> NATE'S POV <
HAIST! KAINIS! SAAN ba nagsuot ang Cristy na yun? Patay malisya lang sa 'kin sina Edward, Kyle, Karl at Zab. Itong mga ungas na 'to di man lang makatulong. Nuturingang kaibigan di ako pinapansin. Siguro tiningnan na naman ng masama ni babe ang mga 'to kaya ayaw makialam. Nauna ko silang maging kaibigan pero sa 'kin di sila takot? Ugh!
"Alam ko na!" Nagtinginan yung apat na busy sa mga kausap nila. Tiningnan ko nga sila ng masama. Ayun napayuko sila nang sabay-sabay. Takot din pala sa 'kin 'tong mga 'to, eh! May naisip na akong brilliant idea!
Bumalik ako sa room namin at dire-diretso akong naglakad papunta kay Excuse me girl. Nagulat ata mga classmate namin? Ayun, nagbulungan na. "Sumama ka sa 'kin!" maangas kong sabi kay Excuse me girl. At sinipa ko pa yung paa nung upuan niya. Natakot ko ata siya? Pwes, plano ko talagang sindakin siya.
"A-Ako?" turo niya sa sarili niya. Halatang kinakabahan siya. Nag-smirked lang ako at tiningnan siya ng masama, at lalo atang siyang natakot?
"S-Saan tayo pu-" di ko na pinatapos yung sasabihin niya. Agad ko siyang hinawakan sa kamay at hinila palabas ng classroom. Ayun, lalong lumakas ang bulungan ng mga classmate namin.
Pagkalabas namin lalo pang dumami ang nagbubulungan. Pati yung mga ibang estudyanteng naglalakad sa hallway nakibulong na rin. Nagsilabasan ba naman kasi mga classmate namin. Ayun, center of attraction kami. Yung apat naman nakibulong lang! Haist! Magti-trending ata kami nito sa twitter sa mga bulungan nila. Iba na talaga ang sikat. Pero bahala sila kung anong iisipin nila, basta kailangan kong makita si Cristy. Kung di magpapakita si babe, siya ang papalabasin ko. Tiyak kapag nakita niyang kasama ko ang loser na 'to, lalabas siya. At siya mismo ang lalapit sa 'kin.
"Ba't sila magka-holding hands?" rinig kong sabi ng babae sa kausap niya. Ano daw? Oo nga pala, hawak ko pa ang kamay ni Excuse me girl habang hila-hila ko siya. Pero teka, nakangiti ba siya? Parang nag-i-enjoy pa, hah? Binitawan ko nga at sa braso ko siya hinawakan.
"Ah!" narinig kong daing niya, at yumuko lang siya. Di ako nag-sorry. Well, ba't ako magso-sorry kung sinadya ko? Ewan ko ba ba't ito ang napagbuntungan ko. Kung tutuusin wala naman talaga siyang mali sa nangyari.
~~~
> CHELSA'S POV <
WALA BANG GENTLE sa katawan ang lalaking 'to? Yun ang natanong ko sa sarili ko habang pasimpleng sumusulyap sa Star ko. Pero ngayon ang mukha niya parang Black hole, katakot! Ang laki pa ng hakbang niya. Patakbo na tuloy akong nakasunod sa kanya. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko. Kanina pa kaya kami lakad nang lakad. Halos nalibot na kasi namin 'tong building di pa rin kami humihinto.
Tumigil siya sa paglalakad. "Dadalhin talaga? Sa tingin mo may pagdadalhan ako sa 'yo?" pinagtaasan niya ako ng kilay at nag-smirked pa siya. Cute niya sa lagay na yun. Kaso sungit naman, nagtatanong lang?
"Eh, sa'n ba talaga tayo pupunta? Pinagtitinginan na tayo!" Muli kong tanong nang muli kaming maglakad. Sa bawat madaanan kasi namin nagbubulungan yung mga estudyante at pinagtitinginan kami. Ngayon ko lang naranasan pagtinginan nang ganito. May iba pa na parang gusto akong lunukin ng buo.
Huminto siya. "Basta samahan mo lang ako. At wag kang mag-alala, di sila sa 'yo nakatingin, sa 'kin lang." at muli kaming naglakad. Nagustuhan ko yung idea na samahan ko lang siya. Pero yung huli niyang sinabi, wow, hah?! Hiyang-hiya naman ako sa gwapong mukha nitong crush kong 'to! "Gusto mo naman akong kasama, di ba?" biglang tanong niya.
"Oo!" huwaaat?! Tinanong niya ba yun? Oo ba sagot ko? Waaahh!
Napatigil siya sa paglalakad. "So, gusto mo nga ako?"
"Matagal na!" waaahh! Ba't ang bunganga ko di tumigil?!
"Ano? Matagal na? stalker ba kita?" natatawang tanong niya.
"A-Ano? S-Sabi ko, kung matagal pa ba tayong maglalakad? Napapagod na kasi ako!" pinandilitan ko siya ng mata. Parang nasindak ko naman siya? Tapos inalis ko yung pagkakahawak niya sa braso ko at iniwan ko siya.
Hinabol niya ako at muli akong hinawakan, sa…sa kamay? "Sabi ko samahan mo lang ako." Sambit niya. Waaahh! Holding hands na naman kami ngayon!
Parang huminto ang oras. May sasabihin sana ako pero natigilan ako. Nilingon ko siya, nakatingin siya sa 'kin. Tumango lang ako sa sinabi niya. Parang dejavu, parang yung pakiramdam nung una ko siyang nakita sa restroom, kumikislap siya. Super gwapo! Superb!
