Bea's gaze fell sa nahulog na coffee sa sahig dulot para magsikalat ang mga brown colored drink.

Hi guys. From now, I've decided na mas marami na po ang third person POV sa pagnanarrate ng story.

Feel free to comment your thoughts.

Happy Reading po guys.

Xapkielcreators' thoughts
ตอนถัดไป