Di na masakit sa kamay ang pagkakahawak niya. Tapos bumagal din ang paglalakad niya. Ayyeeeii! May care naman pala? Gentleman din? Sayang walang tao sa parting 'to ng building, nasa dulo na kasi 'to. Walang makakakita – sayang naman!
Pero kaya pala siya bumagal dahil bababa kami ng hagdan. Bigla siyang tumigil ilang hakbang lang pagkababa namin ng hagdan, at napatigil din ako – nag-uusap na babae at lalaki ang nagpatigil sa paglalakad niya. Nagulat ang mga ito nang makita kami ni Nate. Yung babae, sa kamay namin nakatitig, at binitawan ni Nate ang kamay ko.
Tiningnan ako nang masama nung babae, si Cristy. Kasama si Kristan na taga-kabilang section? Balita ko ex niya yun? Ba't sila magkasama? Parang ang seryoso pa nang usapan nila kanina bago kami dumating. Kaya pala sumama yung hitsura ni Nate, galit na galit siya. Kung nasa loob 'to ng anime siguro umusok na ang ilong at tainga nito? At baka bumuga pa ng apoy?
Walang kibong lumapit si Nate sa dalawa. Hinawakan niya sa kamay si Cristy. Aalis na sana sila pero pinigilan sila ni Kristan. Hinawakan nito ang isa pang kamay ni Cristy. Hala! Alam ko ang eksenang 'to, eh? Para akong nasa loob ng K-drama. Haba ng hair ni Cristy – pinag-aagawan ng mga boys. At ang gwa-gwapo! Nag-rejoice ka ba girl? So, ano pala ako sa eksenang 'to? Extra? Sana all!
"Pre, nag-uusap pa kami." Si Kristan. Nangangamoy away.
"Pare ba kita?" maangas na tanong ni Nate. "Bitawan mo ang girlfriend ko, kung ayaw mong paduguin ko ulit ang bunganga mo!" naku! Dapat siguro umalis na ako. Pero bakit di ako umaalis?
"Relax, Nate. Masyado ka naman atang hot?" si Kristan na parang nang-iinsulto ang pagkakasabi. Nakangiti itong binitawan ang kamay ni Cristy at itinaas pa ang dalawang kamay niya.
Nag-smirked si Nate. "I was born hot! Wala na akong magagawa dun!" at nagtitigan sila ni Kristan. Ang sama ng tinginan nila. Pero parang gusto kung matawa sa sinabi ni Nate. Kaso baka mabaling ang tingin nila sa 'kin. Sabagay, hot naman talaga siya.
"Nate, tayo na!" si Cristy at hinila niya si Nate palayo. Dumaan sila sa harap ko at tiningnan pa ako ng masama ni Cristy.
Natigilan na lang ako. Napaatras ako at tiningnan ko na lang sila paakyat ng hagdan. Bago ako umalis tiningnan ko si Kristan, napatingin din siya sa 'kin. Nakita ko sa mata niya ang lungkot. Napansin ko ang kamay niyang may hawak na kwentas. Siguro para kay Cristy yun? Gwapo naman si Kristan, badboy nga lang ang dating niya. Tipong wala araw na di gagawa ng kalokohan.
Pagka-akyat ko ng hagdan naabutan ko sina Nate at Cristy. Parang nag-aaway ata sila? Di ko alam kung tutuloy ba ako sa paglalakad at dededmahin na lang sila?
"Ba't kasama mo siya? Anong pinag-uusapan n'yo?" si Nate.
Napayuko ako ng tingnan ako ni Cristy. Parang gusto niya akong sugurin.
"Ikaw, ba't kasama mo yan?" si Cristy. Pero sa 'kin siya nakatingin. Kung maka-yan? Parang di ako person?
Tiningna ako ni Nate. Pero bigla niya rin binawi. "Ako ang unang nagtanong. Ba't kasama mo siya?"
"Nadatnan niya lang ako dun." Muli akong tiningnan ni Cristy. "Ba't kasama mo siya?"
"Nagpasama lang ako sa kanya. Naisip ko na kapag nakita mong kasama ko siya, ikaw mismo ang lalapit sa 'kin. Kaso nandun ka pala – kausap ang ex mo."
Ngumiti si Cristy. "Selos ka?"
"Hindi!"
Yumakap si Cristy kay Nate. "Weh? At kaya mo kasama ang loser na yan para pagselosin ako?" tumango si Nate na nagpatawa kay Cristy.
Ano daw? So, yun ang papel ko sa eksenang yun? Okay lang, di naman pala ako extra lang. Kahit pa'no, tume-third wheel ako sa kanila. Pero ouch, hah! Grabe! Boom tagos! Sakit! At kung maka-loser naman sila sa 'kin!
Naglakad na silang palayo na magkahawak kamay. Pabalik na siguro sa classroom? Nakatingin lang ako sa kanila. Nakita kong lumingon sa 'kin si Nate, pero bigla rin binawi. Nakakatawa lang. Ba't parang naluluha ako? Tumalikod ako para di ko sila makita. Ewan? Ba't ganun? Naiiyak ba ako? Pero nakangiti naman ako? Pero dumaloy na lang ang luha ko? Ganito pala yung sakit na yun? Ganun pala? Parang nakakawalang gana. Parang nakakatamad. Parang ewan lang.
"In love na nga siguro ako? Pag-ibig na nga yata 'to? Kasi nasasaktan na ako." Mahinang sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ko ang luha ko. Dalawa nga pala talaga ang mukha ng pag-ibig – joy and pain. At ang one sided love pala, wala pang joy nasa pain stage na.